Chapter Thirty Seven
🍺
HINDI nakagalaw si Jeasabelle sa kinatatayuan. Hinayaan niyang rumehistro sa isip niya ang nagaganap. Nag-iinit ang matang nakatutok sa naghahalikan sa harap niya.
Nakapatong si Gianna sa nobyo at mainit ang palitan ng dalawa ng halik. Kitang-kita ng mga mata niya kung paano tugunin ni Danrick sa marubdob at mainit na paraan ang labi ni Gianna. May pagkauhaw sa gwapong mukha nito. At ang parehong mapaghanap ang haplos ng mga ito, agresibong hinahawakan ang isa't isa.
Marahas na pagsinghap ang nagpahiwalay sa dalawang imoral. At nagpapasalamat siyang hindi sa kanya nagmula iyon, kundi sa sekretarya ni Danrick.
"J-Jeasabelle.." gulat na sambit ni Danrick. Tila may kumirot sa dibdib niya. So, it's Jeasabelle now? Nasaan na ang Belle? Nasaan na ang babe? O kalimutan na? Dahil bumalik na ang sexy model nitong ex sa kandungan nito, estranghera na siya?
Napatiim-bagang siya. Pinanatili niya ang titig sa lalaki. Bakas ang sakit sa mukha niya, oo. Pero hindi siya iiyak.. Hindi siya iiyak sa harapan ng ex nito.
Naghiwalay ang dalawa.
Humakbang siya. Pinalipat-lipat ang tingin kay Gianna at Danrick. "Kumusta naman?"
Tumigil ang mata niya sa lalaking handa niyang mahalin habambuhay.. Ang lalaking handa niyang pag-alayan ng lahat.. Ang lalaking mula pa noon ay pinakaaasam na niya. Lahat ay gagawin niya para dito. Gagawin niya kahit ano para lang hindi ito umalis sa tabi niya.
Alam na niyang darating din ang eksenang ito.. Ramdam niyang hindi magtatagal ay muling babalik kung sino talaga ang mahal nito.
Ngunit hindi niya alam na ganito kasakit niya masasaksihan na hindi niya pag-aari si Danrick at kailanman ay hindi niya ito maaangkin ng walang kahati.
"Belle," sambit ni Danrick. This time tinawag na siya nito sa talagang tawag nito sa kanya. "It's not what you think it is."
Mapait siyang ngumiti.
"So, what is this?" tanong niya, may talim sa boses niya. "Alam mo susurpresahin pa naman sana kita. Hindi ko naman alam na ako pala ang masusurpresa. Sana may paputok na rin para nashook ako ng bongga." She fake a laugh. Naramdaman niya ang nag-uumapaw na tensyon sa loob ng silid na iyon. Walang ibang nagtangka na magsalita. Nag-iwas ng tingin sa kanya si Danrick.
How dare him?
Ang dami niyang gustong isumbat dito. Gusto niyang saktan ito. Gusto niyang umiyak dito..
"Dan, I'd better get going."
Si Gianna ang pumutol ng katahimikan. Akmang lalagpasan siya nito. Ngunit marahas na hinagilap niya ang braso nito. "At tingin mo ganun ganun ka na lang e-exit, girl?" Tumikwas ang kilay niya sa nanghahamon na paraan. "You're not going anywhere, bitch."
Napasinghap ito. "Bitawan mo ako. Nasasaktan ako."
Hindi niya napansin na mariin niya na itong hinahawakan sa braso. Binitawan niya ito ngunit itinulak papunta kay Danrick.
"Belle, pag-usapan natin ito. Don't make a scene, please. Babe."
"Gumagawa na ba ako ng eksena? Wow! Hiyang-hiya ako sa 'yo, Danrick. Ang kapal rin naman ng pagmumukha mo para sabihin sa akin 'yan!" Kulang na lang ay duraan na niya ang gwapong mukha nito.
Tumingin ito sa bandang likod niya. "Please leave us alone," sabi nito sa sekretarya na tila may balak pang manood sa eksena nila. "Belle," lumapit ang lalaki sa kaniya.
