•Kaguluhan 2•

Vincent Basdien

***

"Hi, Tala!" kinaway ko ang kamay ko at matamis na ngumiti sa kaniya. Kasalukuyan ko kasing hinihintay ang ID ko na itinext ko kay ate Vanice at sakto naman na dumaan si Tala sa harapan ko.

At katulad ng inaasahan,  inarapan niya ako at dire-diretsong naglakad papasok sa school. Nagkibit balikat ako at sumipol-sipol habang tinitingnan ang mga estudyanteng papasok sa school.

"Uy, pre!" nakipag-fist bomb ako kay Tristan na ngumunguya pa ng bubble gum.

"Anong strand ka?"

"Humms. Ikaw, pre?"

"Humss din. Nice! Nice! Baka magkaklase tayo!"

Tumawa ako at nakipag-apiran sa kaniya. Ayos lang naman kung maging kaklase ko siya. Hindi naman ako maselan sa kaklase.

"Tara na!" tapik niya sa balikat ko.

"Wala akong ID. Hindi ako pinapapasok ni manong guard."

"May magdadala ba ng ID mo ngayon, pre?"

Tumango ako.

"Na-text ko na si ate Vanice, pre. Baka parating na rin 'yon."

Tumango din siya. "Sige, hanapin ko lang classroom ko."

"Pakitingnan din kung magkaklase tayo!" pahabol kong sigaw at kinaway lang niya ang kamay niya hang patakbong naglalakad papasok sa school.

Ilang minuto lang mula nang umalis si Tristan ay dumating na rin si ate Vanice. Pero siyempre, binatukan niya muna ako bago binigay yung ID. Ang galing. Parang nasira ata ang batok ko. Taena.

Sinuot ko na iyong id.

"Uy!" may biglang tumapik sa balikat ko. Muntik pa akong magkamali sa pag-akyat sa hagdan dahil sa gulat. Anak ng?!

Marahas akong lumingon sa hangal na humawak sa macho kong balikat. Habang kunot na kunot ang noo.

"Tang— Sofia?" banggit ko.

"Kaklase mo sina Zenon ah. Nakausap ko sila kanina doon sa canteen." sabi niya. Sumabay na siya sa paglalakad ko.

"Ah. Saan ba banda ang classroom namin para 'di na 'ko mahirapan sa paghahanap?" nagbabakasali kong tanong sa kaniya.

"Hindi ko alam. Nabanggit lang naman nila na kaklase ka nila eh. Eh kung puntahan mo na lang kaya sila sa canteen, baka nandoon pa rin ang mga 'yon."

Umiling-iling ako.

"'Wag na. Maghihintay na lang ako. Nakakatamad na bumaba eh." nakangiwi kong sabi.

Tumatango-tango siya at nagkibit balikat.

"Nga pala, nanliligaw ka pa rin ba hanggang ngayon kay Tala?"

"Oo. Kaso magpapahinga muna ako ngayong week, sobrang suplada eh." napakamot ako sa batok at bumalik lahat ng pagsusungit ni Tala na habang tumatagal ata ay lumalala. Imbis na mapaamo ko ay lalo lang nagiging galit.

Pero siyempre, hindi ako susuko. Gustong-gusto ko siya eh, kaya binabalewala ko lahat ng pagsusungit niya na minsan ay nakakakilig. Pasasaan ba at mapapaamo ko rin siya?

---

"Tala?!!" gulat kong usal nang makita siyang pumasok sa loob ng classroom.

Wait! Ibig sabihin, kaklase ko siya?!

Pwede ba 'kong kiligin ngayon? Hooooo, tangina. Hahahahaha!

Kumunot ang noo niya at inirapan ako. Okay. Masungit pa rin pero pesteng yawa, kinikilig ako. Woahhh.

Tangina, mukha akong babae pero nakakakilig talaga ang tadhana.

Mabilis akong tumayo at lumapit sa kaniya. Medyo malayo ang inukupa niyang upuan mula sa akin.

"Wow." namamangha kong sabi.

"Naging kaklase rin kita sa wakas, beybeh!"

Marahas siyang lumingon sa akin. Kunot na kunot ang noo. Pero maganda pa rin siya, tangina.

"Pwede ba?! Lubayan mo 'ko!" irita niyang aniya.

Nanatili ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa mukha niyang hindi na halos maipinta.

"Ang ganda mo pa rin kahit galit ka." hindi ko mapigilang komento.

Nagtilian ang lahat ng nasa loob ng classroom kaya napangisi ako. Namula si Tala at pairap akong tinalikuran.

"Iba ka talaga, Basdien!" kantyaw ni Tristan.

"Ang galing mo, beybeh!" sigaw ni Kian. Hanggang dito kaklase ko pa rin siya.

Lumingon ako sa kanila saka pabirong nagflying kiss. Tapos ang mga tanga, sinambot nga. Mga pashnea!

Pagkatapos ay bumaling ulit ako kay Tala ma'beybeh.

"Babalik muna ako sa upuan ko ah? Lilingon ka lang doon kapag namiss mo 'ko."

"Tsk."

Halos mapunit na ang ngiti ko habang pabalik kina Kian. Ilang pambabatok pa ang nakuha nang makarating ako.

"Pvta." gumanti rin ako, s'yempre.

"Kinikilig ang utong ni Basdien," pang-aasar ni Adam, pati hanggang dito, sinundan nila ako.

