Chapter Forty Two
👰
NAKATITIG siya sa sariling repleksyon sa salamin pagkatapos maghugas ng kamay. Muntikan na siyang mapalundag nang biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata niya ng makita kung sino 'yon.
"Anong ginagawa mo dito?"
Napaatras si Jeasabelle. Marahas na isinara ng binata ang pinto. Nagtatagis ang bagang na sinugod siya ng isang mainit at nagpaparusang halik.
Ikinabigla niya ang ginawa ng lalaki. Mabilis na nakalapit ito sa kanya at nasa labi niya ang labi nito. He was kissing her ruthlessly. Mapagparusa ang paggalaw ng labi nito sa kanya, ngunit hindi maitago ang pananabik. Parang kidlat na humagupit sa kanya ang pagdaloy ng koryente sa mga ugat niya. Rumaragasa ang nag-aalab na pananabik sa bawat himaymay ng katawan niya.
Naaakit siyang tugunin ang halik nito. Gusto rin niyang iparamdam dito ang pananabik niya.. But she could still think so clearly.
This is not right. His kiss felt so good. Pero hindi pwede... Hindi na siya pag-aari nito para basta na lang nito halikan!
Malakas na itinulak niya si Danrick. Humiwalay naman agad ito sa kanya.
"Ano ba Danrick? Ano bang problema mo?" paasik na tanong niya sa lalaki at umatras mula dito.
"Ikaw. Ikaw ang problema ko." sagot nito at bumakas ang galit sa gwapong mukha nito. "Siya ba ang dahilan kaya kahit anong gawin kong pagsuyo sa 'yo, ayaw mo na? Is it because of that guy?"
"Anong sinasa---" hindi nagproseso agad sa isip niya ang sinabi nito. Then she remembered Gab. Yes, Gab! 'Yong kasayaw niya. How could she easily forget that guy?
"Kaya mo ba ako binabalewala dahil may ipapalit ka na sa akin? Iyon ba?" puno ng hinanakit ang boses nito.
Lumunok siya at pinalamig ang ekspresyon. "Paano kung sabihin kong oo? Titigilan mo na ba ako?"
Bumakas ang sakit sa mukha nito. Pinigil niya ang sariling manghina sa nakitang pagrehistro ng lungkot sa mga mata nito. Gusto niyang bawiin ang sinabi pero hindi.. Kailangan niyang panindigan ang desisyon na tanggalin ito sa buhay niya. She love him.. She will always love him. But in this lifetime, kailangan niyang piliin 'yong lalaking hindi siya masasaktan.
"Dan, I don't want to hurt you. Pero please.. Please stop following me around and stop trying to win me back."
Hindi naputol ang titig nito sa kanya.. Parang pinag-aaralan nito ang mukha niya at hinahanap doon ang natitirang pag-asa. Mariing pumikit siya, pilit pinatitigas ang ekspresyon niya. Ayaw niyang makita nito na nanghihina siya sa presensya nito.
"Hindi na ako babalik sa 'yo. Kahit paulit-ulit mo pang gawin ito sa akin. It's better if you just leave me.." Bumalik ka na lang kay Gianna. Magpaka-ama ka sa baby n'yo.
"Sinabi ko na sa 'yo na gagawin ko lang 'yan kapag sinabi mo na sa akin na hindi mo na ako mahal." matigas rin ang ekspresyon ni Danrick. Nasa mukha nito na wala itong balak na sumuko.
Humakbang ito palapit sa kanya. He's trying to corner her! Matalim na tinitigan niya ito. Pagkatapos ay nag-iwas ng tingin. "Hindi na kita mahal, ano pa ba ang di malinaw doon?"
"Look at me."
Tumingin ulit siya dito. Nakakapaso ang mata nito at parang kaya nitong basahin pati nilalaman ng isip niya! God. She hate him so much!
"Tumingin ka sa akin habang sinasabi mong di mo na ako mahal."
Gusto na niyang mapamura ng malakas. Fuck him! Kino-korner talaga siya ng walanghiya! Ganoon na ganoon ang ginagawa nito sa kanya tuwing itinataboy niya ito! And damn it, hindi siya magaling sa pagsisinungaling kaya hindi siya nagtatagumpay!
"Wala ka na bang ibang trick, Danrick? Puro na lang ganto? I don't want you anymore."
