Chapter Forty Four
HINDI na ni Jeasabelle mabilang ang beses na nagpakawala siya ng buntong-hininga. Nandoon siya ngayon sa party ng kaibigan ni Gab. Kung hindi pa siya nito sinundo, hindi niya maalala na umoo nga pala siya dito nang imbitahin siya nito. Di niya makuhang makatanggi. Magiging rude naman siya sa lalaki na walang ipinakitang masama sa kanya. He's too nice. Too good. Kahit wala sa mood para umalis, sumama na siya dito.
Muli, kumawala ang malalim na buntong-hininga sa kanya.
Sanay na siya sa ingay at madaming tao, pero nang sandaling iyon parang gusto niyang tumakas at umuwi na lang sa bahay. Never siyang naging killjoy, but seriously. Hindi niya siya nag-eenjoy ng oras na 'yun. Nabo-bored na siya. Malaki at malawak ang bahay ng kaibigan ni Gab. Nasa sala sila kung saan may mga bisita rin na nagkakasiyahan.
"Hey, baby. Are you having fun?" nakangising bumulong sa leeg niya si Gab, pumulupot ang matitigas na braso sa beywang niya mula sa likod.
Napasinghap si Jeasabelle. Amoy na niya ang alak sa bibig ng lalaki. Kanina pa itong umiinom at napansin na niya ang pagiging agressive nito. Pasimpleng ibinabangga nito ang siko sa dibdib niya at pinipisil ang hita niya.
"Gab," saway niya sa lalaki. Ngayon naman ay nakayakap ito sa kanya at sapo ang malulusog na dibdib niya. "You're being aggressive.. S-Stop."
"Oh.. Sorry.." Tinanggal nito ang kamay sa kanyang dibdib, ngunit hindi inalis ang pagkakayakap sa kanya. "You don't look okay. May problema ba?"
"Wala, I'm just--."
"Is it about your ex?"
"W-What?"
Lumingon siya kay Gab. Salubong ang makapal na kilay nito, matigas ang ekspresyon. "Hindi ka pa rin ba niya tinitigilan?"
Nanlaki ang mata ng dalaga. Hindi siya nagkukwento kay Gab ng kahit anong tungkol kay Danrick. Hindi nga niya nababanggit sa lalaki na hanggang ngayon di siya tinatantanan ng dating nobyo.
"P-papaano mo nalaman ang tungkol doon?" tanong niya sa binata.
"I'm not blind, Belle. Kapag magkasama tayo at ihahatid kita, nakikita ko siya malapit sa bahay mo. At maliit lang ang mundong ginagalawan natin para hindi ko makilala si Danrick Hidalgo."
Right.
Tumango-tango si Jeasabelle. "So, you knew?"
Nakita niya sa ekspresyon ni Gab ang sagot sa tanong niya. "Hindi ko talaga alam. Pero siya ang lumapit sa akin."
"Lumapit?"
"Yeah, and he warned me. Gusto niya na layuan kita. He said he will ruin me kung ipagpapatuloy ko pa ang paglapit at panliligaw sa 'yo."
Napanganga ang dalaga. "What? Sinabi niya sa 'yo yun?"
"And the funny thing was, binalaan niya ako na sisirain niya ang buhay ko kapag hinawakan kita. That he will destroy me even if I touch a strand of your hair."
"Oh, my God."
"He's crazy, you know. Di ko alam na ganoon ang panganay na kapatid ni Jakob." Ang tinutukoy nito ay ang nakababatang kapatid ni Danrick.
"Di ko alam na lumapit siya sa 'yo. Dapat sinabi mo sa akin."
"That guy's really crazy for you. Tama lang na hiniwalayan mo siya."
Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. At mas lalong hindi niya alam na nagawa iyon ni Danrick.
Really?
"Bakit? Tama ba ako? Ginugulo ka pa rin ng lalaking 'yon hanggang ngayon?" tanong nito pagkatapos niya matahimik. "Kung oo, hayaan mo ako na magtaboy sa kanya palayo. Hindi ako natatakot sa kanya kahit na minsang sinuportahan ng pamilya niya ang kampanya ni Dad."
Umiling siya. "No, hayaan mo na ako na ang gumawa nun. I can take care of him."
"Where are you going?" tanong ni Gab nang humiwalay siya dito.
