Chapter Seven

💋

 MAGSISINUNGALING siya kung sasabihin niyang hindi siya naapektuhan. Fvck him. His intense hot stare made her body screaming in heat.

Tila nanuyo ang labi niya at kinailangan pa niya iyong basain gamit ang dila. Ramdam niya ang pag-init ng paligid. May problema na naman yata ang airconditioning ng bar. O dahil din sa nagiging crowded na sa loob.

Gusto niyang tawanan ang sarili. Obviously, it was just her.

Iyon ang nagiging pagtugon ng katawan niya sa ilalim ng mainit na titig ni Danrick. Damn him. Para siyang piraso ng pork-chop na iniihaw sa ibabaw ng nagbabagang apoy. Pero ang kaibahan, wala pa siya sa ibabaw ng lalaki nag-iinit na siya. He was just staring at her with his intense brown eyes. May mapang-akit na ngiti sa labi.

She cleared her throat. "Are you trying to seduce with me?" Sinalubong niya ang titig nito, pinipilit huwag magpadala sa tukso.

Lumawak ang ngisi ng lalaki. "Why? Is it working?"

"Well, it's not working."

Ulul, sabat ng keps niya.

"Dapat ba itodo ko pa?" Swabeng hinimas nito ang shaved na panga.

Fvck. He was really trying to flirt with her. Nagsinungaling siya nang sabihin niyang hindi gumagana ang pang-aakit nito. But the truth is, kahit hindi nito gawin 'yon maaakit talaga siya dito. Effortless ang hotness ng hinayupak. Naiinis na siya sa sarili. Bakit ba sa lalaking ito pa siya nagkagusto?

Pinaningkitan niya ng mata si Danrick. "I'm not playing with you."

"Oh."

"I don't want to play dirty games right now, Danrick. So diretsuhin mo na ako. Why are you here?"

Tumaas ang sulok ng labi nito at hinagip ang baso sa harap niya. Nilagyan nito ng alak iyon at uminom. Pinanood niya ang paglapat ng labi nito doon at ang sensuwal na paggalaw ng adam's apple nito.

Rumagasa ang pagnanasa sa mga ugat ng dalaga at kasunod na binata ng init ang katawan niya. She felt her feminine walls quivered with need. Tila naging sensitibo bigla ang pandama niya.

"Akala ko nasagot ko 'yong tanong mo kanina."

"Let's say na bored ka nga. But look, marami naman d'yan na ibang babae sa paligid. Tall, sexy models who's willing to offer you fun and excitement. Hindi ba mga ganoong babae naman ang type mo?"

He chuckled. "You're right. I'm looking for fun and excitement."

"So, leave me now. Hanap ka ng ibang table." Lantaran na ang pagtataboy niya sa lalaki at medyo rude na ang dating niya kung tutuusin. But she need to. Walang pag-iinarte.
Oo, gusto niya si Danrick. Pero kailangan niya panindigan 'yong pagtanggi niya sa proposal nito na "No Strings Attached" kemerut! Kung magtatagal pa ito doon, baka hindi rin niya mapigilan ang sarili.

Para itong chocolate na ipinagbabawal sa kanya. Pero gusto niyang tikman.

"Paano kung ayoko sundin ang gusto ko?"

"Go now, Danrick. Hindi mo ako maaakit ngayon."

"Ang bilis naman. Parang noong isang gabi lang..."

Iniangat niya ang kamay para patigilin ito. "No, wag mo na ipaalala 'yon. Pero sige kung gusto mo marinig 'yan.. Yes, I want you that night."

"Uhm, you want me since college."

Putek, alam pala nitong patay na patay siya dito. "At dinedma mo lang ako noon." di niya maiwasan na maging bitter ang tono.

"Vegetarian pa 'ko noon. Di pa ako tumitikim ng pork."

She gritted her teeth. Ano kaya kung daganan na niya ito ngayon? Ayun nga lang kahit plus size na siya, parang mas malaking tao pa rin sa kanya si Danrick. Malaki ang pangangatawan nito. Hindi 'yong tipo na parang Johny Bravo na ang sa laki ng katawan. He was more like Henry Cavill. Yes na yes, ganoong tipo si Danrick. 'Yong tipo na masarap maka-cuddle tuwing rainy seasons.

God, Jeasabelle! Shut up!

"Shut up!" angil niya sa binata. "Danrick, this is not funny anymore. Masisira ang beauty ko sa 'yo! Hindi mo ba nage-gets na gusto kitang iwasan?"

"Why do want to avoid me?"

"Dahil.. Dahil gusto ko tirhan ng dignidad ang sarili ko. I want to respect myself.. That's why gusto kitang iwasan muna sa ngayon."

Nawala ang mapanudyong ngiti sa labi nito. Napalitan ng pagtataka ang anyo ng lalaki. "What does that mean?"

"Hindi mo naintindihan?"

Napatiim-bagang ito. "Hindi ko mahanap kung anong koneksyon noon sa paglapit ko sa 'yo ngayon. I'm just trying to be friendly here."

"You wouldn't understand because you're a man."

"Maiintindihan ko kung ipapaliwanag mo sa akin. I can't understand why you're talking about dignity and respect here."

Maikli siyang tumawa, pilit na pilit ang tono nun. "Alam mo, wag na lang natin pag-usapan 'yon. Hindi naman mahalaga 'yon. You don't need to hear that from me. So.. If you'll excuse me." Dinampot niya ang pouch pagkatapos ay tumayo na.

"Where the hell are you going?"

"None of your business," sagot niya at nagwalk out na. Magte-text na lang siya sa mga kaibigan kapag nasa daan na siya. Hindi niya dala ang kotse niya kaya malamang mag-taxi na lang siya or mag-Uber.

