Chapter Thirty Nine
👛
MATAGAL rin na hindi nakikita ni Jeasabelle ang abuelo niya. Hindi naman sa hindi niya talaga ito gustong makita. Pero lumaki siya na malayo ang loob sa lolo niya. Siguro dahil na rin sa nakaraan, sa mga nagawa nito sa magulang niya. Pero wala naman siyang galit dito. Hindi lang talaga siya malapit sa abuelo at naiintindihan naman iyon ng Tita Berto niya. Kahit ito mismo na anak ay nakaranas din ng pagmamalupit sa ama.
But that's all in the past. Ngayon ang kaarawan ng matandang lalaki at alam niya na kailangan na nandoon sila sa birthday celebration nito.
Nakangiti na tiningnan niya ang sarili sa salamin. The dress look so good on her. Light make up lang sana ang i-apply niya sa mukha, pero naalala niya, kailangan di siya magpatalbog sa mga pinsan niya.
She need to look good not just for others, but for herself. Dapat lang kasi ang gwapo gwapo ng escort niya.
"Aba, Jeasabelle, may balak ka pa ba'ng lumabas o matulog na lang d'yan sa kwarto mo?" malakas na sigaw ng malditang bakla mula sa labas ng kwarto niya.
"I'm coming!" sigaw niya pabalik. Nakarinig siya ng yabag. Napalingon siya sa pinto nang bumukas iyon. Bumungad ang nagmamalditang bakla in his long golden dress.
"Wow, ang kabog naman ng tiyuhin ko! Ivy Aguas!"
"Anong tiyuhin ka d'yan? Tiyahin!" Pinandilatan siya nito habang nakapameywang.
Napahalakhak siya. "Talagang hindi rin kayo magpapakabog ha? Saan n'yo nirentahan ang wig n'yo? Infer, very Ivy Aguas ang hair, ha."
"Alam kong maganda ako. Kaya kabahan ka na kung mawala kami mamaya ng jowa mo." Ito naman ang humalakhak na parang demonya.
"Di ka papatulan nun, Tita. Wala ibang katulad ang keps ko na kinababaliwan niya."
"Malandi ka." Pinalo nito ang matambok na pang-upo niya. "Ano pa bang kailangan mo? Ang tagal-tagal mo. Naghihintay na 'yung jowa mo sa labas."
"Ay, nandyan na?" Hindi niya narinig ang pagparada ng kotse ng nobyo.
"Kararating lang naman. Bumaba ka na kung tapos ka na. Pwedeng mauna ka na."
"Hindi ka ba sasabay sa amin, Tita?"
"Naku, hindi na. May sundo ako."
"Baka nahihiya ka lang kay Danrick, ha. Sumabay ka na sa amin."
"Meron nga." Tumaas ang kilay nito. "At iniinsulto mo ba ako? Itong gandang to walang may gustong sumundo rin?" Wala naman siyang alam sa ganap sa love life ng tiyuhin. Kahit sa mga bino-booking nito wala rin siyang alam. Maliban na lang sa isang beses na nahuli niya itong may dinala sa bahay. Tanggap naman niya kung ano ito kaya wala siyang say sa kung ano mang ganap sa tiyuhin. He can be whatever he wants to be..
Suportado siya nito sa lahat ng bagay kaya ganun din siya dito. Nang ipinakilala nga niya dito si Danrick bilang boyfriend niya, tuwang-tuwa ito para sa kanya. Sa wakas daw, di na ito mangangamba na baka lumagpas na siya ng trenta eh wala pa siyang dinadalang nobyo sa harap nito.
"Edi ibig sabihin, Tita, magdadala ka ng jowa sa harap ni Lolo? Naku, di kaya atakehin 'yon?"
"Jusko, ito naman. Ilang dekada na mula nung umamin akong sirena, ngayon pa ba siya mabibigla?"
Ang lakas ng tawa niya. Pagkatapos ay bumaba na para salubungin si Danrick sa baba.
"Hey," kumislap sa paghanga ang mata nito nang makita siya. Nakagat niya ang ibabang labi sa init ng titig nito. Agad na ipinaikot nito ang kamay sa beywang niya at hinapit siya sa matigas na katawan nito. Nalanghap niya ang panlalaking pabango nito at sabon na ginamit sa katawan.
