•Kaguluhan 3•
Jia Lendell
***
"Jia, sino ba kasi yung crush mo?" halos mahilo ako dahil sa pagyugyog ni Jenny sa balikat ko.
"Wala nga. Nagbibiro lang ako kanina." naiinis kong sabi dahil kanina pa nila ako kinukulit sa 'crush' ko kuno.
Naningkit ang mga mata nina Jenny habang nakatingin sa'kin. Halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. Eh sa ayaw kong sabihin sa kanila, wala akong tiwala sa mga 'to. Naalala ko pa nung umamin sa Nena na crush niya, iyong Amon Francisco na taga Section D, lagi nilang tinatawag iyong lalaki kapag nakakasalubong namin tapos sasabihing crush daw siya ng kaklase namin sabay titingin kay Nena.
Grabe, tandang tanda ko pa kung gaano kapula yung mukha ni Nena nun, halos sabunutan na niya sina Klea at Eyan dahil sila iyong mga pasimuno.
Kaya never. Never kong sasabihin sa kanila. Takot ko na lang. Psh.
"Sus, ikaw kunwari ka pang walang crush. Dali na kasi, 'di naman namin aagawin sayo eh. Kaso si Eyan, baka pa." natatawang sabi ni Dianne kaya pabiro siyang sinabunutan ni Eyan.
"Gago ka. Agawin ko sa'yo si Jaye eh." sabi ni Eyan kaya nagtawanan kaming lahat maliban kay Dianne na umirap lang.
"As if namang maaagaw mo siya, girl. Patay na patay sa'kin yun eh." nagmamayabang niyang sabi at kaniya-kaniya naman kami ng naging reaksyon.
"Yabang mo. Iiwan ka rin naman niyan. Tingnan mo si Jenny, iniwang luhaan." komento ni Elise.
"Correction lang Elise, iniwang maganda." sabi ni Jenny kaya nagtawanan ulit kami.
"Eh yung former SSG president ba natin, multo pa rin hanggang ngayon?" tanong ni Vicca habang ang mata ay nakatingin kay Elise.
Napatawa ako lalo na nung kumunot ang noo ni Elise at sinamaan ng tingin si Vicca.
"Si Lance at Josh pa rin ba?" tanong pabalik ni Elise, hindi nagpapatalo.
Nagtawanan ulit kami. Bakit ba dito napunta yung usapan? Nakakaloka. Mukhang may magkakarambulan dito mamaya kapag mayroong napikon.
"Psh. Pakialam ko sa dalawang yun? Magsama pa silang dalawa habangbuhay." bitter na sabi ni Vicca kaya magtawanan na naman kami.
"Uy, di makamove-on." kantyaw ni Jenny.
"Uy, di rin makamove-on!" malakas na sabi Vicca.
"Ay same vibes!" at nag-apir pa silang dalawa.
"Para kayong mga tanga. Tumahimik na kayo, papunta na daw si Ma'am dito." saway ni Hale kaya inayos namin ang pagkakahilera ng upuan.
"Narinig ko sa isang kaklase natin, mataray daw yung next teacher." bulong sa'kin ni Klea.
Nagkibit balikat ako at hindi na lang siya pinansin. Pakialam ko ba kung masungit, marunong din naman ako magsungit. Lol.
Charot lang, kaso sa totoo lang wala namang kaso sa'kin ang isang tao basta 'wag lang siyang magpahiya ng estudyante niya.
Sabi ni Sofia papunta na raw dito yung next teacher, eh halos lumipas na ang sampung minuto wala pa rin? Tapos sampung minuto na din akong walang imik dito. Napapanis na laway ko.
Dahil wala pa naman ang next teacher, kinuha ko muna ang sketch pad ko na laging present sa bag ko. Mahilig talaga akong magdrawing, especially ng mga damit, dresses at mga gowns. Iba kasi iyong nararamdamam kong saya kapag nakakapagdrawing ako ng mga gown or dress.
"Wow, ang ganda niyan!" itinuro ni Klea ang na-sketch kong isang dress. Kulay puti na hanggang above the knee tapos pa-tube siya na may paru-paru sa dibdib.
Kahapon ko lang natapos ang isang 'to. Na-inspired akong magdrawing nung nagsimba kami kahapon at may nakita akong paru-paru na nakadapo sa isang magandang babae na may suot na puting dress. Mukha siyang isang diwata, napakaganda.
"Gusto mo ipatahi 'to?" tanong ko sa kaniya.
