Prologo

Jennifer Santos

***

"Bwisit naman eh! Ang usapan alas-nuebe pupunta dito! Anong oras na, oh?!" iritang sabi ni Hale habang nakapamewang at pabalik-balik sa paglalakad.

"On the way na daw si Gavin!" sigaw ni Dino, nasa di kalayuan silang mga lalaki. Doon sila pansamantalang umupo dahil maghihintay pa naman kami.

"Pakisabing wala kaming pake. Sinabing 9AM ang meet up!" inis na sagot ni Hale.

Nagtawanan ang mga gago at nag-apiran. Napailing ako habang nakatingin sa kanila.

"Eh si Vicca? Nasaan na daw siya?" tanong naman ni Dianne.

Si Vicca, Gavin, Rence, Paul, at Kian na lang ang wala dito. At halos kalahating oras na kaming naghihintay dito.

"Hindi pa niya naseseen ang chat ko. Mukhang tulog pa ata ang gaga." sagot ni Eyan sa tanong ni Dianne.

"Baka pinuyat kagabi ni Lance?" sabat ni Iguel dahilan para magtawanan kaming lahat.

"Bobo mo! Baka mapatay ka ni Vicca kapag narinig niya 'yan!" sabi ni Klea.

"Sus, baka naman sinadya ni Lance na patulan si Josh para maghiwalay ang dalawa pero ang totoo talaga ay si Vicca ang gusto niya?" parang tangang sabi ni Yuan.

Binatukan siya ni Zenon na kanina pang nanahimik. Katabi nito si Josrael na nakatingin sa malayo. Mukhang malalim ang iniisip ng tukmol na 'yon ah.

"Wala pa bang reply si Vicca?" tanong ulit ni Dianne.

"Wala pa nga. Hindi siya online!" inis naman na sagot ulit ni Klea.

"I-chat mo na lang sina Rence na sumunod na lang sila sa mall. Mauna na tayo sa kanila." sabi naman ni Sofia at agad kaming nagsitayuan.

Nasa akmang aalis na kami nang biglang may sumigaw mula sa likuran naming lahat. Paglingon ko, nakita ko si Vicca at sina Rence na tumatakbo papalapit sa aming pwesto.

"Nan—dito na ka—mi!" hinihingal na sabi ni Vicca habang nakayuko at nakatuon ang kamay sa dalawang tuhod.

"Taena niyo, kanina pa namin kayo hinihintay! Ang usapan ay alas-nuebe pero dumating kayo ng pasado alas-diyes?!" iritang sabi ni Hale sa mga bagong dating.

"Sorry na nga! Iyong alarm ko kasi, hindi ko pala nai-set kagabi, eh pasado alas-dos na ako nakatulog." paliwanag ni Vicca habang habol-habol pa rin ang hininga.

"Sus, siguro pinuyat ka ng ka-chat mo, 'no? Yung ka-chat mo na ang pangalan ay Lance!" pagsabat ni Leo dahilan para magtawanan ang mga tukmol.

Mga gago talaga.

Sinamaan naman ng tingin ni Vicca si Leo bago niya ito hinabol at sinabunutan.

"Eh, kayo? Ba't ngayon lang kayo?" tanong naman ni Hale kina Kian, Gavin, Rence at Paul.

"Traffic sa nadaanan namin. Kita mo 'tong pawis na 'to? Wala lang! Gusto ko lang ipakita," halakhak na sabi Kian bago pinunasan ang tagaktak niyang pawis sa leeg.

"Magkasabay kaming tatlo kanina tapos naabutan lang namin si Vicca na naglalakad papunta dito." sabi ni Paul na mukhang inaantok pa.

"Oh! Tama na 'yang usapan na 'yan! Tara na," sigaw nina Zenon mula doon sa pwesto nila. Nagmumukha tuloy kaming hindi magkakasama dahil ang layo nila sa amin.

"Oh! Arat na daw! Mga hampaslupa!" sigaw ni Dino habang minimuwestra ang dalawang kamay na sumunod na kami.

---

"So, sa pasukan na ulit ang next na pagkikita natin?" ani ni Sofia habang nilalakad namin ang daan papunta sa paradahan ng mga jeep.

Para kaming rumesbak sa isang labanan dahil sa rami namin. Bente-singko kaming lahat na kumpulang naglalakad dito. Parang gusto ko munang humiwalay dahil napapatingin na rin sa'min iyong ibang mga tao.

Tangina...nakakahiya talaga.

"Next week na pala ang pasukan. Grabe... Tapos Senior High na tayo! Oh my god!" maarteng sabi ni Elise kaya binunggo ko ang balikat niya. Katabi ko kasi  siya sa paglalakad.

"Hiwalay na tayong papasok sa bawat rooms natin, huhuhu" malungkot na sabi pa ni Nena. "Hindi man halata pero mamimiss ko kayooo." dugtong pa niya.

Napangiwi ako at yung ibang boys naman ay nandidiring nakatingin sa pwesto nina Nena at Elise.

"Ang aarte niyo! Eh nasa iisang school pa lang din naman tayo! Kung makapagsalita kayo akala niyo sa iba't ibang bansa tayo papasok!" pagsabat ni Vincent at deserve niyang makatanggap ng sapak mula kay Eyan.