Sa ngayon, kailangan lang niyang makawala kay Danrick.

Wow, makawala talaga no? Kala naman niya inaangkin siya ng lalaki. Malabong mangyari 'yon. Hindi siya seseryosohin nito. At hindi siya umaasa na may mamamagitan pa sa kanila.

Kailangan lang niya dumistansya sa lalaki at umiwas dito.

Kinuha niya ang cellphone sa pouch para magpabook sa Uber. Ngunit natigilan siya nang marinig niya ang mga yabag na nakasunod sa kanya.

"Iniiwasan mo ba ako dahil may galit ka sa akin?"

She let out a frustrated sigh. Sa tagal ng panahon na ini-stalk niya ang lalaki dahil sa pagkahumaling dito, ngayon lang niya nalaman na may pagkamakulit din pala ito.

"Hindi mo talaga ako titigilan ano?"

"Hindi.. Hanggat di mo sinasabi sa akin kung bakit gusto mo akong iwasan."

Napahilamos siya sa mukha. "Ghad, ang kulit mo!" Naglakad na siya pauna dito. Sumunod sa kanya ang lalaki. Tumawid siya ng kalsada at pumasok sa isang coffee shop.

Humanap siya ng pwesto kung saan pwede silang mag-usap ng hindi siya nabo-bother na may makakarinig sa pag-uusapan nila.

"So, pwede mo na ba sabihin sa akin?" Umupo ito sa may harap niya.

"Tutal mapilit ka at gusto mo talaga malaman..." nag-pause siya. Inipon muna ang lakas ng loob para sabihin ang susunod na linya. "Yes, I hate you."

Tumango ito.

"I know this sounds crazy. But I hate you for ruining my first time. I hate you kasi mas inuna mo 'yong negative reaction mo noong nalaman mo na ikaw 'yong first ko sa halip na isipin mo kung ano ba 'yong nararamdaman ko. I can't blame you for suspecting na may iba akong intensyon sa 'yo. Pero di mo rin ako masisisi kung magdamdam ako. Kasi kahit isipin ko na okay lang, kasalanan ko rin naman, hindi talaga siya okay. Yong pag-iwan mo sa 'kin after claiming my virginity, that's not okay.. That will never be okay.."

Napatiim-bagang si Danrick. Nakatitig lang ito sa mukha niya. Napaiwas siya ng tingin sa lalaki. Napaka-intense ng titig nito.

"But I don't want to hate you just because of that. Aminado ako may kasalanan ako. Ako 'yong nag-offer ng sarili ko sa 'yo, nagpanggap pa ako.. So, I know it's my fault."

Pinilit niyang ngumiti. "I just don't know kung wala na talaga ang virginity ko or half-virgin pa?" Nagawa pa niyang magbiro.

Hindi ito ngumiti sa biro niya. "Okay, alam ko ang drama nung sinabi ko. Pero gusto ko lang din sabihin na hindi ko pinagsisisihan 'yong nangyari sa 'tin. At hindi ako nagsisisi na nilandi kita dahil type na din naman kita noon pa..." Kumislap ang mga mata ni Danrick. Nakagat niya ang ibabang labi nang marealize kung ano ang sinabi niya.

"Dapat siguro nagkape muna ako bago kita kinausap no? Para kinabahan man lang ako."

Hindi nagsalita ang lalaki. Ang dami na niyang nasabi pero wala man lang itong sinabi.

Nagulat siya nang kinuha nito ang kamay niya at hawakan sa ibabaw ng mesa. Tinitigan siya nito ng matagal. Nabasa niya sa mga mata nito ang emosyong hindi niya inaasahan na makikita sa lalaki.

"I'm sorry, Jeasabelle," puno ng pagsusumamo at pagsisisi ang boses ng binata. Napalunok siya. Pinisil nito ang kamay niya at nagpatuloy sa pagsasalita. "I'm sorry if I made you feel that way. I'm sorry.. I'm sorry hindi ko agad narealize na masasaktan ka. Kung pwede ko lang ibalik 'yong oras, ibabalik ko."

"Ang kaso nga, hindi naman naibabalik 'yong panahon na nangyari 'yon."

Tumango ito. "Alam ko.. Kaya kung gusto mo ako gantihan, gantihan mo na lang ako. O kaya ipakulong mo na lang ako para makabawi ka man lang sa akin."

Natawa siya. "Paano naman kita maipapakulong ni hindi mo naman ako pinilit? I offered you myself willingly and shamelessly.."

"Well, you can still file a case against me for stealing your virginity."

Napahalakhak si Jeasabelle. Hindi niya alam pero sobrang gumaan ang pakiramdam niya.

"Well, magandang idea 'yon. But nah. Baka maloka lang ang mga pulis sa 'tin."

"But I'm serious. I am really sorry. Alam ko walang sapat na dahilan sa nagawa ko sa 'yo. Kung pwede nga lang talaga ibalik 'yong oras.." May emosyong dumaan sa mga mata ng lalaki. Mabilis man pero alam niya kung ano 'yon.

Nakagat niya ang ibabang labi. "Ano? Kung pwede ba ibalik 'yong oras, anong gagawin mo?"

"Hindi ako aalis.." Hinintay niya ang idudugtong pa nito, pero lumipas ang ilang segundo wala na itong sinabi pa.

"Right." Tumango-tango siya. Itinago niya ang pagkadismaya. Teka, ano ba ang ine-expect niyang sasabihin nito?

"Hindi ko naman maibabalik 'yong oras na nangyari 'yon. Pero kaya ko pang itama 'yon kung hahayaan mo lang ako.." Makahulugang ngumiti sa kanya si Danrick.

Bumilis ang tibok ng puso niya.

💋

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top