Chapter Thirty

🧜

 DANRICK called her name. Hindi siya nag-aksaya ng oras na lingunin ito. Tumakbo siya. Kahit hindi niya naman alam kung saan siya talaga papunta.

Gusto niyang maiyak. Gago, gago!

May bulong sa isip niya na harapin ito at ipagsigawan kung gaano ito kagago. Niloloko siya nito. Pinagtataksilan.. siya.. nito..

Pinagtataksilan? Jowa ka ba?

Tila kidlat na humagupit sa kanya ang isang katotohanan.

Hindi.

Hindi siya nito niloloko. Ang sarili niya ang niloloko niya sa isipin na pinagtataksilan siya nito. Because she know the truth. Hindi siya nito niloloko dahil malinaw kung ano lang sila. Na walang sila.

Nanghihinang napaupo siya. Tiningnan niya kung nasaan na siya. 'Nak ng shokla, paakyat na pala siya sa rooftop. Hindi na siya naging aware na ay ang tinatakbo na niya ay mga hagdaan papunta sa rooftop.

Hingal na hingal siyang napaupo habang minumura ang sarili.

Tangina, Jeasabelle. Hindi ka na lang nag-elavator. Sa hagdan ka talaga dumaan. Akala mo ang payat payat mo!

Muntikan na siyang mapatalon sa gulat. Nag-ring ang cellphone niya sa bulsa. Napipilitang kinuha niya ito. Hindi niya kailangan pang manghula para malaman kung sinong tumatawag sa kanya.

Pero nagkamali siya.

It was not Danrick. Si Cathy iyon. Pinindot agad niya ang answer button. Rumehistro agad ang boses ng kaibigan.

"Bes, bigla ka na lang nawawala! Ano ba, where na you?"

"Ang jeje naman ng tanong mo," matamlay na sagot niya at diretsong umakyat hanggang sa makatuntong na siya sa roof top.

"Bakit ganyan ang boses mo? May sakit ka ba? OMG, nasaan ka na ba?"

"Wag mo na ako puntahan. Bigla lang sumama ang pakiramdam ko."

"Seryoso? Mukha ka namang okay bago ako magpaalam na pumunta sa rest room, ah?"

"I'm still okay.. I'm trying to be. Hindi ko lang mapigilang.."

"Si Danrick ba 'to?"

"Nakita mo siya?"

"Yes. Nakasalubong ko siya paglabas ko ng rest room. He's looking for you. Nagulat nga ako akala ko magkasama kayo.. Wait, I think he's still here. Gusto mo ba siya makita?"

"No!"

"And why no?" Hindi siya umimik. "Jeasabelle, may away na naman ba kayo ni Danrick? Hindi pagkakaunawaan? Or LQ?"

"Hindi applicable ang term na 'lover's quarell' sa amin."

"May nakita ka na naman ano?"

Hindi siya sumagot. Humugot siya ng hangin para pakalmahin ang dibdib niya.

"Okay, ayaw mo magsalita. Let me guess, then. May nakita ka and you easily jumped into a conclusion. Pagkatapos ay tumakbo ka palayo na puno ng mga paghihinala. Tama ba?"

Tangina. "Kung ganyan ka galing magbasa ng isip ng tao kahit katawagan mo lang, how come hindi mo nasense na bakla 'yung mga ex mo?"

"Gaga! That's a different case. Ikaw, matagal ko na kaibigan. Alam ko na rin mga galawan mo pagdating kay Danrick. Lalo na't nasaksihan ko na ang isa sa mga eksena mo, bakla."

Ang tinutukoy nito ay 'yong paggawa niya ng eksena nong sinampal niya si Danrick nang makita niya itong kausap 'yong babae na hanggang ngayon dahilan pa rin ng pagseselos niya. Well, pinagsisihin niya iyong paggawa ng eksena na 'yun noon. Parang ang cheap kasi ng ginawa niya.

Pero kung iisipin niya ngayon? Hell, he deserved it.

"Magmo-move on na lang ako. Ayaw ko na, Cathy."

"Alam mo sira ka rin talaga. Move on agad? Nag-conclude ka lang. Why not ask him? Confront him? Hindi 'yong tumatakbo ka agad palayo, tapos magdadrama agad. Bes, malaki ka na. I'm sure malaki din 'yang utak mo at hindi lang sa dede mo napapunta lahat."

