•Kaguluhan 13•

Zenon Manlangit

***

"Kuya, pupunta ba dito sa Mama ngayon?" tanong ng kapatid ko dahilan para mapatigil ako sa paghihiwa ng papaya.

Yumuko ako para pumantay sa kaniya.

"Baka hindi na, Ziya. Alam mo namang laging may ginagawa si Mama, diba?" ani ko. Sumimangot ang kapatid ko at malambing na yumakap sa akin.

"Ayaw niya na ba sa'kin, Kuya? Kasi hindi na ako cute?" lumabi ito at tumingala sa'kin.

Piningot ko magkabila niyang pisnge at umiling.

"Sinong may sabi na 'di cute si Ziya?" tanong ko.

Mas lalong tumulis ang nguso niya at tumingala sa kisame. Tila ay iniisip kung sino ang dapat na isumbong.

"Si ate Joy. Sabi niya 'di ako cute kasi raw pretty ako." pumadyak ang isa niyang paa.

"Ayuko ng pretty, gusto ko ng cute!" reklamo nito. Hindi ko mapigilang panggigilan ang mataba niyang pisnge.

"Pangit kasi yung Joy na 'yon, kaya huwag mo siyang bati, okay?" Tumango-tango si Ziya sa sinabi ko.

Ni hindi ko nga kilala yung sinabi niyang ate Joy eh. Baka yung babaeng bata sa tapat ng bahay ni Lola. Hindi ko naman kasi kilala ang mga kapitbahay ni Lola dahil minsan lang ako lumabas ng bahay at kung lumabas man ay yung mga kaklase ko ang kasama ko.

"Pero 'di dadalaw si Mama, ngayon?"

Napabuntong hininga ako sa muling pagtatanong ng kapatid ko.

"Oh ito," inabot ko ang cellphone sa kaniya. Mabilis na nagningning ang kaniyang mabilog na mata dahil minsan ko lang siyang pahiramin ng cellphone ko.

"Salamat po..." pakanta nitong sabi. Ginulo ko ang maayos niyang buhok.

"Basta huwag mong papakialaman ang tong-its war ko d'yan ah?" pagbabawal ko na kaagad niyang tinanguan.

"Kuya, pupunta lang ako kay ate Joy ah?" pagpapaalam niya.

"Basta umuwi ka agad mamaya at siguraduhin mong buo pa 'yang cellphone ko pagkauwi mo!" malakas kong sigaw dahil ang maliit kong kapatid ay mabilis na tumakbo kahit wala pa akong nasasabi.

Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinigaw ko. Napailing ako at bumalik sa pagluluto.

Wala pa si lola. Siguro ay nandoon iyon sa kapitbahay namin na kaibigan niya since birth. Kaya ako ngayon ang nag aasikaso ng uulamin namin mamaya.

Habang nagigisa ng bawang ay bigla kong naalala ang sinabi ni Jenny sa'min nung isang araw.

'Buntis si Eyan..."

Iyon ang linyang ibinulong niya sa amin. Sa ugaling meron si Eyan, hindi na ako magugulat kung mabubuntis siya ng maaga. Iyon naman ang kagustuhan niya, 'diba? Bakit ba sila gulat na gulat eh halos Junior pa lang kami ay gawain na ni Eyan ang mang-akit ng mga lalaki.

Hindi niya lang talaga kami maisali sa koleksyon niya dahil masasapak ko kung ginawa niya 'yon.

Napailing-iling na lang ako nung maalala ang itsura ni Eyan noong bisitahin namin siya sa kanila.

Buong oras ata siyang nakayuko at hindi makatingin sa aming nandoon para dalawin siya. Kapag naman kinakausap ay ang tipid ng mga sinasagot niya.

Pero sa totoo lang ay nag-aalala rin ako sa tangang 'yon. Paano iyong pag-aaral niya? Kaya niya bang pagsabayin ang pagbabantay sa anak at ang pagpasok sa school?

At saka, bakit yung kriminal pa ang pinatulan niya??! Amputa, wala talaga utak ang babaeng yun.

Natapos ko ang pagluluto at saktong dumating ang magaling kong lola at si Ziya. Pero may kasama pa pala silang bisita na dalaga.

Napatikhim ako at sinenyasan sina Lola na kakain na. Nagmano ako nang makalapit kay lola at saka inasikaso si Ziya.

"Joy, iha, halika saluhan mo kami, ang apo kong binata ang nagluto nito," narinig kong sabi ni Lola.

Nakita kong ngumiti yung babae at umupo sa pwesto ko. Aba't inagawan pa nga ako ng pwesto!

"Zenon, magdala ka pa ng pinggan at kutsara dito!" sigaw ni Lola.

Kumuha ako ng pinggan at kutsara bago bumalik sa hapag kainan. Nakita kong paulit-ulit ang pagsulyap sa'kin nung babae kaya inabangan ko ang pag-angat ng tingin niya.

Medyo nagulat pa siya dahil nakatingin ako sa kaniya. Muntik pa siyang mabulunan.

"Siya nga pala, apo, ito ang apo ni Lolita, si Joy. Joy ito aking gwapong apo," pagpapakilala ni Lola. Ngayon lang pinakilala ni Lola samantalang halos paubos na kinakain nila. Hayy...