"Sinasabi ko naman sa 'yo. Kapag nagawa mong sabihin sa akin ang gusto kong sabihin mo, titigilan na kita."
She gritted her teeth and glared at him. "I don't want you anymore, Danrick. Ano?"
"Want is different from love. At hindi iyon ang dapat kong marinig sa 'yo. Say you don't love me and you will never see me again." he smiled, pero hindi umabot iyon sa mata nito. Napansin niya parang nangangayayat ang binata. Magulo ang buhok, mukhang kulang sa tulog at sabog. Ayun, ang tamang word. Sabog.
Kumakain pa ba ito? Inaalagaan pa ba nito sarili nito? Parang gusto niya itong singhalan. Ang itsura nito, malayong malayo sa itsura nito two months ago!
"Say it, babe. Sabihin mo lang at papakawalan na kita."
"Okay, fine." Nanginginig na bumuntong-hininga siya at diretsong sinalubong ang mata nito. "I don't-- l-love," napamura siya at hindi niya makuhang tapusin ang linyang 'yon. "I can't do this." Hindi siya marunong magsinungaling. Duwag na kung duwag.
"You can't because you still love me." mababa ang tono na sabi ng binata. Kumislap ang pag-asa sa mata nito. "I knew it. Mahal mo pa rin ako." Walang pagyayabang sa boses nito.
"Ano, masaya ka na ba?"
"I'm happy to know you still love me."
Nilagpasan niya ito. Maagap na hinagip nito ang braso niya at bumaba ang mukha. Akala niya hahalikan na naman siya nito. Pero umabot lang ang labi nito sa may pisngi niya.
"I'm going to fight for you, Belle. Hangga't alam kong ako pa rin ang mahal mo, hindi ako susuko sa 'yo. Akin ka pa rin kahit paulit-ulit mo akong palayuin, tanggihan.. At magiging akin ka ulit, ipinapangako ko."
Marahas na binawi niya ang braso dito at masamang tinitigan ito. Seryoso ang mukha nito. Ngunit sa mga titig nito, alam niya na hindi ito nagbibiro. Wala talaga itong plano na sumuko sa kanya.
"Tingnan lang natin. Basta sinasabi ko sa 'yo, Danrick.. Hindi na ako magpapaloko pa sa 'yo."
"Hindi naman kita niloko."
"Panloloko ang pagtatago at pagsisinungaling sa akin."
"Ilang beses na akong humingi sa 'yo ng sorry. Ano pa ba ang dapat kong gawin?"
"Wala kang dapat gawin. Pero kung gusto mo akong matahimik na, lumayo ka na sa akin. Iyon lang, Danrick. Leave me alone."
"Not happening. I'm not leaving you. Babawiin kita kahit pa maging kayo ng lalaking 'yon." buo ang loob na sabi nito.
She hissed, at pagkatapos ay iniwanan na ito sa rest room. Nakabunggo pa niya si Gab paglabas niya.
"Hey," napakunot-noo ito. "Are you okay? Ang tagal mo sa loob.."
"Okay lang ako. May kausap lang ako sa---" Malakas na kumalabog ang pinto ng ladies room. Napatingin doon si Gab at napakunot-noo ng makita si Danrick na lumabas doon.
Nagtama ang tingin nila. Madilim lang ang anyo nito na dumaan sa harap nila ni Gab.
"That's rude, man." sabi ni Gab pero deadma lang ito ng dating nobyo. Nilagpasan lang sila nito. Lumingon pa sa kanya si Danrick na matalim ang tingin kay Gab. Pinandilatan niya ito.
"What is he doing at the ladies room?"
"Baka tinubuan ng pempem. Don't mind him."
NAGING manliligaw ni Jeasabelle si Gab. Pagkatapos ng gabing iyon, kinuha ng lalaki ang number niya at doon ito nagsimulang manligaw sa kanya. Lagi itong nagpapadala sa kanya ng messages at bulaklak. He's really sweet. Minsan ay pinupuntahan pa siya nito at niyayaya laging lumabas. Pero mga dalawang beses pa lang siyang pumayag na lumabas kasama ito.
She like him. Gusto niyang bigyan ng chance ang lalaki dahil maganda naman ang pakikitungo nito sa kanya. But her friends.. Hindi niya maintindihan bakit may pagtutol ang mga ito kay Gab. Si Alicia nape-preskuhan daw sa lalaki. Si Cathy hindi komportable sa lalaki.. At 'yong iba pa may kanya-kanyang dahilan.
