Chapter One
Big Beauties Club Book 1
BY: RACE DARWIN
👠
Chapter One
"BUBUKESH ang floweret, jojosok ang notabells. Sasayaw ng chacha, ang sarap sarap!"
Tinapunan ni Jeasabelle ng naaliw na tingin si Cathy. Katatapos lang ng one hour zumba work out nila sa apat na palapag na building ng Big Beauties Club. Nasa ikadalawang palapag sila kung saan nagzu-zumba sila tuwing umaga kasama ang iba pang member ng club. Nakalaan talaga ang floor na 'yon ng club for health and fitness. Nandun ang mga gym equipments at may ilang member ang busy sa pagwo-work out.
Nakaupo sila ni Alicia sa lapag at pinapanood ang mga co-member nila na patuloy sa zumba work out nila. Iisa ang steps ng mga ito. Ang naiiba lang ay si Cathy na tila may sariling moves at music.
Siniko siya ni Alicia at ininguso siya. "Look at Cathy, parang bagong dilig ang gaga. Ganda ng mood. Anyare dyan?"
"Pansin ko nga. Parang noong isang araw lang, kahit isa sa atin ayaw niya makita o makausap dahil sa pagkakahuli niya sa shuminta niyang boyfriend."
Iyak pa ng iyak ang babae dahil nahuli nito ang boyfriend nito na may ka-sex na lalaki sa pad nito. That's really shocking. Gwapo pa naman si Ted, malaki ang katawan at kilala dahil sa payummy nitong mga pictures sa IG. Pero tulad nga ng sabi ng mga friend niyang bakla sa beauty salon niya, mag-ingat sa mga lalaking mahilig mag-gym. Though hindi naman gine-generalize ang mga lalaking pala-gym. But that's the trend today. Mga lalaking nagpapaborta para makakuha ng awra. Nothing's wrong with being gay. It's their choice, their life. As long as hindi nakakasakit ang mga ito ng kapwa sa pagtatago at pagtatakip sa totoong kasarian.
Tila napansin naman ni Cathy na pinag-uusapan ito at humarap sa kanila. Her lips curved into a naughty smile. Ikinendang nito ang balakang palapit sa kanila ni Alicia.
Iniangat niya ang isang kilay. Sa lahat ng nagwo-work out, si Cathy lang ang natatanging naka-heels pa. "Good morning, mga sister." Nakipagbeso ito sa kanya at kay Alicia nang makalapit. "Something tells my inner fat goddess that you two are talking about me. What is it, hmm?"
Umalpas ang tawa sa labi ni Jeasabelle at itinuro si Alice. "Siya ang may sinasabi. Quiet ako, sis."
"Ay, ako talaga?" react naman ni Alice. "Sabi ko lang, parang ang pretty pretty ngayon ni Cathy."
"Talaga ba?" Tumingin si Cathy sa malaking salamin na nakadikit sa pader. Hinawi nito ang mahaba at wavy nitong buhok. Naiinggit siya sa natural na brown color na buhok ni Cathy, lalo na sa pagka-mestiza nito. Para 'tong si Liza Soberano. She looked like her so much. Pag may nakakakita nga dito, ang iniisip agad ng tao ay kapatid 'to ng sikat na teen actress. Kaya kahit plus size ito, ang daming lalaki ang nagkandarapa sa babae. Men adore her, love her.
At di niya napigilan ang pag-ahon ng inggit sa babae. Hindi nito kailangan magpapansin. Kusa itong napapansin ng mga lalaki. And sometimes, she just wished she could be like Cathy.
Dahil hindi siya kasingganda nito. Hindi siya kasing level ng ganda nito at ni Alicia. Oo, there are many times na nakakatanggap din siya ng compliments from her co-members.
Sinasabi ng mga ito na maganda siya and she looked like Angel Locsin. Kahit noong high school siya, naririnig na rin niya na may hawig nga daw siya sa former Darna actress. Lalo na sa mga pinsan niyang bakla. And she was like: "Enepeyern bes? Bes, joke be yen? Okay ke lang be bes?! Heh? Hmmm!"
