•Kaguluhan 7•
Elise Fernando
***
"Ano bang problema niyong dalawa?!" nakapamewang ako habang palakad-lakad sa harapan nina Jenny at Eyan.
"Si Eyan ang kausapin mo. Siya lang naman ang may problema sa aming dalawa e." nakasimangot na sagot ni Jenny kaya inambaan ko siya ng sampal at agad naman niyang iniwas ang mukha niya.
"Bakit ako?! Sino bang pakialamera dito?!" ismir namang sagot ni Eyan na may kasama pang pag-irap.
Napabuntong hininga ako at marahang hinilot ang sintido sa harap ng dalawa. Parehas silang masama ang tingin sa isa't isa at mukhang may balak pa atang mag-away sa harapan ko.
"Pwede ba?! I-ayon niyo naman ang pag-aaway niyo sa edad niyo!! Hindi iyong para kayong mga elementary na magsasabunutan sa hallway ng school!" sigaw ko. Parehas silang napapitlag at pati ang ibang tukmol na sumama dito sa Henyeon Park.
"Bakit ka ba nakikialam, Elise?" napatulala ako sa seryosong mukha ni Eyan. Tama ba ang rinig ko? O guni-guni ko lang?
"A-ano?"
"Sabi ko ba't ka nakikialam? Feeling mo ba president ka pa rin hanggang ngayon?" bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.
"A-anong—"
"Aalis na 'ko. At please lang, 'wag niyo muna akong kakausapin tungkol dito."
At tuluyan na siyang naglakad paalis sa park. Nakatingin lang kami sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin naming lahat.
Napamaang ako ng wala sa oras dahil doon.
"Aalis na rin ako. Hina-hanap na ako sa bahay." pagsingit ni Jenny kasabay ng pag-aayos niya ng bag.
"Teka—ayaw niyo bang maayos ang away niyo ni Eyan?" kunot noo kong tanong.
Tumingin siya sa'kin at bumuntong hininga.
"Sa ngayon, mukhang malabong maging maayos kami. Siguro palipasin muna natin ang galit sa loob namin. Sigurado naman ako na magkakaayos din kami. Huwag ka nang mag-alala, Elise." aniya at tinapik-tapik ang balikat ko bago tuluyang naglakad paalis.
"Tama si Jenny, Elise. Huwag mo munang pilitin ang dalawa na magkaayos. Kaya na nila ang sarili nila. Kailangan lang natin na bigyan sila ng panahon." napatingin ako kay Klea at marahang tumango.
"Sige."
"Ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ni Vicca na sumingit sa gitna namin ni Klea.
"Halina't mag-night market tayo!" sigaw ni Dino at bigla na lang kaming inakbayan Vicca.
"Letzz go, guys. Follow me!"
---
"Kamusta?" tanong ko kay Nena nang makalapit ako sa tabi niya. Tanging si Nena lang kasi ang nahiwalay sa'ming mga babae kaya nag-aalala ako sa kaniya dahil mag-isa lang siya. Pero, medyo panatag din ang loob ko dahil kaklase niya ang karamihan sa mga tukmol.
"Ayos lang." aniya habang inaayod ang nilipad na buhok.
"May kaibigan ka na ba sa mga bago mong kaklase?" tanong ko.
Tumango siya at sumubo ng isang kwek-kwek.
"Sina President Bela at si Naomi, mababait naman yung mga bago kong kaklase pero mas mabait yung dalawang yun atsaka ka-loveteam kasi sila nina Zenon at Dino," aniya habang ngumunguya at bahagyang umiihip dahil sa init ng kinakain.
"Si Zenon at Dino? Nililigawan nila?" takha kong tanong sa kaniya.
Tumawa siya at umiling-iling sa akin.
"Kaunting kaalaman lang para sayo Elise. Si Bela ang may gusto kay Zenon, hindi si Zenon." aniya at kinindatan ako.
"Seryoso?" 'di ko makapaniwalang tanong sa kaniya.
"Oo naman! Seryoso pa sa dating SSG president ng school," aniya kasabay ng paghalakhak.
Agad akong napa-ingos at sinamaan siya ng tingin. Ang hilig talaga nilang isingit ang lalaking yun sa kahit anong topic na pinag-uusapan namin.
"Seryoso kaya siya kaso kailangan niya munang unahin ang studies niya para sa future namin," palusot ko pero wala namang talagang pangakong naiwan. Gawa gawa ko lang.
"Utot mo violet. Sinong maniniwala sa'yo, eh nakita nga namin nina Rence kahapon si Gio na may kasamang maputi at sexy na babae eh," pang-aasar niya kahit kunot na kunot na ang noo ko.
"Talo ka pala eh, maputi yun, ikaw kasi pinaglihi sa uling ng nanay mo," pahabol niya kasabay ng tawang pang-asar.
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Dapat ba akong maniwala sa kaniya? Kasi alam kong nang-aasar lang 'tong babaeng na 'to eh, pero may tendency din na totoo kasi ilang araw ko ng hindi nakikita si Gio sa buong school. Medyo malayo ang room namin sa isa't isa.
"Excuse me, maganda ako kahit hindi maputi, at saka hindi ako kasing itim ng uling ang tawag dito, morena, saksakin kita ng pangtusok ng fishball eh," asik ko sa kaniya.
Pero tinawanan lang ako ng gaga. Ngayon pinagsisihan ko na nilapitan at kinamusta ko pa siya. Dapat nanahimik na lang ako at kumain ng kwek kwek sa gilid.
---
"Fernando, Elise?"
"Present po!" malakas kong sagot kasabay ng pagtaas ng kanang kamay ko.
Pero nagulat ako dahil lahat ng kaklase ko ay biglang nagtawanan. Doon nagsink in sa'kin na vacant pala kami ngayong oras na 'to! Piste naman, nakakahiya.
"Shabu pa!" kantyaw ni Sofia kaya muling nagtawanan ang mga natitira sa klase.
Sinamaan ko siya ng tingin at taas noong hinawi ang invisible bangs. Okay lang 'yan, Elise, maganda ka naman. Atleast maganda ka.
"Lutang ka ata ah?" untag ni Hale na lumapit sa akin.
Napa-ismir lang ako at pinagkrus ang braso sa dibdib. Bahagyang ngumuso at umirap sa kaniya. Natawa siya sa ginawa ko at umupo sa harapan ko.
"Dahil ba kina Jenny o dahil sa dating SSG president ng school na 'to?" tanong niya na may halong pang-aasar.
Napaikot ang mata ko at inismiran muli siya.
"Bakit niyo ba bini-big deal si Gio? Eh, hindi ko na mga siya naiisip eh!" irita kong aniya. Pero binigyan lang niya 'ko ng mamatay-man-look?
"Ewan ko sa'yo!" inis kong sigaw at padabog na umalis ng room. Hindi pa nakaligtas sa pandinig ko ang malakas ng paghalakhak ni Hale loob ng room.
Bruha.
"Sino ba kasing may sabing may gusto pa ako sa dating presidente na 'yon?" tanong ko sa sarili ko.
Nandito ako ngayon sa canteen para bumili ng piatos. Nag-crave kasi ako kaya dumeritso na ako dito. Idagdag pa ang nakakabwusit na Gio at si Jenny at si Eyan. Mga sakit sila sa ulo!
"50% na lang ang pagkagusto ko sa kaniya, kasi yung 50% nawala nung ghinost niya ako, psh!" inis kong bulong.
"Manang, isang piatos po,"
***
(End of Kaguluhan 7)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top