Chapter Forty One

🍷

"SERIOUSLY, mga bes. There's no need."

Sabay sabay lang na umirap ang mga ito at inignora ang pagtanggi niya sa blind date na sinasabi ng mga ito. Mapilit ang mga kaibigan niya. Gusto talaga siyang I-push sa pakikipag-blind date kahit ayaw niya.

"C'mon, Belle! Ang tagal mo ng single! You should start dating again." sabi ni Alicia, ang pasimuno ng pambubugaw sa kanya.

"Oo nga. Mahigit dalawang buwan ka na ring single. Hindi ka pa ba nakaka-move on kay Danrick?" sabi ni Cathy at umugong na agad ang kantyawan at panunukso sa kanya ng ibang kaibigan. Alam ng mga ito ang naging ganap sa love life niya. Ang naging paghihiwalay nila ni Danrick, ang tungkol sa pagbubuntis ni Gianna at lahat lahat. Hindi niya direktang ikinuwento. Pero syempre, ang usisera niyang mga kaibigan nakagawa ng paraan para mainterview ang Tita Berto niya.

"Tigilan n'yo nga ako. Hindi naman porke ayaw ko makipag-date, hindi pa nakaka-move on? I just want to enjoy being single muna. No boyfriend, no problem."

Nagtawanan lalo ang mga gaga. Napabuga siya ng hangin. Kahit anong paliwanag niya, hindi maniniwala ang mga leche. Ipagpipilitan na di pa siya nakakamove-on kay Danrick.

Marahas na hinagip niya ang baso niya at inubos ang alak doon. Friday night at tulad ng nakakagawian nila, nandoon sila sa Purple Haus. Wala siyang balak na pumunta sana. Gusto lang niyang mag-stay sa bahay niya at matulog ng maaga. Kung hindi lang talaga mapilit si Cathy at Alicia. Isa pa, welcome party na rin kasi iyon ng new members ng Big Beauties. Kasama na doon ang pinsan niyang si Gay Marie.

Naging interesado ito sa club nang malaman nito iyon sa kanya. Tulad niya ay plus-size woman ito at interesado ito na maging miyembro nila.

"Kayo naman, masyado niyong ginigisa itong si Jeasabelle. Syempre, good girl 'yan. Sinusunod ang three months rule." nakangiting sabi ni Mary Jane pagkalapit sa kanila.

"Pero wala namang masama sa blind date, di ba? Di ka naman agad agad magpapakangkang."

"Ayaw ko nga muna. Di pa ko ready ulit."

"Hindi ready or hindi pa move on?"

"Too personal. Next question, please."

Muli, naghalakhakan ang mga leche. Mayamaya ay tinantanan rin siya ng mga ito. Wala talaga siyang plano makipag-date ulit kahit good catch pa ang inihihilera sa harapan niya. Hindi naman siya nakipag-break kay Danrick para lang magka-love life. The best revenge is to be happy. And she can be happy without a man in her life.

Two months na nga buhat ng makipaghiwalay siya kay Danrick. Two months na rin ng sinabi niya sa sarili na magmo-move on na siya dito. But the truth is, hanggang ngayon mahal pa rin niya ang lalaki. Walang araw na hindi ito sumasagi sa isip niya. Gusto na nga niya itong kalimutan. Pero paano?

Sa dalawang buwan na nakipaghiwalay siya sa lalaki, lagi itong nagpapakita sa kanya at nagpaparamdam. Sa mga unang linggo ng paghihiwalay nila, pumupunta pa rin ito sa bahay niya! Kahit ilang beses na niya ito itaboy, bumabalik pa rin. At palagi siya nitong sinusundan saan man siya magpunta. Umaakto na parang hindi siya nakipaghiwalay na! God, he's like an obsessed stalker!

At alam iyon ng mga kaibigan niya kaya kinukulit siyang makipag-date. Gusto makitang magselos ni Danrick. No! Hindi siya bababa sa ganun. Kaya naman niyang mag-move on na hindi nanggagamit ng ibang tao. Ayaw nga niya gawin sa kanya, tapos gagawin naman niya sa iba?

Nilagyan niya ng alak ang baso at ininom iyon na parang nauuhaw. Di niya napansin sunod sunod na siyang uminom at nakalahati na niya ang bote.

