Chapter Thirty Six
💃
"HINDI ko maintindihan kung bakit kailangan mo 'to gawin, gurl."
Mula sa binabasang article ng men's health magazine, umangat ang mukha ni Jeasabelle. Sinalubong siya ng naka-kunot noong si Tephany.
Nandoon sila ngayon sa bahay niya, sa kusina. Maaga pa lang ay tinawagan na niya ito para igawa siya ng ibibigay na lunch kay Danrick mamaya. Mabuti na lang talaga at willing rin ito na tumulong sa kanya. Binabayaran din naman niya ito dahil sa oras na nilalaan nito. Hindi naman porke kaibigan eh, thank you na lang. Ayaw niya rin abusuhin ang kabaitan nito.
"Do you really have to do this? Mahal ka naman ni Danrick. Kahit hindi ka marunong magluto, maiintindihan naman niya 'yun."
Hindi siya nakapagsalita. Alam niya 'yun. Tatanggapin ni Danrick kahit di siya marunong magluto. Pero hindi lang iyon tungkol doon. She want to impressed him. Gusto niyang higitan lahat ng ginawa ni Gianna sa lalaki noon.
She wanted to be everything that he wants in a woman. Gusto niya siya lang 'yon.
"Dahil 'to sa ex niya 'no? Balita ko nandito na ulit si Gianna," sabi nito nang wala siyang masabi. "She's still working at Hidalgo's. Kahit pagkatapos ng break-up nila ni Danrick. Nagbakasyon lang siya sa Europe ng ilang linggo."
Personal na kilala ni Tephany si Gianna. Malayong pinsan nito ang babae.
Alam rin niya ang pagiging parte ni Gianna sa kompanya ng mga Hidalgo. Ofcourse, Gianna's a Montez. Kilala sa mundo ng pulitika at negosyo ang mga Montez. Hindi na sa kanya bagong balita ang pagiging matagal na magkaibigan ng pamilya ni Gianna at Danrick. Bago pa man ligawan ni Danrick noon si Gianna, may connection na talaga ang mga ito sa isa't isa.
Kaya hindi rin niya masisisi ang sarili.
"Alam ko bago pa lang kayo ni Danrick. Pero hindi mo naman kailangan ma-insecure kay Gianna. Mag-ex na sila."
She inhaled sharply. "No."
"C'mon, gurl. Hindi naman mahirap aminin---"
"Pero hindi talaga. I don't feel threatened. I don't feel any kind of jealousy and insecurities knowing that Gianna's back. Masyado akong maganda to feel that."
Napataas ang kilay ni Tephany. Hindi niya iyon pinansin.
"At saka kahit nandito na ulit siya, wala na sa kanyang paki si Danrick. Wala na rin siyang babalikan kay Danrick kung may balak siya. Danrick's mine."
Nagkibit-balikat ang kaibigan at marahang bumuga ng hangin. "Nice! That's good to hear. Maganda 'yan sa relasyon. 'Yung may tiwala ka sa partner mo."
"Hindi lang dapat tiwala ka sa partner mo. Mas maganda na tiwala ka sa ganda mo," confident na sabi niya, flipping her hair. "May sasabihin ka pa?"
"Malakas 'yung electric fan. Papatay, bes."
PERO sino ba ang niloloko niya? Kahit sabihin niya sa mga kaibigan niya na wala siyang nararamdaman na insecurity sa ex ni Danrick, hindi niya maloloko ang sarili. Alam niya sa sarili na kuko lang siya ni Gianna. Sa lahat ng aspeto, mapag-iiwanan siya ng babae. Kaya hindi niya gugustuhin ang makumpara dito. Dahil sigurado na masasaktan lang siya.
Ngunit tulad ng sinabi niya noon, love is like a game. It's like a gamble and she need to play better. At gagamitin niyang advantage na may relasyon na sila ni Danrick. Sasamantalahin niyang sa kanya ito ngayon.
Akala ba ng mga kaibigan niya kapag ex na, ex lang? Kapag past, past lang?
Hindi siya ipinanganak kahapon. Kahit ang ex, pwedeng balikan kung gugustuhin. Kung mahal pa rin..
She shook her head.
