Chapter Eight

💋

 "MASARAFT ba ako? Kakarat-karat ba 'ko?" puno ng hinanakit ang boses ng nagsalita.

"Hinde!" sagot ng kausap nito.

"Then, why?!" sigaw ng naghihinakit. Lumagapak ang palad ng kausap nito sa pisngi nito.

"Pota ka, bakla! Bakit mo ko sinampal? Wala sa script 'yan!"

"Ay! Wala ba? Patingin.. Ay! Wala nga.."

"Hayup ka, halika! Pepektusan ko 'yang imaginary pekpek mo!"

Mula sa binabasang magazine, nag-angat ng mukha si Jeasabelle at masamang tumingin kay Erika at Duketa. "Kaloka kayong dalawang bakla kayo, kanina pa kong naririndi sa inyo. Bet n'yo bang magpatayan? Bili ko kayo ng kutsilyo sa labas."

"Ay, mainit ang ulo ni madam," sabi ni Duketa--o Duke sa totoo nitong

pangalan. "Acting lang naman 'to madam."

Umirap siya. Isa ito sa best hair stylist ng salon niya. At dahil lunch time, walang magawa ang mga ito kaya ayun ang eksena sa salon.

"Mainit ang ulo, baks. Wala yatang karat," bulong ni Erika.

"Hoy! Narinig ko 'yun!" Pinandilatan niya ang bakla.

Nagtawanan ang dalawa na kanina pang nagpa-practice ng pang-talent sa gay pageant na sinalihan. Tumingin siya sa relo. Mag-aalas dose na ng tanghali at hindi pa siya nakakapaglunch.

Binalik niya ang mata sa binabasang article sa hawak na magazine. Seryosong binabasa niya ang article pero naguguluhan pa rin siya sa title nito.

Why No Label relationship is the best relationship?

Okay. Paano naging best relationship ang isang relasyong walang label? At paano matatawag ng writer ng article na relasyon 'yon kung wala nga'ng label?

Ang totoong relasyon may commitment. May feelings.. Hindi lang 'yong puro sex, pagkatapos friends lang ang turing sa 'yo? Hindi mo siya pwedeng matawag na "mahal ko" kasi nga no commitment lang ang pinagkasunduan nyo.

Sa halip na "babe" or "love" ang maging endearment nyo. Nagiging "bes" pa. Ganun 'yong mga scenario ngayon ng mga kaedaran niya lalo na 'yong mga nagkakakilala lang sa Tinder. 'Yong nagkakangkangan na kayo, tapos bes pa ang tawagan nyo.

Aminado siya na malandi siya at makiri din, pero hindi pa naman siya umabot sa ganoong eksena. At the age of twenty five, virgin pa siya. Well, half virgin na siguro ngayon? Pero bago talaga maganap ang nangyari sa kanila ni Danrick, wala pa rin talaga siyang experience dun. He was her first. Isang bagay siguro na nakakasupresa.

Tanda pa niya na after nung drama niya sa mga kaibigan. Pabulong siyang tinanong ni Alicia, "Virgin ka pa talaga, mamatay ka man?"

Well, paano nga ba niya ipapaliwanag na kahit nagkaroon siya ng dalawang boyfriend ay hindi naman sila umaabot sa penetration? She enjoyed the foreplay she had with her ex-boyfriends. Pero sa tuwing aabot na sila sa puntong 'yon kung saan mawawala na sa kanya 'yong virginity niya, nagagawa pa rin niyang tumanggi. She didn't know why. Siguro dahil noong time na 'yon crush na crush pa rin niya si Danrick?

Kaya lang naman siya nagkaroon ng boyfriend ay dahil nadaan lang siya sa panunukso ng mga kaibigan. Na-experience niya 'yong medyo madevelop sa isang lalaki dahil tinutukso siya sa lalaking 'yon. At na-experience na niya magkaroon ng boyfriend dahil wala siyang ibang choice. Minsan kasi pinipili natin 'yong isang tao kasi walang ibang pumili sa 'tin. Walang options. Walang choices. At kung magiging choosy ka pa, nganga.

Bumuga siya ng hininga at isinara ang magazine.

Biglang nag-ring ang cellphone niya at dinampot niya iyon.

Unknown number.

Nakapunot-noo siya at hinintay lang matapos na magring iyon. Ugali niya na hindi sumagot ng tawag kapag di nakaregister ang number ng caller sa cellphone niya. Tumunog ulit iyon ng may pumasok na message.

Naglunch ka na ba?

Parang magnet na nagsalubong ang kilay niya.

Sino to? Reply niya.

Danrick.

Nag-init ang pisngi niya. Bumalik sa isip niya ang naging pag-uusap nila kagabi sa coffee shop. Noon lang sila nakapag-usap ng ganoon. She should be happy. Pero nagdala ng kalituhan ang lalaki sa kanya. Inumaga na siya para hindi pa rin siya dalawin ng antok. All she could think about is him and his proposal..

Nanginig ang kamay niya nang muling nag-ring ang cellphone niya. Mabilis na lumabas siya ng salon at agad na sinagot niya ang tawag.