"Couz, dahan-dahan lang. Gusto mo bang magpakalasing?" natatawang tanong ni Gay. Ito lang ang naiwan katabi niya. Ang iba niyang kaibigan ay nandoon sa dance floor at nagpapakasaya.

Umiling siya at mapait na ngumiti. "Konti nga lang 'yun."

Mayamaya ay lumapit ditong lalaki. Nagyaya na isayaw ito. At ang maharot na pinsan niya, game naman.

Tumunog ang cellphone niya. Bumilis ang tibok ng puso niya ng makilala kung sino 'yun. Binura na niya ito sa phone niya, but still tanda pa rin niya ang numero nito.

Lumunok siya at hinayaan lang iyon na magring ng ilang sandali. Aaminin niya nakokonsensya siya sa paulit-ulit na pagtataboy niya sa binata. Pero iniisip na lang niya na iyon ang tamang gawin. Tama lang na nakipaghiwalay siya sa dating nobyo.

Sa pagmamahal hindi lang dapat keps at puso ang pinapairal. Dapat pati utak. Pagkatapos mag-ring, sumunod agad ang pagpasok ng message.

Wala ka sa bahay mo. Where are you?

Nagsalubong ang kilay niya at akmang magtitipa na ng reply. Napahinto siya. Bakit pala siya magsasabi sa lalaki kung nasaan siya? Wala na namang sila! Kaya wala itong karapatan na malaman kung nasaan siya ngayon.

Feeling ba nito babalikan niya ito sa mga pa-ganon nito? Ah, no, no.. No way. Bumalik na lang ito kay Gianna at magpaka-ama sa dinadala ng babae! Hindi siya magpapaka-martir at tanga sa lalaki kahit na suyuin pa siya nito. Not anymore.

Siguro, dapat nga makipag-date na siya. Para kapag nakita ni Danrick na may lalaking umaaligid na sa kanya ay tigilan na siya nito.

Mamaya ay may lumapit sa kanyang lalaki. Gwapo ito, matangkad at hindi naman gaano kalaki ang katawan. Tamang muscles lang. But his smile, oh god, so sexy. Napukaw agad nito ang interes niya at nang yayain siya nito sumayaw, hindi na siya tumanggi. His name is Gab. Pinsan ito ni Dom, na boyfriend ng isa sa member ng BBC.

"Do you have a boyfriend?"

Umiling siya at hinayaang gumuhit sa labi niya ang matamis na ngiti. "Wala."

"Are you saying you're available?" Lumapat ang labi nito sa tenga niya. Tumayo ang balahibo niya sa leeg.

Nakagat niya ang ibabang-labi. "Uhm, not for everyone."

"Why is that?"

"Atin atin lang, ha? Choosy kasi ako, Gab." Humagikhik siya at nakangiting tumango ang binata. Nakatitig sa kanya habang gumagalaw ang katawan sa maharot na tugtog. Magkadikit ang katawan nila, nararamdaman ang init ng katawan ng isa't isa.

And for some reason, she felt like she's betraying someone by dancing with him. Nagu-guilty siya, nakokonsensya sa hindi malamang dahilan. Parang humaharot siya sa maling paraan. Something inside her is telling her not to do this. And she know why.

Pero nakipaghiwalay na siya sa lalaki at malinaw na hindi siya nagc-cheat kung hahayaan niya ang sariling makakilala ng iba. Hindi niya hahayaan na guluhin na lang lagi siya ng alaala ng dating nobyo.

"No," anas niya.

"No?" Nagsalubong ang makapal na kilay ni Gab. "Ayaw mo ba?"

"No, that's not I mean." maagap na sagot niya.

"Okay. Ibig ba sabihin niyan, okay lang sa 'yo kung ako manliligaw sa 'yo?"

"Ha?" at syempre, tanga tangahan siya para ulitin nito ang sinabi.

"Kanina pa kita tinitingnan kasama ng mga kaibigan mo. I can't believe you're still single."

"Bakit naman?"

"Because you're too hot to be single." Sumilay ang makalaglag panty na ngiti nito at napaangat lang siya ng kilay.

