Chapter Seventeen

🚦

"OMG. Oh My God, Jeasabelle. This is not a good idea!" may pagpigil sa braso niya si Alicia.

"Trulity! Wiz ka na sumugod doon!" dagdag ni Cathy.

Tumigil siya at nakangiting hinarap ang dalawang kaibigan. "Wag kayong mag-alala. Hindi ako gagawa ng eksena."

Nagkatinginan ang dalawa. Tumahimik.

At hinayaan na siyang sumugod.

Hindi nagkakamali si Cathy. Nandoon nga ang walanghiya. Nakikipagtawanan pa sa babaeng kasama nito. Hindi agad niya nakita ang mukha ng babaeng kausap nito. Pero nang pumwesto na siya isang sulok, gayon na lang ang pagkagulat niya.

Dahil ang babaeng kasama ni Danrick ngayon ay ang mismong babaeng nakita niyang kaharutan nito sa lobby ng BBC Building!

She clenched her teeth. Kaya ba hindi ito nagpaparamdam sa kanya ng buong araw? Nakakita na ito ng iba? May kirot sa dibdib niya, at parang pinipiga iyon sa loob.

Umupo rin sa tabi niya sina Alicia at Cathy. Tahimik na pinapanood ang masayang pagkukwentuhan ni Danrick at ng kasama nitong babae.

Para silang nasa sinehan. Silang tatlong magkakaibigan. At pinapanood nila ang landian stage ng dalawang bida sa palabas.

"She's pretty naman," komento ni Cathy. Siniko ito ni Alicia nang tingnan niya ng matalim ang kaibigan.

Pero tama si Cathy. Maganda ang babae. Hindi ganoon kaganda, pero dahil maputi ito at parang labanos ang balat maile-label na rin na maganda.

"Mas maganda ka 'dyan, Jeasabelle." Alam niyang paraan lang 'yon ng kaibigan para pagaanin ang loob niya.

Hindi nito kailangan gawin iyon.

Siguro nga mas maganda siya. Kung sa ganda lang, confident siya sabihing nakakalamang siya. Pero sa kaseksihan ng babaeng kaharap ngayon ni Danrick, alam niyang hindi. Hakab na kahab ang kulay itim na dress sa babae na mas lalong nagpapatingkad ng ganda ng hugis nito.

Umahon ang insecurity sa kanya.

Nanginginig na humugot ng hangin si Jeasabelle. "Kita n'yo hindi lang siya maganda, maganda rin ang kutis at sexy. Pang-VS ang waistline. And in reality, ganyan talaga ang gusto ng mga lalaki."

"Bes, hindi naman lahat." pagtutol ni Alicia. "May mga lalaki pa rin na mamahalin ka at tatanggapin ka kahit ano pa ang size ng waistline mo. 'Yong lalaki na kahit paradahan mo ng Victoria Secret models, hindi ka ipagpapalit kasi ikaw lang talaga ang gusto niya."

Umiling si Jeasabelle, may pumatak na luha sa mga mata niya.

Perfect. She really need that for her scene.

"Gusto nyo ba ng palabas?" Tumingin siya sa mga kaibigan. Tila naguguluhan na nalilitong tumingin lang ang dalawa sa kanya. "Just watch me."

Maarteng tumayo si Jeasabelle. Hinawi ang buhok, confident na naglakad siya papunta sa kinuupuan ni Danrick. Sinuot niya ang matigas na ekspresyon. Hinayaan pang patuluin ang luha.

Halos magkasabay na napaangat ang tingin ng dalawang naghaharutan sa kanya. Doon niya hinayaang lumipad ang palad sa pisngi ng binata.

Sigurado siya gumawa ng echo ang paglagapak ng palad niya. Napasinghap ang babaeng kasama ni Danrick.

"Manloloko ka!" mariin, ngunit malakas na sigaw niya sa mukha nito. "Niloko mo ako, hayop ka. Sinabi mo ako lang ang mahal mo! Sinabi mo hindi mo na uulitin 'yong panloloko mo noon. Sinabi mong ako na lang! Ako lang!" Ramdam niya ang mata sa kanila ng mga naroroon.

"Pero ano ito? Ano ito, Danrick?"

Bumuka ang bibig nito para magsalita. Hindi niya hinayaan ito. Kailangan rin niya matapos ang eksenang 'yon.

"Pagod na akong mahalin ka habang paulit-ulit mo akong niloloko. Pinapalaya na kita. I love you, goodbye."

Tinalikuran niya ito at mabilis na nagmartsa palabas.

"Gaga ka, Jeasabelle! Ano 'yon?!" Tumatawa si Alicia at Cathy habang nakasunod sa kanya.

"Naglasing ka lang ba talaga o tumira ng ano? Doon ka pa talaga nag-amats!"