Nanginig siya. Amoy pa lang nito, tumutugon na agad sa init ang katawan niya. Tila naramdaman nito ang reaksyon niya. He groaned in her ear.
"You looked so damn good, baby. Kung tayong dalawa lang ngayon dito, I can easily bend you over and rammed my cock deep inside you."
"Oh, you mean a quickie? We can do that in your car later if you want to."
"Tempting." Umalpas ang nakakapanginig keps na tawa nito. "Pero makakapaghintay naman ako. We're still going to your lolo's birthday. I'm excited to meet him."
Lumawak ang ngiti ni Jeasabelle. Excited na rin siya. "Nasa sasakyan mo na naman ang birthday gift natin no? So, let's go?"
Tumango ito at magkahawak kamay na naglakad sila papunta sa kotse nito. Nagpaalam na sila sa Tita Berto niya bago sila lumulan ng sasakyan.
SA MARANGYANG mansion sa Laguna ng kanyang abuelo ginanap ang celebration ng kaarawan nito. Simplecio Madlangbayan just turned sixty-eight years old today. Ngunit hindi kababakasan ang abuelo niya na nasa sixties na ito. Parang nasa fifties pa lang kasi ito. Not good looking, but he's still fit like a builder. Palibhasa babad ito sa gym noong kabataan nito at hanggang ngayon ay may obsession pa rin ito sa pagpapaganda ng katawan. Pero di tulad noon, di naman ito nagli-lift na.
Nanlalamig ang palad ni Jeasabelle. Ngayon pa lang ulit niya makikita ang abuelo. Ang tagal rin niya na hindi ito nakikita. Hindi naman talaga siya malapit dito. Hindi tulad ng iba niyang pinsan na alam niyang lumaki kasama ito.
Pinisil ni Danrick ang kamay niya at kumunot-noo. "Nanlalamig ka. You nervous babe? Kalma ka lang," paos na tumawa ito. Pero hindi niya mapigilan. Lalo na nang makita na niyang marami nang bisita ang kanyang abuelo. Nakita niya ang ilang kamag-anak at mga pinsan. Naramdaman niya ang mga paglingon at pag-angat ng tingin sa kanya. Sanay na siya sa atensyon na nakukuha sa ibang tao, pero iba ngayon. It was different because she was with Danrick.
"Si Jeasabelle ba 'yun?"
"Sino 'yung kasama niya? Boyfriend niya?"
Napatingin siya sa umpok ng mga babae na nadaanan nila. Pamilyar sa kanila ang mga mukha ng babae. Saka lang niya narealize na naging batchmate niya pala ang mga ito noong high school!
Hindi itinago ng mga ito ang nanunuring tingin sa kanya. Mula ulo hanggang paa, obvious na sinusuri siya at hinahanapan ng maipipintas sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang interesadong titig ng mga ito kay Danrick. They were all thirsty for him.
He's mine!
Pero dapat yata masanay na siya sa mga babaeng
Sumalubong sa kanya ang isang may edad na babae. Ang nakababatang kapatid ng ina niya. "Tita Lukreng," nakangiting bumati siya sa babae.
"Jeasabelle! Mabuti naman at nakapunta ka ngayon." Nakipagbeso ito sa kanya.
"Ngayon pa ba ako di dadalo, Tita?" Sumulyap siya kay Danrick at saka lang nito napansin ang nobyo.
"O, may kasama ka pala. Nobyo mo?" manghang tanong nito, at tumingin kay Danrick. Di nakaligtas sa kanya ang panunuri nito sa lalaki.
"Yes, Tita. Si Danrick, boyfriend ko." pagpapakilala niya sa binata. "Danrick, Tita ko."
Magalang na bumati ang lalaki sa tiyahin niya. "Nice to meet you, Tita."
Tumango tango ang ginang at tinanggap ang kamay ni Danrick. "Pamilyar sa akin ang mukha mo. Ano'ng buong pangalan mo, hijo?"
"Danrick Hidalgo," siya ang sumagot para sa binata.
Nanlaki ang mata ng Tita Lukreng niya at kumislap iyon nang marinig ang buong pangalan ng nobyo. "That's why! I know your family. Ilang beses ko na rin nameet ang mga magulang mo.. Pero hindi ba ang nobya mo---" Saglit na tinapunan siya ng tingin ng tiyahin, tila nag-aalinlangan pa sabihin pero ituloy rin sa harap niya. "Ang nobya mo ay si Gianna Mendez?"
