•Kaguluhan 24•

Elise Fernando

***

"Anong mangyayare kapag tinusok ko ang kutsilyo sa loob ng ulo mo, Vincent?" nakangiti pero gigil na gigil na ako sa gunggong na 'to.

Tahimik akong naghihiwa ng papaya dito sa kusina nina Sofia. Tapos bigla niya akong susundutin sa tagiliran. Muntik ko na maisaksak sa kaniya ang kutsilyo! Buti na lang talaga at napigilan ko agad ang sarili ko.

"Ang seryoso mo kasing maghiwa, Elise. Parang galit ka pa diyan sa kawawang papaya. Ini-imagine mo bang si Gio 'yan?" nakangisi niyang tanong. Ni hindi man lang natakot na baka totohanin ko ang sinabi ko.

"Wala kang kwenta kausap kaya lumayas ka sa tabi ko," inis kong sabi pero tinawanan lang niya. Napapikit na lang ako ng mariin at bumuntong hininga.

Nawawala talaga ang magandang vibes sa katawan ko kapag naririnig ang pangalan ni G— nevermind. Bwesit na multong 'yun. Huwag lang siyang maghabol sa'kin dahil hindi ako marupok!

"Elise, nagchat sa akin si Gio!" sigaw ni Vicca mula sa living room. Napatigil agad ako at lumapit sa kaniya.

"Anong sabi? Bakit sa'yo nagchat?" Tanong ko, nagtataka.

Wala pang ilang segundo ay malakas silang nagtawanan.

"Si Giovanni Natividad ang nagchat," tumatawang sabi ni Vicca.

Nanggigil na hinila ko ang buhok niya. Mabilis siyang tumakbo palayo habang patuloy sa malakas na paghalakhak.

Umirap ako bago bumalik sa kusina.

Napagkasunduan naming tumambay dito sa bahay nina Sofia na hindi naman niya tinanggihan. Kahit ang magulang niya ay tuwang-tuwa pa dahil sa pagtambay namin.

Masaya silang nagkekwentuhan sa labas, sa garden nina Sofia. Habang kasama ko naman ang mga katulong nina Sofia na magluto ng kakainin namin dahil nagpresinta rin ako.

Hobby ko ang pagluluto kaya nagvolunteer na ako at isa pa ay hindi ko naman kargo ang gastos sa mga ingredients.

"Matagal pa ba 'yan, Elise?" tumabi sa'kin si Eyan habang may bitbit na mansanas.

Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya na may kaunting umbok. Bago ko ibinalik ang tingin sa mukha niya.

"Mga 20 minutes pa. Bakit gutom ka na ba? Gutom na ba si baby?"  tanong ko habang patuloy na hinahalo at nilulutong tinolang manok.

Umiling siya. "Hindi naman pero 'yung mga gago sa labas ang panay reklamo na gutom na sila," nakangiwi niyang sagot.

Kumunot ang noo ko at pinatikim sa kaniya at kaunting sabaw.

"Okay na ba?" tanong ko.

Tumango siya. "Oo. Pwede ka ng mag-asawa," natatawa niyang aniya.

Tumawa rin ako pero mabilis ding sumimangot.

Tinulungan ako ni Eyan na sumandok ng ulam at kanin. Hinain namin sa mahabang dining area nina Sofia na halos kasya kaming magkaklase kapag pumupunta dito.

Tinulungan rin kami nina Hale na pumasok sa loob. Samantalang ang mga boys naman ay ka-video call si Gavin. Paniguradong iniinggit lang nila si Hennes.

"Kamusta?" nakangiti akong kumaway nang tumapat sa mukha ko ang cellphone ni Jenny.

Bahagyang kumaway si Gavin na sa tingin ko ay nakatambay sa labas nila.

[Deym, gusto ko rin ng tinolang manok ni Elise,] sabi niya sabay tawa.

"Padalhan kita diyan, gusto mo?"

[Magluluto na lang kami dito, 'diba babe?] Mula sa mukha niya ay nilipat niya iyon sa kasalungat niyang direksyon kung saan nakita ko si Alicia na nagbabasa ng libro. Ni hindi niya napansin na tinapat sa kaniya ni Gavin ang camera.

"Babe? Omg! Kayo na?" mangha kong tanong.

Humalakhak si Gavin bago niya binalik ang camera sa tapat ng mukha.

[Alam mo naman na maawain ako sa mga babaeng nagmamakaawa sa'kin, 'diba?] tatawa-tawa niyang sabi kasabay ng pagtama ng pabilog na papel sa mukha niya.

Mukhang binato siya ni Alicia nang marinig ang sinabi ni gago.

"Ang yabang mo ah," nakangiwi kong usal.

[Gwapo ako eh,]

Kibit balikat niyang sagot. Magsasalita pa sana ako ng magback sa homescreen ang cellphone ni Jenny. Bumungad sa akin ang wallpaper niya na alam kong ito ang gamit na profile ni Ian sa Instagram.

