•Kaguluhan 26•
Kian Abadabo
***
"Ang laki na ng tiyan mo!" natutuwang hinawakan ni Dino ang malaking umbok na tiyan ni Eyan.
Limang buwan na siyang buntis ngayon at halatang halata na ang tiyan niya. Nandito kami ngayon ni Dino sa room nila para mambwesit ng mga babae.
"Ano ba 'yan, Dino! 'Pag 'to naging kamukha mo!" iritang anas ni Eyan saka pasampal na inalis ang kamay ni Dino sa tiyan niya.
"Kailan ka ba manganganak, Eyan? Basta ninong ako, ha!" malawak ang ngiti niyang sabi habang patalon-talon.
"Itigil mo nga ang kahibangan mo, Dino! Baka kapag naging ninong ka n'yan ay taguan mo lang sa pasko!" singit ni Jia na bahagyang piningot ang tainga ni pareng Dino.
Tinatamad akong umupo sa bakanteng upuan at nangalumbaba habang nakatingin sa kanila. Parang bigla akong tinamad mangbadtrip ngayon. Parang ako pa ata ang nabadtrip na walang dahilan, amputa.
"Shiittt!! Kian, time na!" sigaw ni Dino na basta na lang hinablot ang braso ko dahilan para muntik na akong sumubsob sa desk.
"Amputa!" binatukan ko siya pagkatayo ko ng maayos.
Napakamot lang siya sa batok saka patakbong lumabas sa room. Sumunod na rin ako sa kaniya pabalik sa room namin.
Pagkalipas ng dalawang subject ay lunch na. Sama-sama kaming pumunta sa canteen para kumain ng tanghalian nang makita namin sina Sofia na kumakain din dulong bahagi ng canteen.
Tuwang-tuwa kaming lumapit sa kanilabat nakiupo sa table nila.
"Deputa! Sikip na rito!" reklamo ni Klea nang kumalong sa binti niya si Leo.
Kaniya-kaniya kami ng hanap ng upuan sa ibang tabke bago isisingit sa upuan nila Jenny. Habang kaniya-kaniya naman sila ng reklamo na masikip na sa table.
"Uy, gago! Naiipit daw ang tiyan ni Eyan! Tangina ka talaga, Vincent may suntok ka kay Anton kapag nabingot yung anak nila!" sigaw ni Jenny nang muntik nang masubsob si Eyan sa lamesa.
Nagtawanan kami nina Sean habang si Jenny naman ay hinihila palayo si Vincent kay Eyan.
"Hoy gago, huwag naman sana!" agad na wika ni Sofia at tumuktok sa lamesa.
Naging maingay ang pwesto namin dahil sa walang katapusan nilang pag-aasaran. Yung ibang estudyante ay umiirap na lang sa amin dahil sa lakas ng boses namin sa canteen.
Pagdating ng hapon ay nagkaniya-kaniya na kami ng uwian.
---
Lumipas ang ilang buwan. Walang masyadong nangyare bukod sa araw-araw na pagtambay namin sa Henyeon park.
Ngayon, ay christmas vacation namin kaya dalawang linggo kaming walang pasok.
Kasalukuyan akong nasa mall kasama sina Vincent at Iguel dahil bibili kami ng pangregalo kay Hale na 18th birthday ngayon.
May party sa bahay niya mamayang gabi at lahat kami ay kasali sa 18-18 niyang ang daming alam.
"Ano ba ang sa'yo?" tanong ko kay Iguel habang tumitingin sa mga dress.
"Sa dress din ako kasali eh," aniya. Tumango-tango ako habang patuloy pa rin sa pagpili.
"Ang mahal naman ng mga damit na 'to!" kumunot ang noo ko nang makita ang isa sa mga price tag ng dress.
"Sinabi mo pa,"
1500 pesos?? Anak ka ng! Sa divisoria makakabili ka na ng tatlong dress nito eh! Ang mamahal talaga ng mga damit dito. Sayang pera ko!
Makalipas ang kalahating oras ay binili ko na rin ang damit kahit na labag sa loob ko. Once a life lang naman mag-18th birthdat si Hale kaya okay na siguro 'yun. Babawi na lang ako sa 21th birthday ko, mwahahha.
"Nasa'n na si Vincent? Gagong 'yun, sabi ko magtatagpo tayo rito ng alas-once," himutok ni Iguel habang palinga-linga sa paligid.
Kasalukuyan kaming narito sa loob ng Jollibee dahil kanina pa ako nagugutom. Ayaw pang um-order ni Iguel dahil wala pa si gagong Vincent.
Ikamamatay ko 'tong gutom na 'to lalo na kapag naalala ko ang 1500 ko.
"Yow! Nakabili ba kayo?" sa wakas ay bigla ring dumating ang tarantado. Katulad namin ay may bitbit din siyang paper bag.
