•Kaguluhan 30•

Vincent Basdien

***

"Gagi, malapit na ang summer! Sino magsa-summer class sa bakasyon?" rinig kong tanong ng isa sa mga klase namin.

Napalingon ako sa kanila habang nginunguya ang kinupit na tinapay sa bag ni Kian. Si President Bela at si Naomi pala ang nag-uusap.

"May magsa-summer class sa'tin?" tanong ko nang makalapit sa pwesto nila.

Sabay silang nag-angat ng tingin sa'kin at sabay rin na tumango. Kumunot ang noo ko at inalala ang lahat ng mga naging score ko sa mga quiz at sa mga test.

Hindi naman siguro ako kasali sa magsa-summer class, 'no? Kasi may naipasa naman ako nung periodical at ginagalingan ko naman sa performance task lalo na kapag ka-group ko si Tala.

"Pero, hindi ko alam kung sinu-sino ang mga magsa-summer class," pampalubag loob na sabi ni President Bela kaya napatingin ako sa kaniya.

Siya na yata ang pinakamahinhin na babaeng nakilala ko. Kahit sobrang ingay ng klase, mahinahon pa rin niya kaming sinasaway. Hindi katulad ni Elise na binabato kami ng kung anong mahahawakan niya.

Pvta, naalala ko nung binato niya akong ng pentelpen sa ulo. Wala lang, naalala ko lang.

"Zenon! Si Vincent pinu-pormahan si President Bela!" sabay kaming tatlo na lumingon sa pintuan kung saan nandoon si Dino, Adam at Zenon. Nakatingin din silang tatlo sa pwesto namin.

Ngumisi ako kay Zenon dahil nakakunot ang noo niya habang nakatingin kay Bela.

"Hoy! Ano 'yan?! Inaahas mo ba ang future ni Zenon?" sigaw muli ni Dino kaya nakatanggap siya ng dalawang sapok mula kay Zenon.

"Daldal naman ng mga hampas lupa d'yan sa tabi-tabi. Nakakasama ng araw," biglang wika ni Naomi na alam naming lahat na si Dino ang pinariringgan.

Katulad ng dati, ay mabilis na umingos si Dino at sinamaan ng tingin ang babae. Rerebat 'yan, panigurado.

"Bakit ba may mahilig makisali sa usapang hindi naman siya belong? Ang panget ng ugali at mukha," ingos nitong pasiring.

Nalukot ang mukha ni Naomi at inirapan si Dino. Napatawa na lang kaming nakakakita sa kanila at inaasar silang dalawa.

"Hoy! Mangilabot naman sa sinasabi niyo, uy!" defensive na defensive na sabi ni gago. Parang germs si Naomi para sa kaniya.

"Ay wow! Kapal ng apog mong tabachoy ka!" inis namang sigaw ni Naomi at nagsimula na naman sila sa away nila.

---

"Vivien! Pwede bang pahiram ng notebook mo?" lumapit ako kay Vivien, isa sa mga kaklase kong babae na sobrang bait.

Maganda ang sulat niya kaya sa kaniya na ako manghihiram. Ayaw ko na kay Nena, nagpapahiram nga, pero parang may kasamang sama ng loob. Gagi.

"Naku, hindi ko natapos yung kinokopya kanina eh," nahihiya niyang sagot.

Tingnan niyo, siya pa ang nahihiya sa'kin. Bait talaga nito.

"Ah gano'n ba? Sige sige, salamat na lang Vivien," ngumiti ako sa kaniya at nagpaalam pero tatalikod na sana ako nang may biglang tumapat na notebook sa mukha ko.

Kumunot ang noo ko at bumaling sa may-ari ng kamay na nahawak do'n.

"Tala?" hindi ko makapaniwalang anas.

"Natapos ko yung kinokopya kanina. Para kasing iiyak ka na r'yan?" mataray niyang aniya.

Iiyak? Sino? Ako ba? Bakit?

"Huh? Ba't ako iiyak? Kung babastedin mo 'ko, iiyak ako for sure," ani ko sabay ngisi sa kaniya.

Ininaraoa niya muna ako bago tumalikod at bumalik sa pwesto niya. Samantalang halos mapunit na ang labi ko sa lapad ng pagkakangiti ko.

"Anong katangahan 'yan, Basdien?" ingos na tanong ni Nena nang makita ako.