He's a sweet talker, at hindi niya alam kung good news ba 'yun or bad. Nagpatuloy sila sa pagsayaw, sumasabay sa masiglang tambol ng tugtugin. Nagsisimula nang mamuo ang pawis sa katawan niya. Parami ng parami ang tao sa paligid. Padikit ng padikit sa kanya si Gab. At siguro dahil sa tama na rin ng alak sa kanya, hinahayaan niyang maging agresibo ito sa kanya.

Bumaba ang kamay nito sa beywang niya at humawak doon. Umikot siya at ipinikit ang mga mata. Then, she was leaning against him. Nararamdaman niya ang init sa katawan nito. Hindi gaano katigas at kalapad ang dibdib nito. Ito 'yung tipo ng lalaki na mukhang trabaho at bahay lang. 'Yung tipo na walang masyadong oras para sa work out. But he's still fit and that's okay for her. Nalalanghap niya ang panlalaking pabango na gamit nito.

Bumaba ang mukha nito sa leeg niya. "You smell so good," bulong nito. Tumaas ang balahibo niya. Hindi dahil sa ginawi ng lalaki kundi sa biglang pag-iinit ng katawan niya.. Mainit na kanina, pero tila may kakaibang init na humalo sa hangin at nagpapadala ng pamilyar na pakiramdam.

Tila may nakatutok sa kanyang spotlight at nasa kanya lang ang atensyon ng lahat. It was a familiar feeling. Ang init na 'yon na naghahatid ng libo-libong sensasyon sa mga ugat niya.

Natatakot siyang magmulat.

He's here.

And it's him.

Hanggang ngayon kahit pinipilit na niya itong kalimutan at ipagpapalit na niya sa iba, nandoon pa rin ang malakas na impact nito sa kanya.

Iminulat niya ang mga mata. Pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid hanggang sa mapatigil siya sa lalaking nakaupo sa counter.

Nanuyo ang lalamunan niya. His eyes were dark and murderous. Tulad ng mabangis na hayop na nakamanman sa susunod nitong biktima. Pero sa kaso ng lalaki, kita niya ang galit at matinding selos sa mata dito. Ang pagpipigil na sumugod.

He's watching her. Iniiwas niya ang tingin, kasunod niyon ay ang pagkaramdam ng guilt..

Muli, ipinaalala niya sa sarili na hindi siya nagtataksil.

"God, I want you so much." bulong ni Gab sa kanya, hinapit ang beywang niya. Naramdaman niya ang init at matigas na bagay na namumukol sa pantalon nito. Sinasadyang iparamdaman sa kanya ng kasayaw ang pagnanasa nito sa kanya.

Pero hindi makuhang tumugon ng katawan niya. Wala siyang maramdaman kundi matinding kaba sa dibdib. Tinatambol ang dibdib niya ng kung ano anong emosyon.

Lumunok siya at humarap sa lalaki. Sinubukan niyang I-focus ang sarili sa kasayaw. Gab's a good catch. Anak ito ng isang mayamang pulitiko at nagtatrabaho sa business ng pamilya nito. Kung liligawan siya nito, hindi siya magdadalawang isip na bigyan ito ng chance..

Pero naguguluhan siya. Alam niyang may mali. Hindi nakatulong ang lalaking pinapanood ang bawat galaw niya. Tangina, para talagang stalker! Hindi ba nito magets na nakikipaghiwalay na siya?

"May problema ba?" tanong ni Gab ng mapansin ang mukha niya. "Balik tayo sa table. Baka nangangalay ka na."

"S-Sige." pagpapayag niya. Pero bago pa makapunta sa table nila, nagpaalam siya dito na pupunta lang ng rest room. Malalaking-hakbang na tinungo niya ang ladies room.

Naramdaman niya ang pagsunod ng maiinit na titig ni Danrick. Fuck him. Wala na sila kaya he better stop acting like he own her.

Nakatitig siya sa sariling repleksyon sa salamin pagkatapos maghugas ng kamay. Muntikan na siyang mapalundag nang biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata niya ng makita kung sino 'yon.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napaatras si Jeasabelle.

Marahas na isinara ng binata ang pinto. Nagtatagis ang bagang na sinugod siya ng isang mainit at nagpaparusang halik.

🔞

Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top