"Anong nabili mo?" tanong ko.
"Sandals," sagot niya at umupo sa tapat ko.
"Sinong oorder sa'tin ha?" tanong ko dahil nagugutom na talaga ako.
"Ikaw na. Ikaw nagtanong eh," sabat ni Vincent kaya sinipa ko siya sa binti.
"Tangina ka, gago." ismir ko.
"Ako na lang ang o-order mga tamad," tumayo si Iguel at mabilis na umalis para pumila sa counter.
"Magkano bili mo r'yan?"
"700 pesos. Pinili ko kasi yung pinakamura," sagot niya bago humalakhak.
"Ikaw ba? Magkano 'yang dress na 'yan?" tanong naman niya.
"1500 pesos bili ko rito. Amputa, para akong naglagas ng 1500 sa isang minuto," naiinis kong sagot na tinawanan lang niya.
"Dapat kasi bumili ka na lang online, mura na nakabalot pa! Ibibigay mo na lang kay Hale!" kantyaw niya.
Umismir ako sa sinabi niya. Iyon kasi ang ginawa ni Dino at Adam dahil ayaw nilang lumabas ng bahay ngayon. Ewan ko kung anong trip nila mamaya sa birthday party ni Hale.
"Ba't 'di ikaw ang nag-order online?" angil ko pabalik sa kaniya.
"S'yempre, dahil gusto kong gumala," sagot sabay tawa.
Tawa ng tawa parang tanga.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil saktong dumating na rin si Iguel dala ang pagkain na in-order niya.
"Yown, gutom na gutom na 'ko," masayang sabi ni Vincent at mabilis na kinuha ang isang plato ng spaghetti.
"Tangnang 'to, patay gutom," bulong ko habang nilalapag ang lahat ng in-order ni Iguel.
---
Alas sais na at nakabihis na ako ng isang formal attire na nirequired ng magulang ni Hale. Sabi rin kasi nila, hindi raw pinapapasok kapag hindi nakaformal attire.
Bitbit ang dalang paper bag ay mabilis akong bumaba sa kwarto. Naabutan ko sina mama na nanunuod sa sala.
"Oh, gwapo naman ng baby pogi ko ah!" tumayo si Mama at lumapit sa akin.
Iiwas ko na sana ang mukha ko kaso mabilis niyang nakulong ang dalawang pisnge ko pagkatapos ay pinugpog
niya 'ko ng halik.
Si mama naman!
"Tapos ang bango-bango pa!" komento niya.
"May pinu-pormahan na ata 'yang si Kian eh, niligo na ang biniling pabango kahapon," naka-ismir na sabat ni ate kaya binelatan ko siya.
"Panget na nga, inggetera pa," pang-aasar ko kaya mabilis niyang dinampot ang isang basahan at binato sa'kin.
Hindi ako tinamaan dahil ginawa kong harang si mama kaya siya ang natamaan sa mukha.
"Hala, lagot!" pang-aasar ko pa bago tumakbo palabas ng bahay.
"Aalis na po ako!" sigaw ko nang makalayo.
"Huwag kang babalik ditong bwesit ka!" sigaw naman ni ate mula sa pinto.
Tumawa ako sa kaniya bago pumunta sa paradahan ng jeepney.
Pagkarating sa venue, naabutan ko sina Dino na abala sa pagpili ng pagkain na nakahain.
Marami-rami rin ang tao at sa tingin ko ay nga kamag-anak lahat ni Hale ang nandito mula sa side ng mama niya at sa papa niya. Maliban sa amin na kaklase niya at ilang kaibigan na rin naa galing rin sa Sanginamue.
Susubo na sana ako nang biglang namatay ang lahat ng ilaw sa venue. Napatigil sa ere ang kamay ko at nagpalinga-linga sa paligid.
"Hoy gago, brown out ba?" rinig kong reklamo ni Adam sa tabi ko.
"May generator naman siguro silang nakahanda, 'diba?" bulalas naman ni Leo sa bandang malayo.
"Sigu—"
"LADIES AND GENTLEMAN, LET'S ALL WELCOME! OUR BEAUTIFUL DEBUDANT WITH HER PARENTS, HALE SUAREZ!" sigaw ng emcee.
Pagkatapos ay biglang bumukas ang ilaw na nasa gitna.
Nandoon si Hale kasama ang magulang niya. Nakasuot siya ng magandang gown na light brown ang kulay.
"Si Jia ang nagdrawing ng gown na 'yan," sabi ni Henry.
Napatingin kami sa kaniya. Lahat kami ay hindi naniniwala sa sinabi niya.
Si Jia?
"Totoo nga, mga tarantado. Nakita ko mismo yung sketch pad niya," pagtatanggol ni Henry sabay irap sa'min.
"Unbelievable," sabay-sabay naming bulalas.
***
(End of Kaguluhan 26)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top