"Wag kang lumapit.." Umatras siya, nag-iinit ang mata. Parang may punyal na nakatirik sa dibdib niya, at sa bawat ng segundong nakatingin siya sa lalaki, mas lalo niyang nararamdaman ang sakit. Tila malaking sugat iyon sa dibdib niya na lumalawak ang hapdi.
"Nagtiwala ako sa 'yo, Danrick. Nagtitiwala ako sa 'yo kahit alam kong.. alam kong may chance na mangyari 'to. Pero tama lang pala ako. Mangyayari at mangyayari 'to.. Mas masakit pa sa inaasahan ko."
Umiling ito, lumapit sa kanya. "Magpapaliwanag ako."
Itinulak niya ito. "Hindi. Hindi iyon ang gagawin mo." Tumingin siya kay Gianna na tahimik lang na nakatingin sa kanya. Kita rin niya ang sakit sa mukha nito.
"Nandito na rin naman kami ni Gianna. Kaya mamili ka na."
Napamaang sa kanya ang lalaki. Pero determinado siya. Gusto niyang marinig ang totoo. Kahit masakit, tatanggapin niya ang magiging sagot nito.
"Mamili ka sa amin, Danrick."
Napatitig ito sa kanya, parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nanginginig ang labi na pinuwersa niya iyong ngumiti. "I want to hear it from you, Danrick. Para matapos na ito. Pumili ka ng isa sa amin."
"Belle, you don't need to do this." seryoso ang tono nito, at lumapit ang tingin kay Gianna. May kung ano sa paraan ng pagtingin ng lalaki sa dating nobya.. Nakita niya ang emosyon doon na bibihira niya makita dito.. At isa lang ang sinasabi ng mga titig na iyon.
He still love her.
Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang hikbi. Alam niya hindi na kailangan pang sumagot ni Danrick. Una pa lang ay talo na siya.. Wala na siyang laban, at ngayon, malinaw sa kanya kung sinong pipiliin nito.
Nahihirapan itong sumagot ngayon, sa pag-aalala na masaktan siya. Hindi niya kailangan ang awa. At lalong hindi niya kakayanin pa ang makita ng mga ito ang mga luhang handang pumatak..
Tumalikod siya at mabibilis ang hakbang na nilisan ang lugar na iyon. Halos takbuhin na niya ang elevator. Nagiging malabo na ang tingin niya sa paligid sa mga luhang umaapaw sa mata niya. Dali-daling pumasok siya doon, at saka lang pumatak ang mga luha niya. Masaganang umaagos sa pisngi niya.
At nang papasara na ang pinto, saka niya nakita si Danrick..
Napakurap siya. Baka dinadaya lang siya ng paningin.
"Belle!" tawag nito, mabibilis ang hakbang nito.
Ngunit bago pa ito makalapit sa kanya ay tuluyan nang nagsara ang pinto.
"ALAM mo, friend, tumahan ka na d'yan. Hindi ka niya deserve! Ang mga ganoong lalaki, hindi mo dapat iniiyakan!"
Tinapik ni Alicia ang balikat niya at pilit siyang pinapakalma. Ito agad ang tinakbuhan niya.
Gusto niyang ilabas lahat ng sakit sa dibdib niya, at si Alicia ang alam niyang makakapagbigay sa kanya ng comfort ngayong kailangan niya ng kaibigan.
"C'mon, Jeasabelle. You are better than this! You are a Reyes! Ang mga Reyes dapat matatapang! Hindi api-apihan. Ipakita mo na hindi ka nila masasaktan!"
Aminado siyang nagiging mahina siya ngayon. Pero sino ba namang babae ang nananatili pang malakas pa kapag harap-harapan mong nakita may kahalikang iba ang nobyo mo? Isa pa, hindi lang iba si Gianna. Hindi ibang babae ito kay Danrick.
She was his ex-girlfriend! Ang babaeng inalok nito ng kasal! She know that he still love his ex! Kung nagawa nitong alukin ng kasal ang babae, ibig sabihin mahal na mahal nito si Gianna.
Kaya kahit nasa eksena na siya, hindi nito basta maisasantabi ang dating nobyo. Hindi kailangan sabihin sa kanya ni Danrick. Hindi siya tanga upang hindi maramdaman na may damdamin pa ito sa dating kasintahan.