"Pupunta pa ba tayo kina Sofia ngayon?" pagbabago ko ng topic.

"Of course! Nagugutom na ako eh!" pasigaw na sagot ni Dino. Binatukan agad siya ni Dianne.

"Kakakain lang natin kanina ah?!" sumbat neto.

"Kanina pa yun. Gutom na ulit ako!" maktol ni Dino sabay lapit kay Sofia.

"Marami namang pagkain sa inyo diba?" sabi ni Dino sabay pa-cute kay Sofia, amputa.

"Oo, marami. Isaksak ko pa yun sa buong bibig mo e!" singhal ni Sofia dahilan para magtawanan kami.

Sumimangot si Dino at agad na inalis ang pagkakahawak kay Sofia.

"Akala ko  ba ako ang paborito mong kaklase?!" nakangusong sabi ni Dino.

"Ay hindi mo ba alam? Ako na ang bagong paborito ni Sofia ngayon!" pagsabat ni Vincent kasabay ng pagsabit ng kamy niya sa braso ni Sofia.

Mas lalong ngumuso si Dino at mabilis na hinawakan ang braso ko.

"Eh ano naman? Ako naman ang paborito ni Jenny? Diba, Jenny?" pagmamayabang ni Dino. Nakangiwi akong tumango at muntik na akong matumba dahil bigla na lang niya akong niyakap.

Mabuti na lang at inalalayan agad ako ni Josrael. Hayop kasi na Baboy 'to, siya na nga yung paborito, nandadamba pa!

"Tangina, huwag nga muna kayong magsalita, ang iingay niyo!" singhal ni Zenon na nasa likuran namin.

Luh, may nabadtrip na agad ngayon. Ggao kasing mga 'to e!

"Zenon niyo badtrip na!" pang-aasar na sabi ni Iguel kaya nagtawanan kami.

"Tsk. Mga tanga." mahinang sabi ni Zenon pero sakto lang para marinig naming lahat.

Mabilis siyang naglakad at talagang sinadya niyang banggain ang mga balikat namin. Gago talaga eh.

Nagsiksikan na kaming lahat sa isang jeep. Si Dino ay umupo na lang sa hita ni Adam dahil wala na siyang mauupuan at ayaw naman niyang umupo sa sahig.

Nakarating kami sa bahay nina Sofia ng pasado alas-kwatro na. Nakasalubong pa namin ang magulang niya na nakapormal na damit at mukhang nagmamadali.

"Oh! Hello, kids!" nakangiting bati sa amin ng mama ni Sofia.

"Aba, kumpleto kayong lahat ah." komento naman ng papa ni Sofia habang isa-isa kaming pumapasok sa loob ng bahay nila.

Ngumiti kami at hindi na nakapagmano dahil nagmamadali na din yung dalawang matanda.

"Wow, bumili kayo ng piano?" bigla ay sabi ni Dino na nakaupo na at manghang-mangha sa nakikita.

"Marunong ka palang tumugtog niyan?" tanong ko kay Sofia at saka umupo sa kanilang malambot na sofa.

"Hindi," nakangiwing sagot niya.

"Ni hindi ko nga alam kung bakit bumili si Mommy ng ganyan. Wala naman akong interes sa music eh."

"Tangina, baboy huwag mo ngang patugtugin 'yan. Hindi ka naman marunong eh!" asik ni Rence kay Dino dahil talagang pinakialaman na nito ang piano.

"Inggit ka lang kasi wala kang talent sa ganito. Ako kasi, magaling sa lahat ng bagay. Bleh!" sagot ni Dino at pinagpatuloy ang pagpipindot sa piano.

Maya-maya lang ay dumating na rin si Sofia at si Manang na may dala-dalang pang meryenda.

Habang kumakain, biglang nagsalita si Gavin na kanina pang tahimik.

"May sasabihin ako," aniya.

"Aamin ka na?" nagtatakang tanong ni Adam habang ngumunguya-nguya pa.

"Huh?" naguguluhang reaksyon ni Gavin.

"Sabi mo may sasabihin ka? Edi may aaminin ka nga." sabi ni Rence.

"Hala!!" sigaw ni Kian na biglang napatayo. Kasabay noon ay ang pagturo niya kay Gavin.

"Bakla ka?!!" sigaw niya ulit.

Mas lalong kumunot ang noo ni Gavin at kami namang nakikinig ay nakatingin lang sa tatlo.

"Tangina niyo." seryosong pagmumura ni Gavin. Nakahinga naman ng maluwag si Kian at Rence. Muntanga, amp.

"Salamat naman. Akala ko..." makahulugang tumingin si Kian kay Gavin at saka malakas na humalakhak.

"Ano yung sasabihin mo, Gavin?" pagsabat ni Hale na katabi ni Gavin sa upuan.

Napatingin sa kaniya si Gavin bago bumuntong hininga. Pagkatapos ay bigla itong yumuko.

"Aalis na kami bukas, sa Canada na 'ko mag-aaral."

---

End of  Prologo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top