Tinaasan ko siyang kilay bago masayang pinakita ang pink na noteboke ni Tala.

"Pinahiram niya. Pakiramdam ko talaga, may gusto siya sa'kin," natatawa kong sabi.

"Tanga, imahinasyon mo lang 'yan," ismir niyang sagot habang nagsusulat.

"Mas tanga ka, pinahiram nga ako ng notebook, 'diba?" nakangisi kong sagot pabalik sa kaniya.

"Edi goods, pakasal na kayo," pasaring niyang sabi kaya kumunot ang noo ko.

Tinignan ko siya ng ilang segundo.

"Problema mo?" tanong ko pagkalipas.

Tumigil siya sa pagsusulat at tumingin sa akin. Pagkatapos ay malakas niyang pinaghahampas ang braso ko.

"BAKIT BA?" inis kong sigaw habang sapo-sapo ang brasong binugbog niya.

"Haysst, nababadtrip talaga ako sa mga Vincent ang pangalan. Mga gago," galit niyang bulalas kaya hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"Anong problema mo sa'kin?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Tumayo na rin ako habang dala-dala ang bag ko at notebook ni Tala. Baka mamaya ito pa ang ihampas niya sa'kin eh.

"Hindi sa'yo, tanga. Galit ako sa kapangalan mo, kupal!"

"Sino 'yun?"

"Wala kang paki,"

"May jowa ka na?"

"Hindi ko siya boyfriend!"

"Eh ano?"

"Wala!!!"

---

"Tala!" sumigaw ako sa loob ng canteen kaya lahat ng tao sa loob ay tumingin sa pwesto ko.

Kumaway ako sa kanilang lahat at ngumiti ng pagkagwapo-gwapo. Pagkatapos ay muli akong bumaling kay Tala na naglalakas na palapit sa'kin. Nakakunot ang noo niya na halatang nagalit sa ginawa ko.

"Pwede bang huwag mo bastang isigaw ang pangalan ko?" naiinis niyang bulong nang makalapit sa'kin.

Ngumisi ang mga gagong nasa kabilang table dahil sa ginawang pagbulong ni Tala sa tainga ko.

"Bakit hindi? Alam naman ng lahat na gusto kita," nakangiti kong sagot sa kaniya.

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya at sinamaan ako ng tingin.

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko lang ay huwag kang masyadong agaw atensyon," aniya. Halatang pinipigil niya ang sarili na batukan ako.

Napangiti ako habang nakatitig sa mukha niya. Grabe. Ang ganda-ganda talaga ni Tala. Kapag talaga hindi ako ang maging asawa niya, magdadabog ako.

"Bakit? Gusto mo ba sa'yong atensyon lang ang agawin ko?" taas-babang kilay kong tanong sa kaniya.

Mabilis siyang tumingin sa'kin at tinaasan ako ng kilay.

"Excuse me, matino pa ang isip ko, Basdien." nakangiwi niyang aniya. Napahalakhak ako ng malakas dahil sa sinabi niya.

"Hayst, ang ganda-ganda mo talaga!" hindi ko mapigilang bulalas na nakapagpatahimik sa kaniya ng ilang segundo.

Bahagya rin namula ang mukha niya kaya mabilis siyang yumuko.

"Tsk. Sige, babalik na 'ko sa kaibigan ko," nakatungo niyang aniya pero mabilis kong siyang hinarangan.

Kakapalan ko na ang mukha ko.

Inhale.

Exhale.

"Bakit?" tanong niya.

"Tala, gusto sana kitang yayain bukas, manunuod lang ng sine," sabi ko habang kamot-kamot ang likod ng ulo.

Halatang nagulat siya dahil ito ang unang pagkakataon na inanyayahan ko siyang makipag-date.

"May kasama pa ba tayong iba?"

"Huh? Wala. Tayong dalawa lang sana, kung okay lang sa'yo?"

Ilang segundo rin siyang natahimik bago tumango. Nung una ay hindi pa ako makapaniwala pero dahil muli siyang nagsalita ay napangiti na lang ako at pasimpleng nag-thumbs up sa mga gago.

"Sige,"

"Ayos, thank you. Susunduin kita bukas ng hapon!"

"Okay,"

***

(End of Kaguluhan 30)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top