•Kaguluhan 6•
Zenon Manlangit
***
"Para kang tanga, Dino." nanggigil kong bulong sa bugok na baboy.
Pero ang gago, tumawa lang at tinapik-tapik ang balikat ko. Kasalukuyan kasi naming kasabay si President pa-akyat sa room kaya 'di ko mabatukan ang bwesit na tipaklong dito.
"May nagawa na ba kayong assignment?" biglang tanong ni Pres.
Napalingon kaming dalawa sa kaniya dahil nasa gilid siya ni Dino nakapwesto.
"Assignment? Saan may assignment?" nagtatakang tanong ni Dino. Pati ako wala ring naalalang may assignment.
"Sa Gen Math, may binigay na assignment sa gc." sagot nito.
Hindi ako nagbabasa sa gc. Kaya pala hindi ko alam. Bakit ba kasi sa gc nagbibigay ng mga assigment? Bakit hindi nila ibigay bago umalis sa room. Edi ngayon, wala kaming assignment! Pvta, sana meron si Nena, gagaya na lang ako.
"Meron na akong nagawa, gusto niyo bang kumopya?" nahihiyang sabi ni Pres at tumingin sa akin.
"Magpapagaya ka talaga, Pres? Baka chinacharot mo lang kami tapos isumbong mo kami kay Ma'am Hermosa?" pagbibintang ni Dino.
"Hindi. Baka kasi hindi niyo lang nabasa sa gc, kaya gumaya na lang kayo sa'kin, next time na lang kayo bumawi." ani ni Pres sabay ngiti.
Ang ganda niya lalo kapag ngumingiti. Ampota, walang binatbat ang ganda ni Liza Soberano.
"Sige, Pres. Ibabalik na lang ni Zenon ang notebook mo mamaya sa'yo." biglang salita ni Dino na hindi ko namalayang hawak na ang notebook ni President.
"Teka, bakit ako?!" angil ko agad at napatingin kay Pres na bahagyang kagat ang pang-ibabang labi.
"Siyempre, ikaw dapat." walang kwentang sagot ni Dino.
Ano pa nga ba? Sarap talagang itulak ng gunggong na 'to sa hagdan.
Nakarating na kami sa classroom nang walang tigil ang bunganga ni Dino sa kakadaldal. Hindi ko naman siya pinapansin at mukhang napipilitan lang si Pres sa pakikipag-usap sa kaniya.
"Mamaya ko na lang ibabalik sa'yo, Pres." seryoso kong sabi kaya bigla siyang napalingon sa akin.
"H-ha?" maang niya.
"Yung notebook mo. Mamaya ko ibabalik sa'yo."
"Ahh, sige."
"Sige."
"AWKWARD!" biglang sigaw ni Dino mula sa likuran naming dalawa.
Kunot noo ko siyang nilingon at inambaan ng suntok. Pero tumawa lang siya at kinindatan si President.
"Ano bang gusto mo sa isang lalaki, Pres?" biglang singit ni Kian sa usapan. Ni hindi pa nga kami nakakapasok ng tuluyan sa loob e.
Pvcha!
"Mabait, s'yempre." nakangiting sagot nito.
"Owws, mabait daw Zenon," pabulong na komento ni Kian sa tabi ko.
"Gago,"
"Ano pa, Pres?" untag ni Dino na hindi pa pala umaalis.
"Ah, 'yong may takot sa Diyos." sagot nito.
"Ngek, may takot ka ba Zenon?" isang salita pa ng bugok na 'to, sisipain ko na siya palabas.
"Sino bang hindi?" pabalang kong sagot.
"Malay mo, ikaw?" ngising sagot niya pabalik.
"Bobo,"
---
Napatingin ako kay Leo nang kalabitin niya ang balikat ko mula sa likuran. Nakakunot noo siya habang pinapakita ang notebook kong hiniram niya.
"Ano?" asik ko.
"Ano bang klaseng sulat 'to? Hindi ko maintindihan," nakaismir niyang aniya, kaya padabog kong hinablot ang notebook ko.
"Huwag ka ng manggaya, ang dami mong reklamo!" angil ko at tumalikod na sa kaniya.