"Grabe ka sa 'kin." May punto naman ang kaibigan. "Alam ko naman 'yun. Dapat na harapin ko siya sa imbes na tumalikod at mag-walk out. Pero ano ba ang magagawa ko, Cathy? Ganoon ako magreact. Kinakain agad ako ng insecurities at paghihinala. When it comes to him, aaminin ko nagiging mahina ako."

"Love can make us weak."

"Sad truth," komento niya at umupo sa isang wooden bench. Maganda ang roof top ng BBC Building. Perfect place 'yon para sa dinner date. One day gusto niya madala siya dito ni Danrick para i-treat ng dinner date. Tapos silang dalawa lang habang nagtatawanan sa ilalim ng mga nagniningning na bituin sa langit.

Napasimangot siya. Mangyayari pa ba 'yon? Maybe no, maybe no. Ay shutangina, di talaga naging yes, noh?

"Huwag mo hayaan na kainin ka na lang lagi ng pagseselos mo, bes. Kapag kinakailangan tumayo ka sa alam mong pwesto mo at komprontahin mo. Hindi nasosolusyunan ng pagtalikod ang anumang problema."

"Pipilitin ko gawin 'yan. For now, I just want to be alone. Ayaw ko na lang sumabog ito sa harap niya. Nahihiya rin naman ako kahit papaano.. Di ko rin naman ginusto maging ganito ka-insecure at selosa."

"Wala naman talagang babaeng gustong maging insekyora, no? Kaso may mga sitwasyon at pagkakataon lang na nagtutulak sa atin para maging ganyan."

"I hate this feeling, Cathy. I hate this ugly feeling of being jealous.."

"O, sige. Mag-emote ka lang kung saan ka mang taas naroroon."

"Hoy! Nasa roof top lang ako. Wala sa langit!"

"O sige na, nandyan ka na sa roof top. But seriously, Jeasabelle. Ano ba nararamdaman mo kay Danrick? Mahal na mahal mo na ba?"

"Magseselos ba ako kung hindi ko mahal na mahal? Ofcourse, I'm inlove with him. Noon pa. Mas lalo lang yata akong nabaliw sa kanya kaya ngayon nagiging selosa ng wala sa lugar.."

Napatigil ang dalaga nang makarinig ng maliit na pagsinghap. She's not alone, she realized. Napalingon siya sa malaking pigura na nakatayo sa may likuran niya.

Fuck her.

Sigurado siya nanginig ang mga daliri niyang nakahawak sa phone habang nagsasalita si Cathy sa linya.

Goddamn it, bakit naroroon ito? Nasundan siya? Paano?

Ilang segundong nakipagtitigan lang siya sa lalaki. Naeestatwang sinasalubong ang intense nitong titig.

"Jeasabelle? Jeasabelle! Huy, gaga, d'yan ka pa?"

Napalunok siya. "Yes. Will call you later, Cathy." Pinutol niya ang tawag at binawi ang titig kay Danrick. Nanginginig kahit ang mga tuhod niya, at hindi agad siya nakatayo.

"Hindi ba naituro sa 'yo noon na hindi magandang nakikinig sa usapan ng iba?" sabi niya sa tono na pagalit. That's her only way para mapagtakpan ang pagkapahiya.

Ghad, pwede na bumuka ang semento at kainin na lang siya non?

Dahil hindi siya sigurado kung makakayanan niya na harapin si Danrick. Pagkatapos nitong marinig ang mga sinabi niya sa tawag niya with Cathy. Sa lahat pa naman na maririnig ni Danrick na patay na patay siya dito, doon pa sa hindi siya aware na nakikinig ito.

Kaya naman niyang sabihin ng harapan. Pero tangina, hindi iyong sinasabing mahal na mahal niya ito sa pag-aakala na hindi naman nito naririnig!

"Why are you here, Danrick?"

"Bakit ka tumakbo?"

"Trip ko mag-jogging. Pakialam mo?"

"Hindi mukhang jogging 'yong pagtakbo mo na parang hinahabol ka ng aso. Takbo iyon na may gustong takasan."

Narinig niya ang mabibigat nitong hakbang. And she could practically feel the heat of his body. "Magtatanong ka tapos hindi ka naman maniniwala. So anong point ng pagtatanong mo?"

Naramdaman niya ang pagbangga ng katawan nito sa likod nito. Damn, he felt so good. Gusto niya itong harapin, tapos ay yakapin at makulong sa matitigas nitong braso.

