Chapter Sixteen

🍷


"SINO 'YON?" mababa at mapanganib ang boses ni Danrick. Hindi rin nakaligtas kay Jeasabelle ang panunumbat sa tono ng lalaki. Nasa loob na sila ng kotse nito at nagda-drive para sabay na maglunch. Hindi maipinta ang mukha ng binata. Parang magbubuga ito ng apoy.

"Si Vin."

"Vin who?"

"Vin Diesel," pang-aasar pa niya.

Napamura ang lalaki at pinigilan niyang mapahalakhak. Pinukol siya nito ng matalim na tingin. Hindi ito nagsalita at ibinalik ang tingin sa daan. Pero kita niya ang sama ng loob sa gwapong mukha nito.

Nagseselos na ba ito? Napaselos nya ba ito tulad ng gusto niyang mangyari?

Hindi siya sigurado. Pero malakas ang feeling niya na nagseselos ito kay Vin. Sa nakamamatay pa lang na tingin nito kanina kay Danrick, at sa paraan nito ng paghila sa kanya palayo sa lalaki ay parang ganoon na nga. Nagtagumpay siya na pagselosin ang lalaki gamit si Vin.

Pilit niyang pinigilan ang ngiti sa labi niya. Ngunit kusang gumuhit iyon sa mga labi niya.

"He's just a friend. Hindi mo naman kailangan maging rude sa kanya kanina."

"He don't look like a friend to you."

"Kaibigan ko lang nga siya."

"Ipagpalagay na natin na kaibigan mo. Kailangan may pag-akbay?"

"Ah, dapat ba holding hands?"

Napatiim-bagang ito at parang gusto niyang halikan ang prominenteng panga nito. Pagkatapos ay dilaan pababa sa leeg, papunta sa matipunong dib---

Huminahon ka, Jeasabelle. Galit na nga 'yong tao, kalandian pa nasa isip mo!

Dinilaan niya ang ibabang-labi at marahang kinagat. Pinipigilan na maging halata na natutuwa siya sa reaksyon nito. Alam niya dapat siya ma-offend sa sinabi nito sa kanya na namamangka daw siya sa kabilang ilog. Pero hindi niya magawang magalit. Mas nangibabaw 'yong tuwa at pag-asa na nagseselos ito.

"Bakit ba ganyan ka makapag-react?" tanong niya at painosenteng ngumiti. "Nagseselos ka ba?"

Nawindang si Jeasabelle nang biglang prumeno ng malakas si Danrick. Parang nakalog ang utak niya. Gusto ba nitong mamatay siya sa gulat? Nanlalaki ang matang tumingin dito.

"Ano ba! Dahan-dahan naman koya, may galit?!"

"May tinatanong ka ba?" pagsusungit nito.

"Wala!"

"Wala pala, eh. Tumahimik ka na dyan." Hindi nakaligtas sa mata niya na iniiwasan siya nito tingnan sa mata at katulad pag nagtatalik sila---namumula ang mukha nito. Nagb-blush!

Aha, nagsusungit pa. Hindi na lang umamin.

Hindi na lang din ni Jeasabelle inungkat iyon kahit nang makatapos na silang mag-lunch ni Danrick. Isa lang ang mahalaga sa kanya.

Iyon ay ang malaman na sa kanilang dalawa, hindi lang siya ang capable na mag-selos.

Ang kaso pagkatapos rin nila mag-lunch ay inihatid na siya ni Danrick sa trabaho niya. At buong araw na hindi na nagparamdam sa kanya!

-

"BAKIT ka nagmumokmok d'yan?"

Ang boses ni Mary Jane ang pumutol sa mga naglalangoy na pangamba at namumuong hinala sa isip niya.

Umupo sa harap niya si Mary Jane. Nilagyan nito ng alak ang baso. "Bakit hindi ka nagsasaya? Hindi ka jumoin kita Alicia at Cathy."

Umiling siya, pilit na ngumiti. "Later na ako, MJ."

"Wala sa mood?"

"Yeah, and stress."

"Gurl, you're here to have fun. Saka mo na isipin kung sino man 'yang pinoproblema mo. Girls night natin 'to, eh."

Every Friday night nagkikita kita ang mga members ng Big Beauties Club sa Purple Haus kung saan ginagawa nila ang pinaka-importanteng rule sa BBC---To have fun. Marami na ding members ang BBC. Pero iilan lang silang single na member na pwede pang magparty. 'Yong ibang members kasi married na and number one priority nila 'yong mga kids nila. Samantalang sila na single pa, pwede pa. Kaya nga yata sila may girls night para makahanap na sila ng jowa at hook-ups. Well, adult naman sila at normal lang din.

Anyway, hindi naman pagpaparty lang ang ginagawa nilang members ng BBC. May mga advocacies sila na related sa health and pagbibigay ng confidence sa mga kapwa nila na plus size. Kaya nga parami ng parami ang members ng BBC. Dahil hindi lang naman mga single na katulad niya ang nagiging member. Kahit married o kaya may apo na.

