•Kaguluhan 32•

Iguel Adios

***

(1 year and 4 months later)

"Oh tangina mo, Adios! Kaklase pa rin kitang hayop ka!" sigaw ni Kian nang makita ako sa dulo ng hallway.

Napangiwi ako habang nakatingin sa kaniyang kumakaway.

1st year college na kami ngayon at parehas kami ng kinuhang kurso ni Abudabo at nagsakto rin na naging magkaklase ulit kami.

Pvta. Sawang-sawa na 'ko sa pagmumukha nila.

"Ohh!" biglang sigaw ng isang babae sa kaliwang bahagi ko.

"Iguel! Dito ka rin sa building na 'to?" pagbaling ko ay nakita ko si Dianne na masayang nakangiti sa'kin.

Oh, please lang, huwag ko sana siyang maging kaklase.

"Oo. Ikaw din ba?" tanong ko.

Masaya siyang tumango at pinakita ang schedule niya. May dalawang subject kaming magkaklase at mabuti naman.

Ngumisi ako at binalik sa kaniya ang kapirasong papel.

"Criminology din ang kinuha mo?" kunot kong tanong nang makapasok kaming tatlo sa first subject naming lahat.

Si Kian, sa tatlong subject ko siya kaklase samantalang isang subject lang sila ni Dianna magkaklase.

"Yup. Gusto kong ako ang aaresto sa'yo balang araw," pamimilosopo niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Gagv 'to. Hindi pa rin nagbabago kahit college na.

Tsk.

"Balita ko, mandatory sa babaeng criminology ang magpagupit ng panlalaki. Edi, magpapagupit ka, Dianne?" Nakangising ani ni Kian dahilan sa mabilis na panlalaki ng mata ni Dianne.

"Legit ba?" gulat niyang tanong. "Gagu ka!"

Malakas na humalakhak si Kian sa reaksyon ni Dianne. Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Gagu ka kasi, 'di mo ba talaga alam 'yun?" natatawa pa rin na wika ni Kian. Napatawa na rin ako dahil sa itsura ni Dianne na mukhang natatae na.

"Pwede ba 'kong magback-out? Pangarap ko maging pulis pero 'di ko pinangarap na magpagupit ng maganda kong buhok," reklamo niya at mukhang iiyak na.

Parehas kaming tumawa ni Kian dahil sa litanya niya. Tanga-tanga, ampvta.

"Huwa niyo 'ko tawanan. Lilipat na lang ako kay Jia," nakasimangot niyang aniya.

Tumigil na ako sa pagtawa dahil wala na naman nakakatawa. Pero si Kian, hindi pa rin tumitigil.

---

(1 month later)

"Nasa'n na kayo? Nandito na kami!" sigaw ko para marinig nila ang boses ko sa kabilang linya.

Kasalukuyan kaming nasa mall at kasalukuyan rin na may artistang nagma-mall show kaya maingay ang buong paligid.

[Naku, 'di ako sasama! May tatapusin pa 'kong report na deadline bukas. Next na lang me, ingat!] sagot ni Sofia at mabilis akong pinatayan.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa screen ng cellphone ko at napailing. Halos lahat sa kanila ay busy ngayon.

Si Adam, Kian, Jenny, Hale, Klea, Nena, Yuan, Sean, Henry, Dino, Zenon at ako pa lang ang nandidito. Napabuntong hininga ako saka hinarap ang mga kasama ko ngayon.

"Hindi raw makakapunta si Sof, may tatapusin pa raw siyang reporting ngayon," pag-aanunsiyo ko at lahat sila ay tumango-tango lang.

"Oh, nagchat sa'kin si Vicca, susunod na lang daw siya kasi tinatapos niya pa ang project niya," pag-aanunsiyo rin ni Jenny.

"Si Eyan, 'di raw pwede dahil nilalagnat si bebe Ethan," ani ni Hale kaya napabuntong hininga ang halos lahat sa'min.

Kung sino pa ang nagyaya, sila pa ang hindi makakasama, mga depungal.

"Oh edi, arat na!" sigaw ni Dino at nauna nang naglakad para pumila at bumili ng ticket.

Manunuod lang naman kami ng sine ngayon dahil nagkayayaan sila sa group chat. Imbis na gumagawa sana ako ng report ngayon ay nandito ako at nakikipagdaldalan sa kanilang walang gawain.

"Together, Forever yung pinili kong pelikula," pang-iimporma ni Dino habang dala-dala ang mga ticket na binili.

