•Kaguluhan 14•

Dino Damus

***
Mabilis na lumipas ang dalawang buwan nang hindi namin namamalayan. Basta na lang dumating ang araw na kinakatakutan naming mga estudyante na may problema sa pag-aaral.

Ang periodical test.

Ito ang unang araw ng pagsusulit sa unang markahan ng taon. Tengene talaga, hindi ako nakapag-aral kagabi dahil niyaya ako nina kuya mag-inom.

"Dino my boy!" napatigil ako sa paghampas ng ballpen sa desk nang tawagin ako ni Josrael.

"Bakit?" tanong ko. Nasa pintuan sila ni Zenon na ang atensyon ay nasa cellphone.

"Bibili kami sa canteen. 'Di ka ba sasama?" tanong niya.

Bigla kong na-imagine ang hamburger na tinitinda sa canteen at ang mainit-init na turon na may langka. Nalaway ako ng wala sa oras dahil sa naisip.

Shet, kailangan kong kumain para mawala ang stress ko. Tama, pagkain lang ang katapat ko para sa mamayang test.

Mabilis akong tumayo at patakbong lumapit sa dalawa. Inakbayan ako ni Josrael habang ang kanang braso niya naman ay naka-akbay kay Zenon.

"May ka-text ka ba, Zenon?" Hindi ko mapigilang tanong dahil kanina parang tangang nakangiti ang gago habang nakatingin sa cellphone niya.

"'Wag kang chismoso, Dino. Nakakabawas 'yan ng kagwapuhan," Aniya.

"Ayos lang, kailangan ko rin naman talaga bawasan ang kagwapuhan dahil nag-uumapaw ang kagwapuhang meron ako, " mayabang kong sabi kaya hindi na magtataka kong makakatanggap ako ng pagsapak mula kay Josrael.

"Yabang mo, ulol." nakangiwing bulalas niya. Habang si Zenon naman ay napailing na lang.

Pagkarating namin sa canteen ay agad kaming bumili ng turon. Pabalik na sana kami sa room nang makasalubong namin si Bela at si Naomi.

Napangisi ako dahil sa biglaang pamumula ng mukha ni Bela at nahuli ko siyang nakatingin kay Zenon.

Pero bigla ring napawi ang ngisi ko nang dumapo ang tingin ko sa garapatang katabi ni Bela.

"Siguro may gumagalang aso dito sa school, may naiwan kasing garapata eh," malakas kong sabi nang medyo magkalapit na ang distansiya namin.

Agad na sumama ang itsura nung babaeng hindi naman kagandahan.

"Bakit kaya pinapakawalan ng Manila Zoo ang mga unggoy? May nakarating pa tuloy dito sa campus," rebat ni garapata at saka ako inirapan ng matinde.

"Dapat talaga sa mga garapata ay tinitiris. Nakakagigil sila," Hah! Akala ata niya ay magpapatalo ako.

"Iyong mga unggoy diyan sa tabi-tabi ay dapat kinukulong na para walang perwisyo sa tao," Mabilis niyang sabi. Parehas na kaming nasa loob ng classroom at hindi pa nagsisimula ang test.

"Ayuko talaga sa mga garapata. Nakakadiri sila. Ew!" ani ko at umakto na nadidiri.

"Sino bang nakukyutan sa unggoy na bobo?" Mabilis akong napatingin sa kaniya at tinaasan niya agad ako ng kilay.

"Oh bakit? Anong tinitingin-tingin mo d'yan?" mataray niyang sabi.

"Kung 'di ka lang babae, matagal ka nang may pasa sa mata," Pinakita ko sa kaniya ang kamao ko.

Pero dumila lang siya at muling umirap.

"Unggoy!"

"Garapata!"

---

Napatigil ako sa pagnguya nang makita ang unti-unting pagkorte ng ngiti ni Zenon sa labi niya. Pvta, inlove ata ang gago.

"Sino 'yang ka-chat mo, Zenon?" Hindi ko mapigilang tanong.

Nag-angat siya ng tingin at umiling. Aba, sinekreto pa ng gago.

"Si Pres. Bela ba 'yan?" untag ko at sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa.

"Kapatid ko ang ka-chat ko, tanga,"

"Sus, palusot ka pang hayop ka," natatawa kong sabi. Palusot pa eh buking naman.

"Uy, si Bela!" Malakas kong sabi kaya mabilis na lumingon si Zenon.

Humagalpak ako ng tawa dahil sa sobrang sama ng tingin niya sa'kin. Binato niya ako ng tissue kaya lalo akong tumawa.

"Uy, hi Pres!" Totoong nasa likuran ni Zenon si Bela pero ang gago ay 'di man lang lumingon. Amputs, akala ata ay nagbibiro pa ako.

"Huwag ako, ulol," Nagdirty finger pa sa'kin ang tanga. Kumunot tuloy ang noo ni Pres. Laughtrip, amp.

"Nasa likod mo nga sa Pres," natatawa kong bulong.

Mukhang walang balak na maniwala si Zenon kaya sinenyasan ko si Pres na lumapit sa pwesto namin.

"Why, Dino?" Biglang nabilaukan si Zenon. Tumawa ako ng malakas at saka iniwas ang baso kay Zenon.

Namumula na ang gago sa kaka-ubo at isama mo na ang sama-sama ng tingin niya sa'kin.

"Akin na ang tubig, tanginamo," galit niyang sabi.

Sa gilid niya ay tarantang binuksan ni Bela at mineral water at saka inabot kay Zenon. Sweet.

Pagkatapos uminom ay nahimasmasan na si Zenon.

"Mamaya ka sa'kin," pagbabanya niya kaya mabilis akong tumayo at tumakbo.

Kailangan ko ng magtago, haha.

Lumipas ang maghapon nang hindi ako sigurado sa mga inilagay kong sagot sa test paper. Basta, bahala na si batman.

Kasabay ko ngayon sa paglalakad si Adam at Iguel. Tapos ay naabutan lang namin sina Klea na naglalakad pababa sa hagdan.

"Bulaga!" Pabiro kong tinulak si Klea pero hawak ko naman ang balikat niya.

"Pvta!" malakas niyang tili.

Tumawa ako nang simulan niyang hampasin ang likod ko. Mabilis akong tumakbo para umiwas sa kaniya. Hingal na hingal akong umupo sa bench na mlapit sa gate. Dito ko na lang sila hihintayin.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na rin sila. Kinurot pa ni Klea sa utong bago naunang naglakad. Himas-himas ko ang dibdib ko habang naglalakad papuntang paradahan.

Kapag ako ang inasar nila, kukurutin ko rin sila sa kanilang utong. Ito ang ganti ng isang api!

"Sasakay ka ba sa jeep, iho?" napakurap ako at tumingin sa nagsalita.

Napakamot na lang ako sa batok at sumakay sa jeep.

---

"Anong sagot mo sa number 4 sa Earth Science?" tanong ni Kian sa akin. Nakapangalumbaba ako at tamad na tumingin kay gago.

"Hindi ko tanda. Siguro B?" nalilito ko ring sagot dahil kanina pa ako nahihilo sa nakikitang mga tanong sa test.

"Anong B? Amputa, true or false lang ang pagpipilian doon!" Humalakhak ang gago at dinuro pa ang mukha ko.

"Tangina," Nanlalata akong napasubsob sa desk at ipinadyak ang mga paa.

"HAHAHA!"

***

(End of Kaguluhan 14)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top