Tinatawanan lalo siya ng mga ito kapag ginagaya niya magsalita si Angel. She's flattered with all the good compliments directed at her, but a part of her still can't believe.. O mas tamang sabihin na kulang siya sa confidence.
Kuha man kasi ang pangalan niya sa pambansang sirena na si Dyesabel, pero kabaligtaran siya ng character na 'yon. Hindi babagay sa kanya ang mermaid character. She's more like a beached whale. And she would perfectly fit as Pearl. 'Yong anak ni Mr. Crab sa Spongebob Squarepants? Bagay na bagay siya sa character na 'yon, lalo pa at daig pa niya ang endorser lagi ng Avon lipstick.
"So, ano ngang nangyari sa 'yo?" usisa ni Jeasabelle. "Okay ka na ngayon. Bilis magmove on, ha?"
"Yes, and you wouldn't believe it guys. I got laid last night."
Magkapareho ang naging reaksyon nila ni Alicia. "Omg. Seriously, girl?"
"Yup."
"Sino na naman 'yan? Huy, gaga! I know there's nothing wrong with fcking a closet gay, pero hindi ka pa ba nadadala sis?" sabi ni Alicia at nilagok ang tubig sa boteng hawak nito.
"Excuse me? I'm not fucking another gay ha. And for the record, minsan lang naman kami ni Ted nag-sex. We were both wasted that time, so I really can't remember. Ang alam ko lang, he didn't eat my pussy. Gosh, don pa lang dapat nagka-idea na ako."
"Gaga, kung kinain niya pekpek mo, di malamang nalason na siya." hirit ni Alicia at napahagalpak siya ng tawa. Lason is the term na ginagamit ng mga beki sa kanila sa pagpatol sa girls.
"Sino nga 'yan?" usisa nila kay Cathy, pero umiling lang ito.
"No, ayoko muna I-spluk mga sisters. Pero kilala nyo sya for sure. Because he'really hot and papable. And I can't believe he did it with me."
"Paintriga ka pang babae ka," sabi ni Alicia at pinaikutan ng mata si Cathy.
Naningkit naman ang mga mata ni Jeasabelle. "Hot and papable? Wag mong sabihing si Danrick 'yan ha? Masasabunutan kita."
Pero she know that's impossible. May girlfriend ngayon si Danrick na sexy model. The woman's name is Gianna Montez. Latest endorser ito ng isang kilalang clothing company at madalas niya ito makita sa mga commercials.
Tumitig siya kay Cathy. Pero hindi rin imposible na mag-cheat si Danrick with Cathy. Kung ganda ang labanan, panalo ang kaibigan niya sa sexy model na girlfriend ng lalaki. At di malabong pumatol ito...
"Omg." Natutop ni Cathy ang bibig at malalaki ang matang napatitig sa kanya.
Kumabog ang dibdib niya. "What is it? Huwag mong sabihin si Danrick nga?"
Danrick Hidalgo. The love of her life. The man of her wet dreams since her college days. God, ito lang ang lalaking pinagpapansinan niya. The first time she saw him, alam na niyang gusto niya ito. But fate is really cruel to her.
Dahil kahit magpapansin siya kay Danrick, walang epek ang beauty niya dito. Deadma lang siya. Kahit pa siguro mag-split pa siya sa harap nito, wala pa rin. Siguro mapapansin siya, but not as a woman. But only as a piece of entertainment.
He will not go for a woman like her. Sa itinagal na ng panahon mula ng makilala niya ang lalaki, alam na niya halos lahat lahat tungkol kay Danrick. He likes to date sexy long-legged girls. 'Yong mga uri ng babaeng nagco-cover sa FHM at kakainggitan ng mga kaibigang lalaki kapag ipinakilala. Karamihan sa mga naging girlfriend nito ay magaganda at matatangkad.
Kabaligtaran niya ang mga tipo nito. She's a fat-ass woman. Ayaw niyang maging negatibo. But that is the truth. And the truth will set you free, di ba? Matagal na niyang tinanggap na nabibilang talaga siya sa grupo ng mga plus-size woman. Hindi na siya umasa na magigising siya isang araw na kasingsexy na niya si Megan Fox. Mula nang mapabilang siya sa Big Beauties Club, mas natanggap niya ang sarili. And she learned that every woman needs to embrace her body because she is beautiful no matter what.
