•Kaguluhan 33•
Adam Reyes
***
After 2 years...
"Oh! Tengene mo, Damus! Nasaan na yung hinihingi kong ulam?" palatak ni Vincent habang mabilis na nagtitipa sa laptop niya habang ang pagkain ay nasa kaniyang kandungan.
"Sandali, hindi ko 'ata nadala ang ulam ko!" sigaw ni Dino na naluluha habang kinakalkal ang sariling bag.
"Shit! Nagpresinta ka pa na ikaw magdadala ng ulam! Hayuf ka talaga!" reklamo ko habang nakatingin sa baunan kong kanin lang ang tanging laman.
"Nakalimuntan ko nga. Gago ka! Alas-kwatro ng madaling araw na ako nakatulog kakarevise sa thesis ko!" depensa ni Dino sa sarili at padabog na inilapag ang bag sa damuhan.
Kasalukuyan kasi kaming nagpipicnic sa Henyeon park para naman daw marelax ang utak namin bago mag-midterm next week. Pero mukhang mas lalo akong na-stress sa mga gunggong na 'to.
"Tangina niyo, masisiraan na 'ko ng ulo dahil sa gutom!" palatak ni Henry habang nakahiga sa nakalatag na carpet sa damuhan.
"Mamatay na ang nagpresintang magdadala ng ulam!" sigaw ni Rence kaya mabilis na sumimangot si Dino.
"Nakalimutan ko nga! Patawarin niyo na 'ko mga tanga!" aniya kaya binato ko sa kaniya ang nadampot kong chichirya.
Tumama 'yun sa mukha niya.
"Bumili na lang tayo ro'n sa malapit na karendirya ng mauulam," mahinahong suhestiyon ni Zenon kasabay ng pagbuntong hininga.
"Mabuti pa nga, kesa magreklamo tayo rito," pagsang-ayon ni Sean. Sabay-sabay kaming nagsitayuan dala ang kaniya-kaniyang pera pambili ng ulam.
Lintik na picnic na 'to. Nakakarelax talaga ang katanghaliang init. Ha-ha-ha-ha.
Nakabili kami ng ulam at nasulosyunan ang gutom na naramdaman. Ilang oras pa ang ginugol namin sa Henyeon Park bago napagpasyahang umuwi.
TANGINANG GC 'TO
MagalingGumilingSiIguel: May tea akong nasagap mga mare🍑
NahihiloSiLeo: @MagalingGumilingSiIguel spill the tea, mare💅
Ako'ToSiJia: Mga chismoso, college na kayo, uy!
MagalingGumilingSiIguel: @Ako'ToSiJia sheyt ep, betch!
Ako'ToSiJia: 👍
LetEliseLead: What's the tea, @MagalingGumilingSiIguel?
AsawaNiIan: Tangina niyo, nagbabasa ako ng wattpad, chat kayo ng chat!
Vicca Diaz set her own nickname to: AsawaNiLance
Dianne Cheng set her own nickname to: Asawa niJaye
Gavin Hennes set his own nickname to: PropertyOfAlicia
Vincent Abadabo set his own nickname to: VincentLoveTala
Klea Beven set her own nickname to: CyrilMyLoves
You added Ian Montenegro to the group
Zenon Manlangit added Tala Francis to the group.
Hale Suarez set her own nickname to: JesterLuvMe
Josrael Likan set his own nickname to: JoyIsMyHappiness
You added Lance Domingo to the group.
Zenon Manlangit added Joy Rosales to the group.
Dino Damos added Cyril Mendoza to group.
Jennifer Santos added Alicia to the group.
Gavin Hennes removed Jennifer Santos to the group.
AdamThePogi: Tangina niyo
Sofia Villa added Jennifer Santos to the group.
Jennifer set her own nickname to: AsawaNiIan
AsawaNiIan: Pakyu ka talaga, @PropertyOfAlicia.
AsawaNiIan: @Alicia, sana matauhan ka na at hiwalayan mo 'yang si Gavino!
Alicia: I didn't know you have a group chat. Thanks for adding., btw
Nena Zios set Dino Damus nickname to: IamForNaomiOnly
Nena Zios set her own nickname to: DosNa
Nena Zios added Naomi Santillan to the group.
