*Kaguluhan 7*
Nena Zios
"Puta, si Vincent nga!" sigaw ni Dino saka hinagis ang basong hawak-hawak niya bago tumakbo palapit sa grupo ng mga lalaking bumubugbog kay Vincent.
Hindi ko rin mapigilang hindi magalit sa sinapit ni Vincent. Kasalukuyan siyang nakahiga sa daan habang patuloy na sinutuntok at sinisipa ng anim na lalaki. Napatingin ako sa kaliwang bahagi at doon nakita si Tala.
Siya ba ang dahilan?!
Nakita kong nakarating na roon sina Dino at Adam at agad na itinulak ang dalawang lalaking nakaharang sa kanila. Agad na umigkas ang kamao ni Adam at tumama ito sa mukha ng lalaki habang si Dino naman ay agad na sinipa ang tyan ng kalbong lalaki.
Tumakbo rin si Eyan at si Jia palapit kaya sumunod na rin ako. Nakita kong halos hindi na makagalaw si Vincent dahil sa tinamo niyang mga sugat at may putok rin ang labi niya. Mabilis na sinapak ni Eyan ang lalaking may hawak na kahoy na ihahampas sana nito kay Dino.
Nabitawan ng lalaki ang kahoy at saka umamba ng suntok kay Eyan pero agad yung natigil nang makita niya na babae pala ang sumapak sa kaniya.
"Anong problema mo, babae? Laban namin 'to!" singhal niya kay Eyan. Nilapitan ko naman si Vincent at saka siya inilagay sa kandong ko.
"Hoy, tukmol!" tinapik ko ang pisnge niya at tanging ungol lang ang natanggap ko.
"Mga lalaki ba talaga kayo?! Anim laban sa isa, anong klaseng tao ka?!" sigaw ni Eyan doon sa lalaki. Habang patuloy naman sa paglaban ang dalawa sa natitira pang lima.
Huminga ako ng malalim bago kinuha ang cellphone sa bulsa ng palda. Idinial ko ang number ni Josrael.
[Hello? Sino kang hinayupak ka at tumawag ka sakin?]
"Hoy tukmol! Ako 'to si Nena,"
[Nena?! Wow. Napatawag ka?]
"Puntahan mo kami dito sa binibilhan natin ng mga streetfoods. Napaaway si Vincent," sigaw ko.
[Ano?! Bakit ngayon mo lang ako tinawagan?! Aisshhh!]
"Bilisa—" toot. Toot.
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa screen ng cellphone. Binabaan ako ng tukmol!
"Ngayon pwede na tayo maglaban. Patas na, anim sa anim!" nanghahamong sabi ni Eyan. Tumango-tango si Jia habang nakapameywang.
"Hindi ako pumapatol sa babae," kunot noong wika ng lalaki habang patuloy na nakikipagtagisan ng tingin kay Eyan.
"Wala akong pake. Basta ako pumapatol sa lalaki," walang sabi-sabing sinapak ni Eyan ang mukha ng lalaki kaya't napa-atras ito ng kaunti.
Habang si Jia naman ay agad na sinugod ang isa sa mga kalaban ni Adam at agad na sinipa ang binti nito.
"Puta, bakit babae? Hindi naman tayo nanakit ng babae ah!" sigaw nung lalaki habang pilit na umiiwas kay Jia.
"Umiwas ka na lang. Alalahanin mo may kapatid kang babae," sigaw nung lalaki na patuloy na sinasalag ang suntok ni Eyan.
Napangiwi ako sa napapanuod ko at saka ko inalalayan si Vincent na tumayo. Muntik pa kaming sumubsob dahil sa bigat niya. Napa-angat ang tingin ko nang may isang kamay ang umalalay sa kabilang balikat ni Vincent.
"Malandi ka rin no? Kasalanan mo kung bakit, nagkakaganito ang kaibigan namin," inismiran ko siya at hindi na pinansin. Hirap na hirap kaming umalalay sa isang tukmol na'to. Inihiga namin siya sa isang upuan, malapit sa isang karenderya.
Kinuha ko ulit ang cellphone ko bago dinial ang number ni Sofia. Buti na lang at mabilis niyang sinagot.
[Oh? Napatawag ka?] halata sa boses niya ang pagka-irita. Napa-irap ako bago sumagot.
"Puntahan mo naman kami dito sa bilihan ng streetfoods. Kailangan lang nating dalhin si Vincent sa bahay nila,"
[Aba! Bakit ako pa? Wala bang paa yang tukmol na yan? ] inis akong bumuntong hininga bago nagsalita.