"Oh my god, Jeasabelle! Don't tell me patay na patay ka pa rin kay Danrick ngayon?" bulalas ni Alicia.
Ngumuso ang dalaga. "Ano naman ngayon? Danrick is my first love and will always be the one for me."
"My ghad, teh, ha. College ka pa lang may gusto ka na kay Danrick. Eh, twenty six ka na ngayon, humohopia ka pa rin dyan."
"At hindi lang hopia. Asado pa," dagdag ni Cathy kaya bumalik ang sama ng tingin niya dito.
"So, si Danrick nga 'yong kumangkang sa 'yo?"
"Ma-kangkang naman 'to. Well, I believe what happened last night was more than just a fvck." Ramdam niya ang kirot sa dibdib niya sa naging sagot ng kaibigan. So, ibig ba nito sabihin si Danrick nga ang lalaking tinutukoy nito?
"Echoserang 'to. Nagkangkang ka pa rin, iyon lang din 'yon." hirit ni Alicia. Impluwensya ng mga beking friends nila ang paggamit nila sa mga ganong terms.
Malungkot na bumuga siya ng hangin pagkatapos ay inayos na niya ang mga gamit niya. "Mauna na ako sa inyo."
"Ay, hala, what's with the sad face?" Cathy asked.
Wala siyang karapatan para masaktan o magdamdam dahil sa nalaman niya na may namagitan kay Cathy at Danrick. But she just can't help it.
"Don't tell me iniisip mong naka-hook up ko si Danrick mo?"
"Hindi ba?"
"No! Baliw ka ba? As if naman mag-click kami. I don't like bad boys like Danrick Hidalgo."
Tila natanggal ang bigat na pumatong sa dibdib ni Jeasabelle. Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Di iyon nakaligtas kay Cathy at makahulugang napangiti.
"And I think you have more reason to smile pagtapos ng sasabihin ko."
Kumunot-noo siya. "Ano naman?"
"Hiwalay na si Danrick at Gianna."
AT TULAD nga ng sinabi ni Cathy, nagkaroon lalo ng dahilan si Jeasabelle para ngumiti. Mabilis na kumalat ang balita na hiwalay na si Danrick at Gianna. Nakaabot agad iyon sa mga beking tauhan ng beauty salon niya.
"Madam, break na pala si Danrick at 'yong jowa nyang FHM model," pag-chika pa sa kanya ni Erika--o Erik sa totoo nitong pangalan--nang dumating siya sa salon. May ginugupitan ito ng oras na 'yon.
Matamis na ngumiti ang dalaga. "I know."
"So, madam, anong nagawa nyo para mademolish ang relasyon nila? Nagpakangkang ka ba kay Danrick kaya iniwanan na niya si jowa?"
Napahalakhak siya at umupo sa tabi ng inaayusan nito. "Wag kang ano d'yan, bakla! Wala akong kinalaman sa paghihiwalay nila." Humagilap siya ng lipstick at ipinatong sa labi niya. Feel niya magpaganda ngayon. Ngayon pang available na ulit sa market ang pinagnanasahan niyang adan.
"Shore, madam?"
"Ewan ko sa 'yo, Erika! Inosente ang beauty ko d'yan." Ikinagulat din niya ang balita na 'yon. Bakit naman kaya maghihiwalay si Danrick at Gianna? Almost two years na rin ang dalawa. At sa lahat ng mga naging girlfriend ni Danrick, si Gianna ang tumagal. As in nagtagal talaga.
"Sabagay. Kasi ang chismis ng mga bakla sa labas, si ate girl daw ang nang-iwan kay Danrick."
"Really?"
"True, at ang chika, nagpropose daw ng kasal itong si Danrick kay Gianna. Siguro shocking para kay ate girl at di pa handa kaya nakipagkalas muna."
"Shocking talaga." Mukhang seryoso na talaga si Danrick sa babae at gusto na nitong pakasalan.
