Chapter Six
💋
"SO, okay lang ba sa 'yo ang no label relationship?"
Pinaikutan ni Jeasabelle ng mata si Alicia. Nakaupo siya sa harap ng salamin at busy sa pagpapaganda sa sarili. Mahigit isang oras na yata siya nakaupo doon. At hindi siya aalis hangga't hindi on point ang seductive look niya para sa gabing 'yon
Ofcourse, she have to be very seductive every Friday Night. Para pak ang awra!
"Bakit may pag-irap?" amused na tanong ni Alicia, nakaupo ito sa kama nito at isinusuot ang itim na high heels nito. "Si Fafa Danrick mo na ang nag-propose sa 'yo ng isang no label relationship, choosy ka pa?"
"Ay, bakit? Wala ba akong karapatan tumanggi?" Tinaasan niya ito ng kilay sa salamin.
"Wala naman akong sinasabi na wala kang karapatan tumanggi. Surprising lang kasi na ikaw pa 'yong tumanggi."
"Ay, wow."
"Yeah, and sis, sure ka ba talagang nagpropose siya ng ganoon sa 'yo or imagination mo lang? Kasi kung tingnan na lang natin 'yong ex-girlfriend niyang goddess... Ouch!"
Binato niya ito ng make-up brush niya. "Gurl! Ang sakit nun, ha."
"Tse! Masakit din makumpara sa ex niya no."
"Eh, masakit pala, bakit hindi mo pa kasi tinanggap ang proposal sa 'yo ni Danrick? Nagpapahabol ka lang yata, eh."
"Hoy, hindi no!"
Siya naman ang pinaikutan nito ng mata. Tumayo na siya sa kinauupuan at humarap dito. Maarteng hinawi ang buhok nya at nameywang sa kaibigan.
"Pagpapahabol ba kung sabihin ko na hindi okay sa akin ang isang no strings attached kemerut? Eh, that's me. Hindi naman talaga okay 'yon sakin, kasi halos lahat ng pumapasok sa ganyan nasasaktan sa huli. Sa simula, mag-agree kayo sa sex lang. Pero habang tumatagal, nagkakaroon ng feelings 'yong isa at doon na magsisimula na aasa ka na baka may feelings na rin siya sa 'yo."
Alam na alam na niya ang ending ng mga pumapasok sa isang no label relationship. Nagiging bitter ang isa, at mapupuno ng hugot posts ang facebook wall ng umasa at nasaktan.
"Second, tama lang na I-decline ko 'yong proposal nya because I am a Filipina, and I should be conservative."
"Pota ka," ibinato pabalik ni Alicia sa kanya ang make-up brush niya. "Ayos na sana 'yong una mong sinabi. Sinundan mo pa 'yong pagiging conservative mo kuno."
Humalakhak siya at tumabi dito. "Pero seryoso ako, naisipan ko pa magpaka-conservative nung tinanong niya ako kahit gusto na talaga ng keps ko."
"Eh, bakit hindi mo sinunod ang tawag ng landi?"
"Ayaw ko rin kasi magmukhang easy to get lang. Aminado naman ako na gusto ko na siya college pa lang. Pero pagkatapos ng unang encounter namin, noong iniwanan niya ako sa hotel dahil sa nalaman niyang siya 'yong una ko, parang hindi naman yata tama na pumayag ako sa proposal niya. Oo, gusto ko siya. Pero hindi ko papababain 'yong self worth ko dahil sa isang lalaki no."
Napangiti ito at hinagod ang likod niya. "Tama 'yan, sis. Hindi porke gusto mo 'yong isang tao, magpapakatanga ka na at ibababa mo 'yong dignidad mo para sa kanya."
"Pero tingin mo interesado talaga siya sa kin?" Parang ayaw niya paniwalaan ang sinabi ni Danrick sa kanya. He found her attractive daw. Hindi niya tuloy mapigilan isipin na baka pampalubag loob lang nito iyon kaya sinabi sa kanya.