"Akala ko ba gusto n'yo na makipag-date na ako? Bakit parang di kayo natutuwa ngayon na meron na sa wakas akong binibigyan ng pagkakataon na manligaw?" tanong niya sa mga kaibigan matapos ang morning work out nila. Nakaupo sila sa sahig at nagkukwentuhan.
Si Alicia ang sumagot. "Ah, kasi friend, hindi mo pa naman masyadong kilala si Gab."
"Kaya nga nasa stage pa lang kami ng getting to know each other. Ano ba tingin n'yo, pakangkang agad ako?"
Tinitigan lang siya ng mga ito. Poker face.
"Oh, my God. I'm so hurt." maarteng hinawakan niya ang dibdib at madramang napatingala.
"We are just warning you, Jeasabelle. May hindi magandang background si Gab. There are rumors about him."
"Cathy, ang tanda mo na para makinig sa chismis."
"Nabuntis niya ang sekretarya ng papa niya, tapos hindi na nga niya pinanagutan. May ilang babae na rin ang nagreklamo sa kanya na---"
"Stop." Tumigil sa pagsasalita ang babae. Bumuntong-hininga siya. "Hindi n'yo naman ako kailangan balaan pa. Malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko, at kaya kong gumawa ng mga tamang desisyon. Kung totoo man 'yang sinasabi n'yo, syempre, iingatan ko sarili ko."
"Ayaw lang naman namin na masaktan ka."
"I know that." Nakita ng mga kaibigan niya kung paano siya nasaktan din sa paghihiwalay nila ni Danrick. Pero hindi tulad ng ibang babae, hindi siya nagmukmok at stress eating. Bagkus ay nagfocus siya sa sarili. Todo work out at diet ang ginawa niya. Sa loob ng dalawang buwan, pakiramdam niya ang laki ng timbang na nabawas sa kanya. Nagpa-new hairsyle din siya. Pinaikli lang niya ang dating mahabang buhok at pinatuwid. Sabi ng mga kaibigan niya, parang nag-ibang anyo daw siya.
"Mas marami na ang humahabol sa 'yo na lalaki ngayon kaya dapat lang na natuto ka na 'no. Mas maganda ka at mas sexy na ngayon. Hay, grabe, paano ba ma-achieve ang ganyang figure mo Jeasabelle?" sabi ni Tephany na nakatingin sa kanya.
"Wala akong magic na ginawa d'yan. Work out at diet lang," sagot niya sa babae pero mangha pa rin itong nakatitig sa kanya.
"Pati 'yang dede mo, oh. Kahit nabawasan ka ng timbang, parang mas lalong bumilog tingnan! Putek na suso 'yan, salot sa aming mga pinagkaitan."
NAGULAT si Jeasabelle nang makita niya si Gab na nag-aabang sa kanya sa ibaba ng building. Tumawag sa kanya ang Tita Berto niya at pinapupunta agad siya nito sa bahay. Kung ano ang pakay sa kanya, hindi naman agad sinabi ng bakla.
"Gab, ano'ng ginagawa mo dito? You surprise me."
As usual, may pagka-pormal ang dating ni Gab. Sinalubong agad siya nito ng matamis na ngiti nito. Perfect talaga ito na maging endorser ng toothpaste.
"Yes, balak ko talaga na surpresahin ka.. Are you available right now?"
"As in ngayon? Ano ba meron?"
"Invite sana kitang mag-lunch. Kakalabas ko lang din from work para kumain, pero naisipan ko na daanan kita. Nagbabakasali lang..."
Bigla tuloy siyang naguluhan. Kailangan niyang umuwi dahil sa tawag ng Tita Berto. Wala namang pagmamadali sa tono ng tiyuhin. Hindi naman siguro ganoon ka-importante.
Nahihiya siya na tanggihan si Gab. May work pa ito pero dahil gusto siyang makasama mag-lunch, nag-effort pa ito na puntahan siya.
"I really wanted to eat lunch with you. Sana this time, mapapayag kita." He pouted his lips.
"Pa-cute ka pa, Gab. Sige na nga."
"Sabi ko na nga hindi mo ko matatanggihan eh."
Inakbayan siya nito papunta sa parking lot. Hindi siya komportable sa pag-akbay nito sa kanya habang maraming nakakakita. Nang pasakay na siya sa kotse nito, may nahagip ang mata niya dahilan para matigilan siya.