Pinigilan ng dalaga ang sarili.

"Narinig mo na naman ang lahat ng sinabi ko. Bakit ka pa nagtatanong?"

"Dahil mas gusto kong marinig na inaamin mo 'yan sa akin kesa sa iba ko pa marinig."

Whut? Napaharap siya dito at di makapaniwalang napatitig dito. "Hindi mo alam na mahal kita? Ang manhid mo naman pala talaga!"

Bumakas ang pagkaaliw sa mata nito. "I'm not talking about that. Ofcourse, I know that. Alam kong matagal ka nang patay na patay sa 'kin. No big deal."

Napanganga siya sa kayabangan nito. "What a jerk."

"Call me a jerk, call me an asshole, call me whatever you want. All I want to hear is you telling me what you really feel now." Humakbang ito at napaurong siya. Hinagip nito ang beywang niya. "Matapang ka pagtarayan ako. Pero hindi mo man aminin sa akin ang pagseselos mo. Ano? Sagot."

She glared at him. Binigyan siya nito ng ngiti na tila nagsasabing wala siyang kawala ngayon. She was trapped in his arms, at wala sa ugali ni Danrick na papakawalan siya nito basta basta.

Wala siyang ibang choice kundi umamin. "Yes, I am jealous. I hate to say this, but I'm jealous to see you with that woman.. Nagseselos ako kahit wala akong karapatan. Kahit alam kong hindi dapat.."

"Hindi ako selosang tao, but with you... Nagiging ganun ako. And I hate it because it makes me insecure and bitter." She tried so hard not to cry. Pumiyok lang siya sa huling salita. Ngunit nagawa niyang maitago ang mga luha.

He stared at her.

"O, inamin ko na. Masaya ka na ba?"

Ilang sandali na tinitigan lang siya nito. Ngunit nagulat siya ng gumuhit ang ngiti sa labi nito at sinapo ang mukha niya. Tangina.

That smile almost melt her bones.

"You're jealous."

Fvck.

"You're jealous," ulit nito at may mangha sa tinig nito.

Napamura na siya. "Goddamn it, Danrick. I know, I'm jealous. Inamin ko na nga, di ba?"

"Yeah, you are." He smiled boyishly.

"Then, stop rubbing it in my face!"

Akala ba nito madaling aminin sa harap nito na selosa siya? Na nagseselos siya? Hell, no! But for some reason, parang natutuwa ang lalaki sa reaksyon niya. She want to take that as a positive reaction.

Ngunit nang hagipin nito ang batok niya at halikan siya, tila naglaho ang bigat sa dibdib niya. He kissed her passionately, like he was commiting himself to her.

Sa unang pagkakataon, parang noon lang niya naramdaman ang pagbibigay nito ng taste of commitment.. That's what she thought. Alam niyang malayo sa katotohanan.

"I'm happy you're jealous, babe," he murmured in her lips.

"Bakit? Dahil ba nakabawi ka sa pagseselos mo kay Vin?"

"Hmm. Yes. It makes me happy to know you're feeling that way."

Tinulak niya ang lalaki. "So, iyon pa rin ang issue? Si Vin pa rin? Wala ka nang dahilan para pagselosan siya!"

"Hindi porke tingin mo bakla siya---"

"Bakla naman talaga siya!"

"Uh-oh. Careful, someone might hear you." pang-aasar nito. Frustrated na bumuga siya ng hangin. Tinalikuran niya ito. Hinawakan nito ang braso niya, pinigilan siya.

"What?"

"Come with me. May ipapakilala ako sa 'yo."

Sumunod siya sa lalaki. Pero hindi niya mapigilan maghinala. Ipapakilala ba siya nito sa babaeng pinagselosan niya?

That would be akward. That's not a good idea.

Nakasakay sila sa elavator. Nagpapasalamat siya at hindi sila sa hagdan dumaan. Tumingin siya sa lalaki. May kanina pa rin siyang gustong itanong dito.

"Danrick, 'yong totoo bakit ka nandito?" Hindi na nakatiis na tanong ni Jeasabelle. "Nandito ka ba para sa akin.. O para sa babaeng iyon?"

Napangiti ito. "You still jealous?"

"Nagtatanong ako. But yes, I'm still jealous."

"For God's sake," natawa si Danrick at napailing. "As much as I want you to be jealous.. Pwede ba'ng wag na lang siya?"

