•Kaguluhan 19•
Chris Pines
***
Nagkakagulo ang lahat dahil sa pagkapanalo nina Josrael sa laban nila ngayon. Hindi mahirap hulaan ang naging laban nila dahil sa umpisa pa lang ay tinambakan na nila ang kalaban.
Magagaling ang naging teammates nina Yuan kaya medyo naging lamang ang grupo nila. Sa pagkakaalam ko, kami ang sunod na maglalaban.
"Mukhang 50/50 ang laban natin mamaya," natatawa kong sabi kay Adam. Umismir siya at ngumiwi. Alam kong naiintindihan niya ang sinabi ko.
"Hindi nagpapatalo si Josrael sa basketball. Ni hindi pa ata natatalo 'yan eh," sumingit sa gitna namin si Sean.
"Mukha bang hindi namin alam?" angil ko. Parang tanga, malamang alam namin dahil lagi kaming naglalaro. Magsasalita na nga lang, wala pang kwenta.
"Pftt, goodluck sa'tin mamaya," sabi pa niya at nagfighting. (Alam niyo naman siguro kung pa'no yun, haha.)
Napailing ako nang umalis na si gago. Bukas magaganap ang laban dahil paaado alas-singko na ng hapon. Kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa gate.
Pagkarating sa bahay, mabilis kong nakita si Mama na mag-isang nag-iinom. Ito na ang pangatlong beses ngayong linggo na naabutan ko siyang ganito.
Dinidibdib niya pa rin ang pagtataksil sa'min ni Papa hanggang ngayon.
"Ma, ano na naman ba 'to? 'Diba sabi ko huwag ka ng iinom?" Sermon ko sa kaniya. Hindi niya 'ko pinansin at inisahang lagok ang alak na nasa baso.
Napailing ako at kinuha ang bote na halos kalahati na ang nabawas. Pilit niyang inagaw pero hindi ko siya pinagbigyan.
"Hayaan mo na kasi ako, anak. Last na 'to, promise!" sabi niya sabay taas ng kanang kamay na parang nanunumpa.
Umingos ako sa kaniya dahil ganun din ang sinabi niya noong isang araw na naglasing siya.
"Ma, kailan ka ba magmomove on?" nilapag ko sa baba ang bote at mabuti na lang na 'di niya na sinubukang kunin pa.
Humikbi siya hanggang sa maging iyak na. Sumandal siya sa dibdib ko at doon umiyak ng umiyak. Wala akong ginawa kundi ang haplusin ang buhok niya. Kailan ba niya makakalimutan si Papa?
"Minahal ko siya ng buo. Naging mabuti akong asawa sa kaniya. Naging isang mabuti akong ina sa anak niya. Ano bang kulang sa'kin? Bakit ba niya nagawang ipagpalit ako sa iba?" sabi niya sa gitna ng pag-iyak. Ramdam ko rin ang panginginig ng katawan niya.
"Ma, tanggapin na lang natin na kahit ikaw ang nauna ay hindi siya sa iyo hanggang sa huli. Kalimutan na natin siya, ako na lang ang pagtuonan mo ng pansin." sabi ko habang patuloy na hinahagod ang likod niya.
"Saka kung gusto mo, hanapan kita ng magiging jowa. Gusto mo ba ng blind date, Ma?" dugtong ko.
Hinampas niya ako sa braso at kumalas sa pagkakayakap ko.
"Ang ilalaan kong oras sa blind date na 'yan ay ilalaan ko na lang sa anak ko," Anas niya. Nakangiti na siya ngayon habang pinupunasan ang luha.
Tumawa ako. "Magblind date ka na, Ma. 'Di naman ako magtatampo. Mas gusto ko yun kesa sa lagi kang mag-inom,"
Kinurot niya ako sa tagiliran dahilan para mapaigtad ako sa kinauupuan.
"Ma, naman!" reklamo ko.
"Ayuko. Ayuko ng mag-asawa," nakasimangot niyang aniya.
"I-set up kaya kita sa Papa ni Zenon?" pagbibiro ko. Sa pagkakataong ito ay binatukan niya na ako.
"Hindi ka na nakakatuwa, Chris ha!" angil niya.
Napakamot ako sa batok habang natatawa.
"Akala mo nakalimutan ko na nagka-crush ka sa Papa ni Zenon nung 'di mo pa nakikilala si Papa? Yieh!"
Mabilis na dinampot ni Mama ang remote at pinagpapalo ako sa braso.
"Aray! Aray! Biro lang eh!"
"Hindi nakakatawa ang biro mo!"
"Yiehhh!"
---
Pinagmasdan ko ng maayos ang isang t-shirt na kulay gray. Napailing ako at binalik ang damit sa cabinet. Muli akong humugot ng t-shirt and this time ay kulay itim naman ang nakuha ko.
Napatango-tango ako habang inaalis ang damit sa hanger. Mabilis akong nagbihis at bumaba sa kusina.
Naabutan ko si Mama na tumitingin sa mga cabinet habang may hawak na papel at ballpen.
Magogrocery kami ngayon ni Mama dahil nawalan na kami ng stocks sa bahay. Wala pa rin sina Lolo kaya ako na lang ang sasama kay Mama.