God, this is wrong. Mali 'tong iniisip niya. Mali na pinaghihinalaan niya ang nararamdaman ni Danrick sa kanya. Sinabi na nito sa kanyang mahal siya nito. Hindi nito sinabi lang, ipinaramdam pa. At lagi nitong ipinapakita sa kanya na totoo ang nararamdaman nito.
He loves her and it's real.
Siya itong nagiging praning. Siya itong insecure at selosa agad dahil lang sa kaalaman na bumalik na si Gianna. She silently cursed herself.
"Si Danrick?" nakangiting tanong niya sa sekretarya nito nang sadyain niya ito sa opisina. Dala niya ang lunch nito. Kahapon dinalhan din niya ito ng lunch na si Tephany ang nagprepare. Ngayon, ganun din ang gagawin niya. Nagustuhan kasi ng lalaki ang lunch na dala niya.
Hindi na nga ito lumabas pa ng opisina at sabay na lang din sila nag-lunch doon. Pero ngayon di niya sinabi na darating siya. Because she wanted to surprise him.
"Nandito ba siya?"
"Aww, sorry, ma'am. Lumabas sila para mag-lunch."
Nalaglag ang balikat niya. "Ay, ganoon? Sayang naman may dinala na akong lunch para sa kanya, eh." Tiningnan niya ang relos. Nagsalubong na ibinalik niya ang tingin sa sekretarya ng lalaki. "Hindi pa naman lunch time niya. Maaga pa.. Bakit.."
"Eh, kasi po kasama niya si Ma'am Gianna."
"G-Gianna? Gianna Mendez?"
"Opo, 'yung dati niyang girlfriend na model." Ngumiti ito, at may something sa paraan ng ngiti nito ang hindi niya nagustuhan. It was like an insulting smile to her.
She felt a lump in her throat. "Pumunta dito si Gianna?"
"Yes, ma'am. Kanina pa silang nag-uusap sa loob bago sila umalis para mag-lunch. Kakaalis lang nila, actually."
Matagal na tinitigan niya ang babae. Hindi niya alam kung may ibang intensyon ito sa sinabi. Pero hindi naman siguro ito gagawa ng kwento. Maybe she was telling the truth. Pumunta doon si Gianna at kasama ngayon nito ang nobyo. She get it. Magkasama ngayon si Danrick at ang ex nito. Hot, dark jealousy shot through her blood. Pinigil niya ang sariling maramdaman iyon.
"Baka mamaya pa, ma'am, ang balik nila. Gusto nyo ba ako na ang mag-abot kay Sir o hintayin nyo na lang sila?"
Hindi na siya manhid para hindi maramdaman na ayaw sa kanya ng sekretarya ni Danrick. Malinaw na boto ito kay Gianna. Hula niya iniisip na nito ang tsansa na magkabalikan ang dalawa. Nag-iilusyon ito kung hahayaan niyang mangyari 'yon.
Matamis na nginitian niya ang babae. "Hindi na kailangan. Wag ka na lang din mag-abala na sabihing dumaan dito ang girlfriend niya. Sa akin din naman siya umuuwi kaya..."
Umangat ang kilay ng babae at nakita niya ang pagpipigil nito na mapa-ismid. Pinigilan niyang sabunutan ang bruha.
"Kaya ako na lang mag-uulit na pinuntahan ko siya. Have a good day." Iniwan niya ito ng matamis na ngiti bago nagmartsa paalis.
HINDI niya kinompronta si Danrick. Bakit niya gagawin iyon? Nag-lunch lang naman ito kasama si Gianna. Ang sobrang ganda at sobrang sex na ex-girlfriend nito. Wala naman itong ginawang masama.
May tiwala siya kay Danrick. Kung ano man ang namagitan dito at kay Gianna sa loob ng ilang oras na nagkita ulit ang mga ito, wala na siya doon. She just have to trust him. He loves her, and she need to believe him. To have faith.
Hindi rin iyon sinabi sa kanya ni Danrick. Walang sinabi ito tungkol sa ex nito. Siguro, dahil wala naman talagang dapat ipaliwanag sa kanya. At kung mag-explain ito, parang magiging defensive ito sa kanya. Lalo't hindi naman siya nagtatanong. Mas lalo siyang maghihinala sa ganoon..