Pinahid niya ang pisngi at tumawa. Hindi rin niya alam kung anong pumasok sa isip niya. Ang alam niya umiral lang ang pride niya. Kung ipagpapalit na rin lang siya ni Danrick dahil may bago na ito. Bakit hindi siya gumawa ng eksena sa harap ng mismong bago nito?

May pagka-immature 'yong ginawa niya. But she's just a woman with a broken heart.

"Sabi ko sa inyo, e. Bibigyan ko kayo ng palabas."

Natatawang tinampal siya ni Alicia. "Marian Rivera ang arrive mo dun!"

"Correction, Angel Locsin to."

"O, sige ikaw na si Monica."

"Gurls, gurls.. I think we should go." sabi ni Cathy.

Napatingin sila dito. "Bakit?"

"Because this is not good na. Danrick's coming. Uh-oh." Sinundan niya ang tinitingnan ni Cathy.

Nanlaki ang mata niya nang makita si Danrick. Kakalabas lang ng coffee shop at base sa direksyong tinutungo nito, papunta ito sa kanya! At mukhang galit na galit ito.

"O-M-G! Gurls, tara na!"

Mabilis na sumakay sila sa kotse ni Alicia. Sa passenger seat siya at sa likod si Cathy. Si Alicia ang driver.

"Omg, parang galit si fafa Danrick!"

Tama si Cathy. Mukhang mabangis na lobo ang binata. Ngunit kahit na mukhang may balak ito na sakmalin pag naabutan siya, bakit parang ang hot pa rin nito?

"Papalapit na siya sa 'tin. Bes, drive na bilis!"

"Hintay lang!" Binuhay nito ang makina ng kotse at saka pinasibad iyon. Kumakabog sa kaba ang dibdib ni Jeasabelle. Dahil kita niya na sumakay si Danrick sa kotse nito. May balak yata sila habulin nito!

"Oh, no. Hinahabol niya tayo." kinakabahang sambit niya.

"Ikaw kasi may pagsampal ka pang nalalaman. Pinahiya mo pa 'yong tao." sabi ni Alicia. "Ano ba kasing pumasok sa isip mo?"

"Ay, teka, bakit parang kasalanan ko? Parang kasalanan ko?"

"Bume-Bea Alonzo ka pa, te. Kasalanan mo talaga!"

Marahang nakagat niya ang ibabang labi, pinipilit pagaanin ang namumuong tensyon sa dibdib niya. Tumingin siya sa salamin. Nakasunod na sa kanila si Danrick. Mabilis magmaneho ang lalaki, saksi na siya doon.

"Bes, wala na bang ibibilis 'yan?"

"Heto na nga binibilisan ko na. Oh my god, pag tayo naaksidente ngayong gabi. Mumultuhin kita."

"Gaga, baka multo na din ako."

"E di magmumultuhan tayo."

Minura sila ni Cathy sa likod. "Pota kayo, nagdadasal na ako dito para kaligtasan nating tatlo. Tapos iniisip nyo na agad maging multo!"

Pare-pareho silang napatili nang marinig nila ang malakas na ring. "Ay ano ba 'yan!"

Muntikan na rin siya mapalundag. "Kanino ba 'yon? Nakakagulat naman!"

"Jeasabelle phone mo 'yata yon," sabi ni Cathy.

Kanya nga! Kinuha niya ang cellphone sa bag. Lumakas lalo ang pagtibok ng puso niya nang makita si Danrick ang tumatawag. Siraulo ba 'yon? Ang bilis bilis na nga nito magmaneho, pagkatapos nagawa pa siya nitong tawagan. Kung maaksidente ito?

Kahit naman ito ang dahilan kung bakit siya ngayon nasasaktan, ayaw niyang mapahamak ito. At dahil ayaw niya itong mapahamak, ini-off niya ang cellphone.

"Si Danrick 'yon? Bakit hindi mo sinagot?"

"Bahala siya. Basta ayaw ko muna siya makausap ngayon."

"Mukhang maabutan na nga nya tayo," sabi ni Alicia.

Mariing napapikit siya at nanginginig na bumuga. "Hindi kaya dapat si Cathy ang magdrive para mas mabilis?"

"Bakit ako?" itinuro ng babae ang sarili, "Eh, bakit hindi na lang kaya ikaw bes?"

Tila sumang-ayon si Alicia. "Oo nga. Tutal ikaw naman ang dahilan kaya tayo pinapagat ngayon ni Danrick, bakit hindi ka na lang namin ibaba sa tabi ng kalsada?"

"Magtigil nga kayo. Mas lalo ako kinakabahan sa naiisip nyong pagtatraydor sa 'kin."

"Kami nga kinakabahan kahit hindi naman kami ang hinahabol ni Dan."

Napailing siya, saka napaungol sa nerbiyos. "Oh My God. Bakit parang feeling ko nasa slasher film ako? Hindi ba dapat mala-Fifty Shades Of Grey to?"

