•Kaguluhan 21•
Gavin Hennes
***
"Quit staring, Gavin." inirapan niya ako.
Binasa ko ang labi ko gamit ang dila habang nakatingin pa rin sa kaniya. Nakita niya 'yun kaya mabilis niyang binato ang hawak na libro sa direksyon ko.
"I hate you!"
Humalakhak ako para mas lalo siyang maasar.
Si Alicia, siya ang nagtatanggal ng pagkabagot ko sa bahay. Lagi kasi siyang nakatambay sa labas kaya madalas na tumatambay na rin ako sa garden namin. Wala naman akong ginagawa kundi ang asarin siya.
"You hate me? Parang noong isang linggo lang ay nilaplap mo ang labi ko ah?" Natatawa kong sabi kaya agad na nanlaki ang mata niya at tumingin sa paligid.
"Shut up. It was just a smack!" mahina pero may halong gigil na sabi niya.
Tumawa ako at humigop ng tinimplang juice. Pagkatapos ay tiningnan ko ang cellphone baka sakaling may nag-chat sa akin.
Pero amputa, wala man lang nakaaalala sa akin. Mga traydor, fake friends sila!
"By the way, where were you yesterday?" narinig ko tanong niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Ngumisi ako. "Hinahanap mo 'ko kahapon?" tanong ko. Tumaas ang isang kilay niya.
"Obvoiusly, dahil nasa iyo ang isang book ko. You forgot to give it back, where is it?" aniya kaya napasimangot ako.
"Bakit ba ang sungit mo? Akala ko ba gusto mo 'ko?" naaasar kong sabi dahilan para kumunot ang noo niya.
"I'm just asking you to handover my book, anong masungit doon? And why are you bringing back about my freakin' confession?" kunot noo niyang aniya at saka nag-cross arm.
Nilapag ko ang basong hawak at saka humalukipkip habang nakatingin sa kaniya.
"Magdate tayo mamaya!"
Umingos siya.
"What? I'm busy. May quiz kami tomorrow. Maybe next time, Gavin." she said. Napasimangot ako at bumagsak ang balikat.
"Magiging busy din ako next time eh. Baka 'di tayo makapag-date, tss." naiinis kong sagot.
Napabuntong hininga siya at lumabas sa gate nila. Pumasok siya sa garden namin at umupo sa katapat kong upuan. Ngumiti ako ng matamis sa kaniya at umirap lang siya bilang sagot.
Ang galing! Ang sweet talaga!
"Let's just date here. What do you think?" aniya.
Napa-isip ako.
"Lagi naman tayong nandito eh, pero sige na lang para walang gastos," sabi ko at tumango-tango.
"Alright, what are we going to do?" taman niyang tanong.
Tignan mo, napipilitan pa ata ang babaeng 'to. Puro review na lang lagi ang inaatupag. Wala na siyang time sa akin.
Teka, wala pala kaming label. Tss,
"Magluto na lang tayo ng lunch together. Marunong ka naman sigurong maghiwa ng mga gulay, 'diba?" tumayo ako at hinila siya papasok sa bahay namin.
Wala ngayon sina Mama dahil nasa business trip sila ngayon kasama ang magulang ni Alicia. Kaya sa malamang, kaming dalawa ni Alicia ang naiwan sa bawat bahay namin.
"Anong lulutuin natin?" tanong niya habang pinapanuod akong kumuha ng mga ingredients sa ref.
"Chapsuey. Paborito ko 'yun eh," nilapag ko sa itaas ng island ang mga sangkap.
Tiningnan niya ito at ngumiwi nang makita ang dalawang pirasong mais.
"I don't eat corn," maarte niyang aniya.
Ngumiwi rin ako. "'Yan nga ang dahilan kung bakit naging favorite ko 'to," sabi ko.
"Really? So, favorite mo ang corn?" aniya habang hinuhugasan ang mga gagamitin.
Umiling ako sa kaniya. Lumapit ako at nakihugas ng kamay.
"Sa chapseuy ko lang paborito ang mais. Teka, bakit pati kamay ko hinuhugasan mo?" nakangisi kong itinaas ang kamay ko na hawak-hawak niya.
Tumingin siya doon bago kumindat sa'kin.
