•Kaguluhan 29•
Jennifer Santos
***
"Ma! Pahingeng 500!" halos umiyak na ako habang sumusunod kay Mama papuntang kusina. Kanina pa akong humihingi pero hindi niya man lang ako pinapansin.
Nakakasama ng loob 'to ah. Parang 'di ako anak.
"At ano naman naman ang gagawin mo sa 500, aber?!" tingnan niyo, galit agad. Nilalakihan pa ako ng butas ng ilong. Hmp.
"Pupunta nga ako ospital eh," sagot ko sabay padyak ng kanang paa.
"Anong gagawin mo sa ospital?"
"Mamamasyal lang ," pilosopo kong sagot kaya mabilis niya 'kong hinampas ng sandok.
Napatili ako dahil sa sakit. Gagi 'to si Mama, 'di na mabiro.
"Dadalawin lang namin si Eyan!" pahabol kong sagot habang sapo-sapo ang ulo na pinukpok niya.
Inismiran niya muna ako bago hinarap ang niluluto niya.
"Bakit? Anong nangyare sa batang 'yun?" tanong niya habang naghahalo.
Sumandal ako sa dingding at nakinuod sa ginagawa niya.
"Nanganak na siya kahapon. Lalaki raw ang baby," sagot ko.
"At bakit kailangang 500 ang hingin mo sa'kin? Kasya na ang 100 sa pamasahe mo," ingos niyang komento kaya napasimangot ka-agad ako.
"S'yempre kailangan kong magdala ng masusustansiyang pagkain para kay Eyan, 'di naman pwede na puro kagandahan lang ang dala ko do'n," ani ko dahilan para umismir sa'kin ang sarili kong ina.
Hindi supportive. Dugo't laman niya 'ko, haler?
Makalipas ang ilang taon na pang-uuto ay binigyan niya rin ako ng 300 pesos. Wala sa usapan pero ayos na rin kaysa sa hindi niya 'ko binigyan.
:(
May ipon pa naman akong pera, humingi lang ako para 'di mabawasan ang inipon ko. 'Kala ko kasi mailulusot ko ang 500, hays, 300 lang ang kinaya ng powers ko.
"Tanga, where are you na?" tanong ko sa kabilang linya kay Elise na kasabay ko papunta sa ospital.
"Sandali ah, traffic kasi ditong hinayupak ka," sagot niya at sa malamang ay kunot na kunot na ang noo niya ngayon.
Natatawa ako habang naghihintay sa kaniya sa Henyeon Park. Malapit lang kasi rito yung ospital kaya rito na ako maghihintay sa kaniya.
Sina Sofia kasi, bukas pa raw sila makakabisita kasi may pupuntahan sila ngayon. Hindi lang alam ang dahilan nung ibang hindi makaksipot.
"Shuta, na-stress ang kagandahan ko sa heavy traffic," napalingon ako sa kararating lang na si—Vicca.
Kumunot ang noo ko at nagtatakang tumingin sa kaniya.
"Anong ginagawa mo rito?" takhang tanong ko.
"Pupunta rin ako sa ospital," hinihingal niyang sagot. Magsasalita pa sana ako nang saktong dumating na rin si Elise na katulad ko ay nagtatakang tumingin kay Vicca.
"Mga gaga, bawal ba akong makisabay sa pagdalaw niyo?" ani ni Vicca na may halong hinanakit. Hinanakit sa kaniyang talampakan.
"'Di naman. 'Di mo kasi kami in-informed na sasama ka pala," sagot ni Elise habang inaayos ang nagulo niyang buhok.
---
"Hala! Pakarga ako!" nakanguso kong sabi habang nakatingin sa cute na cute na anak ni Eyan.
Ang taba ng pisnge ni Baby Ethan Mist Cuevas. Grabe, ang sarap itakas nito rito.
"Hindi ka naman marunong humawak ng baby eh!" sita ni Eyan na nakahiga at nanghihina pa rin sa hospital bed.
"Bobo, marunong ako dahil nagpapractice ako kung sakali mang mag-kaanak ako," ismir kong sagot at umirap sa kaniya.
"Sino bang gusto mong maging tatay ng future anak mo?" pang-aasar ni Eyan na nakuha pang ngumisi sa'kin. Diinan ko kaya siya ng unan sa mukha, tingnan natin kung may makilala pang nanay si Baby Ethan.
"Pwede bang si Anton na rin?" nakangisi kong pang-aasar pabalik sa kaniya kaya siya naman ang sumimangot at umirap.
Malakas na tumawa si Vicca at Elise habang pangiti-ngiti sa gilid si Anton. If I know, mas nagagandahan siya sa'kin kesa kay Eyan. Joke!
"Sumbong kita kay Ian eh," natatawang sabi ni Vicca kaya mabilis akong umingos sa kaniya.