"Sis, hindi ka ba nagagandahan sa sarili mo?"
"Alam kong maganda ako, sis. Pero parang di lang ako makapaniwala kung manggagaling kay Danrick. Eh buong college days ko itinuon ko sa pagpapansin sa kanya, deadma lang niya ako."
Itinirik nito ang mata. "Naku, girl. Hindi ako si Danrick kaya hindi ko masasagot 'yan. Tara na nga sa baba, baka hinihintay na tayo ng mga gaga."
Mula sa labas ng silid nito, kanina pa niyang naririnig ang malakas na music. Mukhang nagkakasiyahan na sa ibaba kung nasaan ang bar nito. Tiyak kanina pa naghihintay ang mga kaibigan nila doon.
Bumaba na sila ni Alicia. Sinalubong siya ng malilikot na ilaw, nakakaindak na musika at nakakabuhay na kasiyahan ng mga naroroon.
Agad na namataan ni Jeasabelle ang mga kaibigan sa isang table.
"Here comes the two virgins!" sigaw ni Cathy nang makalapit sila sa mesa.
"Hoy, wag kang ano d'yan. Matagal ko na naisuko ang akin!" angal ni Alicia.
"Ay, dapat lang. Mashonders ka na, eh!"
"Eh, si Jeasabelle ba?" Napatingin siya kay Anastacia. May nanunuksong ngiti sa labi nito. "May nabalitaan ako.."
Nag-init ang pisngi niya. Doon na nagsimulang ulanin siya ng tukso sa mga kaibigan. Buti na lang natigil agad 'yon ng dumating si Mary Jane, ang founder ng Big Beauties Club. Kasama nito ang boyfriend nitong si Roy.
Halos kumpleto na sila kung naroon si Cristeta. Kaso hindi daw ito makasama. Nagpaalam na may lakad kasama ang jowa nito na si Trevor.
Nandoon din si Tephany kasama ang kambal, si Jenn at Kenn. Nauna na ang mga ito sa dance floor.
"Guys, ano na? Di ba kayo sasayaw? Tara na!" sigaw ni Cathy sa kanila, umiindak-indak na. Di nagkakalayo ng hugis ng katawan silang magkakaibigan. Pero sa kanilang magkakaibigan, ito ang may pinaka-panalo ang katawan. Parang si Ashley Graham manamit at umawra. Tinalo pa nito ang mga sexy na babae sa club na 'yon sa paraan na umani ito ng atensyon sa mga lalaki. Ganoon din ang iba niyang kaibigan. Malaking tulong talaga ang mga zumba sessions nila.
Nilagyan niya ng alak ang maliit na baso at uminom. Napaungol siya nang gumuhit ang init sa lalamunan niya. "Uhhm. Sa init ng alak na lang talaga ako napapaungol."
Natawa si Alicia. "Gaga, tumayo ka na nga dyan! Doon tayo kina Cathy. Dali, madaming boylet teh!"
"No, mamaya na ako mag-join sa inyo. Dito lang muna ako."
"Arte! Sige, iwanan muna kita dyan."
At iniwanan nga siya ng gaga. Mula sa kinauupuan niya, pinanood na lang niya ang mga kaibigan na sumayaw. Nilagyan ulit niya ng alak ang baso at uminom. Wala pa siya sa mood sumayaw. Parang gusto muna niyang mag-chill at panoorin kung sino sa mga ito ang unang makakabingwit ng boylet.
Bored na inilibot niya ang paningin sa paligid. Marami talagang tao lalo na pag Friday night sa Purple Haus. Maraming pamilyar na mukha sa kanya. May mga celebrity at commercial models na naroon. So many hotties and beef cakes. Pero hindi siya interesado.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Ibinalik na niya ang mata sa pwesto ng mga kaibigan nang matigilan siya.
May init na gumapang sa balat niya at lumipad ang mata niya sa pamilyar na bultong namataan.
Then, she found herself staring into a pair of dark brown eyes.