Kahit siya ay naramdaman ang tensyon na bumuga sa paligid. Nag-iwas siya ng tingin at hindi nakaimik.
"Oh, Jeasabelle!" Pare-pareho silang napalingon sa tumawag sa pangalan niya. In her peach cocktail dress and six-inches stilettos, maarteng naglalakad ang pinsan niya papunta sa pwesto nila.
Umasim ang mukha ng tiyahin niya habang papalapit ang anak nitong si Gay Marie sa kanila. Magkandapa-dapa pa ito sa paglapit.
"My dear, fat cousin!" tila nito at nasasabik na yumakap sa kanya. "It's been a long, long----" napatingin ito kay Danrick at nanlaki ang bibig. "Oooh, must be really long!"
"Gay, umayos ka. Nakakahiya ka sa mga bisita natin."
"It's okay, Tita." natatawang sabi niya at tinapik sa pisngi ang pinsan. Kung meron man sa mga pinsan niya ang kilala talaga niya, iyon ay si Gay. Ito lang sa mga pinsan niya ang direktang tumawag sa kanya ng fat. 'Yong iba palihim na nilalait siya dahil sa pagiging plus-size niya. But it was different with Gay. Kapareho lang kasi niya ito ng size kaya hindi big deal sa kanya na matawag nitong fat.
"Uy, kumusta ka na? Lumalapad ka rin ngayon ah." sabi niya dito. "Di na ba uso sa 'yo diet?"
"Ay, naku, di na ako nagda-diet, insan! Bakit pa? Pwede ka naman masunugan ng taba sa pagpapakangkang!"
Sininghalan ito ng ina nito, pero deadma lang ang bruha. Napahagikhik siya.
"It's been a long time since nakita kita ha, pinsan! Parang medyo numipis ka tingnan ngayon. Sagana ba sa sex?" Kumikislap ang mata na tumingin ito kay Danrick.
Ang lakas ng tawa niya. Muling tinapunan ng matalim na tingin ng tiyahin niya ang anak nitong bruha. "Gay, wag mong tinatanong ng ganyan ang pinsan mo. Matuto kang mahiya. Dalagang pilipina 'yan para tanungin mo ng kaimoralan."
Umirap lang sa ere ang pinsan niya. "OMG, nagsasalita ba ang konsensya ko?" sabi nito at hindi pinapansin ang tita niya sa tabi.
"Insan, si Danrick nga pala." pagpapakilala niya sa binata.
"Hi," tipid na bati dito ng nobyo at inilahad ang kamay.
Nagniningning ang mata na tinanggap iyon ni Gay. "Hi, Danrick. Welcome to my life."
Tinampal niya ang kamay ng pinsan. "Gaga, boyfriend ko na 'yan."
"OMG! Truly? Anong ginamit mong gayuma, insan?"
"Ano ka ba, ganda lang 'to." bulong niya, pero sinadya niyang iparinig kay Danrick.
Napangisi ang lalaki.
"OMG, ang swerte mo. Mukhang patay na patay sa 'yo. Ugh, sana all."
"Wala ka bang jowa?"
"Hay, wala pa rin. Pero tanggap ko na namang hanggang MOMOL lang habol sa 'kin ng mga lalaking name-meet ko sa Tinder.." sabi nito na parang sinasadyang iparinig sa ina nitong nasa tabi lang. "At tanggap ko nang yumayaman lang ako sa pambubugaw ko ng mga babaeng mababa ang lipad.."
"Gay Marie!" naeeskandalong sabi ni Tita Lukreng at hinila sa braso ang pinsan. "Maraming nakakarinig sa 'yo. Umayos ka. Bigyan mo ako ng kahihiyan."
"Oh, mother, you're there pala." Pinandilatan ito ng tiyahin pero ang mataba at maldita niyang pinsan, maarteng umirap lang.
Lihim siyang napangiti. Atleast, hindi lang siya ang naiiba sa kanilang angkan. Iba rin pala pinsan niya. Rumebelde ang peg.
"Nasaan nga pala si Roberto?" tanong sa kanya ng tiyahin. "Hindi ba kayo magkasamang dumating? Hindi ko pa siya nakikita."
