•Kaguluhan 5•

Nena Zios

***

"Pesteng yawa naman, nasaan na yung notebook ko?!" gigil kong tanong sa mga tukmol na hindi magkandaugaga sa pagkopya ng assignment. Akala ko ba magbabagong buhay na sila ngayong senior high?

Umangat ang tingin ni Kian papunta sa'kin bago nagkibit balikat. Samantalang, iyong iba ay parang walang narinig.

"Hoy!" binatukan ko si Vincent dahil nakita kong nasa kaniya ang hinahanap kong notebook.

"Naknamputa!" bulalas niya at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa napahaba niyang sulat sa kwaderno.

Taena. Buti nga sa kaniya. Masungit pa man din yung teacher namin sa subject na 'to. Ayaw niya ng maruming notebook o kaya ng puro bura.

Nilahad ko ang kamay ko. "Akin na yung notebook ko," ani ko. Bahagya niyang nilayo ang notebook sa'kin at sinimangutan ako.

"'Di pa 'ko tapos magsulat eh!" maktol niya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong pake ko?" mataray kong tanong.

"Pakopya muna ako, parang others ka naman Nena eh!" hirit pa niya. Napaikot na lang ang mata ko at saka hinablot ang notebook na balak pa niya sanang ilayo.

"Hindi pa rin ako tapos sa assignment dito," bulyaw ko.

"Mga bwesit na 'to, ayaw gagawa ng kanila, tse!" inirapan ko sila at padabog na bumalik sa seat ko na katabi ni Sean.

Lumipas ang isang oras nang walang dumadating na teacher. Sobrang ingay ng mga tukmol sa unahan ko, ang lalakas ng boses nila kahit na ang lapit-lapit lang naman nila sa isa't isa. Nakakabwesit, rinding-rindi na ako sa tawanan ang kantyawan nila.

Sasawayin ko na sana sila nang biglang lumapit iyong president ng room namin. Si Bela Porch—charot. Si Bela Domingo, maganda, morena, hangang balikat lang ang maiitim niyang buhok at matangkad din. Section B siya nung grade 10 pa kami kaya matalino 'yan.

"Hinaan niyo lang ang mga boses niyo, boys." panimula niya dahilan para biglang tumigil at mapatingin sa kaniya ang mga tukmol.

"President!" feeling close na bati ni Dino na akma sanang lalapit kay President pero hindi niya nagawa dahil bigla siyang hinila ni Zenon sa kwelyo ng polo.

"Wala tayo sa palengke kaya minimized your voice." ani pa ni President at nakita kong napasulyap ito kay Zenon na nakikipagtalo kay Dino.

Oh, I smell something malansa. HAHAHAHAHA.

"Yes, President, tatahimik na kami." pabibong sabi ni Iguel saka sumasudo kay Pres.

Tumango lang si Pres. bago bumalik sa upuan niya. Pagkaalis na pagkaalis pa lang niya ay nagsalita na agad si Dino.

"Ganda ng President natin, diba Zenon?" pang-aasar ni Dino.

"Okay lang." tamad na sagot ni Zenon habang naglalaro ng tong-its sa cellphone niya.

"Zenon, ramdam mo ba?"

"Ang alin?"

"Feel ko, crush ka nung President natin."

"Tanga ka ba? Pa'nong magiging crush ako no'n?" sabi ni Zenon habang ang paningin ay nasa laro pa rin.

"Hindi ko nga rin alam, ano bang magugustuhan niya sa'yo? Ang pagiging sugarol?"

Doon napatigil si Zenon at mabilis na binato ng ballpen si Dino kasabay ng mahina niyang pagmumura. Samantalang, napatawa naman kaming mga nakarinig sa sinabi ni Dino. Gago talaga.

"Aray!" napahawak si Dino sa ulo niya nang masapulan siya ni Zenon. Bigla na lang itong tumayo at diretsong lumapit sa pwesto ni President na masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin.

Nakita ko ang medyo gulat na ekspresyon ni Pres. dahil sa paglapit sa kaniya ni Dino kahit na hindi naman sila ganon ka-close. Habang si Zenon naman ay ilang beses nagmura nang pabulong.

"President, binubully nila ako doon." itinuro ni Dino ang pwesto namin, lalo na ang pwesto ni Zenon.

"Ha?" yun lang ang tanging nasabi ni Pres. at halata ang pagtataka sa mukha niya.

"Binato ako ng ballpen sa ulo, President. Tingnan mo," yumuko si Dino at pinakita ang noo na may kaunting guhit ng tinta ng ballpen.

"Gusto mo bang isumbong natin sa guidance?" biglang suhestyon ng katabi ni President. Si Naomi, yung galing sa section H nung grade 10.

"Ba't ka ba nakikisali sa usapan?" tanong ni Dino at nagdrawing siya ng invisible line sa pagitan ni Pres at Naomi.

"Hanggang dito lang ang usapan, epal mo."

Nakita kong umirap si Naomi at bumulong bulong.

"Bulong-bulong ka pa diyan, mukha ka namang bubuyog!" malakas na sabi ni Dino. Nanlaki ang mata ni Pres samantalang si Naomi naman ay agad umusok ang ilong.

"Anong sabi mong bwesit ka?" napatayo si Naomi at hinablot ang buhok ni Dino.

Nagulat ako pati ang mga tukmol na nanunuod din. Hinawakan ni Dino ang kamay ni Naomi at pilit na inalis ang pagkakahawak nito sa buhok niya.

Halos lahat kaming nasa classroom ay nakatingin sa dalawang nagsisigawan. Habang si Pres naman ay nasa pagitan nilang dalawa at inaawat ang dalawa.

