Chapter Thirty Two
🌻
HINDI maganda ang pakiramdam ni Jeasabelle. Napauwi siya sa bahay niya ng wala sa oras. Sapo niya ang puson niya at ramdam niya sakit doon.
Gusto niyang mapaiyak, ngunit tiniis niya iyon hanggang sa makarating na siya sa bahay. Basta na lang niya inihagis ang bag sa sahig. Hinubad niya ang five-inch heels na suot niya at inihagis na lang din niya iyon kung saan.
Kapagkuwan humiga sa mahabang sofa niya. Chineck niya ang calendar niya sa kanyang phone at doon niya nakumpirma. Jusko, time of the month na naman pala kaya nagkakaroon na naman siya ng muscle cramps.
Kaya pala mainit ang ulo niya mula pa kaninang umaga. Parang mabigat na ang pakiramdam niya. Inignora niya sa pag-aakala na dala lang ng ilang gabi na halos walang tulog. It was an uncomfortable feeling. Tapos kaninang nasa clothing store siya, bigla na lang siyang napaigik sa sakit. Nanunuot ang kirot sa puson niya.
Kapag ganoon inaatake siya ng dysmenorrhea, alam niya na buong araw niya iyong iindahin. Hindi siya makakapagtrabaho kaya nagpaalam na lang siya at umuwi.
Nakapikit na ang mga mata niya nang makarinig siya ng igik, na sinundan ng pag-uga ng kama.. Inignora niya iyon. Mas iniinda niya ang pagsakit ng puson niya kesa sa kababalaghan na naririnig niya...
"Ang sikip mo talaga, mahal."
"Hmft! Binobola mo pa ko. O, eto 1k.. Balik ka ulit, ha? Sa sunod ganun ulit, ha?"
"Gusto mo anakan pa kita, eh."
At humagikhik ang malanding bakla.
"Anak ng.." Napabangon si Jeasabelle ng wala sa oras. Pababa ng hagdan ang tiyuhin niya at ang isang matangkad na binata. Naglalandian pa sa hagdan ang dalawa. "Ay, ano 'to?" naeeskandalong bulalas niya.
"Jeasabelle 'nak?" Gulat na sabi ng bakla. "'Nak, anong ginagawa mo dito?" At sa paraan ng pagkakasabi nito nun ay papasa itong copycat ni Silvia Sanchez.
Nalukot ang mukha niya nang makilala niya ang binatilyo. Parang sumakit ang ulo niya. Napansin iyon ng malanding tiyuhin niya kaya dali dali na nitong pinaalis ang lalaki. Sinundan niya ng tingin ang dalawa. Di nakaligtas sa pandinig niya ang boses ng bakla. "Sa susunod ulit, ha?"
Nasapo niya ang ulo at bumalik sa sofa.
"Bakit hindi ka naman nagsabi na uuwi ka pala?" tanong ng Tita Berto niya pagkasara ng pinto at nakapameywang na hinarap siya.
"Ay, teka bakit parang kasalanan ko pa, Tita? Hindi ba kayo dapat tinatanong ko bakit nagdala kayo dito ng lalaki? Ano ba naman 'yan, Tita. Binaboy nyo pa 'yong guestroom!"
"Binaboy agad? Dog style naman 'yon."
"Ugh! Tita!"
"Di ko naman alam na dadating ka. Di na mauulit. Talaga lang na hindi pwede doon sa bahay ko, eh.."
"Eh, malamang Tita! Anak ng kumare mo 'yung si Junyorr! Tapos tinitikman mo na agad. Jusko po naman, Tita! Ilang taon na ba 'yon? Sixteen?"
"Grabe ka naman, seventeen na 'yun! Turning eighteen na. Pumayag lang magpabooking dahil birthday niya next week."
"Minor pa rin, Tita! And that's not okay. Wag mo na talaga ulitin."
Hiyang-hiya na tumango ito at umiwas ng tingin sa kanya. Napasinghap siya nang muling sumakit ang puson niya. The stabbing pain was there, at tangina mamatay na yata siya. Okay, ang exagge na nung mamatay agad.
"Huy, anong nangyayari sa 'yo?" Napansin nito ang kamay niyang nakahawak sa puson niya. "Hala, bakit parang umumbok ang tiyan mo? Buntis ka ba?!"