"Danilo Ricardo Hidalgo," usal niya sa buong pangalan ng lalaki.

Narinig niya ang pag-ungol nito. "Hey, that's unfair."

Pinigilan niyang mapahagikhik. Buti na lang gwapo talaga si Danrick, dahil ang bantot ng pangalan nito.

"Okay, ba't ka tumawag? Sa pagkakatanda ko, wala naman akong utang sa 'yo. Nagbabayad naman ako ng tamang renta sa pwesto ng salon at store ko."

"Wag ka mag-alala. Kahit di ka na magbayad ng renta, ayos lang sa 'kin."

Tumaas ang kilay nya sa sinabi nito. "At anong ibig sabihin nun?" Bigla niya naisip ang proposal nito sa kanya. Iniisip ba nito na huwag na lang siya pagbayarin sa pag-rent niya sa salon at store niya kapalit ng katawan niya?

Ilusyunada! sabat ng isang bahagi ng isip niya.

"Wala. Hmm. Di mo pa sinasagot 'yong tanong ko. Kumain ka na ba ng lunch?"

"Hindi pa---" natigilan siya. "Ah, yes, kumain na ako."

He let out a chuckle. "Liar. Nadulas ka na, e."

She rolled her eyes. "Oo na, hindi pa."

"So, can I take you on a lunch date?"

Napaawang ang labi niya.

"Hindi pa rin ako naglalunch. Sabay na tayo."

Hindi niya alam kung ano agad ang isasagot. Dapat ba siyang pumayag agad? Teka, bakit pala siya magpapakipot? Lunch naman ang inaalok nito. And a woman like her can't say no to a lunch date! Food is life mga bes!

"Hmm, wait. Let me think." Humakbang siya papasok sa salon para kunin ang bag niya.

"No."

"No? Bawal ba ako mag-isip ganon?"

"I won't accept no for an answer, baby."

Napakagat-labi si Jeasabelle. Did he just call her "baby"? Tila nanlambot ang mga tuhod niya sa paos na tono ng lalaki. His voice was enough to make her bones melt and make her heart flutter.

"Ganon?" pigil niya ang kilig sa boses niya. "Eh, busy ako ngayon. Paano ba 'yan?" Tutal kanina pa naman siyang nagpapakipot. Isagad sagad na niya no?

"That sucks. Inaayawan mo na ba talaga ako?" Hindi niya alam kung bakit tila naiimagine niya ang mukha nito nang sandaling iyon. Iyong gwapong mukha na magmamakaawa sa kanya para lang sagutin ito.

Namilipit ang tuhod niya sa kilig. Napasandal siya sa dingding at napakagat labi. "Hindi naman sa ganun. Busy talaga ako ngayon.."

"Ganun ba?"

"I'm so busy kasi right now, Danrick eh. Pero kung susunduin mo naman ako.." Di sinasadyang napadako ang tingin niya sa dalawang empleyado. Nakatingin ang dalawa ni Erika at Duketa sa kanya, tila hiyang hiya sa kanya. Noon niya narealize na parang nagwawalling na siya.

Pinandilatan niya ang dalawa.

"Willing naman ako sunduin ka or hintayin ka matapos 'yang nagpapabusy sa 'yo."

"Talaga? Hihintayin mo ako?" Grabe namang effort nito! She was flattered.

"Oo. But I have a minor problem with the waiting."

Nagsalubong ang kilay ni Jeasabelle. "Ha?"

Napabaling ang ulo niya sa pagbukas ng pinto. Muntikan na siyang mapatili nang bumungad ang lalaki doon. Nakataas ang isang sulok ng labi nito habang nakatapat sa tenga nito ang cellphone. Nanlaki ang mga mata ng dalaga.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Well, waiting is not in my dictionary, baby."

Napanganga siya. He winked at her.

"Ano, tara na?"

 "DON'T do that again."

Inosenteng tumingin sa kanya si Danrick. "Do what?"

"'Yong ginawa mo kanina. It's not funny!"

 Hindi naman sa masama ang loob ni Jeasabelle sa ginawang surprise arrive ni Danrick sa salon niya. Pero nagmukha siyang tanga eh. May pasabi sabi pa siya dito na busy siya. Feel na feel pa naman sana niyang paghintayin ang otoko. Pero ang walanghiya, biglang pasok sa salon niya. Naloka siya!

 Pero sigurado siyang mas naloka ang dalawa niyang empleyado sa presensya ni Danrick. Sigurado siya umabot na rin sa mga shupitbahay nilang salon ang chismax.

"Gagawin ko ulit 'yon kapag may balak ka ulit tanggihan mga invitation ko sa 'yo." Dinampot nito ang baso ng tubig at uminom. Dinala siya ni Danrick sa isang Italian restaurant. Pakiramdam ni Jeasabelle ay nagti-trip siya sa Italy. May isang bahagi ng resto na may mapa ng Europe. Magaling ang interior designer ng resto. Nagawa nitong maramdaman ng mga customer ng lugar na 'yon ang european feels.

Bumalik ang tingin niya kay Danrick. Tapos na rin siya kumain at ine-enjoy na lang talaga niya ang Italian vibes ng resto.