Kahit nga 'yong mga teenager na babae na hindi confident sa sarili dahil sa pagiging majubis ay nahikayat na rin nila na sumali sa BBC.

Aaminin niya, hindi siya confident na babae. Kabilang rin siya sa mga shy type before dahil sa size niya. Pero nakatulong ang BBC para mas mahalin niya ang sarili.

And dahil din iyon kay Mary Jane na siyang founder talaga ng BBC. Ito talaga at ang partner nitong si Cristeta Mae ang dahilan kung bakit nahuhubog ang confident ng bawat majujubis.

Hinagod niya ang batok. "I'm having fun naman, kaso marami lang pumapasok sa isip ko ngayon."

"Marami ba talaga o isang tao lang 'yan na malaki ang epek sa 'yo?"

Okay, nasapul siya doon.

Ngumisi si Mj. Nilagyan din nito ng alak ang baso niya. "Uminom ka muna. Kasi you know, teh, walang lugar ang stress sa Purple Haus. Daming hombre dyan sa paligid para mamproblema ka sa isa."

"Ano bang magagawa ko kung sa kabila ng napakaraming fafa, eh, isa lang gusto ko?"

"At hindi ka rin gusto ng gusto mo, ganoon?"

"Hmm. Hindi pa ba ako gusto kung ilang beses na may nangyari sa 'min?"

Tumikwas ang kilay ni MJ. "So, may nangyayari na naman pala, eh. Eh, ano pala ang drama mo d'yan teng?"

"Hindi na nagpaparamdam."

"Ayun, fun run victim pala."

"I don't know."

Hindi niya masabi kung fun run victim ba siya. Kasi aware naman siya sa kung ano ang pinasukan niya---ah, siya pala ang pinasukan. Pareho naman silang nagkaroon ng fun ni Danrick, at hindi naman niya masasabing tinakbuhan na siya ng lalaki kasi alam naman niya na hindi dapat siya umasa.

"Mga ilang araw na ba'ng hindi nagpaparamdam?"

"Isang araw pa naman."

"Pota ka, wala pa palang isang linggo eh. Kung maka-emote ka naman d'yan, gurl, parang one week nang hindi nagpaparamdam sa 'yo."

"Miss ko na, e." At nami-miss na talaga niya si Danrick. Ang walanghiya na 'yon, nage-gets niya kung nagselos talaga ito at nagtampo sa kanya. Pero maano ba na I-text naman siya? O kaya tawagan kahit two seconds lang? Kahit isang missed call lang na pilit magiging masaya na siya.

Pero wa message, wa tawag, wa care!

Pinag-iisipan niya tuloy na baka nagalit na ito sa kanya. Inakala siguro nito na meron nga'ng something sa kanila ni Vin. Ang daming pumapasok sa utak niya na dahilan kung bakit hindi ito nagpaparamdam ngayon sa kaniya.

Hindi siya sanay. Sa mahigit two weeks na no-label relationship nila ni Danrick, nasanay na siya sa presensya nito. Nasanay na siya na tine-text siya nito kapag gustong makita, tinatawagan pag nagugutom ito at siya ang gustong makasama kumain---pero ang nagiging ending, siya ang kinakain.

Nami-miss na niya agad ang amoy nito, ang init ng katawan nito at ang lahat lahat sa lalaki. At sinasabi niya na hindi siya masasaktan kapag nangyari na ang kinatatakutan niya?

Wala pa silang one month sa set-up nila ni Danrick. Pero parang ayaw na niya ito pakawalan.. At masisisi ba niya ang sarili? Matagal na siyang may gusto kay Danrick. College days pa lang yata niya mahal na niya ang lalaki.

Ahhh, bwisit.

Pesteng pag-ibig.

Dinala niya sa bibig ang baso at nilagok ang lamang alak. Mainit, tulad ng init ni Danrick sa kanya, na gumuhit sa lalamunan niya ang alak.

Gusto niyang matawa. Sigurado ba siya na hanggang sa mga oras na 'yon ay ganoon pa rin si Danrick sa kanya?

Mapait na kumalat ang lasa sa dila.

Lumipad ang tingin niya sa dance floor kung saan nakikita niya ang mga co-members niya. "Bakit umalis ka doon?" tanong niya kay Mj.

"Ah, nangalay na ako. My heels are killing me. At masama na din tingin ni Roy sa mga kanina pang dumidikit sa 'kin."

"Kasama mo si Roy?"

"Yeah, may kausap lang siya." Matamis na ngumiti ito. Pero hindi umaabot sa mata ang ngiti na iyon.

Hindi niya alam kung siya lang ba pero parang hindi niya nakikitaan ng great chemistry si MJ at ang boyfriend nitong si Roy. Maganda rin naman si Mary Jane at curvy talaga ang katawan nito. Gwapo rin naman si Roy at papasang movie star dahil sa bad boy look nito.