Tumawa ako ng malakas at saka binalik ang cellphone kay Jenny. Nanlaki ang mata niya at mabilis na hinila ang buhok ko.

---

Mayaman sina Sofia at talagang malaki ang bahay nila. Kaya hindi nakakapagtaka mayroon silang mini-sinehan dito sa bahay nila.

Kasalukuyan kaming naghahanap ng sari-sariling pwesto. Ang iba ay naglatag ng makapal na kumot sa sahig at ang iba naman ay inukupa ang mga malalambot na sofa.

Umalis ang magulang ni Sofia dahil may biglaang meeting sa trabaho.

"Bakit kaya sa public ka pinag-aral ng magulang mo, Sofia?" tanong ni Dino. Nakayakap siya kay Zenon na walang pakialam

"Ako naman ang nagrequest na sa Sanginamue mag-aral. Pinagbigyan lang nila ako, pero sa London ako magco-college," nakangiting sagot niya.

"Wow, si Gavin nasa Canada tapos ikaw sa London. Sino pa riyan ang mag-iibang bansa?" tanong ni Kian na tumayo at humarang sa malaking screen.

Tumaas ng kamay si Yuan.

"Sa Mexico ako," mayabang niyang sagot.

"Tagala?" paniwalang-paniwala na bulalas ni Iguel.

"Mexico, Pampanga!" tapos ay malakas siyang humalakhak. Mabilis siyang sinakal ni Rence na katabi niya. Nagtawanan kaming lahat sa sagot niya. Gunggong talaga.

"Hindi ako magco-college," nakasimangot na sabi ni Dianne kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya.

"Bakit?" tanong ko.

"Sabi ni Papa kailangan ko raw magpakasal sa anak ng kaibigan niya sa New York dahil nalulugi na ang company namin dito. Kailangan kong maging isang mabuting asawa kaya baka 'di na ako makapag-college dito. Sa New York na ako titira, guys." Suminghot-singhot siya at pinunasan ang invisible na luha sa pisnge.

Mabilis na hinablot ni Eyan at buhok niya kaya malakas siyang tumawa.

Napabuntong hininga ako. Bakit ba nag-expect ako na seryoso ang isasagot niya? Haystt...

Kinabukasan, araw ng lunes pero walang pasok dahil basa ang panty ng principal.

'Di, joke lang.

Holiday ngayon dahil National Heroes Day. Mabuhay ang magigiting nating mga bayani pati na ang mga taong pinaglaban ang kanilang one-sided love!

"Elise, may bisita ka!" narinig ko ang sigaw ni mama mula sa baba. Napilitan akong bumangon at hindi na nag-abala pang magsuklay at magsuot ng bra.

Paniguradong sina Hale o sina Nena lang 'to. Bukod kasi kina Sofia ay paborito rin nilang tumambay sa bahay namin.

Wala namang reklamo sina Mama dahil gusto nilang laging may bisita sa bahay. Pero ako, ayukong may bisita.

Irita akong bumaba at talaga sinadyang kong sumimangot para sabihin sa mga bruha na hindi sila welcome ngayon.

"Kakatambay niyo lang kina Sof—GIO?!" Muntik na akong magkamali ng pag-apak sa huling baitang ng hagdan. Mabuti na lang at mabilis akong nakahawak sa hawakan ng hagdan.

"Anong ginagawa mo dito?" tumaas ang kilay ko sa kaniya.

Pormal siyang nakaupo at talagang nagkakape pa.

"I'm visiting you," aniya.

"Wala akong sakit para bisitahin mo." ismir kong sagot.

"I'm glad you're not sick, Elise. Gusto mo bang pumunta sa Henyeon?" tanong niya at tumayo.

Kumunot ang noo ko. Bakit kung umasta siya ay akala mo hindi niya 'ko ghinosted ng ilang buwan? Aba't, ang galing naman ng former SSG President na 'to.

"Bakit ako sasama sa isang ghoster?" umingos ako sa kaniya.

"What?"

"What?" Ginaya ko ang ekspresyon niya.

"Naging busy ako kaya 'di ko nagawang magchat sa'yo, okay. Ayuko rin namang magchat kasi busy ka rin," aniya.

Kailan ako naging busy? Salaksakin ko siya sa ngala-ngala eh.

"Sinungaling. Akala mo 'di ko alam na may lagi kang kasamang babae sa school?" taas kilay kong sagot.

"Si Patrice? Kaibigan ko siya," Kalmado niyang palusot.

"Umuwi ka na nga," naiinis kong sabi.

"But, we have a date!" reklamo agad niya.

"Um-oo ba ako, ha?" sigaw ko. Bahagya siyang nagulat sa sigaw ko.

"Maybe next time, right? I'll date you, next time." tumatango niyang aniya.

Kumunot ang noo ko nang magflying kiss siya sa'kin bago tuluyang umalis.

"Ang gulo ng utak ng lalaking 'yun," bubulong-bulong akong pumunta sa kusina.

***

(End of Kaguluhan 24)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top