Si Paul, Jorsrael at Yuan lang ata ang hindi ko kaklase. Tapos sa babae, tanging si Nena lang ang naging kaklase namin.

"Nena, ba't ang layo mo sa amin?" nagtatakang sabi ni Dino. Nagtumpukan kasi kami sa pinakadulo tapos si Nena lang yung medyo malayo sa amin.

Tiningnan niya kami at ngumiwi.

"Ang iingay niyo. Tapalan ko ng basahan 'yang mga bibig niyo e." irita niyang aniya. Nagkatinginan kaming mga lalaki at nagkibit balikat.

"Badtrip ka ba Nena?"

"Oo kapag 'di pa kayo nanahimik." mataray niyang sagot. Nagtawanan kami ng mga gago.

"Uy, badtrip si Nena kasi 'di niya kaklase sina Eyan!" pang-aasar ni Rence.

Sinamaan kami ng tingin ni Nena. Buong akala ko ay tatayo siya at lalapit sa amin para sabunutan kaming lahat pero isang himala ang nangyare, inirapan niya lang kami at hindi na namansin.

"Wow. 'Di na sadista. Nagbabagong buhay ba sila?" komento ni Sean na nasa pinakadulong upuan.

"Oo nga. Pansin niyo rin pala? Kanina kasi kausap ko si Eyan, hindi niya na ako binabara, it like a miracle boys!" sabi pa ni Iguel.

Napatango-tango ako. "Oo nga, 'no? Ang bait din kasi ni Sofia kanina habang kausap ko eh."

"Mga gago. Baka naman narealize nilang masyado na nila tayong inaapi kaya nagbabagong buhay na sila?" pagsabat naman ni Kian.

"Hindi rin eh. Kasabay ko kanina si Dianne, eh ako pa rin naman ang pinagbitbit niya ng bag niya." maktol ni Leo.

"Okay lang yun, tol. Atleast gentlemen ka." pagpapalubag loob ni Dino sa katabi niya.

---

Recess time...

Kasalukuyan kaming bumababa para pumunta sa canteen. Kasama ko sina Adam, Zenon, Iguel at yung iba pa. Pagdating namin sa canteen, nakita namin yung mga girls na magkakasabay kumain sa iisang table kasama rin nila sina Paul. Josrael at Yuan.

Dito sa canteen ng Sanginamue National High School, meron talaga silang nilagay ng table para sa madamihang estudyante. Kapag iyong madami kayong magbabarkada. Kami lagi yung nakakagamit ng table na yun eh.

"Yow wazzup!" bati ni Dino sabay tabi kay Hale.

"Kamusta first day?" tanong naman ni Vicca na ngumunguya pa ng pagkain.

Tumabi ako sa kaniya at walang pasabing kumuha ng kinakain niya. Akala ko aangal siya pero hinayaan niya lang ako pati sina Iguel na nakikuha rin.

"Ayos lang naman diba, Vincent?" napatingin ako kay Nena dahil sa sinabi niya.

"Huh?" parang tanga. Bakit ako?

"Balita ko kaklase mo daw si Tala?" halatang may pang-aasar ang tono ni Eyan tapos napa-ismir naman si Jenny na katabi nito. Hindi pa rin makamove on kay Tala at pareng Ian.

"Kung gutom kayo, bumili kayo ha! 'Wag puro dukot sa pagkain ko. Anaknampucha naman oh!" maktol ni Klea. Naubos pala ng mga gago yung pagkain niya.

"Naku, 'yong pangako mong babawi sa Senior High mukhang magiging bato. May distraction eh." natatawang komento ni Jia kaya napanguso ako.

"Ang sama naman ng tabas ng dila mo, Jia. Gagawin kong inspiration si Tala, hindi distraction," ismir ko sa kaniya.

"Porque wala kang crush eh." pahabol ko dahilan para asarin siya ng mga gago.

"Excuse me?!!" OA niyang sabi, nanlalaki pa ang butas ng ilong. "FYI, may crush ako. Walang binatbat 'yang mukha mo sa kagwapuhan niya! Ha!" dinuro niya ang mukha ko.

"FYI din," ginaya ko ang pagsasalita niya. "Walang sino man ang makakatalo sa kagwapuhan ko!"

"Kahibangan." -Iguel.

"Katangahan." -Adam.

"Kasinungalingan." -Josrael.

"Meron pang ako, gago." -Kian.

"Kabobohan." - Sean.

"Nagpapatawa ka ba?" -Yuan.

"May Rence pa, ulol." -Rence.

"Sapaw ka lang sa mundong ibabaw, tanga." -Henry.

"Sa ating lahat, alam naman nating ako iyong gwapo, diba?" -Paul.

"Tanginang mga mukha 'yan, parang paa ko lang." -Chris.

"Manahimik na kayo." -Zenon.

"Ang kagwapuhan ko ay laging nangingibabaw." -Dino.

"Mga bobo." -Leo.

Kaniya-kaniyang angal ng mga gago. Yung iba hindi nakatiis at talagang binatukan pa ako. Pucha naman! Parang mga tanga.

"Pwede ba? Lahat naman kayo gwapo," sabo ni Sofia dahilan para mapangiti kaming mga lalaki.

"Oo. Mga gwapong tanga," pagsabat pa ni Eyan at nagtawanan silang mga babae.

***

•End of Kaguluhan 2•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top