"Doon naman talaga ang tungo nyo kapag naabutan ka na ni Danrick," at sinundan ni Cathy 'yon ng kanta. "I look and stare so deep in your eyes, I touch on you more and more every time.."

Malisyosang tumawa ang dalawa. Tuloy hindi niya mapigilan pag-initan ng mukha.

"Uy, nai-imagine na niya," tukso pa ni Alicia.

"No! I'm not." Pinatigas niya ang ekspresyon ng mukha. "Hindi na siya makakaulit sa akin. Kung anuman ang namagitan sa aming dalawa, hanggang doon na lang 'yon."

Wake up call na rin siguro sa kanya ang nangyari. Mas okay na 'yong matapos ng maaga ang namamagitan sa kanila ni Danrick para hindi na rin lumala ang nararamdaman niya para dito. Kahit sabihin rin naman niya na hindi siya umaasa dito, hindi pa rin talaga niya magwardyahan ang puso niya.

"Mukhang hindi na tayo hinahabol ni Danrick."

"Hindi, nakasunod pa rin siya." Tumingin siya sa rearview mirror. "Teka, bakit may umiilaw na sa itaas ng kotse niya?"

"Lasing ka pa nga rin. Sa pulis 'yon."

"Eh, bakit hinahabol tayo ng pulis?"

Sabay sabay na nanlaki ang mga mata nila nang marealize nila ang pagkakamali! "Shit, shit! We need to stop."

"Seriously? Hindi ba dapat tumakas tayo?"

"Like OMG! Mas lalo mo pa papalalain ang offense ko!" asik ni Alicia. Napatahimik siya. Itinikom ang bibig.

Itinigil ng kaibigan ang kotse sa gilid ng kalsada. Bakas sa mukha ng babae ang kaba. Nakaramdam si Jeasabelle ng guilt. This was all her fault.

"Ano na mangyayari sa 'yo?" tanong ni Cathy. "Makukulong ka na ba, bes?"

"Gaga, first offense ko pa lang 'to." Natigilan si Alicia at napaisip. "Pero nakakapagtaka, hindi pa naman maximum ang speed limit natin, ah?"

"Baka nabagalan pa?"

"Ay, basta! Tumahimik na lang kayo d'yan, just watch me. Akitin natin si officer."

Ibinaba ni Alicia ang bintana ng kotse. "Hello, officer. What's good?"

Napatili si Cathy sa likod nang makita ang police officer. Sinaway niya ito. Sino ba ang hindi nakakilala kay Andrew Hidalgo? Ang dakilang bad boy at certified manwhore na naging police officer. Sinundan yata nito ang yapak ng nag-asawa nitong barkada na si Callante Fontanilla. Naging pulis na rin ito. Pero hindi natanggal ang pagiging babaero nito.

Pinakinggan lang nila ni Cathy ang pakikipag-usap ni Alicia sa police officer. Magalang ang pagka-usap ng kaibigan kay Andrew, pero may bahid rin ng paglalandi. Ipinaliwanag nito na may emergency kaya nagmamadali itong magdrive.

First offense pa lang iyon ng kaibigan.

"I understand, but I still need to give you a speeding ticket, Miss."

"Officer, baka naman pwede pa natin pag-usapan ito."

"Pwede naman."

"Really? How?" Tumingin sa loob ng kotse si Andrew, tiningnan sila ni Cathy. Tumingin uli sa kanya at ngumisi. "Pababain mo 'yong kaibigan mo."

"Ha?" gulat na napalingon sa kanila si Alicia, nalilito. "Sino sa kanila?"

"Akech na lang," pagprisinta ng malanding Cathy.

"Hmm. Si Jeasabelle."

Napanganga siya. "Ako?" Teka, bakit siya nito kilala?

"Yes, miss. Kindly get out of your friend's car."

Siya talaga? Napalunok si Jeasabelle. Tumingin muna siya sa mga kaibigan. Parang gusto niyang kuritin sa singit ang dalawa. Mukhang gusto pa siya itulak pababa sa halip na ipaglaban na huwag siya pababain.

Marahan na bumuga siya ng hangin. Tutal kasalanan rin naman niya kung bakit sila naroon sa sitwasyon na 'yon. E, di siya na rin ang magsakripisyo.

Binuksan niya ang pinto at bumaba.

Unaware na may naghihintay na palang patibog sa kanya sa labas.

Dahil sa pagbaba niya sa kotse ni Alicia ay saktong pagbaba naman ni Danrick sa kotse nito. Paanong hindi nila namalayan nasa likod na nila ito?!

Mabibilis ang hakbang na lumapit sa kanya ang lalaki bago pa siya makapasok ulit sa loob.

"Oh, shit."

Hinagilap ni Danrick ang braso niya.

"Now, I got you. Tingnan natin kung makatakas ka pa."

🚿

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top