"Hindi siya sumabay sa amin. Pero parating na din 'yun, Tita."
"Sige, tayo na umakyat. Nandun sa taas ang lolo mo." Tumango siya at sumunod na dito. Maraming bisita ang abuelo. Hindi lang sa may hardin may mga bisita. Pati sa taas. Siguro para sa mga kasosyo nito at mga kakilala sa negosyo.
Napakunot-noo si Jeasabelle nang marinig ang pagring ng cellphone ni Danrick. "May tumatawag sa 'yo," sabi niya. Kinuha nito ang tumutunog na cellphone sa bulsa at pinatay iyon.
Hindi niya nasilip kung sino ang tumatawag. Pero hindi nakaligtas sa kanyang mata na natigilan ito nang makita ang nakarehistro sa screen. Na-curious siya at di napigilang magtanong.
"Sino 'yon?"
"It's nothing."
"Okay."
Ngunit nahuli niya ang pagkabalisa sa mukha nito. At mas lalo siyang napaisip kung sino ang tumatawag sa binata. "Nakalimutan pala natin dalhin ang birthday gift natin para sa lolo mo." sabi ng lalaki.
Namilog ang mata niya. "Sa bahay?"
"Nasa kotse."
Napabuga siya ng hangin.
"Akala ko naman nakalimutan natin sa bahay."
"Gusto mo ba balikan ko, babe?"
"Mamaya na. Marami pa rin naman bisita kaya pwede mamaya na natin I-abot."
Tumango ito at ngumiti. Magkahawak kamay sila nito. Hindi niya mabilang kung ilang babae ang lumingon sa kanila.. O mas tamang sabihin na napa-second look kay Danrick lang. Kung makatitig ang mga babae, akala mo invisible lang siya sa tabi ni Danrick.
Napailing siya. "What's the matter?" he asked.
"Di ba lumalaki ang ulo kapag ganito ang atensyon na ibinibigay sa 'yo ng mga babae?"
She heard him chuckled. "I'm not a teenager anymore. Nakasanayan ko na rin.. Isa pa, sa isang babae na lang naman ngayon ang dahilan kaya lumalaki ang ulo ko," tumigil ito at bumaba ang bibig nito sa may tenga nito. "sa baba."
Nag-init ang buong mukha niya at kinurot ito sa tagiliran. "Ang manyak mo."
"Sa 'yo lang."
Tila may boltahe ng koryente na rumagasa patungo sa malulusog na dibdib niya, pababa sa pagitan ng mga hita niya. Agad siyang namasa.
Napakagat-labi siya. Sa totoo lang, siya talaga ang nagiging perv kay Danrick. Unting salita lang nito, unting hawak, tila lahat ng malalaswang imahe ay pumapasok na sa isip niya. Mabilis na kinalma niya ang sarili.
Utang na loob, Jeasabelle, wag kang makati!
Umakyat sila sa ikalawang palapag ng mansion. Doon nila nakita ang abuelo. Nasa isang umpok ito ng mga kaedaran nito. Mga business partners siguro nito.
Lumapit ang tiyahin niya dito kasama si Gay. Nakasunod lang sila ni Danrick. "Papa," tawag ni Tita. Lumingon ang matandang lalaki sa kanila at malawak na ngumiti.
"Nandyan na pala kayo."
"May bisita kayo, Papa."
Natuon sa kanya ang atensyon ng abuelo. Kumunot ang noo nito, pagkatapos ay napangiti ng makilala siya.
"Jeasabelle.. apo ko. I'm glad you're here." sabi nito at niyakap niya. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang sinseridad nito at ang paggaan ng loob niya sa matandang lalaki.
"Happy birthday, lolo," bati niya sa abuelo at niyakap ito ng mahigpit.
"Matagal kitang hindi nakita apo. Kumusta ka na? Sinong kasama mo?" sunod sunod na tanong nito sa kanya.
"May kasama ako, Lo." sabi niya at ipinakilala si Danrick.
Nagsalubong ang kilay ng abuelo at tumitig sa lalaki. Nakita niya ang pamilyaridad sa mata nito.
"Hidalgo.." anas nito. "Isa kang Hidalgo, hindi ba? Ano ka ni Ramon?"
