•Kaguluhan 12•
Adam Reyes
***
Napatigil ako sa pagpupunas ng pisara dahil may tangang bumato sa ulo ko. Tumingin ako sa likuran ko at doon ay nakita ko ang mga gagong nagbabatuhan ng mga binilog na papel.
"Tangina niyo! Paano tayo makakauwi ng maaga kung hindi pa kayo naglilinis?!" sigaw ko at saka binato ang pambura sa mukha ni Vincent. Nasapul ang gago.
"Feeling president si Adam, ampota." komento ni Iguel kaya binato ko siya ng chalk na nadampot ko.
"Uwing-uwi na 'ko mga gago," tumalikod na 'ko at hinila ang telang pangtakip sa blackboard.
"Bahala kayo dyan. Basta tapos na ang na-assign sa'kin." pabulong-bulong kong sabi habang inaayos ang gamit.
"Huy, traydor! Wala munang uuwi!" hinablot ni Dino ang bag ko. Nagpumiglas ako at binatukan siya. Kanina pa ako reklamo ng reklamo na maglinis na sila tapos nung uuwi na ako ang kapal ng mukhang magreklamo.
"T*ngina niyo talaga," gigil kong bulong at padabog na umupo sa malapit na silya. Mabuti na lang at mabilis din silang kumilos dahil kung hindi ay aalis na talaga ako. Nadadamay akong gabihin umuwi dahil sa katamaran nila!
"Uy! Bili muna tayo ng siomai doon sa bagong nagtitinda narinig kong masarap daw ang alamang doon!" masayang sabi ni Dino at halos lahat sila ay sumang ayon. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumama at bumili rin.
"Nga pala, may narinig na ba kayong balita tungkol kay Eyan? Halos ilang linggo nang 'di pumapasok yun ah?" biglang tanong ni Kian na ngayon ay napaso ng mainit na siomai.
Tanga-tanga, basta na lang sinusubo.
"Oo nga 'no. Ngayon ko lang ulit naalala si Eyan," tatango-tangong sabi ni Dino na pangalawang batch na ng siomai ang nilalantakan.
"Yuck, fake friend ka pala Dino," mapanghusgang tiningnan ni Iguel na siegundahan nina Sean at Rence.
"Nawala na kasi sa isip ko mga tanga. May problema rin akong iniisip lagi," pagdepensa sa sarili ni Dino at agad na bumwelta si Sean sa kaniya.
"Baka pinoproblema mo kung anong ulam niyo sa gabi palagi?" nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya.
Napasimagot si Dino at pabiro na malakas niyang sinuntok ang dibdib ni Sean.
"Gago, amputa."
"Eh kung puntahan natin sa kanila si Eyan?" isiningit ni Henry ang sarili niyang suhestiyon.
"Ngayon?"
"Bukas na lang, isama natin sima Sofia para masaya," sumingit sa gitna si Vincent kaya tinulak ko ang mukha niya dahil halos sumobsub na siya sa'kin.
"Oo nga, para sila na rin ang magdala ng dadalhing meryenda," dugtong pa ni Chris na bigla na lang sumulpot sa likuran ko.
"So, saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Kian.
"Uuwi na 'ko, ginagabi ako dahil sa inyo mga gago." napalingon kaming lahat kay Zenon at naglalakad na siya paalis.
"Ako rin. Adios mga amigo!" sigaw ni Leo at saka mabilis na tumakbo.
"Aalis na rin ako mga madehfakeh!" nagdirty finger muna si Vincent bago kumaripas ng takbo.
Hanggang sa nagkaniya-kaniya na kami ng alis mula sa stall. Hindi ko nga alam kung nagbayad ba sila. Mga anak ata sila ni Lucifah.
---
"Anong nangyare?" napatigil ako sa pagnguya dahil sa biglaang pagkukumpulan ng mga gagu sa pwesto ko.
"Huh?" nagtataka akong tumingin sa kanila.
"May nagbugbugan daw sa inyo kahapon ah?" chismosong sabi ni Chris habang naka-akbay kay Henry.
Kumunot ang noo ko. Wala naman akong naalala na may nagkagulo sa amin. Ano bang pinagsasabi ng mga gagung 'to?
"Wala namang nagbugbugan sa'min kahapon." naiiyamot kong sabi. Pero mukhang hindi sila nakumbinsi sa sinabi ko. Bagkus ay mas lalo pa nilang nilapit ang mga mukha nila sa pwesto ko.
Sarap suntukin isa-isa ang mukha nila.
