•Kaguluhan 28•
Eyan Perez
***
Seven months ago, pakiramdam ko ay tinalikuran ako ng buong mundo. Ang kasalanan na nagawa ko pero sa kabilang banda ay unti-unti ko na rin natatanggap.
Seven months ago, gusto kong kunin ang hiram na buhay ko mula sa Kaniya. Pero, malaki ang pasasalamat ko sa magulang at sa mga kaibigan ko dahil sa gabay at kamay na nakalahad sa akin.
Natutunan kong mabuhay katulad ng dati ngunit may kaunting pagbabago. Ang munting buhay na nandito sa tiyan ko na kahit hindi ko pa siya nahahawakan ay mahal na mahal ko na siya.
Pinapangako ko, kapag lumabas siya sa mundong ito ay ibubuhos ko sa kaniya ang lahat ng pagmamahal at kalinga sa kaniya.
"Nagsesenti si Buntis," rinig kong sabi ni Sofia na bumulong kay Jenny. Bumulong pa ang gaga.
"H'wag mong pansinin, malapit na 'yang manganak kaya ganyan," bulong naman pabalik ni Jenny at sabay silang umangat ng tingin para itake note ang nakasulat sa board.
Parang nga baliw.
Pero...
Naisip ko lang, ang layo ng pinagbago ng bawat ugali nila. Mula sa walang pakialam na estudyante ay naging isa na sila sa mga matitinong eskuwela rito.
Napansin ko rin na mas lalong naging attach ang bawat isa sa amin.
"Girl, susunduin ka ba ng jowabels mo?" napabaling ako kay Hale nang hawakan niya ako mula sa baywang.
"Oo, ikaw ba?" ngumisi ako. Umirap siya.
"Parang tanga, wala akong jowabels," aniya. Napatawa ako at humawak sa malaki kong tiyan.
Sa bawat araw, palagi akong nakakarinig na samu't saring salita mula sa estudyante sa tuwing makikita ang malaki kong tiyan. Pero ayos lang naman, nagagawa kong ikalma ang puso ko kaya tahimik ang buhay ko. Kung hindi ako kalmado baka may peklat na ang bawat mukha nila.
Para kasing mga tanga, hindi lang naman ako ang buntis dito pero ako lagi ang pinupuntirya nila. Sarap nilang ibalik sa tiyan ng nanay nila.
"Oh pa'no? Nandito na sundo ko, kitakits bukas," tinapik ko ang balikat niya bago lumapit sa kakaparadang motor ni Anton.
"Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong niya habang nilalagay ang helmet sa ulo ko.
Kinikilig ako, depota. Ang gwapo niya kasi, haysst.
Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang araw na 'yun. Ang araw kung saan nagkita si Anton at ang magulang ko.
"Tangina mo!" Galit na ani ni Papa at mabilis na sinuntok sa panga si Anton. Wala akong magawa kundi ang umiyak habang nakahiga sa hospital bed.
Samantalang, hindi malaman ni Mama ang gagawin na pag-awat kay Papa. Nakita kong dumugo ang gilid ng labi ni Anton kaya mas lalo akong kinabahan.
"Pananagutan ko po siya," mahina ngunit sapat na marinig nilang lahat ang inusal ni Anton.
Dahil do'n ay mas lalong nagalit si Papa at muling sinugod si Anton. Kinwelyuhan niya uto at isinandal sa pader.
"Matapos mong iwanan ang anak ko ng halos dalawang buwan? Magpapakita ka at sasabihing pananagutan ang anak ko?! Eh tarantado ka pala eh!" galit na ani ni Papa.
"Inayos ko lang po ang gusot sa pangalan ko, Sir. Kaya nawala ako sandali," sagot ni Anton habang hawak-hawak pa rin ni Papa ang kwelyo niya.
Umismir si Papa at padabog na binitawan ang kwelyo niya. Nakahinga akk ng maluwag at iniwas ang tingin sa kanilang tatlong biglang nanahimik.
"Nakapatay ka na ba talaga?" mabilis akong napabaling kay Mama dahil sa tanong niya. Pagkatapos ay sumulyap ako kay Anton na kasalukuyang nakayuko ang ulo.
"Hindi po," mahina niyang sagot. "Hindi po ako ang pumatay," dugtong niya.
"Pero..."
