Chapter Twenty
🍕
KINOMPRONTA ni Jeasabelle si Alicia. "Kanino talaga galing 'yon?"
"Kanino ba sa tingin mo?"
Base sa nakikita niyang panunukso sa labi nito, nakumpirma niyang kagagawan nga iyon ni Danrick. Sinabi nito na inutusan lang ito ni Danrick. Tumanggi pa nga ang kaibigan dahil ayaw na sana na magkaroon na siya ng connection kay Danrick. Pero nablackmail naman ito ni Andrew.
"Walanghiyang magpinsan iyon, napagkaisahan ako. Kaya ayan, ako pa talaga naging tulay para magpakagaga ka na naman."
Parang lumukso ulit ang puso niya. Si Danrick, namiss siya? For real?
"Oh, di ba 'yang ngiti mong 'yan, umaasa na agad."
Nabura ang ngiti niya. "Umaasa agad? Hindi ba pwedeng flattered lang?"
"Well, I know you and kahit hindi mo aminin sa akin, lalo na sa sarili mo. Umaasa ka talagang gaga ka. Wag ka nang maang-maangan. Masyadong obvious 'yang pagbu-blush mo 'te."
Inirapan niya ito. "Tingin mo ba ganoon na ako katanga? Nadapa na ako, tatakbo pa ulit ako?"
"Mali. Kapag nadapa ka, natural masasaktan ka, magkakasugat ka. Masakit, pero kailangan mo magpatuloy sa pagtakbo kasi iyon ang paraan para mag-move on."
"Paano kung 'yong direksyong tatakbuhin ko ay papunta pa rin doon sa taong dahilan kung bakit ako nasaktan?" Nahihirapan na bumuga siya ng hangin. "Sobrang kalandian na ba 'yon?"
Umiling ito. "Hindi na kalandian 'yan. Katangahan na."
And maybe, her friend was right.
Katangahan na nga siguro. Pero sino ba ang hindi naging tanga pagdating sa laro ng pag-ibig?
BUONG araw na naging laman ng isip niya si Danrick. She wanted to curse herself. Anong nangyari sa drama niya na magmo-move on na?
Nabigyan lang siya ng burger at may sticky note na nagsasabing namimiss siya. Balik na ulit siya sa dating gawi na magpakagaga sa kakaisip dito. Nakukuha lang ba siya sa isang burger?
Hmm. Why not? Food is life.
No, no, no!
Dapat magfocus siya sa ibang bagay at hindi kay Danrick. Kaya kinagabihan, niyaya niya ang mga kaibigan sa bahay niya para magparty at manood ng movie.
Hindi lang sina Alicia at Cathy na siyang malapit sa kanya ang nandoon. Pati ang Big Beauties sister niya na si Tephany at Anastacia ay pumunta. Kahit ang dalawang baklang parlorista na sina Duketa at Erika ay naroon.
Pinuno ng tawanan at chikahan ang buong bahay niya. Not to mention that they're watching a p*rn movie. Iyon ang isinalang ng baklang Erika.
"Hoy, may bata dito!" sigaw ni Alicia at itinuro si Tephany.
"Teh, twenty five na ako!" Umingos ito. "Porke ako pinakapandak dito, bata agad?!" Ito talaga ang isa sa pinakamaliit na member ng club. Sa height na 5'3, parang bunso tuloy ito. Kumpara sa kanilang lahat na nasa 5'7 pataas ang height.
Natigil ang hiyawan nang may kumatok mula sa labas. Sumilip siya sa bintana.
"Pizza delivery, ma'am!"
Napakunot noo na lumingon siya sa mga kaibigan. "Gurls! Sino sa inyo ang nag-order ng pizza?"
"Wala. Are you kidding? Diet kami lahat dito. Tanungin mo 'yong dalawang baklush."
"Hindi naman pizza gusto ng dalawang yun eh. Footlong."
Binuksan niya ang pinto at lumabas. "Kuya, sure kayo nasa tamang address kayo?"
Ngumiti ang binatilyo. "Siguradong-sigurado, ma'am!"
At may kumislap na pamilyaridad sa isip niya. Hindi niya sigurado kung nakita na ba niya ito o hindi. Pero ang gwapo nito. Mukhang teens pa lang pero parang nasa twenties na sa lapad ng mga balikat at laki ng mga braso.
Kung papapasukin niya ito sa loob, baka ito pa orderin ng dalawang bakla.
Nahihiyang ngumiti si Jeasabelle. "Pero wala naman kasi sa amin na tumawag para umorder--"
"Ma'am, wag na kayong mag-alala. May payment na 'to. Tanggapin n'yo na lang."
"Ha? Eh, baka mamaya may lason 'yan, kuya ha?" Pero wala naman siyang kilalang may galit sa kanya kaya imposible 'yon. Ipinilit ng binata na tanggapin niya 'yon. Kahina-hinala pero inabot na lang din niya. "Naku, sure ka ba talaga dito 'to ha? Baka wrong turn 'to."
"Sure 'yan, ma'am. Kulit naman." Napakamot ito sa batok. Wait, parang pamilyar nga talaga ang mukha ng binatilyo.. Ang kulay brown nitong mga mata, matangos na ilong.. At hindi maipagkakaila ang spanish features nito.
Tila may batong sumapol sa ulo niya at narealize kung sino ang kausap.
Aha. Napangiti siya.
"Ay, teka, baka may lamang bomba 'to ha?" Tatlong box ng pizza ang hawak niya. Dapat ba siyang matuwa o maasar?
"Wala nga po, Ma'am. Okay na po ba? Aalis na ako?"
