Chapter Four

 SIGURO kung hindi siya isang majubis, hindi siya iiwan ni Danrick kahit nalaman nitong virgin siya. Siguro, ipinagpapatuloy lang nito.. Hahalikan siya nito, pagkatapos tuloy tuloy na siyang kakangkangin.

Siguro kung hindi siya majubis, sobrang magiging gentleman pa ito sa kanya na after the one night stand, eh magiging sobrang possessive na ito sa kanya. 'Yong tipong ayaw na siya nitong pakawalan tulad dun sa mga romance books na nababasa niya.

Kung hindi siguro siya majubis, mababawasan ang takot nito sa virginity niya.

And why would he be scared with her virginity by the way? Naniniwala ba ito na masyadong clingy ang mga virgin? Masyadong nagiging demanding after sex? Aasta na siyang jowa nito? O takot na magkaroon ng commitment sa isang majubis like her?

Naiintindihan niya ito kung ganoon at hindi rin naman siya nagagalit dito. Ngunit hindi niya mapigilan maghinanakit. At lalong hindi niya mapigilan na mag-isip sa mga posibleng nangyari kung hindi siya isang plus size woman at nagkataong kasing-sexy siya ni Megan Fox.

"Saan may lamay?" inosenteng tanong ni Cathy at luminga-linga sa paligid, tila ba may magtatangka talagang maglagay ng burol sa loob ng gym ng BBC. Nandun siya nakaupo sa sahig. Kakatapos lang ng zumba session nila at nagpapahinga kasama si Alicia at ang iba pa niyang BBC sisters tulad ni Tephany, ang kambal na si Jenn at Kenn, at ang isa sa founder ng Big Beauties Club na si Cristeta Mae. Kanina pa siya nakatulala. Parang wala sa sarili at aware siya na kanina pa din siyang napapansin ng mga ito, lalo na si Alicia.

Sa mga ito, ang kaibigang si Alicia lang ang nakakaalam kung anong nasa likod ng pananahimik niya. Ito ang unang una niyang tinawagan kagabi at pinapunta sa kinaroroonan niyang hotel. Nasaksihan nito ang itsura niya, tumutulo ang luha sa mata habang suot ang punit na halter dress niya. Natatandaan pa niya kung paano ito sinapian ni Ivy Aguas, at eksaheradang sumigaw ng, "SINONG GUMAWA SAYO NITO?!"

Ang gaga, ngali-ngali pa niya itong mabatukan. Kung maka-react, kala mo naman narape siya. Nagpapasalamat nga na hindi ito masyadong nag-usisa sa nangyari. Tinanong lang nito kung okay lang daw ba siya, kung masarap daw ba. Buti na lang talaga hurt siya kagabi kay Danrick, kung hindi ang kaibigan ang na-hurt niya.

"Ay, anong drama ito?" Nameywang sa kanila si Cathy. "May lamay ba? Ang tahimik ah. May ibuburol mga te?" Tumingin pa ito kay Alicia. At tumingin naman sa kanya si Alicia.

Bumuntong-hininga siya at tumayo. "Una na ako sa inyo, sis."

Nakaka-dalawang hakbang pa lang siya nang magsalita ulit si Cathy. "O, anyare naman sa 'yo?"

"Huh?"

"Bakit ganyan ka maglakad? Nadulas ka ba or something?"

Nakagat niya ang ibabang-labi. Sigurado siya, di maniniwala ang mga gaga kapag nalaman ng mga ito ang nangyari kagabi. Pero sa Big Beauties Club, magkakapatid sila doon. Nag-oopen sila sa isa't isa, at feeling kailangan niya rin mailabas 'yon.

Si Alicia halata na kagabi pa gusto mag-usisa sa kanya. Pero hinayaan lang siya.

"Ano ba kasi ang nangyayari sa 'yo, sis? Kanina ka pa tahimik." nagsalita si Cristeta, ang founder ng BBC. Ito at si Mary Jane ang nagtayo ng club na dedicated para sa mga plus size woman na tulad niya. Naniniwala kasi ang mga ito na hindi dapat ikinakahiya ang pagiging majubis. Dapat niyayayakap iyon at ipinagmamalaki.

"Kung may problema ka, you can share it with us. Malay mo makagaan kami sa pakiramdam mo. Promise, walang okray." Marahang ngumiti ito sa kanya.

She took a deep breath. Pagkatapos ay isa isang hinarap ang mga ito. "Okay, alam ko this is a shocking news.. I almost have sex with Danrick last night."

"AND?" sabay sabay pa na wika ng mga ito.

"Hindi maganda ang naging ending." Muli nakita niya sa isip ang galit na mukha ni Danrick, ang tingin nitong nang-aakusa at nanunumbat. She could still hear him cursing. Pero mas tumatak sa kanya ang pagmamadali nitong magbihis para makalabas na ng kwarto. Sa pagmamadali nga nito naiwanan pa nito brief nito. Dapat ba siyang matuwa na may iniwanan itong remembrance?

