Chapter Nineteen

🏷

SILENCE means yes.

Katahimikan lang ang naging tugon ni Danrick kaya ina-assume na niyang tapos na talaga sila.

Tahimik lang na iniwanan siya ni Danrick kagabi sa kwarto nito. Hindi siya sigurado kung umalis pa ba ito o sa sala na lang nito natulog.

Umiyak siya pagkalabas nito hanggang sa makatulog siya. At umiyak pa siya nang magising siya na wala na ito doon. Hindi man lang siya hinintay na magising bago umalis. Hindi man lang din siya ipinagluto ng breakfast.

Pero bakit pa nga pala siya mag-e-expect ng ganoon? Siya na mismo ang humingi kay Danrick na itigil na nila ang namamagitan sa kanila.

"O, saan ka na naman natulog?"

Bumungad agad kay Jeasabelle ang boses ng Tita Roberto niya. At tulad ng nakasanayan, naka-floral dress na naman ito at white five inch heels. Fully make up pa ito.

Ang aga magmaganda ng bakla. Saang kasalan na naman kaya ito magnininang?

Bumati siya dito at dire-diretsong pumunta sa kusina. Habang nagtitimpla ng kape, ramdam ng dalaga ang mapanuring tingin ng tiyuhin.

"Tita, wag kayong tumingin ng ganyan. Hindi ako nagpakangkang."

"Sira! Alam ko 'yun. Hindi ka amoy zonrox. Amoy downy ka." Malanding humagikhik ang bakla. Inirapan niya ito.

Nasa good mood ito ngayon.

Habang siya, hindi niya alam kung anong mood niya ngayon. She felt so tired. Tila ba naubos ang lakas niya kagabi.

Ito na ba 'yong point ng buhay niya kung saan wasak na wasak na siya? Pero siya naman ang humingi na tapusin na nila ang 'no label relationship' nilang dalawa. Bakit siya ang nasasaktan ngayon?

Hindi ba dapat i-celebrate niya na siya pa ang unang tumapos ng set-up nila ni Danrick? Kumbaga sa normal relationship, siya 'yong unang kumalas. She should be proud!

But she's not happy.. Sa nangyari, sa naging desisyon niya.

Malungkot na hinalo niya ang kape niya. Wala sa sariling nakatulala, hinigop niya ang kape.

Para lang maibuga 'yon.

"O, musta ang lasa ng asin sa kape? Nakakawala ba ng amats?"

"Tita Berto naman! Bakit hindi nyo naman sinabi na asin na pala 'tong nailagay ko?" reklamo niya at pairap na tumingin sa tiyuhin.

Nagmamaldita itong nakatingin sa kanya habang nagpapaypay. "Eh, baka kako sadyang asin ang inilagay mo para magising ka."

"Tita, kailan ba ako nagkape ng may asin?"

"Ngayon." pamimilosopo ng bakla sa kanya.

"Tsss!" Asar na tinalikuran niya ito at itinapon sa lababo ang tinimplang kape. Sa kalutangan ng isip niya, lalagyan pala ng asin ang nakuha niya at hindi asukal.

"Ano ba kasing nangyari sa 'yo kagabi? Bakit parang wala ka sa sarili mo?"

Hindi siya umimik. Ano ba ang isasagot niya dito? Hindi pa nga niya naikukwento sa Tita Berta niya ang tungkol kay Danrick.

"Wala naman. Masama lang talaga ang gising ko, Tita." sagot niya.

"O, sige na. Hindi na nga kita pipilitin na magkwento, at mukhang wala ka rin naman balak."

Bumuntong-hininga siya.

"Pumunta lang ako dito para ipaalala na may birthday celebration ang lolo mo. Baka nakakalimutan mo sa katapusan na 'yon. Lahat tayo dapat present."

Napakamot siya sa batok. "Pwede ba pass Tita?"

"Ayan ka na naman! Halos lahat ng family gathering natin wala ka. Kung magtitingin ang mga kamag-anak natin ng pictures, kapansin pansin 'yong pagiging absent mo."

Bumuga siya ng hangin at sumalampak ng upo.

"O, dahan dahan sa pag-upo baka masira 'yang upuan," pagmamaldita ng bakla.

She rolled her eyes.

"Wag mo ko irapan d'yan babae ka. Sinasabi ko sa 'yo, kahit sa katapusan lang pumunta ka. Birthday celebration 'yun ng Lolo mo."

"O sige na nga, baka last na niya 'yun."

"Huy!"

She rolled her eyes again.

Kilala ang abuelo niya bilang racist, matapobre at homophobic. Itinakwil nito noon ang Tita Roberto niya bilang anak. Nagdadalaga pa daw noon ng tiyuhin niya nang mahuli itong bumu-booking ng lolo niya at hinabol ng itak. Maraming dinanas na pagmamalupit ang tiyuhin niya kay Simplecio Madlangbayan---pangalan ng abuelo niya--dahil lang sa pagiging bakla nito. Wala daw sa lahi nila ang bakla. Salot daw sa lipunan. Isang sumpa sa pamilya.

