•Kaguluhan 1•

Gavin Hennes

***

"Aalis na kami bukas, sa Canada na 'ko mag-aaral." sabi ko.

Lahat sila ay tumahimik at matagal akong tinitigan. Hindi ko tuloy mapigilang mapakamot sa batok habang hindi alam kung ngingiti o mananatiling seryoso. Baka kapag tumawa ako, hindi nila seryosohin ang sinabi ko.

Kilala ko na ang bawat pag-iisip ng mga gagong 'to. Kahit ang bawat liko ng bituka nila alam ko. Psh.

"'Di nga?" unang nakabawi ay si Henry. Binato pa ako ni gago ng hawak niyang unan.

"Kung prank 'yan? Tangina mo." pagsegunda ni Adam bago pinagpatuloy ang pag-nguya na itinigil niya kanina.

"Mukha ba 'kong nagbibiro?. Kanina ko lang din naman nalaman nung sinabi nila Mama sa'kin. Ini-enroll na pala nila ako doon." seryoso kong sagot.

"Geez. 'Di ko alam kung anong sasabihin ko. Pvta." natatawang sabi ni Eyan. Napatingin ako sa kaniya dahil sa sunod-sunod niyang pagsinghot.

"Umiiyak ka ba?" kunot noo kong tanong.

Bigla siya napatingin sa akin at hindi makapaniwalang tinuro ang sarili.

"Ba't ako iiyak? Duh!" agad niyang depensa.

"Namumula yung mata mo." komento ni Iguel na siyang katabi ni Eyan.

Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lang binatukan ni Eyan si Iguel. Rinig na rinig namin ang tunog ng pagkakasira ng buto sa leeg ni Iguel.

"Aray!" sigaw ni Iguel.

"Bakit ka ba bigla-bigla na lang nambabatok? Sapakin kita d'yan eh!" reklamo ni Iguel habang hinihimas-himas ang batok.

"Totoo? Edi, doon na kayo titira sa Canada?" pagsingit ni Jenny na ngayon ay luluha-luha na.

Tangina, ba't naman nag-iiyakan ang mga 'to?!

"Malamang, alangan namang uwian 'yan? Bobo mo."  pamimilosopo ni Sean kay Jenny. Inirapan siya ni Jenny at hindi pinansin ang sinabi niya.

"Pero, bakit ang bilis naman ata? Bukas agad? Ito na ba ang pamamaalam mo sa amin? Wala man lang padespedida?" kunot noong pag-singit ni Dino na hanggang ngayon ay naka-upo pa rin sa harap ng piano.

"Baboy, umaandar lang 'yang utak mo kapag may pagkain sa usapan." ismir na sabi ni Hale habang magkakrus ang braso sa dibdib.

Sumimangot si Dino at napakamot sa sintido niya.

"Anong oras flight niyo? Hatid namin kayo bukas." sabi ni Paul na himalang hindi inaantok.

"Huwag na. Maaga ang alis namin bukas. Baka tulog ka pa nun," sagot ko.

"Tanga, kaya ko nga tinatanong kung anong oras para makapag-alarm ako." ismir niyang sabi kasabay ng paghikab niya.

"Iiwan mo kami? Hindi na tayo makukumpleto niyan!"  humihikbing saad ni Nena at niyakap ng mahigpit.

Hindi ko mapigilan ang maubo dahil halos masakal na ako sa higpit na yakap niya sa leeg ko. Hinampas-hampas ko ang braso niya at doon ay tuluyan niya akong binitiwan.

"Pvta! Papatayin mo ba 'ko?!" asik ko.

Nag-peace siya at ngumiti habang namumula-mula ang mata.

"Huwag kang makakalimot ah, at sana tagalog pa rin ang gagamitin mong lenggwahe kapag mag-uusap tayo!" atungal na sabi ni Dianne at siya naman ang yumakap sa'kin. Katulad ni Nena ay mahigpit din ang yakap niya.

Hindi ko tuloy mapigilang matawa habang tinitingnan ang mga babae na umiiyak. Yung mga gago naman ay nandidiring nakatingin sa kanila.

