•Kaguluhan 25•

Vicca Diaz

***

"Anong kukunin mong course sa college?" napalingon si Hale sa'kin dahil sa tanong ko.

Nag-isip siya at nagkibit balikat.

"Hindi pa 'ko sure sa gusto kong kurso," sagot niya.

"Gusto kong maging nurse," nakangiti kong sagot.

"Bakit nurse? Ayaw mo bang maging doctor?" tanong naman niya.

"Pwede rin, pero mas trip kong maging nurse." natatawa kong sagot.

"Ikaw ba, Jia? Anong gusto mong maging?" binalingan ko sa Jia sa kaliwa ko.

Nagbabasa siya ng notes dahil may quiz kami mamaya sa Media. Hindi pa rin nga pala ako nagrereview. Siguro ay mamaya na lang.

Nagbago na rin si Jia dahil medyo nagkakaroon na ng laman ang bawat notes niya. Pero hindi talaga maiiwasan na maging tamad siya sa pagsusulat paminsan-minsan.

"Gusto kong maging mama mo," walang kwenta niyang sagot habang patuloy pa rin sa pagbabasa.

Ngumiwi ako at binato siya ng binilog na papel.

"Ayaw kitang maging nanay,"

"Ouch, ang sakit naman." sarkastiko niyang sabi at hindi man lang tumingin sa amin.

"Panget mo kabonding, Jia!" inis kong sabi. Nagkibit balikat siya at hindi na ako pinansin.

"Nakapag-review ka na ba, Hale?" bumaling na lang ulit ako kay Hale. Mas mabuti pang siya na lang ang daldalin ko.

Umiling si Hale pero hawak-hawak na niya ang notes niya sa Media. Napanguso ako at kinuha na rin ang notes sa Media.

Time ng recess at kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway. Kasama ko si Dianne at si Jenny. Sina Sofia naman ay nagpaiwan sa room dahil tinatamad daw silang maglakad.

"Ilan ka sa Media?" tanong ni Jenny at siniko ako.

"17 ata, ikaw ba?" sagot ko.

"Same, same lang," sagot naman niya.

"Bobo naman," kantyaw ni Dianne kaya tinaasan namin siya ng kilay.

"Bakit ilan ba nakuha mong score?" ismir na tanong ni Jenny. Pababa na kami ng hagdan.

"18," aniya saka malakas na tumawa. Hinila ni Jenny ang buhok niya kaya mabilis natigil ang paghalakhak niya.

"Isa lang ang lamang mo, gaga!" bulyaw ko. Tumawa lang siya at nagkibit balikat.

Pagkarating namin sa Canteen ay maikli lang ang pila ng estudyante. Baka nago-overtime ang nagtuturo sa kanila. Ilang beses na kaming nakaranas ng ganun, kung hindi pa paparinggan ay hindi pa kami idi-dismiss.

Mabilis kang namin naubos ang in-order dahil chips at drinks lang naman ang binili namin. Pabalik na kami sa roon nang makasalubong namin si Zenon na may dalang mga libro at kasama niya ang president nila.

Ngumisi kaming tatlo at tumingin ng nang-aasar sa kaniya.

"Yiehh!" sabay-sabay naming tukso. Mabilis na kumunot ang noo ni Zenon habang namula naman ang buong mukha nung President.

"Para kayong mga gago," iritableng sabi ni Zenon kaya nagtawanan kaming tatlo.

Tumingin ako kay President at ngumiti.

"Pagpasensyahan mo na ang kaibigan namin, mabagal kasi 'yan sa lahat ng bagay, alam mo na, torpe-torpe tulad ng ibang mga kaibigan namin," nakangiti kong sabi.

"Siraulo ka Vicca. Sarap niyong paghiwalayin ni Lance," masamang tumingin sa akin si Zenon.

Agad akong sumimangot dahil sa sinabi niya.

"Hoy! Huwag mong pakialaman ang bebe ko!" umirap ako sa  kaniya.

"Psh, makaalis na nga!" inis niyang sabi at saka iniwan si President na ngumiti lang sa amin bago humabol kay Zenon.

---

"Saan pala tayo pupunta?" nakangiti kong tanong habang naghihintay ng jeepney.

