*Kaguluhan 8*
Sofia Villa
"Tangina! Dinaig pa natin ang suman dito e!" iritang sabi ni Josrael habang nakakandong sa kaniya si Adam. Inis naman siyang hinampas ni Nena na naka-upo naman sa hita ni Jia. Habang ang nasa gitna naman nila ay si Dino na hawak-hawak ang kawawang Vincent.
Nagkapatong-patong na sila sa likod dahil hindi naman kalakihan itong kotse ko. Saka malay ko bang marami pala sila e di dapat bus na lang ang dinala ko dito imbis na kotse. Pero sayang, wala kaming bus.
"Gago ka pala, di dapat hindi ka na sumunod. Pasikip ka rin e" bwelta ni Adam na nakandong kay Josrael.
"Pwede ba? Ang sikip-sikip na nga, tapos talak pa kayo ng talak!" imbyernang sabi ni Jia habang hirap-hirap sa pwesto.
"Panong talak?" walang kwentang sabi ni Dino kaya nakatanggap siya ng sapak kay Jia.
Halos ilang minuto rin akong nagdrive bago nakarating sa bahay nina Vincent. Kaagad kaming sinalubong ng Ate niya at pinapasok sa loob.
"Anong nangyare sa kapatid ko?" nag-aalala niyang tanong habang sinusuri ang kapatid. Nagkatinginan kaming pito bago ako ang sumagot.
"Napaaway po doon sa kabilang kanto. Buti na nga lang po, nakita nina Adam si Vincent baka kung hindi, baldado ang inabot niya," sabi ko saka tumango-tango ang ate niya.
Ang alam ko wala ng magulang sina Vincent. Ang dalawang ate na lang niya ang kasama niya sa buhay. Isang nurse si ate Vanice habang si ate Vannesa naman ay isang manager sa isang resto sa Austrilia. Kaya sa ngayon, si ate Vanice lang ang kasama niya sa bahay. Pero balita ko, uuwi na si ate Vannisa sa susunod na taon.
"Hay. Bakit ba kasi kayo laging nasa gulo? Pati kayo girls, dapat ay pinipigilan niyo sila. " sabi sa amin ni ate Vanice habang nilalagyan ng alcohol ang nakabilog na bulak.
"Ate, ginagawa namin ang lahat para makaiwas sa gulo kaso nga lang, yung gulo mismo ang lumalapit sa amin," pagsabat ni Dino kaya binatukan ko siya. Sasagot na lang, puro pa katangahan,
"Tapos, ang kawawang bunso pa namin ang napuruhan? Kapag may mangyaring masama sa kapatid ko, baka hindi ko na kayanin. Ayuko ng mawalan ulit, napakasakit," nagkatinginan ulit kaming pito nang humikbi ang ate niya. Emo din pala 'tong si ate Vanice?
"Hindi naman namin pinapabayaan ang isa't isa ate," pagpapagaan ko sa loob niya.
Nilingon niya ako saka nginitian kaya ngumiti rin ako pabalik sa kaniya.
"Magturingan kayong nagkakapatid sa loob ng school, dahil tanging kayo lang din ang makakatulong isa't isa," sabi niya pa. Tumango na lang ako habang iniiwasang wag ngumiwi. Ang baduy kasi pakinggan e, pwe.
"Kapatid nga po ang turingan namin sa room. Tatay nga po namin si Sir Feñoso e," tumatawang sabi ni Josrael. Sinamaan ko siya ng tingin kaya agad niyang itinikom ang makasalanang bibig niya.
Nilagyan niya ng band-aid ang mga sugat ni Vincent at saka umakyat papunta sa kwarto. Habang nakatingin kami sa tukmol, biglang humagalpak ng tawa sina Adam, Dino at Josrael.
"Bakit ba kayo tumatawa dyan?" iritang sabi ni Eyan habang sinasakal ang leeg ni Adam.
"Puta! Ano ba?" inalis niya ang kamay ni Eyan sa leeg niya saka lumayo at nagtago sa likod ko.
"Panigurado, absent ang gagong 'to bukas! Ikaw ba naman lagyan ng band-aid sa buong mukha e, ewan ko nalang," saka sila ulit tumawa.
Nilingon ko ulit si Vincent, at halos hindi na makita ang mukha niya dahil sa dami ng band-aids. Napangiwi ako saka umupo sa sofa.