"Natakot yata madam, baka mawalan agad ng career. Lalo na ngayon unti unti siyang nakikilala sa showbiz. Sayang nga naman ang opportunity, di ba?"
Wala siyang pakialam kay Gianna. Pero tama si Erika, sumisikat na ang babae kaya sayang kung hindi nito sunggaban ang mga oportunidad. At pagiging nakatali na ay hindi maganda sa career ng isang papausbong pa lang na artista.
Pero isang maling hakbang iyon para sa babae. Ang pakawalan si Danrick. He was a good catch. Maraming babae ang naghahabol sa lalaki noon pa man. At ngayong hiwalay na ito, nakakatiyak siya na marami na ulit ang magpaparamdam.
Kilala ang pamilya ni Danrick sa Batangas bilang isa sa pinakamayamang angkan. Maraming negosyo ang mga ito sa buong lalawigan. Sa katunayan pag-aari ni Danrick ang commercial building kung saan umuupa siya ng dalawang pwesto para sa business niya. Isa na doon ang beauty salon niya. Iyong isa naman ay women's clothing store.
At kahit 'yong isa pang commercial building na katabi ay pag-aari din ni Danrick. Ilan lang nga 'yon sa business nito sa bayan. Hindi pa kasama 'yong establishments na naitayo nito sa karatig sa bayan.
Kaya hindi niya maintindihan si Gianna. Alam ba nito kung ilan silang naghahabol at naglalaway sa boyfriend nito? Wrong move ang ginawa nito. Hindi na nga nito kailangan pang mag-artista kapag naging asawa na ito ni Danrick. Maswerte ito.. To have someone like him in her life, siguro magiging kontento na siya.
Noong college siya, nakuntento lang din siya na patingin tingin lang sa binata. She watched his game everytime. Basketball player kasi ito sa universidad na pinasukan nilang dalawa. Hindi niya pinalalagpas ang bawat pagkakataon na makikita niya ang binata.
There's one time na nagprisinta siya na magsuot ng mascot para sa team. That's a crazy idea. But she did it for him. Para lang makalapit kay Danrick. Para mayakap niya ang lalaki kahit naka-mascot siya. Hindi alam ng binata na siya 'yon. And it felt good. Marami siyang nagawa dahil sa kabaliwan niya sa lalaki. She's not totally obsessed with him. Gusto niya lang 'yong pakiramdam tuwing malapit sa lalaki at nakikita ito. And damn, she like his scent. Lalaking lalaki. Kahit amoy pawis ito, parang gusto niya itong amuy-amuyin. Gusto niyang padaanan ng labi ang katawan nito.
And God knows how she wanted to kiss him. To taste his lips. And then taste the heat of his skin, feel his hard muscles with her tongue.
At maisip pa lang niya 'yon, parang may kung anong init ang lumulukob sa katawan niya. At sa tuwina, matatagpuan na lang niya ang sarili sa loob ng shower room. Her fingers thrusting inside her, hitting her cl*t and moaning hard as she imagined of Danrick.
Sa loob ng utak niya nagpa-play ang isang mainit na eksena. Siya habang nakapulupot ang mga hita sa lalaki, at si Danrick habang marahas at walang awang umuulos sa pagitan niya. She wanted him inside her. She wanted him to claim her in a hard way.
Pero aware siya sa realidad. She can't have him. The only way she can have him is on her wet dreams. Pota, sa panaginip niya lang natitikman si Danrick.
"NANDYAN na si Darna."
Pinaikutan lang ni Jeasabelle ng mata ang mga kaibigan. Her friends consisted of boy, girl, bakla, tomboy. Kulang na lang ang butiki para makumpleto ang barkadahan nila. Syempre pa siya 'yong baboy. No offense meant sa sarili niya.
"Taray, lady in red ang peg ni madam. Aga ng Valentines, teh, ah?" komento ni Alicia at nagtawanan ang mga kaibigan nilang bakla.
Nasa loob sila ng Purple Haus, pangalan ng bar and club na negosyo ni Alicia. Kasosyo nito ang kapatid na si Anastacia, kilalang plus size model at naging contestant ng isang reality TV show. Member din ito sa Big Beauties Club. At ito ang mahilig tumawag sa kanya ng Darna. Kamukha daw kasi niya si Angel Locsin.