"I'm his son, Sir. Danilo Hidalgo."
"Oh." Lumawak ang ngiti ng abuelo. "Di nga ako nagkakamali. That's why you look familiar. Anak ka ni Ramon Hidalgo. I know your father, especially your grandfather. Magkakaibigan kami noong araw."
Ngumiti ang binata. "That's good to know, Sir."
Kumunot-noo ulit ang matandang lalaki at bumaling sa kanya. "So, I guess that you two are together..?"
Nahihiyang ngumiti siya at tumango. Pota, ngayon pa talaga siya nahiya ha? Pabebe!
Si Danrick ang sumagot nun para sa kanya. "Yes, Sir. I'm dating your granddaughter and we're officialy a couple. Sana okay lang sa inyo."
"Ofcourse!" Tumawa ang matanda. "Ofcourse, sino ba ako para humindi pa? As long as you keep my granddaughter happy, okay ako sa 'yo."
NGAYON lang niya nakitang ganito ang abuelo niya. Masaya at magaan ang pakikitungo sa ibang tao. Hindi niya mapaniwalaan iyon. Buong buhay niya malayo ang loob niya sa abuelo kaya hindi niya nakikita ang magagandang bagay tungkol sa matandang lalaki.
Mga ilang saglit pa ay dumating na ang kanyang Tita Berto. Agaw-atensyon ang bakla. Eksenadora sa golden dress nito at gwapong escort. Lahat ng bisita ay nakatingin dito. Nag-aabang sa paghaharap ng mag-ama. Nagkaroon ng saglit na tensyon. Pero nang bumati dito ang Tita Berto niya sa abuelo, malawak na ngumiti ang matanda at niyakap ito.
She was expecting something worst would happen. Pero mali siya. At dahil doon parang kampante siyang nakangiti habang nasa tabi ni Danrick.
"Ang lakas mo kay Lolo, ah." sabi niya sa binata pagkatapos kumain at nakatayo sa malaking bintana ng mansion kung saan natatanaw nila ang ibang bisita. "He really likes you. Naiisip ko tuloy kung ganyan din magiging pagtanggap ng side mo sa akin."
He just chuckled. Wala itong sinabi at niyakap lang siya. Nakaramdam siya ng pagkadismaya. Hindi naman sa nag-eexpect na siya.. Pero nasa isip na rin niya kung kelan ba niya makikilala ang mga magulang ng lalaki.
Minsan lang nito mabanggit ang tungkol sa pamilya nito. Habang siya ay naikuwento na ang lahat ng tungkol sa kanya.
"Dan."
"Hmm?"
"Kumusta ang parents mo?"
"Huh?" Nagsalubong ang kilay nitong tumingin sa kanya. She cleared her throat.
"I mean, okay lang ba sila?"
"Yes.. Okay lang naman sila. Nasa Spain sila ngayon. Mayroon din kasi kaming business doon. Why did you ask?"
Umiling siya. "Curious lang ako. Hindi mo kasi sila masyadong nababanggit sa akin."
"Okay lang naman sila." Tumigil ito at hinuli ang tingin niya. "Jeasabelle. Is there a problem?"
"W-wala naman. Napatanong lang ako." Gusto rin niya itanong sana kung na-meet na ba ni Gianna ang parents nito. Pero kailangan pa ba? Ofcourse, naipakilala na ni Danrick ang babae sa pamilya nito. Inalok nga nito ng kasal ang babae, 'yung maipakilala pa sa magulang nito ang hindi mangyari?
IPINAKILALA rin niya si Danrick sa mga pinsan niya. Ang mga ito na ang nag-approach sa kanya habang kausap niya si Gay. Nagulat siya ng bigla lumapit sa kanya si Ania kasama ang kapatid nito na mga pinsan rin niya. Dati rati ay hindi naman siya pinapansin ng mga ito. Ang mga babae pa ang nanguna-ngunang mambully sa kanya sa social media dahil sa katawan niya. Surprising na ang nice ng mga ito sa kanya.. at parang alam na niya ang dahilan.
"Ang gwapo ng boyfriend mo. Saan mo nakilala, sis?" tanong ni Ania habang malagkit na tinatapunan ang papalayong bulto ni Danrick. May tumatawag dito at kailangan lang nitong sagutin 'yon.
