Chapter Eighteen

🚬

"THIS IS KIDNAPPING!"

"I don't think so," ngumisi si Danrick. "You came willingly."

"Ang tawag dun napilitan. What do you expect? Na-trapped mo ako dun. Kinasabwat mo pa 'yong pinsan mo!"

Bakit ngayon lang niya naisip na pinsan pala nito si Andrew. Hidalgo sila bes, Hidalgo! Paano niya nakalimutan 'yon?

"Ooops, masama 'yan. Bawal mambitang. Wala kang ebidensya."

"Iyon lang ang nakikita kong dahilan kung bakit kami napapunta sa ganoong sitwasyon. Kinasabwat mo si Andrew. Kaya pala hindi naman umaabot sa maximum speed limit 'yong kaibigan ko, pero may pulis agad na nakasunod."

"Andrew's just doing his job."

"Ah, really?" Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Okay, let's say na ginagawa lang niya 'yong trabaho niya. Pero bakit hindi ka kasama? Ikaw itong nakasunod sa 'min. Dapat may speeding ticket ka rin."

Ngumisi lang si Danrick. Iniiwas niya ang tingin dito.

Hindi niya alam kung kaya pa ba niyang gamiting defense ang ginawa nitong pakikipagsabwatan sa pinsan nito at ang trap na ginawa nito para mahuli siya. Alam niyang hindi nun mapagtatakpan kung ano 'yong ginawa niya dito kani-kanina lang.

Sana lang ay nagkaroon siya ng kakayahan para maglaho. Dahil habang palapit sila ng palapit sa place nito, palakas naman ng palakas ang tibok ng puso niya.

"Bakit parang ayaw mo ako makasama? Hindi ba ito naman ang gusto mo?"

Ghad, how kapal!

"Ang yabang mo. I'm not coming with you. Ihatid mo na ako sa bahay ko."

"No, you're coming with me." Tumigas ang anyo ng binata. Naging mabagsik na naman. He's like a wild animal. Iyong tipo na sasakmalin siya anumang oras pag ganoon ang ekspresyon ng mukha nito. But at the same time, mas lalong umaapaw ang sex appeal nito kapag ganoon kaseryoso ang mukha nito. Parang ang gwapo gwapo pa lalo nito.

At iyon ang pinaka-nakakainis. Ang unfair talaga ng mundo. Paano nangyaring ang gwapo pa rin nito sa paningin niya kahit na galit na galit na ito?

"This is kidnapping!"

"Shut up, you're not a kid anymore."

"E, di pignapping! Ano, happy?"

Tumaas ang sulok ng labi ni Danrick at sinulyapan ang katawan niya. Dapat makaramdam siya ng hiya at insecurity. Kumpara naman sa babaeng kausap nito kanina. Sino ba siya? Mas sexy 'yon. Mas nakakalamang sa kanya. Hindi lang bagay ang dalawa, kundi bagay na bagay.

Hindi naman niya ipipilit ang sarili dito. Hindi niya kakalimutan ang pagmamahal niya sa sarili para lang sa isang lalaki.

"Don't say that."

Sa paraan ni Danrick ng pagtitig sa katawan niya, pakiramdam niya napaka-perpekto niya sa paningin. Parang may paghanga.

Ilusyunada!

Napahawak siya sa ulo niya. Ngayon niya naramdaman ang resulta ng kagagahan niya.

"We're here."

Pinukol niya ito ng masamang tingin.

"Don't argue with me, Jeasabelle. Hindi kita pakakawalan hangga't hindi mo ipinapaliwanag sa akin ang ginawa mo doon."

Hindi na siya sumagot. Tahimik na bumaba siya ng kotse nito. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nila ng binata. Iniwasan niya ang mga mata nito at pinigilan na makasalubong ito ng tingin.

Ramdam niya ang mainit na titig nito sa kanya habang nasa elevator sila. She felt the rush of heat within her. Ang mga titig lang na iyon ni Danrick ay sapat na upang pag-initin ang buong katawan niya.

She cleared her throat. "Tapusin na natin 'to, Dan."

"What are you saying?"

"Let's end this 'no label relationship' between us. I'm not happy anymore."

Tila mas naging mainit ang mga mata nito habang nakatutok sa kanya. Pakiwari niya ay may sikat ng araw na nakatapat sa kanya.

Bumukas ang elevator. "Okay, we really need to talk."

He grabbed her in the arm at hinila palabas. She just let him. Kaunti na lang ang lakas niya para makipagtalo pa sa binata. Masakit na nga ang paa niya sa six-inch heels niya, nadagdagan pa dahil sa dinaramdam niya ngayon sa dibdib. Ang bigat bigat lang. Bawat hakbang niya habang hawak siya nito sa braso ay parang palapit ng palapit sa katapusan ng mayroon sila ni Danrick.