"Ha? Ano ba ang nangyari, sis?" inip na tanong na ni Cathy. "Bigla bang nagbago ba ang isip nung isusubo muna?" usisa ni Cathy.

"Cathy!" saway ni Cristeta at Alicia sa kaibigan.

"You're not helping!"

"Nagtatanong lang, bakit galit kayo?"

Maikli siyang tumawa. "Sana nga doon lang naisipan na niya mag-back out e. But no. Hindi 'yon.. He found out that I'm a virgin."

Kita niya ang pagrehistro ng gulat sa mukha ng mga kaibigan. Na parang may bomba siyang pinasabog sa harap ng mga ito.

"Okay, okay! Wag kayong tumingin ng ganyan sa akin! It's not my fault that I'm still a virgin noh?"

"You're still a virgin?" manghang tanong ni Tephany. "Oh My God. Don't get me wrong, babe, but men like Danrick hate virgins."

"Yes, and tingin nila trap iyon para makulong mo sila sa isang commitment." sabad ni Jenn.

"At tingin nila, porke sila nakakuha ng virginity mo magiging clingy ka na sa kanya, at sa kanila na iikot ang mundo mo na kinatatakutan nila dahil hindi na sila makakatikim ng ibang putahe! Nako, ganyan ang mga lalaking yan." sabi ng manhater na si Kenn.

Napailing siya. "Naiintindihan ko naman siya. I'm just.. just sad.. Iniisip ko, siguro kung sexy ako, keri lang kahit virgin ako no? Baka mag-enjoy pa siya. But since, majubis ako at magpapatanggal lang naman siya ng init, narealize siguro agad niya na hindi worth it. So, he left me."

"Aw, sis.."

Nilapitan siya ni Alicia at niyakap siya. "Wag kang ganyan. Huwag mo hayaang bumaba ang tingin mo sa sarili mo dahil sa isang lalaki? You're beautiful and sexy in your own way! Hindi isang lalaki ang magsasabi sa 'yo kung ano ang worth mo."

Niyakap din siya ni Cristeta. "Alicia's right. Hindi lang din si Danrick ang lalaki sa mundo, sis. Wag muna siya pag-aksayahan ng luha at emosyon. He's not worth it. Kung makaarte naman 'yun, kala mo daks talaga eh no?"

Kahit naiiyak na, di niya mapigilang matawa. "Daks naman talaga mga bes, kaya nga masakit eh."

"Gaga!" Nagtawanan ang mga ito. Biglang gumaan ang pakiramdam ni Jeasabelle. Tila nawala ang bigat sa dibdib niya.

"I just have one question, sis." Napatingin sila lahat kay Cathy. "Kung si Danrick mismo nakaalam na virgin ka, ibig ba sabihin naijosok niya sa 'yo?"

"Uhmmm. Oo?"

Nanlaki ang mata nito. "Like OMG? If that's the case, bakit hindi na niya sinagad-sagad pa? Pareho lang pala kayong nabitin. Sana dinaganan mo para di na nakapag-inarte noh?"

"Ay nako! Cathy, dun ka na nga!"

"Sabi ko nga."

 A VIRGIN. A fucking virgin.

What the hell is he thinking?

Marahas na sinuklay ng binata ang kanyang buhok at bumuga ng hangin. Tinanggal niya ang mata sa monitor at hinayaang lumipad ang tingin sa labas ng bintana. Hindi siya makapag-trabaho sa lalim ng iniisip niya. Kanina pa niyang pilit na itinututok ang utak sa trabaho, pero kusa iyong lumilipad sa eksenang sigurado siyang hindi niya malilimutan.

Fvck her. Fvck her for making him think about her, and making him feel like the biggest jerk on earth.

It was a waste of time to think about her. Oo, hindi niya dapat ito iniisip. Madali lang limutin ang tulad nito. Besides he was drunk last night. Dapat nga ay nakatulong iyon para mabelawala lang ang mga isiping may kinalaman sa babae. But he couldn't lie. Nakainom lang siya kagabi, pero hindi siya lasing. Alam niya kung ano ang namamagitan sa kanila ni Jeasabelle kagabi.

That's her name. He was sure that's her name. He just pretended last night that he didn't know her. Wala silang pinagsamahan ng dalaga, pero malinaw ang mga memorya niya tungkol dito.

Si Jeasabelle 'yong matabang teenager noon na mahilig magpapansin sa kanya noong nasa kolehiyo pa sila. Minsan ay naging mascot pa ito para sa team nila. Palagi pa siyang inuulan ng mga tukso mula sa mga teammates niya kapag lantaran itong nagpapacute sa kanya.

Napapansin niya ito noon. But honestly, he wasn't interested. She was not his type of girl. Kaya hindi niya ito pinapansin kahit aware siya sa presence ng babae. Ayaw niya itong bigyan pa ng dahilan pa na magpapansin sa kanya.