"Bakit ba nakipag-away ang gagong 'to?" tanong ko habang nakahawak sa sintido ko. Tumabi sa akin si Dino saka sumandal sa balikat ko, hindi ko na lang siya pinansin.
"Nanliligaw ata kay Tala, yung section F na kinababaliwan niya. Tapos mukhang nakulitan yung babae kaya nagsumbong sa kuya niyang mukhang tae," sagot sa akin ni Nena habang nakapamewang habang pinagmamasdan ang mga picture frame nina Vincent kasama ang dalawa niyang ate.
"Tss. Bobo din yung Talang yun e, alam na mag-isa lang si Vincent tapos nagtawag ng anim na lalaki? Bakit naging section F yun?" naiinis na sambit ni Eyan habang nakasandal sa pintuan.
"Yung puso mo Eyan baka atakihin ka?" pang-aasar ni Adam. Inirapan lang siya ni Eyan at hindi na pinansin.
Ilang minuto lang ay bumaba na rin ang ate niya. Niyaya niya pa kaming maghapunan pero masyado ng gabi, kaya tumanggi na kaming mga babae, hinila na lang namin ang mga tukmol na may balak pa atang kumain.
"Puta. Sayang yung grasya e," reklamo ni Dino habang nakaupo sa backseat. Katulad kanina ay siksikan pa rin kami.
"Nena, dito ka na kumalong sa akin, baka ngalay na ang binti ni Jia," nakangising sabi ni Dino habang tapik-tapik ang binti niya.
Nakatanggap siya ng sapak mula kay Nena. Napa-iling na lang ako saka pinaandar ang kotse. Una kong inihatid si Nena at si Jia dahil magkalapit lang naman ang bahay nilang dalawa.
"Hay, salamat," hingang maluwag ni Josrael na nasa gilid. Naka-upo na ngayon si Adam sa gitna at prente na silang naka-upo.
--
"Dito na ikaw Eyan," tinapik ko ang balikat niya para gisingin siya. Naka-ilang beses akong tapik sa kaniya pero hindi pa rin siya nagising. Nagulat na lang ako nang biglang batukan ni Josrael si Eyan na biglang napasigaw.
"Tangina! Sino yung gagong yun?!" nilingon niya ang tatlo at lahat sila ay nagpatay malisya. "Mga bwesit!" irita niyang sabi bago bumaba ng padabog.
"Ingat, Sofia. Itapon mo na yang tatlong tukmol na yan!" sigaw niya habang pinapakyuhan ang tatlong nakasilip sa bintana.
"Nyenyenye!" sigaw pabalik ng tatlo.
Pinaandar ko na ulit ang kotse at saka tinungo ang daang papunta kina Josrael. Habang nasa byahe, nakinig ako sa kwentuhan nilang tatlo sa likod.
"Kami dapat ang panalo noon, kaso ang daya ng referee, mukha namang bola ang ulo niya. Muntik ko na nga siyang i-dribble e, sayang dapat pala ginawa ko na!" pagkekwento ni Adam with matching hand gesture pa.
"Ahh, kilala ko yung referee na yun, madaya nga yung gagong yun. Palibhasa magandang lalaki ang captain ball namin e," sabat ni Josrael sa dalawa.
"Bakit sino bang captain ball niyo?" pagsasabat ko dahil gwapo daw e, tapos captain ball pa. Tiba-tiba, malay mo si Mr. Right na yun.
"Kasali ka ba sa usapang 'to?" nakataas kilay na tanong ni Dino sa akin, nagmukha tuloy siyang bakla. Hayop talaga.
"Gusto mo ibaba ko na kayo dito?!" naiirita kong sabi. Ang galing-galing talaga nilang mang-asar. Bigla siyang ngumiti sa akin at saka nagfinger heart.
"Hindi ka naman mabiro. Sa lahat ng naging kaklase ko ikaw ang pinakamaganda sa lahat, napakadyosa," pambobola niya. Ngumiti ako saka kaniya saka siya binato.
"Mukha mong gago ka!" ismir ko sa kaniya. Ngiting aso lang ang isinagot niya. Pagkatapos ay sumabat si Adam.
"Sinong maganda ang kamukha niya, Dino?" tanong ni Adam habang magka-krus ang braso.
"Si Ms. Everything,"
(End of Kaguluhan 8)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top