Bobong 'to, lakas manira ng magandang vibes ospital.
"Vicca, sana mauntog ulo ni Lance at maalalang mas mahal niya si Josh,"
"Hoy, gaga! Mas mahal ako ni Lance, for your information!"
"Gaga, 100% sure ba 'yan?" panggagatong naman ni Elise kaya mabilis niyang hinila ang buhok nito.
"Tangina, ang anak ko baka mahulog!" sigaw ni Eyan dahil karga-karga ni Elise si baby Ethan.
"Ang mamature niyo talaga!" dugtong pa niyang komento.
---
"Ma, nandito na ang pinakamaganda niyo anak!" sigaw ko nang makapasok s aloob ng gate ng bahay namin.
Nakita kong tumapat sa pintuan si Mama habang nakapamewang na humarap sa akin.
"Bakit ngayon ka lang?"
"May bisita ka rito!"
Mabilis akong naglakad palapit sa pintuan.
"Heavy traffic kasi, Ma. Saka sino ba ang bisi—asjdhsjsk!" muntik na akong matumba nang makita kung sino ang bisita ko.
Mabuti na lang talaga at mabilis akong nahawak sa hamba ng pintuan. Wews!
"Anong ginagawa mo sa bahay ko?" tanong ko nang maka-recover sa muntik ng aksidente.
"Bahay ko." pagtatama naman ni Mama sa tanong ko. Oh 'diba, galing manglalag ng sarili kong nanay?
"Aakyat ako ng ligaw," kalmado niyang sabi. Bakit ba ang pogi-pogi niya?? Pero ano raw?
Aakyat ng ligaw? Sa'kin ba?
"Huh? Teka, sa'kin ba?" nalilito kong tanong habang nasa tapat pa rin ng pintuan.
Bahagya pa siyang napatawa bago tumango. Napasinghap ako at napatakip sa bibig sa sinagot niya.
"Gago? For real?" hindi ko makapaniwalang tanong.
Habang, si Mama naman ay pumunta sa kusina para siguro maghanda ng meryenda para kay Ian.
At ako naman ay lumapit na at umupo sa katapat niyang upuan.
"Bakit?" mahina kong tanong.
"Bakit ngayon lang? Matagal ka ng nagparamdam na may gusto ka rin sa'kin. Pero bakit ngayon ka lang nanligaw?" may hinanakit na tanong ko. Matagal ko ng gustong-gusto itanong sa kaniya yun.
Junior pa lang, ipinaramdam niya na gusto niya rin ako, pero wala siyang ginawa at nung nagsenior high ay bigla na lang nawala na wala man lang paalam.
Naguguluhan ako sa kaniya. Para bang ang dating sa akin ay pinaglalaruan niya lang ako porket alam niyang may gusto ako sa kaniya.
"Sorry, Jenny. I was really planning to court you when we're college but I can't keep my promise because I really like you," aniya. In-english pa ako.
"Hindi pa tayo college," nakasimangot kong bulong.
"I know. But, I want to court you, I can't wait longer, you know." kibit balikat niyang sagot.
"Pwede mo naman akong ligawan kahit nung junior pa tayo," naiinis kong suhestyon sa manhid niyang pag-iisip.
Napakagat labi siya at umiwas ng tingin.
"Eh kasi, nakiusap ako na huwag ka muna ligawan hangga't wala pa kayo sa college. Mas maganda siguro kung pagkatapos niyo ng college ituloy ang ligawan na 'yan." pagsingit ni Mama sabay lapag ng ginawa niyang turon at juice.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya at pinandilatan niya naman ako.
"Kinausap mo siya ng hindi ko alam?" tanong ko, hindi makapaniwala sa nangyare.
"Bakit kailangan mong malaman kung nag-usap kami." ismir na sagot ni Mama kaya sumimangot ako sa kaniya.
Grabe, sarap magwala rito sa bahay!
"Hinarang mo si Ian na ligawan ako! Mama naman eh!" naiinis kong reklamo. Walang pakialam kahit nandyan lang ang future ko.
"Aba't, ikaw na bata ka! Sinisigawan mo ba ako?"
"Hindi,"
"O siya, bahala nga kayong dalawa sa buhay niyo," pagsuko ni Mama at saka umalis sa sala. Naiwan kaming dalawa ni Ian na kapwa nanahimik.
"Sinasagot na kita," hindi ko matiis na sabi. Hindi siya makapniwalang tumingin sa akin.
"What? That's fast?" reklamo pa niya.
Umismir ako at umirap sa kaniya.
"Ay ayaw mo? Sige, binabasted na kita, oh umuwi ka na,"
"No! You said yes already. No backing out."
***
(End of Kaguluhan 29)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top