"Wag kang ganyan. Lolo mo pa rin 'yon at kadugo kahit ang daming kamalian na nagawa," marahang sabi ng tiyuhin.

"Yeah, right. Kaya ipinabubogbog pala daw niya noon si Papa at gusto pang ipakaladkad sa kabayo dahil lang nabuntis si Mama."

"Mali. Dahil mahirap ang papa mo," pagtatama nito. "Hindi matanggap ng Lolo mo na mangingisda lang ang sumisid sa anak niya."

"Kung mayaman 'yon kahit siguro chaka, tatanggapin ni Lolo." Napaismid siya nang maalala ang sinapit ng magulang kay Simplecio.

Tulad ng Tita Roberto niya, tinakwil rin ng kanyang lolo ang mama niya at sumama ito sa papa niya. Nagsama hanggang sa maipanganak na siya. Naging masaya sila. Bata pa siya noon, pero natatandaan pa rin niya sa isip na naging masaya sila. Hindi niya alam noon na mahirap sila at pangingisda lang ang ibinubuhay sa kanila ng papa niya.

Nasa edad na apat siya nang parehong mawala ang mga ito sa buhay niya. Nasa laot ang mga ito nang abutan ng malakas na alon.

Ang Tita Roberto niya ang sumalo sa kanya. Ito na ang naglaki sa kanya at nagpaaral. Pinalitan nito ang dalawang pwesto na naiwan. Ito ang naging guardian niya. Businessminded naman ang tiyuhin niya. Marami itong raket at alam gawin kaya natustusan nito ang mga pangangailangan niya.

"Pero pasalamat rin 'yang Lolo mo dyan sa Papa mo. Kung hindi dahil kay Renato, hindi siya magkakaroon ng ubod ng gandang apo."

"Mataba nga lang."

"Wag kang masyadong mapanlait sa sarili mo. Ayos lang 'yang katawan mo. Malaman at maganda ang hubog. Uso sa ibang bansa 'yong ganyang katawan."

"Gusto ko na nga mag-migrate, Tita, eh. Para hindi na ako ma-insecure sa ibang babae kapag nagkajowa ako ng papable."

"Sira! Sino ba 'yang lalaking nanakit sa 'yo? Confident ka na naman sa sarili mo na. Bakit parang bumabalik ka sa umpisa na mababa ang tingin sa sarili?"

Pumikit siya at pagod na umiling.

"Tingin ko gutom lang 'yan. Kumain ka nga muna." Ipinaghain nga siya nito ng pagkain. "Huwag mo masyadong tinitiis ang sarili mo sa pagkain. Okay 'yang katawan mo. Hindi 'yong payat na parang mababalian na pag hardcore na kangkangan."

"Tita, wag ka magbanggit ng word na kangkang. Kumakain ako!"

"Echoserang babae 'to! Bakit? May naalala ka ba?"

"Ayaw ko na nga maalala, Tita, eh. Masakit na sa puso."

"Sa puso lang ba o pati sa puson?"

She rolled her eyes for the third time. Binato siya nito ng ginusot na papel sa mesa.

 

 MAHIRAP. Pero kakayanin.

Ganoon talaga siguro talaga kapag nagmahal ka. Parang sumali ka sa frat at pinapili ka ng "hirap o sarap". Kahit alam mo na may kasamang hirap din 'yong sarap, pipiliin mo pa rin ang sarap. At ito 'yong case niya ngayon. Pinili niya 'yong sarap na maibibigay ni Danrick. Kahit alam niya na aasa siya, masasaktan at mahihirapan.

Dumaan ang forty two hours na hindi na niya nararamdaman pa ang binata. Hindi nakikita.. Hindi naririnig ang boses.

Ppinipilit niyang ngumiti. She's trying to be okay. Like hello? Uso mag-move on, di ba?

Kapag may nakikita siyang mga broken-hearted noon, naloloka siya. Iniwan ka na nga, tapos magmumukmok at iiyak ka pa. Iniwan ka na. Umalis na siya. Bakit magsasayang ka pa ng luha para sa taong 'yon?

Why not try to be more productive? Sa work or sa kahit anong makabuluhang bagay. Basta 'yong malilibang ka. At makakalimutan mo 'yong emotions mo at feelings para doon sa taong 'yun. Okupahin ang isip ng mas mahahalagang thoughts.

Like pag walang label, don't subo.

Pag di mo boypren, don't subo.

At wag walang kayo, wag magselos!

She cursed in her mind. Tama na, Jeasabelle. Move on na! Pigil pigil niya ang sarili na i-text si Danrick at bawiin 'yong mga sinabi niya.

Mag-tatlong araw na ngayon buhat nang bumangon siya sa kama nito na hindi na niya naabutan si Danrick. Tatlong araw na hindi naririnig man lang ang boses nito.

Kaya minumura na niya ang sarili. Move on na, self, move on na. Hindi na nga siya hinabol di ba? Hindi na nagpakita sa kanya at nagparamdam. Ibig sabihin, wala lang talaga siya dito.