She let out a heavy sigh..
Kailangan niyang panlabanan ang insecurity na nararamdaman niya. Ang pagseselos niya. Babago pa lang sila ni Danrick. She have no right to be clingy and possessive to him.
"I really can't believe it. Ang sasarap ng mga luto mo ngayon, babe." sabi ni Danrick pagkatapos nila mag-dinner. As usual, si Tephany talaga ang gumagawa ng mga 'yon. At siya lang ang nagpapanggap na niluto 'yun. Dinaig pa niya ang poser. Fucking poser.
Hindi niya alam kung paano niya natitiis na habang pinupuri ni Danrick ang mga luto ni Tephany ay nagagawa niyang ngumiti ng matamis. Maybe, because she just want to see him happy? Gusto lang niya makita na ngumiti ito. Maging masaya lang ito, sapat na sa kanya. Kahit alam niya sa sarili na niloloko niya ito. Making him believe that she can cook, at siya ang nagluluto ng mga pinapakain dito.
Hindi niya alam paano niya iyon nakakaya.
"Masarap ba?" Lumabi siya at bumaba ang tingin. "Parang hindi nga masarap 'yung luto ko ngayon. Pagod ako, eh."
Inakbayan siya nito. Nakaupo sila ngayon sa sofa at nanonood ng action movie na pinili nito. Hindi niya naiintindihan ang pinapanood nito sa totoo lang. Masaya na siya sa fact na magkatabi sila, nakaakbay ito sa kanya at feel na feel naman niya ang pagsiksik sa katawan nito.
"You don't have to do that for me. I would understand. Pwede naman tayo kumain sa labas para hindi ka na mapagod." Pinatakan siya nito ng halik sa noo at mahigpit na yumakap siya dito.
May ngiti sa labi na isiniksik ang pisngi sa matigas na dibdib nito. "Di naman ako nagrereklamo, eh. I love cooking for you. Masaya ako na pagsilbihan ka. Kung pwede nga, ako na din ang maglaba ng mga sinusuot mo araw-araw."
"You'll do that for me?"
"Ofcourse. Ako na nga minsan naglilinis nitong unit mo pag maaga kang umaalis eh. Ano pa yung ako na maglaba ng mga damit mo? Gusto mo ba?"
Gumuhit ang kapilyuhan sa labi nito. "Kahit brief ko?"
"Alam mo na isasagot ko d'yan," sabi niya at tinapatan ang pilyong ngiti nito. Pinagapang niya ang palad papunta sa harap ng boxers nito at hinayaang sakupin ang matigas na umbok doon. Naramdaman niya ang mabilisang tugon nito. Napaarko ang kilay ni Jeasabelle. "Hindi ba marunong huminahon 'to? Kakahawak ko pa lang, eh."
Ngumisi ito. "Galit 'yan."
"Bakit naman magagalit?"
"Hindi mo daw kinukumusta."
She chuckled. "Alam mo ang manyak mo rin talaga no?"
Nanlaki ang mata nito. "Ikaw itong nangdadakma, tapos ako pa ang manyak?" Hinawakan siya nito sa tagiliran. Malakas ang kiliti niya doon kaya napaigtad siya.
"Danrick!" Napatili siya nang simulan na siya nitong kilitiin. "Gago ka, Danilo! Ano ba!" Humahagalpak na siya sa kakatawa at ayaw pa rin siya pigilan ng lalaki.
"Manyak ako, di ba? Di ba?"
"Hindi na! Joke lang!"
"Hindi, may sinabi ka, eh. Sinong manyak?"
"Ikaw nga, pero joke lang! Bwisit, tama na, D!" Hindi siya magkamayaw kakatawa. Hinuli nito ang lahat ng kiliti niya sa katawan. Oo, alam nito ang mga kiliti niya kaya ang lakas ng loob ng gago.
Waring napansin na nito na namumula na siya at maluha-luha na sa pangingiliti nito. Tumigil na rin ito. Hinagilap niya ang unan at inihampas dito. "Gago ka, ang sakit ng tiyan ko!"
"Sinong manyak ulit?"
"Wala!" Pigil niya ang tawa. "Patayin mo na nga ang TV. Aksaya ka sa koryente. Hindi ka naman nanonood!"