"Oh, so sapilitan na pala?"

"Bakit, napipilitan ka ba?" Ibinaba nito ang baso at tinapunan siya ng nang-aakit na titig.

She cleared her throat. "Pinag-isipan ko 'yong mga sinabi mo kagabi." He proposed a no label relationship to her. Ipinaliwanag nito sa kanya na gusto siya nito, at gusto nito ituloy 'yong naudlot na namagitan sa kanila.

"And?"

"I just want to ask something bago ako magdesisyon."

"Ano 'yon?"

"Do you still love her?" tanong ng dalaga. "Alam ko na kakahiwalay n'yo pa lang. Sa narinig ko, siya 'yong nakipaghiwalay---"

"That's none of your business."

Inaasahan na ni Jeasabelle iyon sa lalaki. Ngunit ngumiti lang siya.

"Alam ko."

"I-I'm sorry. Pero hindi ko gustong pag-usapan natin ang tungkol kay Gianna. Let's not talk about her."

Mukhang mahal pa rin nito ang babae. Kahit babae siya at lalaki ito, nararamdaman niya na mahal pa nito ang ex. She could see it in his eyes. Isa pa, hindi nito tinukoy na ex ang babae. Instead he call her by her name. At sa paraan nito kung paano bigkasin ang pangalan ng babae, nandoon 'yong kakaibang emosyon.

Hindi na rin siya nagulat.

Noong gabi na nilapitan niya ito sa bar, kitang-kita niya sa mata nito ang lungkot. Obvious ang pagiging broken-hearted nito bago niya ito lapitan at landiin. Siguro kaya siya nito pinatulan non ay dahil na rin sa gusto nitong makalimot talaga. Tila nasaktan talaga ito sa pakikipaghiwalay dito ni Gianna.

At hindi niya malaman kung bakit gusto niya itong I-comfort. Gusto niyang siya 'yong babae sa tabi nito. Pinag-iisipan na rin talaga niya ang offer nito dahil kagustuhan rin naman niya na makasama si Danrick.

 Ang tanga niya, di ba?

 Wala siyang ipinagkaiba sa gamo-gamo. Alam na nga niyang mapapaso siya, lalapitan pa niya. But she was to be with him. She badly want him.

"Well, I'm sorry but I want you to talk about how you feel about her."

Naningkit ang mata ni Danrick. Hindi niya hinayaan na magsalita ito. Inunahan niya ang lalaki.

"Because if I want to enter a no label relationship with you, dapat alam ko kung ano pa rin ang nararamdaman mo sa ex mo. Yes, it is a no commitment relationship. But I want to know you. I want to be a friend to you. I want to trust you. At gusto ko sana na ganoon ka rin sa akin. So, sana kahit dito umpisahan na natin 'yon."

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Umpisahan na natin dito? Dito talaga? Sabik ka talaga, pero sige lang." Nanlaki ang mata niya ng tanggalin nito ang pangalawang butones ng polo nito.

"Not here!" maagap na sabi niya. "And I'm not the sabik here. Excuse me, ikaw itong nag-propose ng no label relationship."

Umirap siya.

"I'm just kidding."

"I am serious here, Dan. Kung magdedesisyon man ako pumasok sa gantong set-up, gusto ko pinagkakatiwalaan mo ako. Because I can't afford to be with someone who can't trust me. Naiintindihan mo ba 'yong sinabi ko?"

"Si. No te preocupes, confio en ti."

"Wag mo ko I-spanish. Ako naman ang di makakaintindi. Baka mamaya nyan minumura mo na ako."

Ngumiti ito at parang nahulog ang puso niya sa ngiti nito. "I said, yes, don't worry, I trust you."

"Sure ka? Parang ang haba nung sinabi mo, eh. Baka mamaya nyan eh may kasama pang panlalait 'yon."

"Bakit naman kita lalaitin? I think you're beautiful."

"And sexy," dagdag na niya. Minsan lang naman siya magbuhat ng sariling bangko.

"You are." kumikislap ang mata nito habang nakatingin sa kanya. Kung di lang niya alam na may mahal pa itong iba, aasa na siya. Aasa siya na hindi lang siya nito gusto tikman. Kundi gusto rin mahalin.

Ngumuso siya. "Iniba mo na ang usapan. Tinatanong pa kita, at hindi mo pa sinasagot."

Sumeryoso ang anyo nito at bumaba ang tingin sa mesa.

"Yes. I still.. I still love her." parang nahihirapan pa itong sabihin iyon, at saka tumitig siya.

Nag-iwas siya ng tingin.

 She was already expecting him to say that. Kahit mapapunta siya sa pwesto ni Danrick, iyon din isasagot niya. Ang ganda naman kasi ni Gianna. The woman is a goddess. Perpekto sa kahit anong anggulo. Ang babae ang tipo na mahirap kalimutan.

Kabaligtaran niya ang babae sa lahat ng bagay. Mahirap pantayan ito. Mahirap karibalin. Pero siguro, kung merong positive siyang dapat masabi ay iyon ay naging choice siya ni Danrick.. 

 Kahit pang-kama lang.

💋

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top