Naguluhang nagsalubong ang kilay niya. "Anong 'wag na lang siya'?"

"I mean, 'wag ka na magselos sa kanya. It's making me uncomfortable. He's not worth of what you feel right now, you know."

"So, anong gagawin ko? Mag-adjust ako..," may narealize siya sa sinabi nito. Napanganga siya. "Ano ulit sinabi mo?"

Bumukas na ang pinto ng elavator. Nasa ground floor na sila. Hinawakan siya nito sa braso at hinila.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Nakuha agad ng pamilyar na built ng katawan ng isang babae ang atensyon ni Jeasabelle.

Ang tuwid at mahaba nitong buhok. Her slim body and her long legs. Hindi pa man nakaharap sa kanya ang babae, abot hanggang talampakan niya ang nararamdaman niyang insecurity.

Lalo na nang humarap ang babae sa kanila ni Danrick.

Damn it. Sino ba namang hindi magseselos kung ganito kadyosa ang babaeng makikita niyang kausap ni Danrick? Kayang-kaya nitong agawin si Danrick sa kanya ng walang kahirap-hirap.

"Danilo!" the woman called him in a sweet, seductive voice.

"Connie," tawag din ni Danrick sa babae.

So, Connie's the name. Ang gandang babae sana, pero ang corny ng pangalan.

"You're so rude kanina ha. I was talking about someone. Bigla ka na lang nawala.."

"Sensya na brad, may hinabol lang ako." Siniko niya si Danrick. Siraulo ba 'to? Kababaeng tao ng kausap, tatawagin parang kumpare lang.

Nakangising inilipat sa kanya ni Danrick ang mata. Pasimpleng pinandilatan niya ito.

"Oh, your someone." Lumipat sa kanya ang nakangiting mata ng babae. Naka-blue doll eyes ito and her pink plump lips just made her look like a fucking Barbie doll.

Tangina ni Danrick, pinaharap pa talaga siya babaeng pinagseselosan niya. Hindi niya alam kung gusto nito na mawala ang pagseselos niya o lalo siyang ma-insecure.

"Hi, I'm Connie. You must be Jeasabelle."

Atubiling tumango ang dalaga dito. "Ako nga 'yon."

"God, you're so sexy and beautiful. Nice to meet you, girl." at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Tama nga si Danrick. You're stunning and almost perfect."

Tumaas ang kilay ni Jeasabelle kay Danrick. Totoo ba ang narinig niya?

"But forgive me, ikaw ba 'yong same girl na umeksena sa coffee shop-- di ko na matandaan kung kailan 'yon, eh." Agad na nag-init ang pisngi niya. "Ikaw ba 'yon?"

"Y-Yes.. Pero kalukahan lang 'yon. Trip lang. Alam ni Danrick iyon."

"Oh, I see." Tumawa ito at noon lang niya narealize na flirty pala talaga ang way ng pagtawa nito. "Nagulat ako nun. Akala ko kung ano na."

Biglang nagsalita si Danrick sa tabi niya. "But don't believe her. Wala akong alam sa ginawa niya nun. Pinagseselosan ka lang talaga niya noon."

"Oh my gawd, really?" maarteng napahawak sa dibdib si Connie. She bit her lower lip. Pasimpleng siniko niya si Danrick. "Oh, I can see she's really guilty about it. Danilo, ang mean mo sa girlfriend mo ha!"

Girlfriend? Siya? Kung alam lang ni Connie ang totoo.

"Hindi pa niya alam."

"Talaga? You want me to introduce myself pa ba o ikaw na?"

Naguguluhang nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawa. Anong sinasabi ng mga ito?

"Why not introduce yourself?"

"Okay." Humarap sa kanya si Connie. "Jeasabelle, i'm Danrick's second cousin."

Pinsan! Pinsan ito ni Danrick! Nasapo niya ang bibig. "I'm sorry, hindi ko alam."

"And Connie's just my palayaw. Unti na lang talaga nakakaalam ng pangalan ko, but..." Napanganga siya sa sunod na narinig.

Dahil mula sa boses nitong pang-barbie, bigla ay parang naging kaboses nito si Danrick. "You can call me Conrado."

 Napaatras siya, nanlalaki ang mata. What the hell?

Halos dumagundong sa buong building ang naging tawa ni Danrick.

💋

Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top