IamForNaomiOnly: Matakot ka naman sa mga pinaggagawa mo sa gc, @DosNa
DosNa: @Naomi Santillan, denideny ka ni Dino oh! Break up na dizzz
IamForNaomiOnly: Wala akong dinedeny, tanga!
Naomi Santillan: @IamForNaomiOnly break na tayo
IamForNaomiOnly: 😭😭😭
IamForNaomiOnly: Wag plsss
Naomi Santillan: Sorry :< Hindi na kita mahal
MagalingGumilingSiIguel: Tangina niyo, sinabing may chika ako, tapos kung sa'n sa'n nakarating ang pinaggagawa niyo sa gc
AsawaNiLance: Gago. Daming satsat, ilapag mo na lang
AsawaNiJaye: Trot, bobo kasi 'yang si @MagalingGumilingSiIguel
Eyan Perez set her own nickname to: AntonXEthan
MagalingumilingSiIguel: Huwag na! Ito na last chat ko sa gc! Chow!
You removed Iguel Adios to the group.
---
1 year later
"CONGRATULATIONS!!!" sigaw namin nang makapasok sa loob ng restaurant sina Klea, Hale, Vicca at Nena.
Kasabay ng pagsabog ng confetti sa kanila. Nagulat sila at napatalon ng bahagya dahil doon. Kapwa nakasuot ng mga formal dress at nakaayos ang buhok.
"Congrtas, Teachers!" tili ni Jenny mabilis yumakap sa apat.
Isa-isa kaming bumati sa kanilang apat. Kasama sa loob ng restaurant ang pamilya nila at kaming buong section Z.
Kakalabas ng result sa board exam nila at lahat silang apat ay nakapasa.
"Congrats, Nena." nakangisi kong bati sa kaniya. Umingos siya at sinapak ang braso ko.
Napangiwi ako bago binaling ang tingin kay Hale at Klea at saka sila binati. Nagpasalamat sila at pumunta sa kaniya-kaniyang pwesto. Nirentahan namin ang restaurant na 'to ngayong araw para icelebrate ang tagumpay nilang apat.
"Kumain na tayo,"
Mabilis na lumipas ang dalawang buwan.
Kasalukuyan akong nakaduty ngayong araw. Nagroronda kami ngayon sa buong barangay ng 143 at mukhang wala naman na kaguluhan ang nangyare.
"Reyes, magbabawas lang ako. Saglit lang," paalam ng kasama ko. Tumango ako at umupo sa kalapit na shed.
Pumunta siya sa public comfort room para jumebs. Halos kalahating oras din akong naghintay bago siya lumabas.
"Ano bang tinae mo? Durian?" pang-aasar ko na mabilis niyang sinakyan.
"Langka, p're. Langka, tangina." aniya kaya napatawa ako.
Natapos ang duty ko ng matiwasay at nakauwi sa bahay pasado alas-nueve ng gabi.
Habang naghuhubad ng uniporme, nakita ko ang gruadation pic ng Section Z na nakadikit sa aparador ko.
Napangiti ako habang napapailing. Ang dami ng nangyare. Marami na ang panahon na lumipas mula nung maging magkaklase kaming lahat. Grade 7 yun, at hindi na nabago hanggang Grade 10.
Ngayon may kaniya-kaniya na kaming trabaho, madalang na lang ang mga oras namin para magkita-kita at magbonding. Kadalasan ay hindi tugma tugma ang free time namin kaya hindi kami nakukumpleto tuwing tatambay sa Henyeon Park.
Si Eyan at Anton ay nagpakasal na noong isang buwan. Doon lang ata ulit kami nakumpleto dahil demanding si tanga. Kahit nga nakaduty ako ay umattend pa rin ako sa kasal niya.
Umattend din sa kasal si Sir Gabriel Feñoso kasama ang asawa niyang si Ma'am Lina pati ang dalawa nilang anak. Inasar pa namin si Sir dahil hindi na siya naging torpe.
Nakakalungkot lang na ang kaya lang nating gawin sa nakaraan ay balik-balikan sa isipan. Masaya man o malungkot. Dahil marami na ang nagbago.
***
(End of Kaguluhan 33)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top