Tuwang-tuwa si Klea habang tinitingnan ang mga natapos kong drawing. Kada isang buklat niya laging kumikinang ang mga mata niya. Tapos para siyang tangang nakanganga habang nakatingin sa gawa ko.
"May talent ka pala sa ganito? Ba't ngayon ko lang nalaman?" nagtataka niyang tanong habang patuloy pa rin sa pagtingin sa sketch pad ko.
"Ngayon mo lang kasi nakita. Saka sa bahay ako lagi nagda-drawing para tahimik. Nilabas ko lang ngayon kasi ang boring, ang tagal nung next teacher natin." sagot ko.
"Kapag ako ikakasal, ipagdrawing mo 'ko ng wedding gown ah?" sabi niya at ibinalik ang sketch pad sa'kin.
"Sige ba. Pero walang discount." natatawa kong sabi.
"Presyong kaibigan na lang ibigay mo. Mga 50% discount, gan'on." aniya.
Napa-ismir ako at binuklat muli ang sketch pad.
"10% lang." maikli kong sagot.
"25% na lang, sige?"
"20%, huling tawad." sagot ko.
Napasimangot siya at napakamot sa likod ng ulo. Napatawa ako dahil sa naging itsura niya. Nagbibiro lang naman ako eh. Gagawan ko naman silang lahat ng wedding gown, at lahat iyon ay libre. Ganoon ko sila kamahal. Yak!
"Ano 'yan?" singit ni Dianne na nasa hulian namin nakapwesto.
Kinuha niya mula sa kamay ko ang sketch pad at tiningnan ang mga gawa ko.
"Wow. Ikaw may gawa nito? Ang gaganda ah" nagthumbs up siya habang manghang-mangha sa gawa ko.
"Sabi ko nga, igawa niya 'ko ng wedding gown 'pag kinasal ako." sabi ni Klea.
"Kanino ka naman ikakasal?" ngiwing sagot ni Dianne.
"Sa lalaking mamahalin ako ng buong buo." taas noong sagot ni Klea.
"Maka-buong buo 'to. Durog ka, girl?" pamimilosopo ni Dianne kaya nakatanggap siya ng sapak mula kay Klea.
"Uy, kanino 'yan?" tanong ni Jenny na dadaan sana sa gawi namin. Nakitingin siya kay Dianne.
"Kanino 'to?"
"Kay Jia."
"Talaga? 'Di kapani-paniwala."
Tumingin sa'kin si Jenny pagkatapos ay ibabalik ang tingin sa sketch pad.
"Ikaw talaga gumawa neto? 'Di mo kami chinacharot?"
"Tanga ka ba? Porket 'di ka talented eh igagaya mo na si Jia sa'yo." pagsabat ni Klea kay Jenny.
"Epal mo. 'Di naman ikaw kausap ko." umirap si Jenny bago ako muling binalingan.
"Jia, pwede bang igawa mo 'ko ng wedding gown after 10 years?" pinagdaop niya ang kamay at ilang beses na kumurap-kurap.
"Wow. Sure na sure na ikakasala after 10 years." pang-aasar ni Dianne.
Umismir si Jenny at kunwaring nagpagpag ng balikat.
"May nangako eh. Baka sakaling tuparin after 10 years." tumawa kaming apat sa sagot niya.
Kilala naman namin iyong tinutukoy niyang nangako. Pero pakiramdam ko matutuloy iyon after 10 years. Feel ko lang talaga. Sana nga.
"Ay! Si Ma'am!" tarantang sabi ni Jenny at mabilis na bumalik sa pwesto niya. Pati yung sketch pad ko nadala niya.
Mamaya ko na lang kukunin. Sa isang iglap biglang tumahimik ang buong silid nung pumasok yung next teacher namin. Mukha nga siyang masungit, ayon sa narinig ni Klea. Nakasuot siya ng salamit at may dala-dala siyang pamaypay.
"Good morning, class." pormal niyang aniya.
Tumayo kaming lahat. "Good morning, Ma'am!" malakas at mabilis naming pagbati.
"Okay. Be seated, everyone," isenenyas niya ang pamaypay.
"My name is Juliana Espejo and I will be your General Mathematics teacher for this semester. Just a reminder, my dear class, I do not like students who are always late and please, submit your tasks activity on the given time. That's all."
Umupo siya at isa-isa kaming pinagmasdan pagkatapos ay inilabas niya ang laptop at nagpipindot doon. Pagkalipas nang ilang segundo ay nagsimula na siyang magtawag sa klase.
"Jia Lendell."
"Present!"
***
(End of Kaguluhan 3)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top