Danrick..
Nakatiim-bagang ito at madilim ang tingin sa kanila. Kakalabas lang nito sa kotse nito at mukhang natigilan lang ng makita sila ni Gab. Hindi mahirap hulaan kung bakit naroroon ang dating nobyo. He's still trying to win her back. Nililigawan siya nito ulit kahit na malamig ang pakikitungo niya dito.
Napansin niyang tila humigpit ang hawak ng lalaki sa nasa kamay nito. Saka lang niya napansin ang mga bulaklak na dala nito.
Iniiwas niya ang mata at pinigilan ang samu't saring emosyon sa dibdib. Nagbabadya ang mga luha sa mata niya.
Nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon. Bakit hindi pa ba ito tumigil? Why can't he just stop? Habang tumatagal nakikita niya ang sarili kay Danrick. Pareho silang nahihirapan.
Nagmo-move on na siya dito! Mas mabuti na hiwalay sila. Dahil sobra siya kung magmahal pagdating kay Danrick. Handa siyang magpaka-martir dito. Handa niyang isugal ang lahat.
Now she's trying to move on. Hindi man halata sa kanya, nahihirapan pa rin siya. Samantalang ito, kitang kita ng mga mata niya kung paano ito naghihirap mapabalik siya. Para itong asong nakasunod sa kanya. Pinipilit kunin ang atensyon niya.. Pinipilit kunin ulit ang loob niya.
Nakikita niya ang pagbabago sa itsura ni Danrick. Nakakalimutan na nito ang sarili. Hindi ba nito nakikita iyon? Siya nakikita niya kung paano nababawasan ang timbang nito. Ni hindi na nito tinitingnan ang sarili. Hindi man lang mag-ahit, mukha na itong tatay! Parang gusto niyang alagaan ito ngayon. She want to take care of him.
Pero hindi.. Tama lang ito. Dapat lang din niyang isipin ang sarili.
"Belle," tawag ni Gab. Parang bumalik siya sa realidad at napalingon siya sa binata. "Para kang nakakita ng multo. Namumutla ka na naman. Something's wrong?"
"W-Wala naman. May iniisip lang ako.."
Kumunot ang noo nito. "Sino naman?"
"Uhhmm. Hindi sino. Ano."
"So, ano nga?"
"Pagkain. Nagugutom na din pala ako."
Natawa ito. "That's funny."
Pinilit niya magmukhang walang ibang iniisip habang kausap ito sa kotse. Ang unfair lang ng ginagawa niya. Kasama niya si Gab, pero nasa ibang lalaki ang utak niya.. ang pag-aalala niya.
Dinala siya ni Gab sa isang mexican restaurant. Hindi niya maiwasan na maalala si Danrick. Lalo na kapag lumalabas sila para kumain. Bawat alaala na kasama ito, memoryado pa rin niya. Hindi yata niya magagawang kalimutan ang mga 'yon.
Belle, tama na. Wag mo na siya isipin.
Masarap kasama at kausap si Gab, pero may bahagi niya ang nakokonsensya. Hindi niya magawang maging masaya talaga.
Tumunog ang phone niya. Ang Tita Berto niya ang nakaregister. Tumingin siya kay Gab.
"Sagutin ko lang, to ha."
Tumayo siya at lumayo sa kausap bago sinagot ang tawag. "Tita, naglu-lunch ako. Bakit ba?"
"Nasaan ka ba? Bilisan mo, pagkatapos pumunta ka dito sa bahay. Importante 'to."
Hindi na siya nakipagtalo. Pagkatapos ng tawag ay agad din siyang nagpaalam kay Gab na kailangan na niyang umuwi muna sa bahay. Nagprisinta pa ito sa kanya na ihatid siya, pero tumanggi siya nahihiya talaga siya sa lalaki.
Bago sila tuluyang maghiwalay ng lalaki, nakiusap pa ito sa kanya kung pwede siya nito ilabas bukas ng gabi. Sa party daw ng kaibigan nito. Sa pagmamadali niya, hindi na siya tumanggi pa sa lalaki.
"SA WAKAS, nandito ka na rin." Parang mapuputulan na ng pasensya ang itsura ng Tita Berto niya. Nakaangat ang manipis nitong kilay at nagmamaldita ang awra.