"I'm leaving.."
"What? It's too early. And i forgot to introduce you to my friends. Mamaya ka na umalis. Please?"
Tumingin siya kay Gab. Nangungusap ang mga mata nito. Hindi niya alam natagpuan niya ang sarili na tumango. "Isang oras pa, at aalis na ako. Okay?"
"One hour and thirty minutes. Ihahatid kita."
She rolled her eyes. "Nakainom ka na at iinom pa, kaya hindi mo na magagawa 'yon."
He chuckled. "Di I-bo-book kita ng taxi. But can you please stay a little longer?"
"Fine." sabi niya. Pagkatapos ay may mga lalaking lumapit sa kanya. Mga kaibigan ni Gab. Ipinakilala siya ng binata sa mga ito. Pero nagulat siya ng sabihin ni Gab na girlfriend siya nito.
Sa pagkagulat niya, hindi siya agad nakabawi at nakapag-react. Hindi niya inakala na ipapakilala siya agad ni Gab bilang nobya sa mga kaibigan nito. Umakyat sila sa ikalawang palapag kung saan naghihintay ang ilan pang kaibigan ng binata sa malaking kwarto.
May kanya-kanyang girlfriend din ang mga ito. Pawang may mga sinabi sa buhay ang mga kaibigan ni Gab. Ilan sa mga iyon ay kilala niya, kahit ang mga magagandang socialites na nakatabi sa mga ito.
Ramdam niya ang mga mapanuring titig sa kanya. Wala siyang dapat ika-intimidate sa mga babaeng ito kaya pinanatili niyang nakataas ang noo niya at confident na nakangiti. Umupo sila sa couch. Pasimpleng bumulong siya kay Gab. "Hindi ako na-inform na girlfriend mo na pala ako."
"I'm sorry about that. Ayaw mo ba?"
"Nanliligaw ka pa lang sa akin. What do you think?"
Hindi ito nakasagot. Naputol rin ang pag-uusap nila sa paglapit ng isang gwapong lalaki. Mukha itong modelo, sa tindig at pananamit nito. "Hi, Gab.. And hi miss..?"
"Jeasabelle," pagpapakilala niya.
"Ah," tumango ito at tumingin kay Gab pagkatapos sa kanya. "Interesting. So, you're Gab's new girlfriend. Nice to meet you."
Nakipagkamay sa kanya ang lalaki. Matagal.
"Back off, Wen." posessive na sabi ni Gab at bumitaw sa kanya ang lalaki. Napakunot-noo siya, nakatitig sa mukha ng lalaki. He looks familiar. Hindi lang niya matukoy kung saan ito nakita.
"Sorry, bro. I can't help it. She's just so beautiful. Jeasabelle.. Belle means beautiful. Anyway, I'm Wendell Acosta. But you can call me Wen."
Wendell Acosta.
Right! Ito ang mapapangasawa ni Gianna! Kaya pala pamilyar ito sa kanya. Nakita niya ito sa social media nang I-search niya kung sino ang mapapangasawa ni Gianna.
Umakbay sa kanya si Gab. "She's mine, Wen. Isa pa, ikakasal ka na bro, kaya sulitin mo na pagkabinata mo."
Lihim na napasimangot si Jeasabelle. May pagkairita na umahon sa kanya sa pagkakasabi nito na pag-aari siya nito. Hindi siya nito pag-aari. Pero hindi niya naman masabi iyon. Ayaw naman niya itong ipahiya sa harap ng mga kaibigan.
Ngayon kailangan lang niya magtiis. Pagkatapos nun ay lilinawin niya dito ang relasyon lang nila. Pumayag siya manligaw ito sa kanya. Hindi ang angkinin agad siya.
Naguluhan siya sa sarili.
Ano ba'ng arte niya ngayon? Di ba, sinabi niya sa sarili na bibigyan niya ng chance ang ibang lalaki? Bakit ngayon parang ayaw niya muna? Parang may bahagi niya ang gustong bawiin iyon. Gustong maging single lang.. Alam niyang niloloko lang naman niya ang sarili ng sabihin niya na may iba pang lalaki dyan.
Sa isang lalaki lang talaga tumitibok ang puso niya. At ngayon habang kasama niya si Gab, pakiramdam na naman niyang nagtataksil siya sa isang tao.
