•Kaguluhan 10•
Eyan Perez
***
Isang linggo. Halos isang linggo na ang lumipas simula ng malaman ko ang masakit na katotohanang dapat kong tanggapin. Nandito na 'to. Wala na 'kong magagawa kundi ang tanggapin 'to.
Biglang nag-iba ng takbo ng buhay ko mula nang araw na 'yon. Hindi ko kinakausap ang lahat ng tao maliban sa kaniya. Pero halos tatlong araw na rin simula ng malaman niya at iniwan ako sa ere.
Ngayon, rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko habang katabi sina Mama at Papa sa sala. Kasalukuyan kaming nanunuod ng pelikula.
Kinakabahan ako. Parang gusto ko na lang umalis at lumayo pansamantala.
Pero, ayukong saktan sina Mama't Papa lalo na't wala naman silang ginawa kundi ang suportahan at disiplinahin ako.
Ako lang talaga ang matigas ang ulo at pasaway sa kanila. Ngayon, nagsisisi na ako kung bakit di ako nakinig sa kanila. Lalo na kay Mama.
"Ma," garalgal ang boses ko sa pagtawag sa kaniya.
Lumingon sandali si Mama bago mabilis na ibinalik ang paningin sa palabas. Mahigpit ang hawak ko sa maliit na rectangle sa loob ng bulsa ko.
Nanginginig na kinuha ko iyon at marahang binigay kay Mama. Nung una ay wala pa ang atensyon niya sa bagay na ibinigay ko pero 'di kalaunan ay napatingin siya doon.
"Anong kalokohan 'to, Eyan Perez?" hindi malakas pero hindi rin mahina na tanong niya.
Nakakunot noo at pabalik-balik ang tingin niya sa'kin at sa maliit na bagay na ibinigay ko.
"Mama, sorry....hindi ko s-sinasadya..." tuluyan nang bumigay ang luha ko. Sunod-sunod silang tumulo hanggang sa manlabo ang paningin ko.
"BUNTIS KA??!" sigaw ni Papa. Nakatayo na siya ngayon at galit na galit na nakatingin sa akin.
Lalo akong napaiyak dahil sa halong takot, pagsisisi at galit sa sarili.
Magkasunod akong tumango at lumuhod sa harapan nila.
"Hindi ko sinasadya... ang... ang lahat Papa," bumaling ako kay Papa at ganoon pa rin ang ekspresyon niya, galit.
"Mama," muli akong tumingin kay Mama na ngayon ay umiiyak na rin.
"Sinong ama? Isa ba sa mga kaklase mo?!" nanggaliiting tanong na aking ama.
Kaya marahas akong umiling at humikbi.
"Hindi s-sila. H-hindi n-nila magagawa sa a-akin 'to..." ani ko sa gitna na paghikbi.
"Kung gano'n ay sino?! Sinong putanginang lalaki ang bumuntis sa'yo?!!!" muling sigaw ni Papa.
"Si... Si... Anton Cuevas,"
Ilang segundong tumahimik ang paligid at tanging paghikbi ko lang ang naririnig. Hanggang sa napaupo sa sahig si Mama at malakas namang sinuntok ni Papa ang pader.
"Kriminal ang bumuntis sa'yo?! Alam mo bang ang kwento ng batang 'yun, Eyan?!" galit ma tanong ni Mama.
Umiling ako at lumapit sa kaniya pero isang malakas na sampal lang ang natamo ko. Lalo akong napaiyak.
"Alam mo bang may pinatay siyang tao?? Hindi lang isa kundi tatlo!"
"Sorry...sorry... Hindi ko alam..."
"Saan ba ako nagkulang sa'yo Eyan? Saan ba kami magkulang bilang magulang sa'yo?" nanghihinang tanong ni Mama.
Mabilis ako umiling ng sunod-sunod. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sitwasyon.
"Walang mali sa inyo. Ako. Ako ang matigas ang ulo. Ako ang may kasalanan,"
"Ipalaglag mo 'yang bata."
Nanlaki ang mata ko at sandaling napatigil dahil sa sinabi ni Papa. Nakaupo na siya ngayon at magkadaop ang palad habang ang dalawang siko ay nakapatong sa magkabilang tuhod.
"P-papa a-ayuko..." anak ko 'to kahit anong mangyare.
"Nahihibang ka na ba Ernesto?! Kasalanan sa Diyos ang gusto mo!" sigaw ni Mama.