He still want Gianna. The thought made her heart bleed. Nagdurugo na nga 'yon kanina pa.
"Anong gusto mong gawin ko, ha? Magpa-party para kunyari mukha akong happy at deadmatology lang?"
"Exactly!"
Di niya kayang gawin 'yun. Siguro kung ibang lalaki, baka nagpaparty na siya ngayon. Pero si Danrick iyon, eh. Si Danrick niya.
Mali. Hindi niya pag-aari si Danrick..
Pag-aari ito ni Gianna. Tama lang ang mga babae na narinig niya kanina. Rebound lang siya, at aware siya na iiwanan din siya ni Danrick.
Saglit na iniwanan siya ni Alicia nang may sinagot itong tawag. Hindi niya namalayan nakatulog na din siya sa kakaiyak niya. Nagising lang siya sa mahinang pagyugyog sa balikat niya. Nandoon pa rin siya sa sala nito at nakahiga sa mahabang sofa.
"Nakatulog ka na dito. Gusto mo lumipat ka sa kwarto?"
"Wag na, okay na ako dito." Muling rumehistro sa isip niya kung bakit siya naroon. Tila may mabigat na graba na pasan siya sa dibdib. Kumikirot-kirot iyon at hindi niya mapigilan maisip si Danrick. Hindi mawala sa isip niya ang mainit na halik na pinagsaluhan nito at si Gianna.
Napamura siya sa isip. Bakit pa ba niya pilit inaalala iyon? Bakit hindi rin matanggal sa isip niya?
"May alak ka ba d'yan?"
"Hala ka, gaga ka. Magpapakalasing ka pa ba?"
"Alak nga, di ba? Syempre, nakakalasing talaga. Magulat ka, bumubula bibig ko." pagtataray niya. "O gusto mo bigyan mo na lang akong zonrox?"
"Hay naku," parang gusto siyang sapakin nito. Pinandilatan pa siya nito. "Hindi lang si Danrick ang lalaki sa mundo, Jeasabelle! Hindi lang siya ang may titi sa mundo, magtigil ka!"
"Mas malaki kanya, eh."
"Hay, kaibigan nga kita. Di kita masisisi. Nakakapanghinayang nga din naman." Humalakhak ang bruha. Hindi na rin niya mapigilan tumawa sa kalokahan nila. Sayang wala si Cathy. Abala sa negosyo ang gaga at tingin niya may iba na naman itong pinoproblema.
Naglabas si Alicia ng bote ng wine at pinagsaluhan nila iyon. Pinipilit siya nitong pasayahin. Na-appreciate niya ang effort nito. Nakatulong rin ang alak para makalma siya.
"Ano, okay ka na?" tanong nito sa kanya mayamaya.
"Medyo gumaan na ang pakiramdam ko," sabi niya, tumatawa.
"Mukha nga kasi tumatawa ka na. So, ano na? Move on na ba kay Mr. Danilo Hidalgo?"
Mapait na ngumiti siya nang banggitin nito ang pangalan niya. Malaking pantasya niya ang maangkin ang pangalan ng lalaki.. Pinapangarap niya ang maging Mrs. Hidalgo nito.. Hanggang ngayon, kung tatanungin siya, gusto pa rin niya ang makuha ang apelyido nito. She still want to be his Mrs Hidalgo.
"Mahal ko pa rin siya, bes.. Gusto ko pa rin siya."
"Kahit nakita mong kalaplapan na si Gianna?"
She nodded.
Napalagok ito sa baso, at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. Ngunit hindi nito nagawang magkomento.
Totoo 'yun. Hindi niya alam kung dahil iyon sa impluwensya ng alak. Pero sigurado siya sa nararamdaman niya. Mahal pa rin niya si Danrick. Sobrang mahal. Kung hihingi ito ng tawad sa kanya, walang pagdadalawang isip na tatanggapin niya ito. Kakalimutan niya ang nakita at magsisimula ulit kasama ang lalaki. Lahat naman ng lalaki nagkakamali, di ba? Ganoon na lang ang iisipin niya.
"Buo na ang desisyon ko." nagsalita siya pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan. Tumingin lang sa kanya ang kaibigan. "Sabi mo nga, Reyes ako. Hindi ako dapat talunan."