"Masakit! Pvta!"

"Masakit? Pvta ka rin!"

"Sasabunutan din kita kapag 'di ka bumitaw!"

"Edi sabunutan mo! Bading ka!"

"Anong bading? Sa gwapo kong 'to?"

"Anong gwapo? 'Di ka gwapo, gago!"

"Guys, tumigil na kayo, baka maabutan tayo ni Mrs. Hermosa."

"Dapat 'di na lang kita naging kaklase! Panget mo na nga, panget pa ng ugali mo!"

"Aba't! Mas lalo namang ayaw kitang maging kaklase!"

"Tse!"

"Tse ka rin!"

Tumayo na ako at natatawang pumunta sa dalawang hindi maawat ni Pres. Pinaghiwalay ko ang dalawa na masama ang tingin sa isa't isa.

"Bumalik ka na nga sa pwesto mo, Dino." sita ko. Sumimangot siya sa'kin pagkatapos ay inirapan si Naomi. Bago siya umalis ay may ibinulong muna siya kay Pres na hindi ko narinig.

"H-Hindi ah." namumulang wika ni Pres kasabay ng pag-iwas niya ng tingin.

Ano kayang katangahan ang binulong ng gagong 'to?

"Uy, Naomi, pasensya ka na kay Dino. Isip bata lang talaga yun," pagkausap ko kay Naomi na nakahalukipkip sa kaniyang upuan.

Tumingin siya sa'kin at tumango.

"Okay lang. Napikon lang ako kaya nasabunutan ko. Pasensya na rin,"

Ngumiti ako at bumalik sa upuan ko. Pagkarating ko doon ay nag-aasaran na naman ang mga tukmol. Lalo na si Dino, ang lakas mang-asar.

"Crush ka nga niya, Zenon!"

"Tangina mo."

---

Simula nung nangyare ang away ni Dino at Naomi. Naging araw-araw na ang sigawan ng dalawa kahit pa sa maliit na bagay lang. Katulad kahapon, nagkaroon kasi kami ng test at ipinacheck sa'min ni Ma'am Hermosa. Saktong ang naibigay na papel kay Dino ay yung papel ni Naomi.

'Pag magchecheck kami ng test kailangang lagyan namin ng corrected by or checked by para 'pag mali ang pagchecheck malalaman namin kung sino ang nagcheck nun. Sa kaso kasi ni Dino, nilakihan niya yung pagkakasulat ng corrected by at ng pirma niya kaya ang ending nagalit si Naomi kasi naging madumi raw tingnan ang papel niya.

"Ilublob ko kaya sa bowl ang mukha ng Naomi na 'yan?" nakasimangot na sabi ni Dino habang masama ang tingin kay Naomi na nakikipagtawanan sa mga kaibigan.

Natawa ako dahil sa sinabi niya.

"The more you hate, the more love, Dino. Alam mo, kapag nagpatuloy ang araw-araw niyong pag-aaway sigurado akong ma-iinlove kayo sa isa't isa."

Agad naman na nandiri ang ekspresyon ng mukha niya. Na para bang isang kasalanan ang sinabi ko.

"Para kang tanga, Nena. Hinding-hindi ako magkakagusto diyan kahit pa siya ang huling matitirang babae sa mundong ibabaw. Norway!" angal niya.

"Baka kainin mo 'yang sinasabi mo sa future," tumawa ako at ginulo ang buhok niya.

"Basta maghinay-hinay ka sa mga sinasabi mo sa kaniya. Babae 'yan at hindi siya katulad namin na sanay sa tabas ng dila mo,"

"Masakit din naman ang mga salitaan niya ah?"

"Ah basta, kahit na."

"Ang daya!"

"Uy, tara sa canteen!"

Nagyaya ang mga tukmol na kumain sa canteen. Medyo nasasanay na rin ako na puro lalaki ang kasama pero minsan naman ay sinasama ako nina Pres at Naomi sa grupo nila.  Madalas nga lang talaga ay sa tukmol ako sumasama.

Pagkarating namin sa canteen, naabutan namin sina Klea, Vicca at Dianne sa isang table. Lumapit ka-agad ako sa kanila para maki-chismis dahil mukhang may bagong hain na mainit na balita.

Samantalang yung mga tukmol ay umukupa ng kabilang table.

"Uy, Nena, si Jenny at Eyan magkaaway ngayon," pagbibigay alam ni Vicca.

"Lagi naman silang magkaaway diba?" natatawa kong komento.

Napailing ang tatlo at bahagyang lumapit sa'kin.

"Gagi, seryoso ang away ng dalawa. Akala nga namin kanina parang nag-aasaran lang pero pvta, nagulat kaming lahat nang magsampalan at sabunutan ang dalawa!"

Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa kinwento ni Dianne. Sa aming mga babae, si Eyan at Jenny ang laging nag-aasaran pero alam naming katuwaan lang yun. Pero mukhang iba na talaga ngayon.

"Bakit? Ano bang nangyari?" pag-uusisa ko.

"Basta may binanggit si Jenny na pangalan ng lalaki, yung bagong jowa ata ni Eyan, mukhang ayaw ni Jenny doon sa lalaki pero pinagtatanggol ni Eyan. Yun lang alam ko,"

"Baka naman kasi may gusto si Jenny doon sa lalaki," sabat ni Klea.

"Tanga, 'di mo ba nakita caption sa my day niya? 'Waiting, IM' tapos may heart heart emoji pa."

***

(End of Kaguluhan 5)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top