"Yung balitang kumalat no'n ay hindi totoo, nadiin lang ang pangalan ko dahil mayaman ang pamilya no'ng biktima,"
"Pero mayaman ka rin, ang pamilya mo. Kung wala kang kasalanan, bakit nakulong ka ng dalawang taon?" nagtatakang tanong ni Mama at kahit ako ay naging interasado na sa isasagot niya.
Hindi ko alam na nakulong siya at ang mga issues patungkol sa kaniya.
"Hinayaan po nila akong makulong dahil gusto raw po nila akong disiplinahin at ilayo sa gulo,"
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kisame ng room. Nakaupo na ngayon si Papa sa isang silya habang minamasahe ang sintido.
"Anong klaseng pangdidisiplina yun?" Nagtataka at naguguluhang tanong ni Mama sa kaniyang sarili.
"Malaki ang responsibilidad ng pagiging magulang, kaya niyo ba 'yun?" bigla ay tanong ni Papa.
"Nand'yan naman kayo para gabayan kami, 'diba?" nakanguso kong sabi at tanong.
"Anak, hindi sa habang panahon ay nandito kami. Huwag mong iasa ang kahat sa amin, matuto kang tumayo sa sarili mong paa, ginawa niyo 'yang magkasama kaya sabah niyong tanggapin ang responsibilidad na 'yan,"
"Pangako po, aalagaan ko si Eyan at ang magiging anak namin,"
"Hindi kayo pwedeng ikasal ni Eyan kahit na nasa legal na edad na siya, gusto kong makapagtapos muna siya ng kolehiyo bago mag-asawa. Tama na muna ang anak niyo,"
"Opo, Sir."
"Tito na lang,"
"Opo, Tito..."
---
"Anong iniisip mo?" napa-angat ang tingin ko kay Yuan nang magsalita siya. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.
"Paki mo?" umirap ako at humalukipkip sa kaniya.
"Taray, feeling nasa first trimester pa lang eh malapit ka ng manganak," natatawa niyang sabi dahilan para mangunot ang noo ko.
"Kapag talaga hindi ka lumayas sa harap ko, manganganak ako ng wala sa oras," ismir kong sagot na mabilis niyang tinawanan.
"High blood ka naman masyado, buntis. Pinapatawag ka kasi nina Sofia, nasa canteen sila ngayon," aniya.
Umirap ulit ako.
Recess nga pala ngayon at kakatapos ko lang kainin ang binaon kong mga prutas. Dahil ramdam kong gutom pa ako ay nagpaalalay ako kay Yuan na tumayo dahil medyo nabibigatan na ako sa tiyan ko.
Nakaalalay lang si Yuan habang naglalakad kami papunta sa canteen. Hindi niya rin binitawan ang siko ko kahit malapit na kami sa table nina Sofia.
"Thanks," tipid kong sabi nang makaupo na ako.
"Oy, buntis, binilhan ka namin ng mangga." pagbibida ni Dianne at inusod sa tapat ko ang mangga at alamang. Bigla tuloy naglaway ang bibig ko.
"May tinda sa canteen na mangga?" nagtataka kong tanong.
"Sa tingin mo, sa'n kami bibili niyan kung wala silang tinda?" pamimilosopo ni Vicca kaya mabilis kong hinablot ang nakapuyod niyang buhok.
"Aray, depvta!" reklamo niya. Mabilis niyang inayos ang buhok niya.
"Kaasar ah. Paanakin kita ngayon dito eh," nakaismir niyang sabi saka umirap sa'kin.
"Nyenyenye..."
"Kailan ba due date niyan? Tagal lumabas ni baby eh," pagsingit ni Jenny na ngayon ay hinahaplos ang tiyan ko.
"Kapag daw umalis ka sa lugar na 'to para 'di niya makita ang mukha mo," pang-aasar ni Elise kaya mabilis siyang binato ni Jenny ng tissue.
"Hayop ka,"
"Samedt."
Ilang palitan pa ng pang-aasar ang ginawa nila nang biglang humilab ang tiyan ko. Napatigil ako sa pagtawa at saka sinapo ang tiyan ko.
Unang nakapansin sa'kin ay si Jia hanggang sa magsunod-sunod na sila.
"Lahh? Manganganak ka na?!" hestirikal ma tanong ni Klea.
Gusto kong umirap pero dahil muking humilab ang tiyan ko ay napangiwi na lang ako.
"Pvta, tawagan niyo sina Tita, pati si Anton!"
Lahat sila ay nagpapanic habang ako ay nakangiwi dahil sa sakit ng tiyan ko.
***
(End lf Kaguluhan 28)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top