"A-Anong gagawin mo?"
Itinaas niya ang noo. "Babawiin ko si Danrick sa kanya. Wala akong pakialam kung mahal pa rin niya si Gianna. May relasyon pa rin kami. I'm still his girlfriend kaya ako pa rin ang may karapatan sa kanya."
Napaawang ang labi ni Alicia. Tumalim ang kislap sa mga mata niya at gumuhit ang mapanganib na ngiti sa labi. Ngayon lang ulit niya naramdaman ang matinding determinasyon sa dibdib niya.
"Kung tingin nila liligaya na sila dahil gusto pa rin nila ang isa't isa, nagkakamali sila. Hindi ko hahayaan na magkabalikan sila. Masaya sila, tapos ako lumuluha?" Umiling siya, mala-kontrabidang ngumisi. "That's not gonna happen. Hindi na ito 'yong panahon kung saan kapag nasaktan ka, hahayaan mo lang ang nanakit sa 'yo. Kakalimutan mo na lang, pipilitin magpatawad, at kunyari magiging masaya ka na. Pero hindi mo rin makakaya na magpatawad dahil masakit pa rin, at nagpanggap ka lang na naka-move on ka na. Kaya magiging bitter ka buong buhay mo. Ayaw ko mangyari sa akin 'yun, bes."
Hindi siya magpapakabitter at ngumangawa lang habang masaya si Gianna sa piling ni Danrick.
"I'll do everything to make her leave him. Danrick's mine now. Hindi ko siya papakawalan ng hindi lumalaban."
NAGSALUBONG ang kilay niya. Sunod-sunod ang malalakas na katok doon at tila may balak ang kung sino mang nasa labas na gibain ang pinto niya. Rinig na rinig niya iyon mula sa banyo. Nakalublob pa siya sa tub at nagbabalak na lunurin ang sarili--chos!
Tatlong araw na hindi rin siya umuuwi sa bahay niya. Nandoon lang siya kay Alicia. Kung hindi pa niya naalala na baka nag-aalala na sa kanya ang Tita Berto niya dahil ilang araw siyang hindi nagpaparamdam, hindi pa siya uuwi.
Dali-dali na tumayo siya mula sa tub at dali-daling binanlawan ang sarili. Pagkatapos ay hinagip ang towel at itinapis sa sarili. Nagpatuloy ang malalakas na katok.
"Sandali nga!!! Excited?!" sigaw niya pagkalabas ng kwarto. "Hindi makahintay!" Siraulo kung sino man 'yun. Kulang na lang yata ay ibalya ang pinto ng bahay. Dali dali niyang binuksan ang pinto.
"Ano bang problema?!" singal niya. Ngunit tila umurong ang dila niya sa bumungad sa kanya.
Napaatras siya. Nandoon si Danrick, madilim ang mukha nito. Wow, ang kapal ng mukha. Mukhang ito pa ang galit sa kanya.
Ngunit napansin niya ang dala nito. May pa-bouquet pa ito. Para sa kanya ba 'yon?
Umarko ang kilay niya. "Anong problema po natin?"
"Bakit ang tagal mo magbukas ng pinto?"
"May problema ba tayo kung matagal ako magbukas?"
Naghihinala ang mata na tumingin ito sa loob ng bahay. Hindi pa nakuntento at pumasok sa bahay niya na para bang pinapahintulutan niya itong pumasok!
"Bakit nga?" tanong nito at ibinalik ang mata sa kanya. Alam niya kung ano ang iniisip nito. He was thinking that she was with another man. Ang kapal nga rin talaga.
"Naliligo ako. Hindi pa ba obvious?" Doon bumaba ang mata ng lalaki sa kanya. Napalunok ito. Isinara niya ang pinto, ni-lock iyon. Pagkatapos ay lumapit dito. "Wag ka mag-alala, Danilo. Huwag mo akong itulad sa 'yo. Hindi ko ugali na maghanap ng iba kapag hindi ka nakatingin."
Parang sinampal niya ito sa mukha. "Belle, we need to talk about that.. Hindi mo ako hinayaan na makapagpaliwanag."
"Wala ka nang dapat pa ipaliwanag sa akin, Danrick. Alam ko kung ano ang nakita ko. Hindi ako tanga."