Tumingin siya sa'kin at hindi mapakali. Mukha siyang natatae sa itsura niya. Nakangiwi pa siya habang pinagpapawisan ang noo.

"Hoy, gusto mo bang magbawas muna?" nag-aalala kong tanong.

Pero umiling lang siya at bahagyang ngumiti na nauwi sa pagngiwi.

"Saan ba tayo pupunta? Bakit para kang natatae diyan? Hindi pa naman kita ipapakilala sa parents ko ah?" sunod-sunod kong tanong dahil nakakabahala ang ginagawa niya.

"I'm fine, Vicca. It's...it's just...damn," naiiling niyang sabi.

Tiningnan ko siya na para siyang nababaliw. Pwede naman siyang maging baliw pero dapat dahil sa'kin. Dapat baliw lang siya sa'kin.

"Eh, sa'n nga tayo pupunta? Para kang kabado diyan," naiinis kong sabi.

"Birthday ni Josh today and he invited me to come," sagot niya dahil narinig niya na ang inis kong boses.

"Ano? Bakit mo 'ko isasama? Hindi naman pala ako invited eh!" tinanggal ko ang naka-angkla kong kamay sa braso niya.

"Wait! Let's just go, Vicca. Makipag-ayos ka na para wala na kayong samaan ng loob. Para okay na ang lahat," aniya.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at pinanuod ang bawat jeep na dumadaan.

"Makipag-ayos ka na," untag niya.

"Ayos naman kami," sagot ko habang nakatingin sa mga taong naghihintay din.

"Ayaw mo bang magkaroon kayo ng closure?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko at inis na tumingin sa kaniya.

"Closure, closure! Di ko kailangan no'n!"

"Yes, you need it. You both need it,"

"Yesh, yow neehd eht. Yoh bot neehd eht!" panggagaya ko sa sinabi niya. Bumuntong hininga siya at hinila ang kamay ko palapit sa kaniya.

"Kahit papaano naman ay minahal mo si Josh kaya dapat magkaroon kayo ng closure," bulong niya.

Sumimangot ako at dinama ang mabango niyang amoy. Pinag-iisipan ko pa ng mabuti ang sinasabi ni Lance dahil hanggang ngayon ay may galit pa rin kami sa isa't isa ni Josh.

Siguro siya, galit sa'kin dahil naagaw ko si Lance sa kaniya. Tapos ako, galit sa kaniya dahil sa ginawa niyang pangloloko sa'kin dati.

"Sige na nga," mahina kong usal. Nakasimangot pa rin ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ng kamay niya.

"Are you sure?" naninigurado niyang tanong.

Napairap ako dahil do'n.

"Huwag na pala. Nagbago na ang isip ko!" naiinis kong sabi.

Tumawa siya at bahagya akong niyakap sa baywang. Alam kong namula ang buo kong mukha dahil sa ginawa niya. Pero yumakap na lang din ako pabalik sa baywang niya.

Namumuo ang pawis sa noo ko nang makapasok kami sa subdivision na tinitirahan nina Josh. Mula rito ay may maririnig na tugtog mula sa 'di kalayuang bahay.

"Maganda pa rin naman ako kahit kinakabahan, 'diba?" peke akong tumawa at pinaypay ang kamay sa tapat ng leeg. Pati leeg ko ay pinagpapawisan na rin.

Narinig ko ang nakakalokong tawa ni Lance kaya tinulak ko siya ng mahina palayo sa akin.

"H'wag mo 'kong tawanan," inis kong usal pero tinawanan lang niya ulit.

"You're so beautiful, my Vicca. Don't worry too much, mapapatawad niyo rin ang isa't isa," aniya. Lumunok ako ng laway at tumango-tango.

"Eh, pa'no kayong dalawa? 'Diba dapat may closure rin kayo?" bumaling ako sa kaniya.

"Sabay-sabay na tayong tatlo para isahan na," nakangiti kong suhestyon pero umiling siya.

"The closure for us was already done," aniya.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit hindi ko alam?" tanong ko kasabay ng pag-irap ko sa kaniya.

"Well, I'm sorry. Don't make it a big deal, Vicca. At least ay may closure na kami," sabi pa niya sabay hawak sa kanang kamay ko.