"Baka wala ka kahapon sa inyo nung nangyare ang kaguluhan?" tanong pa ni Kian, namimilit talaga.
Wala naman akong pinuntahan kahapon. Nasa bahay lang ako dahil nawili ako sa panunuod ng pelikula ni FPJ. Atsaka wala talaga kaming nabilataan na may kaguluhan.
"Hindi ako umaalis ng bahay, huwag niyo 'kong itulad sa inyong mga layas," napaismir silang lahat sa narinig sa'kin at meron pang hindi nakatiis at binatukan ako.
"Teka! Teka! Ito sasabihin ko na ang plot twist na nangyate kahapon sa lugar niyo kaya huwag muna kayong mga magugulo," idinipa ni Vincent ang dalawa niyang kamay para awatin kaming malapit ng magrambol.
Napatigil silang lahat kaya nagpahabol akong bumatok kay Sean para ipaghiganti ang pinakamamahal kong batok.
"Alam niyo ba?"
"Hindi pa,"
"Huwag ka kasing magulo, gago."
"Mas gago ka, ulol!"
Nagsimula na naman sila ng mga sarili nilang katangahan.
"Tumahimik nga kayong dalawa!"
"Uy, chill. I-chill mo ang iyong head."
"Parang mga tanga,"
Napatigil kaming lahat nang biglang ihampas ni Zenon ang kamay niya sa teacher table. Hindi lang kami ang natahimik pati na rin ang iba naming mga kaklase na nasa loob ng room.
Ilang segundong tumahimik ang loob ng classroom hanggang sa paunti-unti ulit bumalik ang daldalan ng ilan naming kaklase.
"Sige, Vincent, ituloy mo na yung plot twist," ani ni Zenon kaya agad na napa-ayos kaming lahat. 'Pag talaga katangahan ang plot twist na 'yan, magda-drop out ako ngayon din.
Inayos ni Vincent ang kwelyo ng polo niya at pagkatapos ay tiningnan niya kami isa-isa at siya saka sumenyas na ilapit pa namin ang tainga namin sa pwesto niya. Na agad din naman naming ginawa.
"Yung nabugbog kahapon ay si Anton Cuevas." seryoso ang boses ni gago. Ang galing umarte.
Anton? Sinong Anton? Nanggagago lang ata 'tong bwesit na 'to?
"Teka, sinong Anton Cuevas?" nagtatakang tanong ni Iguel na nakaupo sa arm chair ko.
Hindi lang pala ako ang hindi nakakakilala sa lintik na Anton Cuevas na 'yan. Artista ba 'yan? Baka mas gwapo pa 'ko dyan eh.
"Si Anton Cuevas, siya yung sumikat at nakulong dahil sa pagpatay niya sa kaklase niya," pagbibigay alam ni Vincent. Tumango-tango kami dahil sa sinabi niya. Now I know. Eh ano naman ang kinalaman niya sa plot twist na sinasabi ng gunggong na 'to?
"Tapos?" untag ni Sean dahil napatahimik kami.
"Si Anton yung nabugbog. Tapos yung bumugbog sa kaniya ay ama ni... Eyan." pumitik pa siya sa hangin nang masabi ang pangalan ni Eyan. Parang biglang may dumaan na anghel sa biglaang katahimikan.
"Teka... Bakit binugbog ni Tito Ernesto yung si Anton?" nagtataka kong tanong. Wala kasi akong makitang dahilan kung bakit?
Napakamot sa batok si Vincent.
"Iyon ang hindi ko alam,"
Magsasalita pa sana si Iguel nang biglang may tumamang notebook sa ulo niya. Sabay-sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng notebook at doon ay nakita namin si Hale at Jenny.
Ano na namang meron??
"Bakit nambabato kayo?" bulalas ni Iguel na siyang nakawawa.
"Mga chismoso talaga kayo, kanina pa kami tawag ng tawag wala man lang nakarinig ni isa sa inyo?" nakataas ang kilay na sabi ni Jenny.
"Eh bakit niyo ba kami tinatawag?" tanong naman ni Rence.
"Puntahan natin si Eyan sa kanila," sagot ni Hale.
"Plano talaga namin yun, girls." pagmamayabang ni Kian. Inirapan siya ng dalawa.
"Alam niyo na ba?"
"Ang alin?"
Nagkatinginan si Jenny at Hale pagkatapos ay lumapit pa sila lalo sa amin para bumulong. Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata namin.
"Ssshhh.... Huwag niyong ipagkakalat,"
***
(End of Kaguluhan 12)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top