"Teka, hindi pa ako tapos, gago!" reklamo niya ulit at pilit na inaabot ang hawak kong notebook.
"Ulol! Hindi mo maintindihan, diba?! Sa iba ka gumaya, gunggong!" asik ko.
"Si Zenon parang others, ibuking kita kay Presisent Bela eh!" pananakot sa'kin ng gago, napaismid ako at binatukan siya.
"Wala kang ibubuking, tanga."
"Meron. Crush mo si President," pang-aasar niya.
Kumunot ang noo ko at tamad na ipinatong ang paa sa unahang upuan.
"Sino may sabi?" tanong ko, walang pakialam sa sinabi niya.
"Si Dino, sabi niya crush mo raw si President." sagot naman niya.
Napaismid ako dahil sa sinagot niya. Tang*nang baboy 'yon, mga walang kwentang bagay ang binibigyan ng atensyon.
"Naniwala ka naman?" ismir kong tanong kay Leo.
"Bakit hindi? Maganda, sexy, matalino at mabait si President, kahit sinong lalaki magkakagusto sa kaniya," litanya ni gago.
Doon ako tuluyang humarap sa kaniya. Binaba ko ang mga paa ko at ihinarap ang upuan sa kaniya.
"Edi, gusto mo rin si President?"
Agad na nalukot ang mukha niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Hindi ko ugaling magkagusto sa babaeng gusto ng tropa ko," sabi niya.
"Baka, umiyak ka lang kapag ako ang pinili, ayuko ng gulo, amputs!" binatukan ko siya dahil sa sinagot.
Tangina, walang kwentang kausap ang gagong 'to. Hindi pa 'ko nasanay. Pare-pareho lang naman sila.
"Hoy, tangina, seryoso pala ang away ni Jenny at Eyan?!" biglang lumapit sa amin si Sean at humila ng upuan para itabi sa aming pwesto.
"Magkakabati rin naman ang dalawang 'yon, pustahan pa tayo?" sabat naman ni Vincent na nakikinig pala sa usapan namin.
"Gago, parang magpapatayan yung dalawa kanina sa hallway eh, buti naawat nina Josrael." mukhang chismosa na sabi ni Sean.
"Bakit ngayon lang namin nalaman?" kunot noo kong tanong.
Kilala ko si Eyan at Jenny, kasi sa malamang naging kaklase namin sila at tropa. Pero kahit kailan walang nagkagalit sa amin ng sobrang lalim. Ano kayang dahilan ng dalawang 'yon?
"Kasi ngayon ko lang sinabi, tanga amputa." mahinang sagot ni Vincent kaya mabilis ko siyang binatukan.
"Wala kang kwentang kausap." ismir kong saad.
"Okay lang, gwapo lang kasi ako," aniya at hinimas-himas ang ilalim ng baba.
Pvta.
"Yabang ni gago, mukha namang ulupong." sabat ni Kian na kakapasok lang ng room. Nagtawanan kami dahil sa sinabi niya.
"'Pag inggit, pikit." anas naman ni Vincent na walang balak magpatalo.
"'Pag panget, panget." pang-aasar pabalik ni Kian na nakisali na sa amin.
Napaismid na lang si Vincent dahil mukhang naubusan siya ng mga salita. Natawa na lang kaming lahat dahil sa dalawa.
Hanggang sa biglang lumapit sa amin si President o mas mabuting sabihin na sa akin siya lumapit. Tapos biglamg inubo ang mga gago sa pangunguna ni Dino. Sana magka-tuberculosis sila.
"Kukunin ko sana yung notebook ko, magsusulat kasi ako ng mga notes eh," diretsahang sabi ni President at tanging matipid na ngiti ang iginawad sa mga kasama ko sa upuan.
Kinuha ko yung notebook niya sa loob ng bag ko at mabilis na inabot sa kaniya.
"Salamat." nakangiti niyang sabi sa'kin.
Tumango at ngumiti rin. "Salamat din."
"Pag-ibig na kaya~" pagkanta ni Dino na agad na sinundan ni Sean.
"Pareho ang nadarama~" na sinundan naman ni Kian.
"Ito ba ang simula~"
***
(End of Kaguluhan 6)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top