"Whatever," pairap kong sagot at saktong tumapat na kami sa gate ng bahay nina Josh.

"We're here," anunsiyo niya. Umirap ulit ako.

"Alam ko," irita kong sagot. Narinig ko na naman ang mahina niyang pagtawa.

"Hi!" muntik na akong matipalok nang biglang sumulpot sa harapan ko ang isang babae.

"Kyla?" tawag ko sa pangalan niya. Ngumiti siya at nakipagbeso sa akin.

Kilala ko siya dahil isa siya sa mga kabarkada ni Josh. Naipakilala niya rin ako sa kanila noong kami pa. Mabait si Kyla at mahinhin na babae. Pwede na siyang maging si Maria Clara ng modernong panahon.

"Hinahanap niyo ba si Joshie?" tanong niya kasabay nang pagsulyap kay Lance sa likuran ko.

"Hehe, oo. May sasabihin lang sana ako," nakangiti kong sagot at pinigilan ko ang sarili kong mauwi iyon sa ngiwi.

"He's right there," itinuro niya ang kumpol ng mga kalalakihan sa isang table.

"Wow, daming boys ah?" nakangiwi kong komento.

"Hindi pa sure 'yan," natatawa namang sagot ni Kyla na agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin.

My goodness. Ki popogi pa naman!

"Josh! Vicca is here!" sigaw ni Kyla dahilan para lumingon si Josh sa amin.

Una niya akong nakita bago si Lance. Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya nang makita kami.

Pero lumapit pa rin siya.

"I don't remember inviting you here?" nakataas kilay niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Napakagat ako sa labi at pinigilang sapakin siya.

"Makaalis na nga! Ang maldita naman ng mga tao dito!" pairap kong hinila ang braso ni Lance pero hinila niya lang ako pabalik sa pwesto ko kanina.

Nginisian ako ni Josh kaya inirapan ko siya. Kapal ng mukha!

"Happy birthday, Joshie." kaswal na bati ni Lance at nagbeso pa sila sa harapan ko!

Kumunot ang noo ko habang masama ang tingin sa kanilang dalawa.

"Thank you, Lancey!" nakangiti naman na sagot ni Josh.

Mas lalong kumunot ang noo ko.

Lancey?! Lancey?!

Ngumiti si Lance. "Vicca wants to talk to you," bigla ay sabi niya.

Hindi ako makapaniwalang bumaling sa kaniya.

"Ano?!" hindi ko mapigilang sigaw.

Bago pa makasagot si Lance ay hinila niya na ako pasunod kay Josh sa likod ng bahay nila.

"I'm sorry," iyon kaagad ang bungad sa akin pagkarating sa likod ng bahay.

Nagugulat akong tumingin kay Josh. Teka, ang bilis naman ata?

Sorry agad? Wala munang sabunutang mangyayare?

Walang thrill.

Bumuntong hininga ako at  pumikit.

"Sorry din," mahina kong sabi.

Kaming dalawa lang ang nandito dahil iniwan kami ni Lance.

Lumapit siya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"I really loved you, Vicca. No lies. Lahat ng pinakita at sinabi ko sa'yo no'n ay totoo lahat. Pero parang may kulang pa rin kahit na I'm so inlove with you. Hindi naman lingid sa kaalaman natin ang tunay kong gender but I accepted the fact that I fell inlove with you. Masaya ako dahil nakilala kita but the moment I saw Lance parang biglang boom! Nagawa ko ng magsinungaling sa'yo. I'm really sorry for that, Vicca." tumigil siya at huminga ng malalim.

"I'm happy for the both of you, Vicca. Kay Lance naman, I realized that my feelings for him was only infantuation. I'm sorry and I forgive you," aniya.

Ngumuso ako at pinigilan ang maiyak sa sinabi niya.

"Minahal din naman kita pero ewan ko ba at mas malalim ang nararamdaman ko kay Lance. Sorry din at kalimutan na natin ang lahat," natatawa kong sabi.

Ngumiti siya at pinisil ang dalawa kong kamay.

"Sure. Let's be friends?"

"Pag-iisipan ko,"

"Gaga,"

"Same to you,"

***

(End of Kaguluhan 25)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top