"Isuot mo," Inabot ni Mama ang isang kulay itim na helmet na mabilis kong sinuot. Hindi niya kasi ako papayagang magdrive ng motor kapag walang suot na helmet.
Nakasuot din si Mama ng pulang helmet. Ilang minuto lang ang lumipas nang marating namin ang isang grocery store.
"Hintayin mo na lang kaya ako dito, 'nak?" suhestyon niya na agad kong sinang-ayunan. Ayaw ko rin namang pumasok pa doon.
"Hintayin mo si Mama dito ah," malambing niyang sabi bago ako pinugpog ng halik sa pisnge.
Anak ng! Ginawa na pa akong baby sa labas ng market!
"Ma naman!" reklamo ko habang magkasalubong ang kilay.
Tumawa lang ang magaling kong ina bago tuluyang pumasok sa loob.
Napabuntong hininga ako habang nilalaro sa daliri ang susi ng motor. Bahagya pa akong lumayo at nagsindi ng sigarilyo.
Minsan lang ito. Isang beses sa isang buwan, depende kapag marami akong iniisip.
Pero bago ko pa mahithit ay may humablot na ng sigarilyo sa bibig ko. Pagharap ko ay nakita ko si Papa. Nakakunot ang noo niya habang inaapakan ang sigarilyong binili ko.
"Kailan ka pa natutong magbisyo, Chris?" seryoso niya 'kong tiningnan.
Napa-ingos ako at ngumisi sa kaniya.
"Siguro nung umalis ka sa bahay," may halong sarkasmo ang boses ko.
Sa lahat ng taong ayaw kong makita ay siya ang pinakauna sa listahan.
Nagsalubong ang kilay niya at sumama ang tingin sa'kin. Matatakot na ba ako?
"Ganyan ba ang itinuturo ng nanay mo sa'yo?" Sa pagkakataong ito ay sarili ko namang kilay ang muling nagsalubong.
"Huwag mong ipasok sa usapan ang nanay ko. Wala ka ng karapatan," matabang kong sagot.
"Wala ka na ring galang sa sarili mong ama. Nasaan ang nanay mo? Kakausapin ko siya," Tumingin siya sa loob ng grocery store at saktong nakapila na si Mama sa counter.
"Huwag kang magpapakita kay Mama, kung ayaw mong guluhin ko ang kinakasama mo," Dahil sa sinabi ko ay sinapak niya 'ko sa mukha.
Hindi lang isang beses kundi tatlo. Nalasahan ko pati ang sarili kong dugo, amputa. Lakas naman manapak ng matandang 'to.
Bago niya pa ako masapak ulit ay may pumigil na sa kamay niya.
"Tama na ho, baka mapuruhan ang anak niyo," Kalmadong sabi ni Zenon at bahagya akong tinanguan.
"Zenon! Ano pang ginagawa mo d'yan?" Pare-parehas kaming napalingon sa sumigaw. Walang iba kundi ang ama ni Zenon na inagawan ng asawa ng papa ko. Hindi ko na pala 'to papa. Psh.
Napatigil din si Tito nung makita niya kami.
Tangina, gandang set up nito.
"Susmaryosep! Bakit dumudugo ang labi mo?" Mabilis na lumitaw sa harap ko si Mama at agad na sinapo ang pisnge ko.
Awang-awa sa anak niyang nasapak.
Ilang segundo niyang sinuri ang labi ko hanggang sa marahas niyang kwinelyuhan ang nagtaksil na asawa.
"Anong karapatan mong saktan ang anak ko, ha? Ang kapal ng mukha mo! Ang baby ko, bakit pati ang baby boy ko sinasaktan mo?" Pinagsusuntok niya sa dibdib ang asawa na hindi naman siya pinigilan.
"Bantayan mo ng maayos 'yang anak mo, Cristina. Lumalaking wala sa tamang landas," Doon niya hinawakan ang dalawang kamay ni Mama.
"Wala kang kwentang Ama..." kalmado kong sabi ngunit mahigpit na nakakuyom ang kamay ko.
Bago ko pa masundan ang sasabihin ko ay nakalapit na siya at sinuntok ako sa mukha.
"ANO BA?!" Tili iyon mula sa Ina ko.
Napahiga ako sa kalsada. Habang si Zenon naman ay mabilis na inawat ang walang kwenta kong ama.
Naghestirikal si Mama at mabilis na sinugod ng sunod-sunod na sampal ang dating asawa.
"Wala ka na ngang kwentang asawa, pati ang pagiging ama hindi mo magampanan ng maayos," Aniya habang umiiyak.
"Tama na 'yan," Inawat siya nung Papa ni Zenon. Kaya biglang natahimik ang lahat.
Lumipas ang ang ilang segundo nang may biglang nagsalita sa likuran namin.
"Anong nangyayare?"
Ang Mama ni Zenon. May karga-karga itong baby habang naguguluhang nakatingin sa amin.
Wala pang segundo ay nakalapit na sa kaniya ang magaling kong Ama.
Narinig ko ang hagulgol ng Mama ko. Habang inaalo siya ng Papa ni Zenon.
"Tangina," mahina kong usal habang nakaupo sa semento.
Napatawa si Zenon na katabi ko ring nakaupo.
"Tangina nga,"
***
(End of Kaguluhan 19)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top