"Basta, ang sa akin lang ay ireto mo ako sa mga magagandang chix doon. Kahit huwag mo na akong pasalubungan." saad ni Rence at agad naman sumang-ayon si Yuan.

"Ako, mga chocolates ang gusto ko. Maraming-maraming chocolates Gavin, ha?" nagningning ang mata ni Dino na parang nai-imagine ang binanggit na pagkain.

"Diabetes ang aabutin mong hayuf ka!" sermon sa kaniya ni Klea na ngayon pa lang nagsalita simula kanina.

"Ikaw Klea, anong gusto mo pagbalik ko?" tanong ko. Nagulat siya at itinuro ang sarili.

"Ako?" tanong niya. Tumango ako.

"Uhm, ang gusto ko? Ahh!— ang gusto ko ay autograph ni Justin Bieber!" masaya niyang sabi.

Nawala ang ngiti sa labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Bigla ring nawala ang masaya niyang mikha dahil sa pananahimik namin.

"Bakit?" nagtataka niyang tanong.

"Sobra-sobra ba iyong gusto ko? Sige papalitan ko na lang, ahm, gusto ko ng kahit anong maibibigay mo sa'kin."

---

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa maaga naming flight. Hindi ko na nagawang buksan ang cellphone ko dahil sa pagmamadali ni Mama. Nahihilo na ako dahil sa pag-ikot ikot niya sa kwarto ko

"Iyong passport mo? Nasaan na?" tanong niya.

Tamada kong itinuro ang passport na nakapatong sa taas ng study table ko. Mabilis niya itong kinuha at nilagay sa dala niyang bag.

"Ikaw talaga, kung saan-saan mo nilalagay ang mahahalagang bagay. Paano kapag nawala 'to dito?" sermon niya.

Napakamot ako sa batok at ngumiwi sa kaniya.

"Hindi naman 'yan mawawala. Wala namang pumapasok na ibang tao dito sa kwarto ko." palusot ko. Pero inirapan lang ako ng sarili kong ina.

"Kapag nawala, edi hindi ako makakaalis dito. " bulong ko habang inaayos ang pagkakatupi ng puting long sleeves ko.

"Anak, let's go!" sigaw ni Mama mula sa baba.

Tumayo ako at malalim na huminga. Bitbit ang maleta ay bumaba na ako. Naabutan ko doon si Papa at Mama na handa ng umalis sa bahay.

Pagkarating sa airport, nagulat ako dahil lahat ng section Z ay nandito. Kasama rin nila si Alicia na nakasuot pa ng pantulog.

Natawa ako dahil sa nakasimangot niyang mukha. Cute.

"Walang absent ah? May dala pa kayong pasobra." natatawa kong sabi.

"Siyempre. 'Wag mong kakalimutan yung bilin ko ah." sabi ni Rence bago tinapik ang balikat ko.

"Mag-ingat ka doon. Huwag kang makakalimot." bilin naman ni Sofia bago ako niyakap.

At isa-isa na silang nagpaalam sa akin. Puro tango lang ang sinasagot ko sa kanila. Hanggang sa lahat sila ay nakapagpaalam na, maliban kay Alicia.

"What?" masungit nitong asik nang makitang nakatingin kaming lahat sa kaniya.

"Magpapaalam ka ba o hindi?" aburidong sabi ni Eyan sa kaniya.

Ngumuso siya at mabilis na sumulyap sa akin. Nanatili akong nakatingin sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya.

"Tsk. Goodbye." masungit niyang sabi at saka mabilis na naglakad paalis.

Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa mabilis niyang paglalakad.

"Yun lang?" tanong ko.

"Tampo yun sa'yo, tol. Hindi pala niya alam na aalis ka? Diba fiance mo 'yun? Ba't di niya alam?" pagsingit ni Sean.

"Susunod din naman sila next month." kibit balikat kong sabi.

"Ay pvta! Dapat pala hindi na namin siya niyaya dito. Anak ng?!"

Tinawanan ko lang sila. Nung tinawag na ang flight namin, mabilis akong nagpaalam sa kanila bago ako lumapit sa magulang ko.

***

•End of kaguluhan 1•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top