"Now, let's talk."

Umupo siya sa couch nito. "Katulad nga ng sinabi ko, I want us to---"

"Not here."

"Huh?"

"Sa kwarto tayo." Tumalikod ang binata at pumasok sa silid nito.

Napamaang siya. Makikipagtalo pa sana si Jeasabelle, pero sumunod na lang din siya sa gusto nito.

 Naabutan niya si Danrick na nagsindi ng sigarilyo sa may bintana. Ngayon lang niya ito nakita na manigarilyo. Umupo ito sa may upholstered chair. Walang ibang ilaw sa loob ng silid nito maliban sa nanggagaling sa table lamp ng binata. Pinaliliguan ng tila gintong ilaw nito ang binata habang naninigarilyo sa kinauupuan nito.

 He wasn't a human.

Iyon ang gustong isipin ni Jeasabelle nang oras na iyon habang nakatingin sa binata. Sino pa ba'ng lalaki ang makikilala niya na ganoon kaperpekto? Si Danrick lang.

Hindi siya sigurado kung may makakahigit pa bang ibang lalaki dito. Meron naman siguro. Pero sa mga mata niya, sa puso niya.. Sigurado siya mahihirapan siya makahanap ng iba.

Isa iyong masakit na katotohanan na dapat na niyang tanggapin.

"Let's end this, Danrick."

Tiningnan lang siya ng binata.

Nanginginig na humugot siya ng hangin. "Gusto ko tapusin na natin 'to, Dan. I'm not really sure kung ito pa ba 'yong gusto kong set-up."

"Hindi ka na ba masaya sa ginagawa natin?"

Masaya.. Sobrang saya. "Hindi na."

That was a lie.

Naningkit ang mga mata nito. "Look, Dan. I don't mean to offend you. Alam ko naman na hindi ako kawalan sa 'yo. At pareho naman tayo na nagkasundo sa ganitong set-up. Gusto ko na lang talagang---"

"Tapusin agad ang meron tayo?"

Tumango siya. "And I'm really sorry sa nagawa ko kanina. I'm just drunk. Please, please, I'm sorry." Napaka-lame na excuse nun para sa ginawa niyang kagagahan.

Bumuga ito ng usok. Pagkatapos ay marahas na tumawa. The tone of his laugh sent delicious shivers down her spine. Tumayo ito at pinatay ang sigarilyo sa ash tray nito.

"I stepped out of line. I know. Pero kung gusto mo magso-sorry ako doon sa babaeng kausap mo kanina."

"Wag mo ibahin ang usapan."

"Huh?"

"Gusto mong itigil na natin ito? Why?"

"Di ba sinabi ko na. I'm not happy with our set up anymore."

"At dahil hindi ka masaya, ayaw mo na? Tingin mo pwede mo na akong itapon?"

"I don't understand.." nalilito siya sa nakikitang reaksyon nito.

"O baka dahil meron ka ng Vin."

Nagsalubong ang kilay niya. "Anong kinalaman ni Vin dito?"

"Siya lang naman nakikita kong dahilan para umayaw ka na sa 'kin."

Naguguluhan na tumingin siya kay Danrick. Bakit galit ito? Parang galit pa ito sa kanya?

"Walang kinalaman si Vin sa desisyon ko, Danrick. Tulad ng sinabi ko sa 'yo, kaibigan ko lang 'yong tao. At bakit ba nagagalit ka pa? E, di ba ito rin 'yong gusto mo?"

Napatiim-bagang ito. Namuo ang init sa mga mata niya. Pinigil niya ang emosyon.

"Alam ko wala akong karapatan sabihin ito, o umastang may relasyon tayo, Danrick. Dahil alam ko naman ang pwesto ko sa buhay mo. Alam ko ang ginagawa natin kaya wala akong karapatan na isumbat to.. Pero hindi ba ikaw itong nakikipagdate sa ibang babae?"

"What?"

"Wag mo akong ma-what what. Ang lakas ng loob mo na idawit si Vin sa usapan natin. Ikaw nga itong may kinikitang iba. Kaya ka pala hindi nagpaparamdam!"

"Wait, wait. Buong araw akong naging busy."

"Oo, alam ko. Busy ka dahil may tinatrabaho ka nang iba! Akala mo hindi ko kayo nakita sa lobby ng BBC club na magkaharutan?"

"Tapos?"

"Tapos akala ko dahil lang sa inakala mong may namamagitan sa amin ni Vin kaya hindi ka na nagparamdam. 'Yon pala ang babaeng 'yon lang ang kasama mo!"

"Tapos?"

"Tapos nakainom ako.. I-I did the unthinkable." Ngayong naiisip ulit niya ang nagawa, parang lulubog na siya sa hiya. Huwag sana siya maalala nung mga nakakita sa kanya. And gawd, wala rin sanang nakakuha ng video sa kanya. Baka mawindang siya kapag nakita niya bukas na nagviral ang kagagahan niya.