Nagpapahabol lang naman siya. Kamalayan ba niyang hindi talaga siya hinabol.

Pagod na isinalampak niya ang sarili sa sahig at sumandal sa pader. Kakatapos lang ng boxing session niya. Tumutulo ang pawis mula sa kanyang noo, at pawisan rin ang buong katawan niya. Hingal na hingal siya.

Nakakapagod at nakakapanghina ang session na 'yon. Lalo na at naririnig pa niya ang boses ni Moira Dela Torre na kumakanta at pinaliliguan ng magandang tinig nito ang apat na sulok ng silid. Kung sino man ang nagplay niyon ay parang gusto niyang sugurin.

Bumabalik ang bigat sa dibdib niya habang pinapakinggan ang boses ng singer..

Pasensya na..

"Kung papatulugin na muna.. ang pepeng napagod.. kaka-eut."

Napamulat si Jeasabelle. "Utang na loob, Cathy. Wag mong babuyin 'yong kanta."

"Kaya sa natitirang segundong kayakap ka.. Maaari bang magkunwaring may label na?"

She glared at her. "Gusto mo bang masaktan?"

"Eto naman, hindi ka na mabiro." Humagikhik ito at umupo sa tabi niya. May dala itong supot ng pagkain galing sa isang sikat na fast-food chain. Inilabas nito ang isang burger at ibinigay sa kanya.

Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Nakita mong patayin ko na ang sarili ko dito sa gym, tapos papakainin mo ko ng burger?"

"Gaga! Pwede naman na hindi mo kainin. Tutal pabigay lang 'yan."

"Pabigay? Nino?" Inabot niya ang burger. Napansin niya ang pink na sticky note na nakadikit doon.

Miss you. -D

Tila may bumara sa lalamunan niya. Napalunok siya. "Wow, ang original niya, ha."

"Trulity! Nakita ko na 'yang gimik na yan sa commercial ng fast food na yan. Ang korny. But sweet at patok sa nga millennials." Humalakhak ito at kinuha sa supot ang isa pang burger. "Ay, may sticky note din 'yong para sa 'kin!"

"Tingin."

"Ang sweet niya, oh, tingnan mo nilagay niya.." Nabura ang ngiti ng babae sa nabasa. Binasa niya 'yon.

"Hashtag love wins."

"Siraulo 'yun ah."

Napangisi siya.

Tiningnan niya ang sticky note sa kanya. Gusto niyang kiligin. Maglulundag sa tuwa at isipin na effort nga talaga iyon ng binata para sa kanya.

Mapait na ngumiti siya. Kilala niya si Danrick. Hindi ito gagawa ng ganoong effort sa kanya.

Sino lang ba siya sa buhay nito maliban sa naging kasalo lang sa init nito?

"Did you like my surprise?" Bumulaga sa kanila si Alicia. Naconfirm nga niya ang hinala. Bumigat ang pakiramdam niya.

"Walanghiya ka, Alicia! Anong hashtag 'to?" reklamo ni Cathy.

"Love wins? O, c'mon. Wag ka ng bitter sa mga bakla."

Tumalikod siya sa mga ito. Nagkunwaring abala sa pagkain. Pero sa totoo lang, nag-iinit na naman ang mga mata niya. Pambihirang buhay 'to. Bakit biglang naging MMK ang buhay niya?

"Ang hard mo sa 'kin sa hashtag na 'yun. Walanghiya ka, alam mo naman na may trauma na ako sa ganyan!"

"'Yong sa 'yo, Cathy.. Ako talaga may pakana niyan. Wala naman ako maisipan mailagay. Tutal napilitan lang akong gawin 'yan."

"Paanong napilitan?"

Nakinig lang siya sa pag-uusap ng mga ito habang bino-browse ang mga IG stories sa Instagram niya.

Natigilan siya nang bumungad agad sa kanya ay IG story ni Danrick. Nakafollow pa rin pala siya sa lalaki.

"Blackmailed kasi ang beauty ko ng isang nakakainis na otoko. Kaya ngayon sunud-sunuran ako sa pakiusap ng pinsan niya."

"Ha? Ang gulo mo, gaga. Diretsahin mo na nga ako. May pa-blind item pa."

"Matuto ka kasing manghula."

"Eh, sino ba kasi?" tila naiinis na ang boses ni Cathy.

Dalawang shirtless selfie ni Danrick ang bumungad sa kanya. May caption pa na 'Just for you'.

Parang gusto niyang ibato ang cellphone. Mukhang may bago na nga talaga ang walanghiya. Sana kung may bago na ito, hindi na ito magpa-yummy sa social media. Wag na sanang paasa.

"Kailangan ko pa bang sagutin 'yon?" huling narinig niya kay Alicia bago bumungad sa kanya ang pang-huling IG story ni Danrick.

Litrato ng hawak nitong yum burger na may sticky note din..

Missing you.

At ang background ng photo ay ang mismong building ng BBC.

Parang nalaglag ang puso niya.

🍔

Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top