"Hala, naiinip?" Parang di alam ng binatilyo ang gagawin at natutuwa siya sa nakikita niyang pagkabala sa mukha nito. Ngayon lang niya napansin na parang hindi ito komportable, at hindi nito alam ang gagawin.
"Sige na, umalis ka na. Ingat ka sa pagda-drive ha? Pasensyahan mo na 'yong kuya mo." Kinindatan niya ito.
Nanlaki ang mata nito at pigil ang sarili na mapahagalpak ng tawa. Tinalikuran na niya ito at pumasok sa loob.
Pagbungad pa lang niya sa loob sinalubong na siya ng dalawang bakla. Parang mga asong naglalaway na hinabol pa ng tingin ang binatilyong papaalis na.
"Madam, bakit mo naman di kami tinawag? Kami na sana ang tumanggap nyan!" may reklamo sa boses ni Duketa.
"Tumigil kayo. Hindi kayo papatulan nun," nakaingos na sabi niya at inilagay sa mesa ang tatlong box ng pizza na family size. Family size talaga, ha?
May sticky note na namang nakalagay doon.
Enjoy the party, babe! - D
Umismid siya. "Babe-in mo mukha mo." Hindi na talaga siya magpapadala sa ganoon, ano.
But deep inside her, she appreciate the effort. Pati ang nakababatang kapatid nito talagang kinasabwat pa. Hindi niya alam kung sadyang nagpapahalata ba ito. Sa lahat ng pwedeng kasabwatin ay 'yong kahawig pa talaga nito.
"So, sino nga nag-order?" Nasa likod na niya si Alicia bago pa niya malaman. Huli na para maitago niya ang sticky note. Mabilis na nadampot iyon ng kaibigan. Pagkatapos ay tumingin sa kanya at ngumisi.
"Babe pala, ha."
"Hindi niya ako madadala sa pag-babe niya."
"Talaga ba? Bakit may pag-blush?"
Totoo 'yun. Pero hindi niya mapigilan pag-initan ng mukha. Dahil sa loob-loob niya, hindi rin niya mapigil ang kilig. Di na siya tinukso pa ng kaibigan. Dinala na nito ang tatlong box ng pizza kung saan nagkakasiyahan ang mga kaibigan.
Naiwan siya sa kusina at binuksan ang cellphone.
Parang gusto niyang tawagan si Danrick at murahin ito, pagkatapos ay sabihan na tigilan na siya. Ginugulo talaga nito ang sistema niya.
Bakit ba may mga lalaki katulad nito? 'Yong hindi ka naman mahal, pero patuloy kang nilalandi. Kung hindi naman siya mamahalin nito, sana wag na lang siya landiin.
Nagsalubong ang kilay ni Jeasabelle nang lumitaw ang isang notification sa screen. Galing sa Instagram niya ang notif.
Danilo mentioned you in a story.
Binuksan niya iyon.
Napaawang ang mga labi niya sa bumungad sa kanya.
Si Danrick iyon, nakaupo sa kama nito. At ang walanghiya, nagpapatakam na naman ng mga babaeng hulog na hulog dito. Nahubad ito. As in hubo't hubad, at malinaw na kumot lang ang tumatakip sa pangibabang katawan nito!
Parang after sex ang pagkakakuha ng picture na 'yon. Namimilyo ang titig nito sa camera habang mapang-akit na kagat ang isang slice ng pizza. Pero hindi lang iyon ang nakapagpanganga sa kanya, kundi ang caption doon.
I like you more than pizza, and I really like pizza. @dyosabelle
Napalunok ang dalaga, mas lalong kumalat ang kulay sa mukha. Agad na tumakbo siya sa mga kaibigan sa sala at inagaw ang box ng pizza na akmang bubuksan pa lang ni Cathy.
"WALANG KAKAIN NG PIZZA KO!"
HINDI tumigil doon si Danrick. Nang mga sumunod na araw ay patuloy ang pagpapadala nito sa kanya ng kung ano ano. Mga foods na alam nitong panira sa healthy diet niya.
Kung ganoon ang paraan nito ng panunuyo sa ibang babae, baka lalo pa ditong magalit at magtampo. Bakit foods? Hindi ba uso dito ang flowers?
"Oh, footlong hotdogs naman! Kakaiba si Fafa D mo, oh. This time galing sa mismong fast food business na niya. Promote promote din!" sabi ni Cathy nang ilapag sa harap niya ang isang supot.
"Pero te, parang para sa 'yo lang yata 'to. Kasi nag-iba ang tagline nila para sa 'yo eh."
Nakalagay pa sa supot ang logo ng Danilo's at ang tagline ng mga ito... Relish the hugeness.
Ang walanghiya, binago nga nito ang tagline. Mula sa relish the moment, naging relish the hugeness. May ipinapaalala ba ito sa kanya?!
Naaasar na kinuha agad niya ang sticky note doon at pinasadahan ng basa. Napatili si Jeasabelle sa inis.
"Hala, anong nangyari sa 'yo?" curious na tanong ng kaibigan at inagaw sa kanya ang sticky note. Ipinaubaya naman niya iyon.
"Para ka namang gaga dyan, teka ano ba 'to..." Binasa nito ang nakasulat.
"Here's Danilo's footlong hotdogs to remind you of how you love to worship every inch of me."
Napatakip ng bibig si Cathy at tumingin sa kanya.
"Huwag ka tumawa d'yan! Hindi lang ako ang hindi sumunod sa rule na---"
"Don't subo?"
"Leche!"
Nang araw din na 'yon, hindi na rin siya nakatiis. With her black Dolce and Gabbana mesh booties, sinugod niya ang opisina ni Danrick.
🌭
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top