Kung tutuusin bagay naman ang dalawa.

Pero may something talaga sa dalawa na hindi niya maipaliwanag.

Mga ilang saglit pa ay lumapit nga sila si Roy. Parang gusto niyang buhusan ng alak ang dalawa nang sa harap pa talaga niya naghalikan. Bastos ang mga ito, ah.

"Let's dance, babe." narinig niyang sabi ni Roy dito at ipinulupot ang braso sa katawan ni Mj. Tumingin sa kanya ang kaibigan at nagpaalam. Tinanguan naman siya ni Roy.

Muling bumigat ang dibdib niya nang maiwan na naman siya mag-isa doon.

Nilagyan ulit niya ng alak ang baso. Tutal Friday naman, okay lang na magpakabangelya siya tonight. May kwarto naman si Alicia sa itaas kaya pwede doon na siya matulog.. Kaso baka naka-reserved na 'yon sa kalantudan ng kaibigan. Hindi siya comfortable panoorin ang kababuyan ng kaibigan kung sakali.

Baka magpahatid na lang siya.

 

 KUNG may susunod kay Kris Aquino sa pagiging horror queen, si Alicia Keps na 'yon. Binasag nito ang katahimikan ng gabi sa pang-horror movie na tili nito.

"O-M-G, bes naman. OH MY GHAD!" maarteng tili pa ng kaibigan. Tatalunan nito ang sound system ng sariling bar. Gusto na niyang pasakan ng pouch niya ang bibig nito.

"Tangina naman 'to, eskandalosa ka rin ng taon eh." Narooon sila si parking area, sa eksaktong area kung saan humagalpos sa mga nananahimik na halaman ang resulta ng pagpapakalasing niya.

Tinampal siya nito. "Bakit ka naman kasi nagpakabangelya?! Look! You ruined my Dior heels!"

"Gaga, di ko naman sinasadya na natalsikan 'yan. Bakit kasi mo pa ko binitawan?"

"Eh kung nagsungaba ka at nauna 'yang mukha mo? Konsensya ko pa kung masira 'yang fez mo."

"Hindi nga kasi ako laseeeeeeng!"

Maarteng inilagay nito ang kamay sa dibdib. "Like omg, kaya ka pala nasuka na no? Buti na lang nakalabas na tayo ng bar bago ka pa nagkalat. Omg, di ko kakayanin ang kahihiyan kung sakali." Kumuha ito ng tissue sa bag at tumuwad para punasan ang heels nito.

Hinayaan niyang kumawala sa bibig niya ang malakas na halakhak. Pagkatapos ay sumandal sa kotse. "Ganito pala ang feeling ng nagmahal, nasaktan.. nagpakalasing.."

"Ganyan ang feeling ng nagpakangkang, umasa, nagpakangkang ulit, di daw aasa, at nagpakangkang ulit."

"Puro kangkang 'yong narinig ko bes.. Wala bang karat? Because I miss him na like crazy.."

"Ayan na nga ang sinasabi ko." Tumayo si Alicia at pinameywangan siya. "Sinabi ko na---"

Tinakpan niya ang bibig nito. "Don't talk. You can't talk.." tumaas ang kilay nito at ngumisi siya. "You can never talk."

Inis na inalis nito ang palad niya sa bibig niya. "I-apply mo rin kaya yan sa sarili mo bes, ha? Don't subo. You can't subo. You can never subo!"

Natahimik siya at muling sumandal.

"Ang tagal naman ni Cathy!" Inutusan kasi nito ang kaibigan nila na pumunta sa kalapit na coffee shop para ibili sila ng coffee. "Kape lang bibilhin, nag-grocery na yata ang gaga."

Ipinikit niya ang mata, dinama ang malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat.. Habang inaalala si Danrick... Ang mga halik nitong nag-iiwan ng marka sa kanya, ang mga yakap at haplos nito..

At hindi siya makapaniwalang naglasing siya dahil sa pagka-miss agad dito. Nakaramdam siya ng pagod.

"Pasensya na, kung papatulugin lang na muna.. ang pusong napagod, kakahintay.."

"Gaga, ano 'yan?"

"Kumakanta."

Tumingin si Alicia sa kanya na parang nakakita ng baliw. "Para kang 'yong Lolo ko kapag nalalasing, ganyan din kumanta."

"Don't judge me. Ganto talaga siya dapat kantahin."

Minutes later, dumating din si Cathy.

"Ang tagal mo, teng. Akala ko binili mo na rin mismo 'yong coffee shop."

Ngumisi ito. "Sorry naman, hindi ko maiwasan chumika muna doon." sabi nito habang inaabot sa kanila ang coffee nila. Agad niyang ininom ang kanya.

"Kaya naman pala naglasing ang isang 'yan. May bago na si Danrick. Ayun, may kasamang sexy dun sa coffee shop."

Naibuga niya ang kape, at parang biglang nawala ang kalasingan. "ANO?"

🔪

Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top