"GAB, tama na. Marami ka ng naiinom.." awat niya sa lalaki. Lagpas na ng two hours sa napag-usapan nila na ipapahatid siya nito. Dapat ay umalis na nga siya. Hindi rin naman siya nito maihahatid dahil lasing na ito. Pero hindi siya makaalis na hindi nagpapaalam dito.
"No.. I'm still good." sagot nito, nakaukit sa labi nito ang pilyong ngiti at mamula-mula na ang mukhang nag-angat ng tingin sa kanya. "How 'bout you?"
Tama lang din ang nainom niya. Pero hindi alam ni Jeasabelle kung bakit parang iba yata ang tama ng alak sa kanya. Hindi naman marami 'yong nainom niya. At hindi naman siya madaling malasing.
Nag-iinit ang pakiramdam niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pinanlabanan niya iyon at pinilit na makapag-isip ng tuwid.
"Okay lang ako. But I really need to leave, Gab.." Napatingin siya sa magkapareha na kalapit nila ni Gab. They were making out.. No. Nakalabas na ang ari ng lalaking kahalikan nito at nagtataas-baba. Nanlaki ang mata niya ng lumuhod ang babae sa harap ng lalaki.
Nagsisimula na ring maging wild ang mga kasama nila sa kwartong 'yun. Mas lalong dumadagdag ang init na nararamdaman niya sa nakikita. Part of her want to get wild right now. Want to take off her clothes. Want to feel something huge and hard between her legs.
"Don't you feel the heat, baby?" bulong ni Gab sa kanya. Nakapwesto ito sa likod niya at pumipisil ang kamay nito sa beywang niya.
Mariin siyang pumikit. "N-No.. This isn't right, Gab." Kumawala siya sa yakap ng lalaki at dahil sa lakas niya, madali siyang nakalaya dito. Tinungo niya ang pinto at mabibilis ang hakbang na bumaba.
"Jeasabelle, wait!"
Something's wrong with her. Pilit niyang inaalala kung ano ang ininom niya.. Kung ano ang inabot ni Gab sa kanya at siya namang ininom..
Nahabol siya ng lalaki sa may garden. Marahas na hinagip nito ang braso nito. "I said wait!"
"Ano ba, Gab? Let me go!"
"No." Hinila siya nito papunta sa halamanan. Pilit naman siyang kumakawala sa lalaki. Kita niya ang pagbabago sa ekspresyon ni Gab. Namumula ang mata nito at parang ibang Gab ang kaharap niya. Malayo sa Gab na nakilala niya.
"Gab, ano bang problema mo?"
Hinagip nito ang batok niya. At gayon na lang ang gulat niya ng halikan siya nito. Hindi sinasadya, nasampal niya ang lalaki. Gusto niyang bawiin iyon, pero huli na.
Tila mas lalong naging agresibo at mapilit ang lalaki. Kahit itinutulak niya ito ay inilalapit nito ang sarili sa kanya, ang labi nito sa labi niya. Sinubukan niyang tuhudin ito. Napamura ang lalaki. "Fuck!"
"Please, Gab. This is not funny anymore! I'm leaving!"
"You're not going anywhere, bitch." Gumuhit ang mabagsik na ngisi sa labi nito at hinapit ang katawan niya dito. Wala siyang laban sa lakas ng lalaki. Nanghihina na rin ang katawan niya. Parang tinutupok siya ng apoy..
She know she don't want this.
Damn, she don't to do it with him. It feels so wrong. Pero ang katawan niya, ang init na tumutupok sa kanya ngayon ay nangingibabaw hanggang sa mawalan na siya ng kakayahan na labanan ang lalaki. Pinunit nito ang suot niya at umibabaw sa kanya.
"No.." pagtanggi niya. "Gab, please no.."
Ngunit bago pa man nito tuluyang maangkin ang katawan niya, narinig niya ang pamimilipit nito sa sakit at napalayo sa kanya. Kasunod niyon ay ang pagbuhat sa kanya ng isang lalaki.. He smell so damn good. Hindi na si Gab ito, at pamilyar ito sa kanya.
Tumingin siya sa mukha nito. Rumehistro sa kanya ang gwapong mukha nito..
"D-Danrick?"
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top