Pero sasaktan niya ang sarili kung itatanggi niya na hindi niya ito napansin kagabi. She was just so stunning. Hindi niya agad nakilala ang dalaga. Oo, mataba pa rin ito. Pero hindi ito yong uri ng mataba na pag nakita mo puro taba lang makikita. She was curvaceous. She was sexy in her own way. The way she walks, the way her hips move and her facial expression.. She was beautiful. Mas maganda pa sa ibang babae na dumaan sa buhay niya.

Tila nakapagkit na sa isip niya ang maganda nitong mukha. Ang mapang-akit nitong titig at ngiti.

Kaya masisisi ba niya ang sarili kung tumugon ang katawan niya sa dalaga? Hindi ito ang tipo niya, pero ang iba ang epekto nito sa kanya. Gusto niyang isipin na may gayuma itong inilagay sa alak niya para magkaganoon siya.

Pero kung may gayuma itong inilagay doon, sigurado na hindi pa niya mababawi ang natitirang kakayahan niya na makapag-isip ng tuwid. Hindi niya alam ang iisipin nang malaman niya na wala pang lalaki ang nakaangkin dito maliban sa kanya. Pumasok agad sa isip niya na ang mga posibleng intensyon nito sa kanya. Fuck, she was a fucking virgin!

Kahina-hinala na ibibigay nito ang iningatan ng ilang taon para sa isang one night stand lang naman?

Napamura ang binata. What does she want?

At gusto rin niyang murahin ang sarili sa naging reaksyon niya. He was an asshole to her last night. A complete jerk.

Walang sapat na rason para sa iniakto niya kagabi. Lalo pa at iniwanan niya itong mag-isa sa hotel room!

Tumawag siya kanina sa hotel para alamin kung naka-check in pa ang dalaga. Nakaalis na din pala ito nang gabing 'yon.

Nanginginig na humugot siya ng hangin. Until now, he could practically taste her lips on his mouth, and feel her mouth around his length. Para siyang mababaliw dito kagabi. Hindi pa Bagong Taon, pero tila gusto na niyang magpaputok. Ewan niya kung anong panama ng Sinturon ni Hudas kung sakaling nagtagumpay ang dalaga na mawala siya sa kanyang kontrol.

Napailing siya. Pero hindi niya na dapat I-entertain pa ang nararamdaman. He felt like he's cheating on her ex-girlfriend Gianna. Oo nga't hiwalay na sila. But he's still trying to win her back. Ang sabi nito kailangan lang nito ng space. Hindi pa ito handa para mag-settle down. She want him to give her time to think.

Handa naman siyang ibigay iyon dito. Pero hindi siya payag na maghiwalay sila ng matagal. Si Gianna lang ang tumagal sa mga nakarelasyon niya. Ito lang ang nakikita niyang dahilan para mag-settle down na rin siya. She's the perfect woman for him.

Sigurado na siya na hindi na siya maaakit ng ibang babae.

Sigurado na siya.. Kung hindi lang dumating si Jeasabelle at guluhin ang sistema niya.

 NAPAKURAP si Jeasabelle nang may mahagip ang kanyang mata habang nakasakay sa kanyang kotse.

Si Danrick.

Kakababa lang nito sa kotse nito at mukhang papasok ito sa isang coffee shop. Mukhang mag-isa lang ito. Naka-white polo shirt at pants ang lalaki. Simple na simple lang ang suot nito, pero napakalakas pa rin ng hatak nito. Kahit siguro lalaki siya at nadaanan niya ito nang sakay lang sa motor, siguro lilingunin niya ito.

Pinagpala ang hinayupak. Bakit 'yong mga gantong uri pa ng lalaki ang pinagpapala sa kagwapuhan no? 'Yong mga tipo pa na walang chance magkagusto sa kanya.

May umahong lasang ampalaya na emosyon sa dibdib niya. Naalala na naman niya ang pag-iwan nito sa kanya sa hotel. Sa pagmamadali pa nga nito, naging remembrance pa nito sa kanya ang brief nito.

Tila may bombilyang umilaw sa utak ni Jeasabelle. Lumipad ang tingin niya sa kanyang bag kung saan naroroon ang Calvin Klein nito. Sumilay ang makahulugang ngiti sa labi ni Jeasabelle at iniliko ang kotse. Tuloy tuloy na ipinarada niya iyon sa parking area katabi ng sasakyan ni Danrick.

Hindi porke malaki ang pagnanasa niya sa lalaki ay basta na lang niya ito papatawarin. Nainsulto rin naman siya no! Wala siyang balak gumanti. Gusto lang niya ibangon ang confidence niya na natapakan nito kagabi.

Bumaba na siya ng kotse at isinampay sa balikat ang shoulder bag. At parang naglalakad sa stage ng Miss Universe na tinungo ng dalaga ang entrance.

 Ewan lang niya kung hindi malaglag ang panga ni Danrick sa gagawin niya. Matitikman nito ang batas ng isang majubis na nabaunan, pero hindi nadiligan!

 Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top