"Yes, you did." Mula sa naaaliw na ngiti, unti-unting tumawa ang binata. Hanggang sa naging halakhak iyon.

She glared at him. Siraulo ba 'to? 'Yong galit na siya, na naiiyak na at nagiging madrama na, tapos bigla itong hahalakhak na parang nagbitiw siya ng joke?

Iyon lang ba ang tingin nito sa nararamdaman niya? Isang malaking joke? Nagtagis ang bagang niya.

"Well, nasabi ko na ang gusto kong sabihin sa 'yo at narinig mo na rin naman ang lahat ng malinaw. Pwede ba na umalis na ako?"

Tumalikod na siya. Mabilis na hinagilap ni Danrick ang braso niya at ipinaharap dito. Without warning, his lips slammed over hers.

Namilog ang mga mata niya sa pagkabigla. Ipinulupot nito ang matitipunong braso sa beywang niya at sinibasib ng halik. His tongue invading her mouth for one hot moment.

Naipikit niya ang mga mata ng mariin. Her breasts were crushed against his hard chest. Naramdaman niya ang init nito sa puson niya.

"Oh, God," she moaned in his mouth. Tila gusto nang magpaubaya agad ng katawan niya sa lalaki.

Hindi ba dapat ay nagpo-protesta siya? This is not right.. Gusto na niyang matapos ang kung ano ang meron sila ni Danrick.

"No," mahinang protesta niya habang patuloy ang pag-angkin nito sa labi niya. Mapusok at agresibo ang binata. "No, Dan.."

Bumaba ang kamay nito sa pang-upo niya at pinisil. Napadaing siya. Gumapang ang mainit na palad nito sa harap niya, tinumbok ang pagitan ng mga hita.

"Oh, God.." paos na umungol siya. "S-Stop.."

Unti na lang. Unting-unti na bibigay na si Jeasabelle.

Inilapat niya ang mga palad sa matipunong dibdib ng binata. Inipon niya ang natitirang lakas at itinulak ito.

"Danrick, seryoso ako. Bakit ba hindi mo ako seryosohin muna? Alam ko naman na di mo ako seseryosohin, tanggap ko 'yun. Kaya kahit ito na lang na sinasabi ko."

He let out a chuckle. "Silly."

Ipinulupot ulit nito ang braso sa kanya. Akala niya hahalikan ulit siya ng lalaki. Pero gayon na lang ang tili niya nang buhatin siya ni Danrick at inihagis sa kama. Ang walanghiya!

"Asshole! How dare you! Anong tingin mo sa 'kin, bola? Na pwede mo ihagis?"

"Yes, and no." natatawang sagot nito at lumundag sa kama. The next things she knew ay nasa ibabaw na niya ito.

"Anong yes and no?!"

"Yes, you're like a ball."

"Bwisit ka!"

"But no, hindi kita ihahagis."

"Ah, talaga lang ha."

"Parang bola, ipagdadamot kita para hindi ka maagaw." Kinintalan ni Danrick ng halik ang mga labi niya. Gusto niyang mainis.

Tangina, alam naman niya ang mga linyang 'yon ni Danrick. Paasa lang. Iniiba nito ang paksa para makalimutan niya kung ano ang dapat gawin. Mahina na talaga siya kung magagawa pa niyang mahulog doon.

"No, Danrick. Hindi ako bola. Hindi mo ako mabobola. I'm not happy anymore. Tapusin na natin 'to please.."

Ayaw niyang makagawa pa siya ulit ng kagagahan dahil dito. Dahil sa pagmamahal kay Danrick.

Kapag hindi pa nila iyon tinapos ngayon, baka lumala pa.

Natigilan si Danrick. Hinuli nito ang mga mata niya.

Matagal na pinakatitigan siya nito. "Are you sure?"

"Yes." Kahit na pinigilan pa niya ang luha, kusa pa rin iyong tumulo. At nakita niya ang pagtagis ng bagang ni Danrick.

"You're just jealous. Kaya mo nasasabi 'yan."

Parang may pumiga sa dibdib niya. Iyon na nga mismo ang naramdaman niya, ipinamukha pa talaga nito sa kanya.

"Not just because of jealous. Pero hindi ko na kaya pa na magtagal sa ganitong set-up. Ngayon ko lang narealize na hindi talaga ako handa para doon, at hindi ko gustong maging parausan mo lang."

Tumango ito. Umalis na sa ibabaw niya at umupo sa gilid ng kama. Nakatalikod sa kanya.

"Hindi mo ba itatanong kung sino 'yong kasama ko kanina?"

"Hindi na 'yon importante sa akin ngayon. Isa lang pakiusap ko sa 'yo ngayon. Tapusin na natin 'to."

🛋

Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top