"Opo, ma'am!" nang-aasar na sagot nito at pinatay ang pinapanood. Tumabi ulit ito sa kanya. Hinagilap ang beywang niya at isiniksik nito ang sarili sa kanyang katawan. There's a huge grin in his face.
"Wag ka tumingin sa 'kin ng ganyan. I'm not going to have sex with you tonight." sabay irap sa lalaki. Inilapit pa nito ang gwapong mukha sa kanya, namimilyo ang ngisi sa labi. "Kahit ngitian mo ko ng ganyan, hindi mo maibababa ang panty ko tonight."
"Kahit ba gawin ko 'to?" Dinilaan nito ang likod ng tenga niya at marahang kinagat.
"Kahit ano pa gawin mo. Because i have one word. Pag sinabi kong no sex for you tonight, I mean it."
He chuckled in his ear. "Okay, I'll stop hoping for that.. No sexy time for me."
"Buti alam mo."
"But you have to tell me why."
Napakunot-noo siya. Hindi nakuha ang sinabi nito. "Anong sinasabi mo d'yan?"
Naging mapanukso ang ngiti ni Danrick, at sa kislap ng mga mata nito, parang may alam ito na dapat niyang ikakaba. Napalunok siya. Pero di siya nagpahalata.
"Ano ba? Wag ka nga tumingin ng ganyan! Bakit ba?"
He chuckled boyishly. "Namumula ka agad?"
"Eh kasi.. Kasi.. ano ba, Danrick?!" Ngumingisi ito. Gusto niyang mainis lalo. 'Yong tingin nito 'yong parang bully na may hawak na alas laban sa kanya. And she don't like that I-know-your-secret look in his face.
"Magseryoso ka nga!" sigaw niya dito, masamang tinitigan ito.
"Sige, seryoso tayo." Itinikom nito ang labi at seryosong hinuli ang mga mata nito. "First question, why did you have to lie?"
Napamaang siya. "W-What are you saying?"
"I'm sure you know what I'm talking about.. C'mon, babe, you think I don't know?"
Parang napasong lumayo siya sa binata. Ngunit mabilis na hinagilap nito ang balakang niya at hinila siya paupo sa kandungan nito. Napasinghap siya at napakapit sa balikat nito.
Tumaas ang kilay nito. "Ano na? Wala kang aaminin?"
Sigurado si Jeasabelle mas lalo siyang namula sa sinabi nito. Hiyang-hiya siya. Alam na nito. Alam na ni Danrick! Gusto niyang kainin na lang siya ng lupa at hindi na makita pa nito kahit kailan. Ghad!
"Wala akong aaminin sa 'yo! And pwede ba, wag kang nambibintang! Di mo ba alam na masamang mambitang? Sabi nga nila, do not cast away an honest man for a villain's accusation!"
"Bakit ka galit? Wala naman akong inaakusa.. At sabi rin nila, a clear conscience laughs at false accusation. Pero bakit mukhang galit ka? Guilty?"
Masusunog na yata ang mukha niya sa sobrang pag-iinit niyon. For sure, alam na nitong hindi siya ang nagluluto para dito. Na hindi talaga siya marunong magluto. Kung paano nito nalaman, hindi niya alam. Ang alam lang niya, hiyang-hiya siya. Daig pa niya ang magnanakaw na nahuli sa aktong nagnanakaw.
"Wala namang mawawala kung aaminin mo ang totoo. I know your little secret, baby.. I know what you're doing lately.." He let out a chuckle again and she just wish she could disappear in air right now.
"Well, sorry to disappoint you, wala akong aaminin sa 'yo. Pagkatapos ka mabusog, nang-aakusa ka na! Wag ka na magtanong, nasarapan ka naman! Luto ko man o hindi, be thankful! Rereklamo ka pa!"
Ang lakas ng naging tawa nito.
HINDI na siya kinulit ni Danrick kagabi na umamin. Hmmp! Hindi siya aamin 'no. Kahit ibitin pa siya nito, hindi siya aamin. No, no, no!
Hindi siya nagpatinag sa mapanukso nitong ngiti.