"Same school lang kami ng pinapasukan noon.." kaswal na sagot niya.
"Ah, so boyfriend mo na since college?"
Umiling siya. "Kailan lang kami naging mag-on."
"Eh hindi ba, couz, ex siya ni Gianna?" biglang singit ni Antonette, pinsan rin niya.
"Who's Gianna?" maarteng nilingon ito ni Ania.
"Gianna Mendez. Ano ka ba, partner ni Lolo sa negosyo 'yong Papa ni Gianna. 'Yung magandang model. Echosera ka rin, eh. Nakasama na natin 'yon noon."
"Whatever. I don't know her."
Wow, Mariah Carey?
"And speaking of her, nandiyan na din yata siya."
"Sino?" tanong ni Jeasabelle.
"Si Gianna," sagot ni Antonette. "Nakita ko siya bumaba sa kotse kanina kasama 'yung mother niya at si Gio, 'yung eldest brother niya."
She's here. Totoo nga na napakaliit lang ng mundong ginagalawan nila. At napaka-mapaglaro ng tadhana. Hindi niya akalain na kakilala rin pala ng abuelo niya ang mga Mendez. Di na dapat siya nagulat doon. Dahil kung may connection ito sa mga Hidalgo, malamang eh mayroon din sa mga Mendez.
At ang kaalaman na nandoon din si Gianna ay nagbigay sa kanya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Sigurado siya magku-krus ang landas nito at ng nobyo..
"Insan, okay ka lang?" tanong ni Gay nang lumapit ito sa kanya.
"O-Oo naman." kaswal na ngumiti siya. Pagkatapos ay nagpaalam sa mga pinsan na pupunta lang ng restroom.
Pagkalabas niya doon ay hinanap niya si Danrick. Saan kaya nagsuot ang lalaking 'yon? Bumalik siya sa pwesto nila kanina. Naabutan niya doon si Gay. Tinanong niya ito.
"Bumalik ba dito kanina si Danrick habang wala ako?"
"Hindi pa naman. Tingnan mo sa taas. Baka nandoon siya."
Iyon ang ginawa ng dalaga. Umakyat siya sa ikalawang palapag at hinanap ang lalaki. And then she saw him. Nasa isang tumpok ito at nakikipag-usap. Lalapitin na niya ang binata nang mapahinto siya.
Nakita niya ang pagyuko ng binata para pakinggan ang babaeng nakangiting nakikipag-usap dito. May ngiti rin sa labi ng binata na para bang interesadong-interesado ito sa anumang sasabihin ng babae.
And the two of them just look so perfect. Kahit ang pamilya ng mga ito na nasa tumpok na iyon ay siguradong sasang-ayon sa sinabi niya.
He lied. Sabi nito nasa Spain ang mga magulang nito at abala sa negosyo. Pero anong ginagawa ng mga Hidalgo sa lugar na 'yon? Sa kaarawan ng Lolo niya? At nandoon din ang mga Mendez.
Ramdam niya ang tila asido sa sikmura niya habang nakatitig sa mga ito. Magkatabi ang dalawa. Nakapulupot ang kamay ni Gianna sa braso ng nobyo at parang okay lang iyon sa lalaki.
Tangina niya.
Pinigilan niya ang pagkalat ng hapdi sa dibdib niya kahit parang napakasakit sa kanya na tingnan ang mga ito. First, he lied about his parents. And now, parang basta na lang siya nito isinantabi at iniwan ng makita ang dating nobya doon. Ni hindi man lang siya nito sinabihan. Di man lang siya ininform.
Alam ba nito na makikita nito doon si Gianna? Iyon ba ang dahilan ng pagkabalisa nito kanina? Pinag-iisipan nito kung paano siya maisantabi sa oras na dumating na ang pinakamamahal nitong babae? Nanunuot ang sakit sa dibdib niya at nag-iinit na ang mata niya. Tangina, hindi dapat siya umiyak. Hindi siya dapat maiyak dahil mas lalo siyang magmumukhang kaawa awa.
Pero hindi rin siya tatakbo palayo. Lagi na lang siyang tumatakbo and she's tired of that. Ngayon haharapin na niya.
At kahit ito pa ang maging katapusan, tatanggapin na niya.
👠
Itutuloy...
Follow my Instagram account: race.darwin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top