Napalunok siya. Binawi niya ang tingin at napainom ulit ng alak. Parang tumakbo siya ng isang kilometro at nakaramdam ng pagkauhaw ang lalamunan niya.
God, he's here. Nakaupo ito sa may counter. May maliit na ngiting nakaukit sa mapang-akit nitong labi. Parang kanina pa siya nitong namataan base sa pagkakatitig nito sa kanya.
God! Bakit nandito ang lalaki?
Silly. Hindi na siya dapat magulat na naroon din si Danrick. And wait, bakit ba siya nagpa-panic? Kalma lang, gurl.
She took a long, deep breath.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa may counter. Napakunot noo siya. Wala na doon ang lalaki. Where did he---
"Looking for someone?"
Nanigas ang katawan niya nang marinig ang boses nito sa likod niya. There was something his sensual voice that sent a chill down her spine.
Namalayan na lang niya nasa harap na niya ito. Umupo ito sa may tapat niya. "I hope you don't mind me sitting here with you."
Naningkit ang mga mata niya. "Why are you here?"
"For fun? I'm here for fun. Ikaw ba?"
Muntikan na niyang maitirik ang mata. "I know you're here for fun. Ang tinutukoy ko, bakit dito pa sa pwesto ko--namin ng friends ko."
"Wala ka naman kasama ngayon, di ba?"
"Yes, pero hindi nun sinasagot ang tanong ko, Danrick."
Hinawakan nito ang baba at isinandal ang likod sa couch. May mayabang na ngiting gumuhit sa labi nito. "Okay. What do you want to hear?"
"Answer my question."
"I'm bored. That's why I'm here."
"Bored ka kaya ka pumunta dito sa akin?"
Tumango ito.
Napanganga siya. Kapagkuwan ay ekseharang napabuga ng hangin. "Ay, wait lang, ha. First of all, hindi ako clown. So, pasensya di ko mapapawi ang boredom mo kaya hanap ka na lang ng ibang table."
"No. Dito na lang ako." Komportable na ini-strech nito ang braso. Hindi niya mapigilang sundan ng tingin ang pag-igting ng ugat nito. Shutanginamers. Tukso, tukso, wag mo kong lapitan.
Humahakab ang itim na tela ng shirt nito sa matipuno nitong katawan. Halos bumakat na nga ang six-pack nito. Ito 'yong tipo ng lalaki na pasadahan mo lang ng isang tingin, mararamdaman mo nang namamasa ang bagay sa pagitan ng hita mo. Gahd, di na siya nagtataka kung magcause ito ng baha sa bar ni Alicia.
"You're so kulit. I can't entertain you here, Danrick. So, lilipat ka ng ibang table. Ngayon. As in now na."
Tumawa ito. "Pwede ka palang impersonator ni Kris."
Pigil pigil niya na irapan ang lalaki. "Thank you. Isa lang 'yon sa marami kong talent."
"Pwedeng maging trabaho 'yan. Malaki kikitain mo sa pagiging impersonator."
Jino-joke time ba siya ni Danrick? "Well, no thanks. I already have many jobs na." Totoo 'yon. Bukod sa beauty salon at clothes store niya, part-time make up artist din siya. At nagb-blog siya pag may free time. Wow, may free time pa siya no? Ganun talaga pag wala naman jowa.
"So, you're a busy woman."
"You can say that."
"Interesting."
Naiangat niya ang kilay niya sa sinabi nito. Lalo tuloy lumalakas ang hinala niya na jino-joke time lang siya ng lalaki. Ang walanghiya.
"At anong interesting doon? I'm sure mas maraming interesting na gawin 'yong ibang babae na dumaan sa buhay mo."
"Yes, but I'm more interested to see you doing some job for me." Binigyang diin pa nito ang salitang job.
Nanlaki ang mata ng dalaga.
Kinagat nito ang ibabang labi at puno ng init na bumaba ang tingin sa labi niya.. pagkatapos ay naglandas sa malulusog na dibdib niya.
💋
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top