"We're not just simply cooking for our lunch. It's our date. So, we should be more sweet today," aniya at bahagyang hinalikan ang kamay ko.
Pvta, kinikilig ako! Nyahahaha.
"Paano ako magluluto kung magkahawak ang kamay natin?" tanong ko. Hinila ko siya at niyakap sa baywang.
"Right, yayakap na lang ako sa likod mo habang nagluluto ka," natatawa niyang aniya bago umalis sa pagkakayakap ko.
"But before that, maghihiwa muna ako ng mga ingredients,"
---
Nagising ako dahil sa malakas na ringtone ng cellphone ko. Pucha, sino kayang bwesit ang tumatawag sa madaling araw!
Siguraduhin lang na importante 'to...
"Ano?! Istorbo kayo sa tulog, tarantado!" irita kong bungad pagkasagot ng tawag. Narinig ko ang halakhakan ng mga gago.
[Gagu, sabi sa inyo eh, tulog pa 'yan!] rinig kong sigaw ng isa sa kanila. Hindi ko kilala kung sino.
[Gising na naman eh!] katwiran ni Vincent .
"Bobo," pinagmumura ko sila habang nakahiga pa rin. Hindi ko binuhay ang lamp shade kaya kadiliman ang nakikita nila.
[Gavin! Gavin! May chismis kami sa'yo!] masayang sabi ni Dino na sumingit kay Vincent.
Nasa Henyeon park ata sila, base sa background nila. Naka-uniform silang lahat kaya paniguradong kakatapos lang ng klase.
"Anong chismis? Spill the tea, ses." Nawala ang pagkabadtrip ko. Kaya siguro nakisabay ako sa daloy ng usapan.
[Si Eyan kasi dinugo, noong isang linggo pa. Pasensya ka na kasi ngayon lang namin na chismis sa'yo. Naging busy kaming lahat dahil puro quiz nung isang linggo,] ngumuso si Dino. Mabilis na tinulak ni Rence ang mukha niya palayo sa screen.
Mukha niya at ni Vincent ang halos sumakop sa screen.
"Dinugo? Bakit? Okay na ba siya ngayon? Eh 'yung baby?" sunod-sunod kong tanong.
[Eh kasi may tumulak kay Eyan 'yung jowa ni Henry na bitch. Pero okay na naman si Eyan at 'yung baby kasi nadala agad sa ospital.] tumatangong sagot ni Rence.
Napatango na rin ako kahit na hindi naman nila nakikita.
"Pinarusahan ba?" tanong ko.
[Pinarusahan? Sino?] untag ni Vincent.
"Yung tumulak, malamang," napangiwi ako. Napakamot ako sa ulo.
'Yung nasa taas, 'di sa baba.
[Ah, ewan ko. Parang ayaw ni Eyan. Teka—kaya nga pala kami tumawag ay para maki-chismis din!] sumingit naman si Kian.
"Anong chismis sa'kin? Wala akong baong chismis para sa inyo," kunot noo kong sagot.
[Teka, nasaan ka ba? Ba't ang dilim naman diyan sa inyo?] Kumunot ang noo nilang tatlo na nakaharap sa screen.
Bahagya akong natawa saka binuksan ang ilaw sa kwarto. Muli akong humiga sa kama.
[Yown, pogi naman ni papa Gavin,] pinaliit ni Adam ang boses niya na nakisilip sa camera.
Nagdirty finger ako. At ganun din siya.
[May nakita kasi kaming post ni Alicia. Nakayakap ka sa kaniya habang tulog ka sa sofa. Hoy gago, kayo na?]
"Post? Friend niyo si Alicia?"
Humalakhak ang tatlo sa tanong ko.
Bakit 'di ko nakita ang post ni Alicia?
[Sa instagram namin nakita, bobo.] tumatawang sagot ni Vincent.
Ah, kaya pala. Hindi ako active sa instagram. Mas gusto kong magbabad sa facebook dahil maraming memes doon. 'Yun na lang ang dahilan kung bakit ako tumatawa.
"Tapos? Anong chismis doon? Eh ikakasal naman kami pagka-graduate ah,"
[Bwahaha, maagang matatali ang ating kaibigan. Kailangan nating makiramay sa kaniya,]
"Gago,"
***
(End of Kaguluhan 21)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top