"Nang-aasar ka ba Tita? Alam kong nadagdagan ang taba ko." Siya ba naman ang busugin lagi ni Danrick. Hindi niya alam kung paano ito nagiging fit kung ganun ito kasarap magluto. Tuloy lagi siyang busog sa pagkain, at sa sex. Parehas masarap. Kaya parehas mahirap tanggihan. She mentally giggled at the thought.
"Ano ba masakit sa 'yo?"
"May dysmenorrhea nga ako, tita. Kaya ako umuwi."
"Ayun, gusto mo ba ibili kita ng gamot?"
"Ayaw ko inuman ng gamot 'to, Tita. Hot compress na lang, magiging okay din ako mamaya."
Agad naman na nagprepare ng hot compress ang tiyuhin para sa kanya. Pinalipat siya nito sa kwarto niya para mas maging komportable ang higa. Ito ang umasikaso sa kanya. Hindi niya mapigilan maging emosyonal habang inaasikaso siya nito. Naalala niya 'yong mga beses na kapag nagkakasakit siya, ito lang talaga tumitingin sa kanya. Halos hindi na ito natutulog para lang maalagaan siya.
At kahit ngayon na malaki na siya, hindi pa rin ito nagbabago.
May tumawag dito na kliyente nito sa trabaho at kailangan nito umalis. Kaso ayaw daw siya nito iwanan na masama pakiramdam niya.
"Ano ka ba, Tita? Malaki na ako. Menstrual cramps lang 'to."
"Ano, sigurado ka ba? Wala kang kasama dito."
"Okay lang nga ako, Tita. Alis ka na."
Parang hindi ito kumbinsido at ayaw siyang iwanan. May pag-aalala sa mukha, dinampot nito ang cellphone niya sa ibabaw ng table niya. "Ayaw ko talaga iwanan ka, eh. Kaya para sa ikakakomportable ko, tatawagan ko 'yung jowa mo."
"Tita!! Wala akong jowa, ano ka ba!"
Umismid ito. "Tigilan mo ako, babae ka. Nakita kitang sinusundo noong si Hidalgo sa salon mo nung isang araw." Lumabi ito, parang nagtatampo. "Di ka man lang nagsasabi sa akin jowa mo na pala ang isa sa mga Hidalgo."
"Hindi ko naman kasi jowa si Danrick."
"Eh, ano lang kayo? Kangkangan lang?"
Dahan-dahan siyang tumango at parang nalaglagan ng etits sa mukha ang bakla. Napaikot ang mga mata niya. "Next time na natin pag-usapan ang tungkol sa 'min, tita. Ngayon umalis na kayo at importante pa 'yang tawag sa 'yo. Kaya ko naman ang sarili ko. Kailangan ko lang ng pahinga."
"Sige na nga." Bumuntong-hininga ito at tinungo ang pinto ng kwarto. Ngunit sa isang iglap nasa tabi na ulit niya ang bakla. "Daks daw ba talaga?"
"Tita naman!"
"Ito naman, nagtatanong lang."
Iniwanan na rin siya nito. Pinilit niya matulog pagkaalis nito. Nagising lang siya sa sunod sunod na ring ng cellphone niya. Hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya. Parang lalagnatin na siya.
Inabot niya ang cellphone niyang patuloy na nagriring. Then, she rejected the call. Hindi na niya tiningnan kung sino 'yun at bumalik sa pagtulog.
Babalik pa lang ulit siya sa paghiga nang magring na naman iyon.
"Sino ba 'tong.." Nataranta siya pagkakita sa pangalan ni Danrick. Kanina pa itong tumatawag?
Umayos siya ng upo at sinagot iyon. "Why are you not answering my calls?"
"Ahh.. S-sorry.. May ginagawa lang ako." Napasinghap siya at napaungol sa pagkirot sa puson niya.
"Are you okay?"
"O-Okay lang ako. Bakit ka ba tumawag kasi?"
"Gusto ko sanang magkita tayo ngayon. Kumain ka na ba ng lunch?"
"Oo, nag-lunch na ako," pagsisinungaling ng dalaga. "Danrick, pwede ba saka mo na ako tawagan? Busy lang ako ngayon." Ayaw na niyang mag-alala pa ito kapag sinabi niyang may dinadamdam siya ngayon. Kilala niya si Danrick. Siguradong iiwanan agad nito ang trabaho para mapuntahan siya.
Wala sa sariling napangiti siya.
Sandaling natahimik ang lalaki. "Nasaan ka ba ngayon?"
Muli kumirot ang puson niya. Napapikit siya at impit na napaungol. "Ahh.. D-Danrick, sige na mamaya na lang ulit. Bye."