Mukhang hindi naman galit ang lalaki. Kaso hindi niya alam kung ano na ang gagawin ngayon. Alam na naman ni Danrick na hindi siya ang nagluluto ng foods na dinadala niya dito at pine-prepare pag dadating ito sa gabi. Parang magmumukha lang siyang tanga kapag pinush pa niya.
"Bahala na nga." bulong niya sa sarili at bumaba ng taxi. Papunta siya ngayon kay Danrick. Hindi na siya nagtext dito. Susurpresahin na lang niya ito sa opisina nito. Wala na siyang dalang lunch para dito. Yayain na lang niya ang lalaki na lumabas para kumain.
Sinabi na rin niya kay Tephany na nabuko na siya ni Danrick. Wala ng dahilan para gawan siya nito ng pabor. Todo pasalamat pa rin siya dito. Na-enjoy rin naman nila ni Danrick ang mga luto nito.
Nakasakay na siya ng elevator nang humabol na pumasok ang dalawang babae. Nagchi-chikahan at nagtatawanan ang mga ito.
Deadma siya. Bored na tumingala siya. Dapat nasa salon siya ngayon. Iniwanan niya ang dalawang bakla sa salon. At 'yong store niya may naiwan na rin siyang taga-bantay kaya eto siya, magbabantay din. Magbabantay at du-duty sa poging jowa.
"Tingin ko magkakabalikan pa rin silang dalawa. Sayang kung hindi! Bagay na bagay sila. Parehong maganda ang genes!"
"Eh, pano pa? May bagong girlfriend na si Sir Hidalgo. Tingin mo magkakabalikan pa talaga sila?"
Nakuha ng dalawang babae sa harap niya ang kanyang atensyon. Hindi mahirap hulaan kung sino ang laman ng usapan ng mga ito. Nabanggit si Danrick at Gianna.
Hindi siya nagpahalata. Pinakinggan niya ang dalawang bruha.
"Ano ka ba? Hindi mo ba gets? Rebound lang si ate girl!"
Parang may batong tumama sa dibdib niya.
"Nakakapagtaka na ang bilis na nakahanap ng bago ni Sir Danrick.. Eh, malamang kasi rebound lang 'yun. For sure ngayon na laging magkasama si Sir at Gianna, magkakabalikan na sila."
"Kawawa naman si ate girl pala."
"Naku, hindi rin. For sure, alam niya na rebound siya saka hello, mataba daw 'yung new gf ni Sir. Malamang aware na din 'yon na di hindi siya pangmatagalan."
Naghagikhikan ang dalawang bruha at parang gusto niyang hilahin ang buhok ng mga ito. Gusto niyang kalbuhin ang mga ito at manakit ng wala sa oras! Kinontrol niya ang temper at hinayaan lang hanggang sa makalabas siya. Ano daw? Rebound lang siya? Maybe true. Pero mahal na siya ni Danrick. Gusto niyang ipagsigawan sa mga ito na mahal siya ni Danrick at hindi siya basta-basta lang.
She felt so insulted.
Gusto man niyang mainis ngunit wala siyang magagawa. Nagbigay lang ng opinyon ang dalawang bruhang 'yun. Nakakasakit man, pero kailangan niya tanggapin. Hindi naman ng mga ito kilala siya. Walang alam sa kung anong real score sa kanya ni Danrick.
Ipapakita niya sa mga taong 'yon kung sino talaga siya sa buhay ng lalaki. Nagmartsa siya papunta sa opisina nito. Nakataas ang noo na diretso niyang tinahak ang office nito.
Binalewala ang pagtawag sa kanya ng sekretarya nito. Sugod lang ng sugod. Walang katok-katok. Dedma sa bantay na babaeng kahoy--Yep, that's his secretary. Mukha kasing tuyot.
"Ma'am, wag po kayo---"
Huwag makinig sa mga kontrabida, iyon ang lesson na itinuro ng mga telenobela sa kanya. Kaya tuloy tuloy lang niyang binuksan ang pinto.
"Hi, babe!" Inihanda na niya ang masayang ngiti sa labi niya.
Pero agad na nabura ang inihandang ngiti sa eksenang bumungad sa kanya.
Si Gianna habang nakakandong kay Danrick, magkarugtong ang mga labi at agresibong humahaplos ang kamay sa isa't isa..
👄
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top