"Pwede ba? Nabugbog si Vincent at nakikipag-away pa ngayon sina Adam. Mukhang malala na si Vincent," napatihimik siya bigla sa kabilang linya pero maya-maya lang ay sumagot din siya.
[Pupunta na ako,] tapos ay pinatay niya ang tawag. Napatingin ako kay Tala at saka siya inirapan.
"Pasensiya na, kasalanan ko kung bakit siya nasaktan," pabebe niyang sabi. Napa-irap ako bago siya tinapunan ng tingin.
"Tama. Kasalanan mo talaga. Hindi ka naman namin kasing ganda pero patay na patay sayo 'tong tukmol na'to," irita kong sabi. Yumuko siya at bigla siyang humikbi. Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa kaniya.
"Hindi ko siya gusto," humihikbi niyang sabi.
"E di dapat diretsahin mo yung tao. Hindi yung paasa ka ng paasa kay Vincent! Talagang makakatikim ka sa akin!" ipinakita ko sa kaniya ang kamao ko.
"Matagal ko ng sinabi sa kaniya na imposible akong magkagusto sa kaniya. Pero makulit siya," kumuha pa siya ng panyo sa bulsa ng short niya saka pinunasan ang pangit niyang mukha.
"Tsk. Simple lang mang-reject ng lalaki. Sabihin mong may gusto kang iba, at panigurado, titigilan ka na nun," wika ko habang nakapameywang.
"Sinabi ko na rin yun pero sabi niya wala daw siyang pakialam dahil kaya niya naman akong paibigin," sabi niya pa. Napakamot ako sa ulo ko. Tukmol nga naman!
"Sinabi niya yun? Teka.. sino bang gusto mo?" tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang namula at saka tumungo ulit. Napataas ulit ang kilay ko sa kaniya. Mukha siyang tanga na pabebe!
"Si Ian Montenegro, ng section A," pabulong niyang sabi. Pero tama lang para marinig ko.
"Ano?! Tama ba yung narinig ko? Si Ian? As in si Ian na pinakamatalino sa school?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya at agad naman siyang tumango sa akin.
"Gwapo rin siya saka mayaman," dagdag niya pa. Napamaang ako at biglang naalala si Jenny na may gusto rin kay Ian. Ang dami naman karibal ng babaeng yun!
"Pero gwapo din naman si Vincent ah, saka may kaya sila sa buhay," nakangiwi kong sabi. Napatunghay tuloy siya saka ako kinunotan ng noo.
Itong si Tala kapag nagkagusto kay Vincent magiging masaya ang tukmol at mababawasan naman ang karibal ni Jenny kay Ian. Tumango-tango ako. Tama parang 'Hitting two stones in one bird' Teka lang? Tama ba yun? Parang mali? Ayt, yaan mo na nga.
"Pero hindi ko talaga siya gusto. Si Ian ang lalaking pangarap ng lahat ng babae, nasa kaniya na ang lahat," sabi pa nito. Napa-iling-iling ako.
"Mali ka. Hindi ko siya pangarap at lalong wala sa kaniya ang lahat, sigurado ako doon," pangungumbinsi ko. Magsasalita pa sana siya ng biglang dumating ang kotse ni Sofia. Bumaba roon si Sofia at tumakbo palapit sa amin. Hindi na niya ata nagawang magbihis dahil nakapantulog pa rin siya.
Ngumiwi siya ng makita ang kalagayan ni Vincent bago niya nilingon ang apat na nakikipag-away.
"Wow!" mangha niyang sabi. Tinulungan niya akong alalayan si Vincent papunta sa kotse niya. Binalingan ko sina Eyan na nakaupo na sa daan.
Pare-parehas silang naka-upo sa daan habang hinihingal. Lumapit ako sa kanila at saka tinulungang tumayo ang apat.
"Tapos na?" napalingon kaming lahat kay Josrael na may hawak-hawak na bananaque. Ngumunguya pa ang hinayupak!
"Tangina mo! Napakupad mong gago ka. Napagod tuloy ako kakasuntok," maktol ni Adam habang naka-akbay sa akin. Ngumisi lang si Josrael saka inalalayan si Jia.
"Mas maganda pa lang manuod na lang no?" tumatawa niyang sabi. Napa-irap kami nina Sofia saka dumiretso sa kotse niya at doon nagsiksikan.
"Wow, pre! Akala ko patay ka na?"
(End of Kaguluhan 7)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top