"You saw something and you jumped to a wrong conclusion."
"That's not a wrong conclusion, because that's the only conclusion. Huwag mo akong baligtarin. Ang mali ay ang ginawa mo."
Napatiim-bagang ang lalaki at walang imik na tinitigan lang siya. Nanginig ang kalamnan niya sa ilalim ng mainit na titig nito. How could he do that? Ang pag-initan pa rin ang katawan niya sa kabila ng mainit na komprontasyon sa pagitan nila?
Ilang araw din niya itong hindi niya nakita, at tiniis talaga na hindi ito makita. She's not answering any of his messages and calls. Deadmatology siya sa lahat ng paraan nito para makausap niya. Hindi pa rin siya sigurado sa kung ano talaga ang gusto niyang mangyari.. Nagpapalamig-lamig pa siya. At ngayon, muling nag-iinit na naman.
Fuck him, he has no right to made her feel that way. Pagkatapos nitong piliin si Gianna kesa sa kanya! Pagkatapos itong makikipaglaplapan sa babaeng 'yun, narito ito ngayon sa kanya?
"Para saan ang bulaklak? Sinong patay? Buhay pa naman ako. Salamat, kaya ko pa rin naman mabuhay kahit wala ka."
"Belle, please.. Hindi ako nandito para mag-away tayo. Ilang beses kitang kinontak para lang makausap ko. Pabalik-balik ako sa bahay mo, sa store mo at sa lahat ng pwede kang mahagilap.. Pero di kita makita. Ayaw rin sabihin sa akin ng mga kaibigan mo kung nasaan ka."
Hindi lang sa ayaw sabihin. Si Alicia lang talaga ang nakakaalam ng kinaroroonan niya sa loob ng three days.
"I want us to talk.. I want you to give me another chance."
"Hindi mo ba naisip na baka ayaw na kitang makita? Akala ko may pinili ka na at ayaw ko na maging sagabal pa. Bakit may pa-bulaklak pa?"
"This if for you.. May mali ako and that's why I want us to talk.. Hayaan mo naman ako magpaliwanag." Humakbang ito palapit sa kanya. Nagsusumamo na ngayon ang mukha nito, at tila handang lumuhod sa harapan niya.
"Sabi ko sa 'yo, hindi mo kailangan magpaliwanag. Ibang sagot ang gusto kong marinig sa 'yo." Muling kumirot ang sakit sa dibdib niya nang maalala iyon. Di niya alam kung bakit pa niya pinapili si Danrick. Eh, alam naman niyang di siya talaga ang pipiliin nito. "Malinaw na naman kung sino sa aming dalawa ang pinili mo. Malinaw na rin kung anong gusto mong mangyari sa atin."
He took a long, deep breath. Umiling ito. "N-No.. You didn't get it."
"Ano ba ang hindi ko pa na-gets? Nandyan na si Gianna. Siya naman ang gusto mo. Kaya tapos na tayo."
His jaw clenched, his features darken. Matapang na sinalubong niya ang titig ni Danrick. Walang dahilan para matakot siyang tingnan ito.
"Hindi mo man lang ba naisip na pakinggan ako? Yes, I kissed her. I'm not going to deny that. Pero ang tapusin mo ang relasyon natin.. You think I don't love you? Tingin mo hindi ikaw ang pinili ko?"
Nanuyo ang lalamunan niya at kinailangan niyang lumunok para pawiin iyon. Malakas ang tibok ng puso niya. Dapat ba siyang maniwala dito? Parang aalpas mula sa dibdib niya ang kanyang puso at di niya malaman kung papaano iyon papakalmahin.
"Hindi mo ko hinintay. You easily conclude and left me without letting explain my side. Alam ko gago ako, but it's you that I want now. Ikaw na ang mahal ko. Ikaw ang pinipili ko."
Nag-init ang mata niya at nagsimula iyong magtubig. "Then, bakit hindi mo agad sinabi? Tingin mo ba basta na lang ako maniniwala sa 'yo?"
"Hinabol kita, hindi ba?" sabi nito. Nakita nga niya na hinabol siya nito.
"Alam ko. Pero huli ka na."