"Ayukong magkaroon na kadugong may halong kriminal." pinal niyang aniya.
"Walang alam ang maliit na buhay sa tyan ko, Papa. Hindi niya kasalanan ang kasalanan naming dalawa,"
"Kung ganun, tumigil ka sa pag-aaral at maghanap ka ng pangtustos dyan sa pagbubuntis mo. Huwag mong aasahan na magbibigay kami ng Mama mo. Pagod na akong magsustento sa batang walang magandang nagawa para sa akin."
---
Kinabukasan, maaga akong nagising. Wala pang alas-cinco ng umaga ay gising na 'ko ngunit nanatili akong nakahiga sa higaan habang tahimik na umiiyak.
Ang tanga ko. Sobra.
Tama si Jenny, hindi dapat ako nagpadala sa mga salita ni Anton. Mapapahamak lang ako sa kaniya at nagsisi akong minahal ko siya.
Hindi ako nakinig sa kanila. Mas sinunod ko ang katagisan ng ulo ko kesa sumunod sa paalala nila.
At ngayon, may buhay na sa loob ng tiyan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kaya ko.
Jennifer Santos
-Kamusta ka na? Papasok ka na bukas? May test tayo bukas sa Gen. Math at EAPP.
Napasinghot ako at umupo sa kama. Pinunasan ko muna ang luha ko bago nagreply sa kaniya.
Eyan Perez
-Okay lang.
Saka ko pinatay ang cellphone ko at tumingin sa bintana ng kwarto. Medyo maliwanag na rin dahil malapit ng mag-six am.
Sa buong maghapon ay nasa kwarto lang ako. Lumalabas lang ako kapag kakain. Wala si Papa at si Mama dahil parehas silang may trabaho.
Nagkulong ako sa kwarto. Hindi ko rin binuksan ang kahit anong account sa mga social media. Ayuko muna makipag-usap kahit kanino.
Nahihiya ako sa kanila. Nakakahiya.
Nagising ako pasado alas-tres ng hapon at narinig ko ang ingay mula sa sala. Siguradong nandyan na si Mama. Parang mas lalong ayaw kong lumabas.
Pero maya-maya lang ay kumatok siya sa kwarto ko.
"Anak, bumili ako ng mga prutas. Gusto mo bang ihanda ko?" sabi niya mula sa labas ng kwarto.
Sa hindi malamang dahilan ay napaiyak ako. Iyong tono kasi ng boses niya ay hindi galit. Malambing at may halong pag-aalala.
Napahikbi ako at parang batang pinunasan ang sunod-sunod na pumatak na luha. Parang biglang nawala ang dating Eyan na siga kung umasta at walang problema. Sobrang layo ng pinagbago ko kahit isang linggo pa lang ang nakakalipas.
" 'Nak..." tawag ni mama mula sa sa labas.
"Lalabas na po ako," pilit kong nilaksan ang naghihina kong boses para marinig niya. Doon ay narinig ko ang papalayo niyang yabag na mukhang pabalik na sa kusina.
Samantalang, marahan akong tumayo at humarap sa human size na salamin sa kwarto ko. Tumingin ako sa repleksyon ko at nakipagtitigan sa sarili hanggang sa dumapo ang tingin ko sa flat kong tiyan.
Marahan ko iyong hinawakan. Magiging nanay na 'ko. Ang hirap paniwalaan lalo na't hindi pa ako handa sa ganitong kabigat na responsibilidad.
Hindi ko maiwasang maging emosyonal habang marahang hinihimas ang aking tyan. Ilang segundo ay naisipan kong punasan ang halos natuyong luha sa pisnge ko at kasabay noon ay ang malalim kong paghinga.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Doon ay naabutan ko si Mama na kakatapos lang maghiwa ng mansanas at pakwan.
"Hakila, kumain ka na." aniya. Hindi toning galit.
"Mama,"
"Oh?"
"Galit ka sa'kin diba?"
"Hindi ko alam, Eyan. Kumain ka na nga lang muna,"
"Papalayasin niyo ba 'ko dito sa bahay?" hindi ko mapigilang tanong. Iyon kasi ang alam ko at lagi kong napapanuod sa pelikula.
Bahagyang napatigil at napaawang ang labi niya. Naawa siyang tumingin sa'kin.
"Hindi ako papayag kung iyon man ang gusto ng papa mo. Anak kita, dito ka lang kahit anong pang kasalanan ang nagawa mo."
***
(End of Kaguluhan 10)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top