Nandoon ito kasama ni Alicia at ng iba pa nilang friends noong college. Every Friday night, nagkikita kita silang magkakaiban sa Purple Haus para mag-party.
"Saan si Cathy?" tanong niya nang umupo siya sa tabi ni Alicia.
"Hindi sumama ang gaga. Tingin ko makikipagkita na naman 'yon sa bagong boy toy niya." Sinimsim nito ang alak sa baso at bumaling sa kanya. Pinasadahan muli siya ng kaibigan ng tingin. "What's with the sexy outfit tonight?"
Tiningnan niya ang sarili. Halos lumitaw ang boobs niya sa pulang halter dress niya, at mas nabigyan ng magandang hubog ang malaman niyang katawan. Malaki ang balakang niya at kapansin-pansin ang mahubog na pang-upo niya. Aware si Jeasabelle na biniyayaan siya ng malaking pang-upo. Sabi nga ng mga kaibigan niyang bakla, pwede siyang makipagtalbugan kina Nicki Minaj at Kim Kardashian.
"Wala lang. I just felt like I need to look hot tonight." sabi niya at ininguso ang pulang-pula na labi niya.
"Oh, well, ofcourse! Pero umamin ka, may nakapag-spluk na sa 'yo no?"
Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya. "Spluk ng anez?"
"Di mo talaga alam?"
"Ang alin?"
Ngumisi ito pagkatapos ay tumingin sa isang sulok ng bar. May pagtatanong sa mga mata, sinundan niya ang tinitingnan nito.
Then, her eyes widened. For a moment, parang biglang tumigil sa paggalaw ang paligid. Humina ang malakas na tugtog ng musika sa loob ng bar at ang malilikot na mga ilaw ay tumutok lang sa lalaking nakaupo sa isang sulok ng bar.
Mag-isa lang ito at walang maganda at sexy na babaeng kasama sa table nito.
Hindi niya alam kung dinadaya lang siya ng mga mata. Namamalikmata lang siguro siya. Ikinurap niya ang mga mata at walang nagbago.
Danrick Hidalgo was really sitting there.
Kahit malayo ang distansya nito sa kanya, ramdam niya ang init na inilalabas ng katawan nito. Nag-uumapaw ang presensya nito kahit hindi ito masyadong natatapunan ng malilikot na ilaw. Mula sa kinauupuan niya, kitang-kita niya pagtiim ng bagang nito.
Oh, he was mad. Naiisip siguro nito ang ex nito. Gianna dumped him, at ang babae lang yata ang gumawa nun kay Danrick.
Nakita niyang itinaas nito ang bote ng alak at nilagok ang laman niyon. Muli, nakita niya ang pagtiim-bagang nito.
Nakagat niya ang ibabang labi, di mapigilan ang pagkalat ng init sa pagitan ng mga hita niya. Patawarin, pero kahit yata galit ito nakakaturn on pa rin. Naimagine agad niya ang mapang-akit nitong panga habang ikinikiskis sa hita niya, ang labi nito ay nasa ibabaw ng pagkababae niya.
Muntikan na siyang mapaungol. "Goddamit. Alicia. May problema ba ang aircon ng club mo?" Pinaypayan niya ang sarili.
"Hindi aircon ko ang may problema. It's your body's reaction to Danrick, hon."
She glared at her.
"You know, if I were you, lalapitan ko na siya. This is your chance, sis. Papalagpasin mo pa ba?"
Bumalik ang tingin niya sa lalaki. Tama si Alicia. Kung hindi pa siya gagawa ng hakbang, baka maunahan pa siya ng ibang babae sa club.
Nilunok niya ang tensyong umaahon sa kanya. Pinadaan niya ang palad sa black halter dress niya na umaabot lang sa hita niya. Pagkatapos ay marahang hinawi niya ang mahaba at wavy na buhok. Ilang oras pa niya iyong pinaganda sa harap ng salamin.
"Okay. Bring it on." In her killer five-inch heels, she sauntered toward Danrick Hidalgo.
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top