"Ay oo! Maganda raw 'yan sabi ng ka-blockmates ko!" segundo ni Klea at malakas na pinagdaop ang kamay.

"Tara na! Puro satsat!" pikon na pagsingit ni Zenon na kunot na kunot ang noo.

Dalawang oras bago kami nakalabas ng sinehan. Pagkatapos ay sabay-sabay kaming kumain sa malapit na restaurant dahil kanina pa nagrereklamo si Dino na gutom na gutom na raw siya. Kaya dito kami napadpad sa mamahaling restaurant, ampvta talaga.

Ubos na naman ang pera ko nito.

"Kapag nakagraduate ka na Hale, saan ka magtatrabaho?" narinig kong tanong ni Nena kay Hale.

Napatigil sa pagnguya si Hale at napabaling sa katabi niyang si Nena. Saglit pa siyang napaisip.

"Sa Sanginamue National High School siguro, 'di ko rin sure," kibit balikat niyang sagot. "Ikaw ba? 'Diba primary ang kinuha mo? Saan ka magtuturo?" balik tanong niya.

"Ewan ko lang, kapag nabigyan ng pagkakataon sa Makiling Elementary School sana para malapit sa bahay namin," aniy sabay tawa.

"Ikaw Jenny, kamusta ang pagiging future nurse?" parehas silang bumaling kay Jenny na masayang binabalatan ang isang hipon. Napatigil siya at nagtatakang tumingin sa dalawang katabi.

"Sa ngayon, gusto ko na lang maging pasyente," nakangiwi niyang sagot dahilan para magtawanan kaming nasa table.

"Mahirap ba ang nursing?" tanong ni Klea na ngumunguya pa.

"Oo. Gusto ko na lang maging butiki at kumapit sa kisame ng bahay," natatawang sagot ni Jenny.

"Ikaw ba Klea? Kamusta ang future attorney ng barangay 143?" tanong niya pabalik.

"Sa ngayon, gusto ko na lang maging janitress sa supreme court," natatawang sagot ni Klea sabay masahe sa sintido niya.

"Ang sakit sa utak. 'Di ko keri yung bawat batas, chuchurva ek ek!" dugtong niya pang reklamo.

Natawa kami sa litanya niya at nagpatuloy sa pagtatanungan habang kumakain. Nakakamiss din ang makipagkwentuhan sa kanila kahit na mga wala silang kwenta kausap.

Pagkatapos naming kumain ay dumeritso kami sa Henyeon park tumambay ng ilang oras. Pero nagkaniya-kaniya rin kami ng alisan dahil may mga gawain pa kaming gagawin.

---

[Guel, natapos mo na 'yung powerpoint natin?] tanong ni Kian mula sa kabilang linya.

Inipit ko sa pagitan ng tainga at balikat ang cellphone habang nagtatype sa laptop.

"Ginagawa ko pa lang, master," sarkasmo kong sagot sa kaniya. Humalakhak siya sa sinabi ko.

[Okay. Okay. Ililibre kita pancit canton bukas. Chillimansi pa, dahil paborito mo 'yun,] pang-aasar niya.

"Tangina mo, gago." pagmumura sabay pinatayan siya.

Kinabukasan, maaga ako pumunta sa university dahil magmemeeting pa kaming magkakagroup para sa reporting. At sa kasamaang palad ay kagrupo ko si Kian, na wala naman naimbag kundi sama ng loob.

"Ikaw sa part na 'to, i-explain mo pagkatapos mong basahin," pagpapaliwanag ni Eya, ang group leader namin.

Tumango-tango ako habang nakatingin sa mukha niya.

"Sige raw po, Eya ganda sabi ni Iguel," pagsabat ni Kian kaya mabilis ko siyang sinipa sa paa.

Kinantyawan kami ng buong grupo kaya binatukan ko ng malakas si Abudabo. Bigla kasing napayuko si Eya at mukhang nahiya.

Gago talaga 'tong si Kian.

"So, ayun guys, goodluck sa'tin mamaya," iyon na ang huli niyang sinabi bago umalis.

"Hindi ka siguro type, Iguel. Kawawa ka naman," pang-aasar pa ni Kian kaya mabilis ko siyang sinipa pero nakatakbo agad siya.

"Sinusumpa ko na hindi ka magugustuhan ng babaeng magugustuhan mo,"

***

(End of Kaguluhan 32)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top