"Bakit? May iba na bang magmamay-ari sa 'yo ngayon?" Hinagip nito ang beywang niya at hinigit siya papunta dito. She inhaled sharply. Napakapit siya sa dibdib nito.
"May ipapalit ka na ba agad sa akin?" may galit sa tono nito. Her lips twisted in a cruel smile.
"Kung meron, ano naman ngayon sa 'yo? Di ko ba pwedeng gawin ang ginawa mo?" Parang sampal iyon sa lalaki. Nagbaba ito ng tingin.
Kahit ilang paliwanag pa ang gawin ni Danrick sa kanya. Hindi nito mabubura basta ang imahe nito na nakikipaghalikan kay Gianna. Kahit sabihin nitong siya ang pinipili nito at minamahal, hindi nito maiaalis sa kanya ang mainsecure, mangamba at maghinala kung sakali.
Pero wala rin siyang balak na magpatalo na lang sa insecurities niya kay Gianna. Ano kung mataba siya? Ano kung rebound lang siya? Ang mahalaga ay sa kanya si Danrick. Nasa harapan pa rin niya ngayon at sinusuyo siya.
Iniangat niya ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Danrick, saka ikinawit ang isang kamay sa leeg nito. "You don't need to explain. Tanggap ko naman. Pero kalimutan na natin 'yon.."
Naguguluhang napakurap si Danrick at pinakatitigan siya. Itinutok niya ang mga mata sa labi nito. Nagtaas-baba ang adam's apple nito.
Gumuhit ang mapang-akit na ngiti sa kanyang labi. "I can forgive what you did with Gianna. Pero kung sasabihin mong ako ang pinipili mo, then we can forget about that.."
"You know I'll choose you, babe."
"That's good." Pinatakan niya ito ng halik sa labi. Ngunit hinabol nito ang labi niya. At bago pa siya makalayo, inaangkin na nito iyon sa mainit at uhaw na halik. Para itong mabangis na hayop na sinabasib ang bibig niya. It took a minute before she began to return his hot kisses. Isinandal siya nito sa dingding ng bahay niya. Ipinulupot niya ang sarili dito, hinahayaan ang sariling magpakasasa sa init ng halik ng binata.
Tatlong araw rin niya itong hindi nakita. Tatlong araw na walang komunikasyon dito. At sa tatlong araw na iyon ay nagpaka-miserable siya.
Now she missed him so badly. Namiss niya lahat ng ginagawa nila ni Danrick. She moaned as he pressed his body against her. Ang puting towel lang sa katawan niya at ang mga saplot nito ang harang sa pagitan nila. Ngunit hindi dahilan iyon upang hindi niya maramdaman ang init nito. Bumaba ang kamay niya ang dinakma ang matigas na umbok sa harap nito.
Napaungol ito sa labi niya at tumingin sa kanya. "Pwede ko na ba tanggalin ang towel mo?"
"Bakit nagpapaalam ka pa?"
"Baka galit ka pa rin sa akin, at kapag galit ka alam kong ayaw mong gawin natin 'to.."
"Ikaw nga itong galit na galit na, eh." She cupped him and his hard bulge filled her hand. He was hot, huge and hard. She couldn't help herself but squeezed it sensually.
"Fuck," napamurang sambit nito at bumakas ang libog sa gwapong mukha. Ngumisi siya at itinulak ito papunta sa sofa. Halos umuga iyon sa pagsalampak nito.
Puno ng pagnanasa ang mga mata nitong tumingala sa kanya. She smiled at him, her eyes seducing him. Tila nababasa ang isip niya, kinalag nito ang belt at ibinaba ang pants kasama ang boxers nito hanggang sa binti nito. Umigkas patayo ang pagkalalaki nito. Dahil sa kakaibang sukat, mas malaking tingnan iyon ngayon. Mas mahaba at mas mataba.
Ikinulong ni Danrick ang nahuhumindig na pagkalalaki sa palad at bumuga ng hangin. "Babe, hubad ka na."
Her sex quivered at the tone of his voice. Hot, creamy juices flowed between her legs.
Namigat ang mata niya sa pagnanasa. Dahan-dahang tinanggal niya ang towel sa katawan..
🍑
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top