Tumango lang ako dahil wala naman akong sasabihin. Anong sasabihin ko? Na ang ganda niya at ang kinis ng balat niya? Amputs,

"Hindi ka ba uuwi sa inyo?" hindi ko mapigilang tanong sa apo ng kaibigan ni Lola dahil magaalas-11 na ng gabi.

Kanina pa sila nanunuod ni Ziya ng mga pelikula. Pati ang kapatid ay nagawang magpuyat dahil sa daldalan nilang dalawa.

"Kuya, dito tutulog si ate ngayon," sagot ni Ziya sa'kin.

Kumunot ang noo ko at inayos ang pagkakahiga sa mahabang sofa. Kasalukuyan silang nakahiga sa nilatag na banig ni Lola sa lapag.

"Bakit? Wala ba silang babay?" tanong ko.

"Wala kasing kasama si Ate Joy sa bahay nila. Kaya dito muna siya, at saka bakit mo ba inaaway si ate Joy?" kunot noo naman na binalingan ako ng kapatid ko.

"Hindi ako nang-aaway. Nagtatanong lang ako," natatawa kong sagot sa kapatid kong masama ang tingin sa akin.

"Magkatabi kami ni ate Joy mamaya, kuya," paalam ng kapatid ko.

"Ikaw bahala," kibit balikat kong sabi.

---

Payapa akong naglalakad sa gilid ng kalsada habang nakapamulsa papunta sa school. Walking distance lang ang Sanginamue National High School mula sa bahay.

Nang walang anu-ano'y may biglang dumamba sa likod ko.

"Huwag mo 'kong ilaglag kung ayaw mong butasin ko ang bunggo mo!" hestirikal na sabi nung babae na hindi ko kilala. Pero parang pamilyar ang boses niya.

"Sino ka ba? At bakit ka ba nakasakay sa likod ko?!" medyo napalakas ang sabi ko kaya naagaw ko ang atensyon ng ibang taong naglalakad din.

"Tulungan mo ako, Zenon...hinahabol ako nung manyakis kong ex," at nagsimula na siyang umiyak sa likod ko.

Kaya ko naman siyang ibaba at iwanan na lang. Una sa lahat, hindi ko naman siya kilala para tulungan at pangawala, 'di ko siya kaibigan.

"Bakit kilala mo ako?" tanong ko nang maalalang tinawag niya 'ko sa pangalan ko.

"Hindi mo ba 'ko natatandaan?" bigla siyang tumigil sa paghikbi dahil sa pagtatanong.

"Mukha bang naaalala kita?" pilosopo kong sagot.

"Kakatulog ko lang sa inyo nung isang linggo ah?" nagtataka nitong tanong.

Ibinaba ko siya dahil nabibigatan na ako. Mabilis ko siyang hinarap at sinamaan ng tingin.

"Peace yow..."

"Ikaw si Joy?"

"Ako nga, ako ang ligaya mo." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Bakit parang ibang Joy ang kausap ko ngayon? Yung sa bahay ay mahinhin at tahimik lang.

"Ang galing kong artista diba? Kaya kong maging mahinhin tulad ni Maria Clara at kaya ko ring maging wild tulad Mia Khalifa," anito at saka humalakhak.

Napangiwi ako habang nakatingin sa kaniya. Saka ko siya tinalikuran dahil papasok nga pala ako sa school.

Narinig ko ang pagsunod niya sa'kin. Hindi ko siya pinansin kahit na alam kong nasa likuran ko lang siya.

"Wahh! Zenon!" napatakip ako sa tainga dahil sa biglaan niyang pagtili.

Sisigawan ko na sana siya kaso nakita kong hawak-hawak siya ng isang lalaki.

"Pag-usapan natin 'to, Joy. Huwag mo naman akong takbuhan." malambing na sabi nung lalaki.

Patuloy lang sa pagpupumilit si Joy na makawala sa pagkakahawak nung lalaki.

"Paanong 'di kita tatakbuhan eh manyakis ka, gagu!" Muling tumili si Joy.

Pvta, ang sakit sa tainga. Iwan ko kaya 'to. Mukha namang nobyo niya 'to.

"Ikaw lang naman ang minamanyak ko eh," Tengene,  nakakadiri, pvta.

"Hoy, Zenon! Ano bang tinatanga-tanga mo r'yan! Tulungan mo ako!"

Tamad kong tiningnan si Joy na halos ipilipit na ang katawan para kang makaalis sa kamay ng lalaki.

"Aba, sino ka ba para tulungan?" pang-aasar ko. Nanlalaki ang matang napatingin siya sa'kin.

"Gagu ka ba? Isusumbong kita sa Lola mo!" irita nitong tili.

Napabuntong hininga na lang ako bago lumapit sa kanila. Hinawakan ko ang kamay nung lalaki mula sa pagkakawak kay Joy.

Kaso hindi nagpatinag ang gunggong, kaya wala akong nagawa kundi ang bigyan siya ng isang malakas ng suntok sa mukha.

Knock-out. Tulog bigla ang lalaki. Mahina naman pala ang bwesit na 'to.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa babaeng nakapamewang sa gilid ko.

"Balak mo ba akong iwanan kanina, hah??" Sigaw nito.

"Binalak ko lang naman, pero 'di ko ginawa,"

"Ungentleman!"

***

(End of Kaguluhan 13)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top