"Ano ba'ng ganap, Tita? Parang napaka-importante ng sasabihin mo at di na nakapaghintay."
"Bakit, naabala ko ba ang date mo? Ano nga ulit pangalan ng batang 'yun, Gabniel? Parang pangalan lang ng love team, ah."
Naalala niya mga kaibigan niya sa Tita niya. Kontra din sa lalaki. Pinag-ingat din siya nito. Huwag daw siya na mag-love life muna. Kahit hindi nito sabihin alam naman niya na boto pa rin ito kay Danrick. Maganda daw kung malalahian ang magiging apo nito sa kanya ng Hidalgo. Dapat daw hindi muna niya isinuko si Danrick ng ganoon ka-aga. Nagpalahi muna daw siya. Ano naman siya, aso?
"Grabe naman kayo kay Gab. He's okay naman."
"Mas okay kung matitikman ko siya."
"Kadiri ka, Tita. Hahatiian mo pa ako?"
Umasim lang ang mukha nito. "Pinupunta kita dito para ibigay 'to." May iniabot ito sa kanya. Parang magnet na nagsalubong ang kilay niya.
It's a wedding invitation!
"Invited ang lolo mo d'yan, invited din tayo. Kaya sabi ko, kailangan mo na makita 'yan. Malapit na pala ang kasal." May lungkot sa boses ng tiyuhin niya. Nakita niya ang dalawang pangalan na nakalagay sa invitation.
Nanghihinang napaupo si Jeasabelle sa sofa at nag-angat ng tingin sa Tita niya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mata at tumikhim siya para tanggalin ang bara sa lalamunan niya.
"Ikakasal na sila ni Gianna," anas niya nang mabawi ang boses. Nagbabadya ang luha sa mata niya at di na siya nakapagpigil ng muling tiningnan ang pangalan sa invitation.
"Oo, sila ni Danrick.. O, bakit ka umiiyak?" marahang tanong ng tiyahin.
Umiling siya, patuloy sa pag-agos ang luha niya. "Dahil. Dahil manloloko talaga siya. Punta siya ng punta dito, may eme pa siyang babawiin daw niya ako. Pero ano 'yan?! Ikakasal na pala siyang hayup siya!" Di niya napigilan ang hagulhol. Kung nakakamatay lang ang sakit na nararamdaman niya ngayon, malamang kanina pa siyang nakahandusay.
Ngumiti ang tiyahin. "Wag ka mag-alala, pamangkin. Gawa ko lang 'yan.. Eto talaga ang totoong invitation."
May iniabot sa kanya ang bakla at napatanga siya. Nandoon pa rin ang pangalan ni Gianna, pero hindi si Danrick ang groom ng babae!
"Fake 'yong ibinigay ko una. Pero 'yan na ang totoong invitation," sabi nito, parang wala lang dito ang pag-iyak niya.
"Pero bakit 'yong fake ang ibinigay n'yo sa akin?"
Inirapan siya nito at maarteng sumandal sa sofa. "Kasi gusto ko malaman ang magiging reaksyon mo. Makumpirma kung mahal mo pa ba si Danrick, o hindi na para makipag-date ka ulit. Sa nakita ko naman, si Danrick pa ang mahal mo."
Nag-iwas siya ng tingin. "Pero hindi magandang biro 'yung ginawa n'yo. Niloko n'yo ako."
"Kung tatanungin ba kita kung mahal mo pa, sasabihin mo ba ang totoo? Syempre, itatanggi mo. Kung di ko ginawa 'yan, baka di ko nakita ang totoo."
"So, ngayon alam nyo na mahal ko pa? Ano'ng gagawin nyo?" nanghahamon ang tono niya.
"Wala, bakit ako ang gagawa ng hakbang? Hindi ba dapat kayong dalawa ni Danrick ang magdecide niyan para sa sarili nyo? Pareho nyong pinahihirapan ang isa't isa. Ano ba kayo? Mga teenager pa? Pareho na kayong matatanda uy."
Marahang inabot ng Tita Berto niya ang kanyang kamay at tinitigan siya.
"Jeasabelle, alam ko ikaw nasaktan ka. Ngayon malinaw naman na hindi talaga si Danrick ang ama ng dinadala ni Gianna, at ibang lalaki ang papakasalan ng karibal mo.. Wala ka pa ba rin balak bigyan ng pagkakataon ulit si Danrick?"
Bumuntong-hininga lang siya.
🔔
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top