Pinutol niya ang tawag. Humiga siya. Pinagtatalunan niya sa isip kung iinom na ba siya ng gamot. Pero hindi kasi niya sinasanay ang sarili na uminom ng gamot pag may dysmenorrhea siya.
Sinet muna niya ng silent ang cellphone niya para hindi magring iyon pag may tumawag ulit sa kanya.
Muli siyang bumalik sa pagtulog.
Wala pa yatang isang oras ulit siyang nakakatulog ng marinig niya ang malalakas na katok sa pinto niya. Akala niya nananaginip lang siya ng marinig ang boses ni Danrick. Galit ito.. parang nagwawala.. Bakit naman ito galit sa panaginip siya? Nakikita niya ang gwapong mukha nito na namumula sa galit..
At kahit galit ito, ang gwapo pa rin nito. Alam mo 'yong kahit galit siya, parang gusto mo pang ibalya ka na lang niya sa kama? Tapos huhubaran siya, ibubuka ang mga hita niya at itututok sa kanya ang galit ring sandata.. Why so galit, bebe, hmm.
Napabalikwas na lang siya ng marahas na bumukas ang pinto. Bumungad doon ang malaking katawan ni Danrick. At tulad sa panaginip niya, nakalarawan ang galit sa gwapong mukha ng lalaki.
"Danrick? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. At bakit galit ito? Gusto pa niyang itanong.
"Nasaan na?" may pang-aakusa sa boses ng lalaki na siyang lalong ikinagulo ng isip niya.
"Nasaan ang alin?"
"'Yung lalaki mo. Nasaan na nagtago?"
Nawindang na nagsalubong ang kilay niya. "Anong sabi mo?!"
Lumapit ito sa kanya at tinanggal ang kumot sa katawan niya. Napatiim-bagang ito, at nag-aakusa na tumingin sa kanya. Nagtataas-baba ang matipunong dibdib nito.
"Danrick, ano ito?" Nag-aalalang napatayo siya at nilapitan ito kahit may dinadamdam siya.
Ngunit napaatras ang lalaki sa kanya. "Ikaw lang ba dito? Kanina pa?"
"Yes? No?"
"N-No?"
"Nandito kanina ang Tita Berto ko. Pero umalis din." Pinag-aralan niya ang anyo ni Danrick. Naging malambot na ang ekspresyon nito at bahagyang kumalma ang katawan. Ngunit may maliit na tensyon pa rin siyang nababasa dito.
Hindi niya maintindihan kung bakit. Kung bakit ito nandoon.
"And you're alone?" he asked.
"Oo nga. Diretsuhin mo na nga lang ako, Danilo. Alam mo bang nagpapahinga ako kasi masama ang pakiramdam ko, tapos bigla kang dadating dito ng ganyan. Nanggugulat ka. Ano bang meron?" Umupo na ulit siya sa gilid ng kama.
Napalunok si Danrick. She saw relief in his eyes. Naningkit ang mga mata niya. Hindi kaya iniisip nitong may kasama siya sa bahay niya?
"Hindi mo naman siguro iniisip na nanlalalaki ako, ano?"
Hindi nito nasalubong ang mata niya.
"You're not answering my calls. Ilang beses kitang tinawagan pero hindi ka sumasagot."
"Sumagot ka, Danilo. Iniisip mo bang may lalaki ako dito?"
Nagtagis ang bagang nito. "Pinatayan mo ako ng tawag. Kinontact ulit kita, hindi ka na sumasagot."
"Sagutin mo ako. Iniisip mo bang may ka-sex ako?"
"I can hear you moaning.. Sa tawag. Habang kinakausap kita."
Napanganga siya. "So, ayun agad naisip mo? Na may lalaki akong ka-sex? Hindi pwedeng may masakit lang sa akin?"
"I'm sorry, babe. Hindi ko 'yun naisip. I was---"
"No, ayaw ko marinig paliwanag mo. Lumabas ka." Itinuro niya ang pinto.
"Babe." Lumapit sa kanya ang lalaki. Itinulak niya ito. Sa lahat ng hinalang mabubuo sa isip nito, iyon pa talaga ang naisip nito. Hindi niya mapigilan ang magalit.
"Ayaw kitang makita ngayon, Danrick. Lumabas ka, wag ka muna magpakita sa akin ngayon."
Marahas na naisuklay nito ang daliri sa buhok at napabuga. Saka mabibigat ang hakbang na lumabas sa kwarto niya.
🥀
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top