*Kaguluhan 6*
Eyan Perez
"Eyan, ano bang gusto niyo sa mga lalaki?" napalingon ako kay Vincent na bigla na lang nagsalita sa likuran ko. Aba't sumunod pala sa akin ang gagong 'to?
"Sinundan mo pa talaga ako hanggang banyo para lang itanong yan?" sarkastiko kong sabi habang naglalagay ng liptint sa labi. Ngumiwi siya sa akin saka ipinatong ang kamay sa balikat ko.
"Tulungan mo naman ako kay Tala! Sobrang gusto ko talaga siya," nag-puppy eyes pa ang tukmol sa akin pero sabagay mukha naman siyang aso.
"Ano?! Bakit ako? E hindi ko nga ka-close yung babaeng yun e!" tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko saka siya binatukan.
"Babae ka saka babae siya, e di may mga bagay na dapat alam mo kung anong gusto ng isang babae," sabi niya habang hawak-hawak ang batok.
Napabuntong hininga ako saka pumasok sa isa sa cubicle sa loob ng cr.
"Wag kang sisilip, tukmol!" sigaw ko mula sa loob.
"Hindi kita type, Eyan," nandidiri niyang sabi sa labas. Napa-irap ako saka natawa.
Pagkatapos ay naabutan ko siyang nakasandal sa pintuan. Ako naman ay pumunta sa sink at saka naghugas ng kamay.
"Isa lang ang alam ko na gusto ng mga kababaihan," sabi ko habang tinitingnan siya sa repleksyon ng salamin. Bigla siyang napaayos ng tayo at saka tumingin sa akin.
"Ano?" nanlalaki pa ang mata niya. Tiningnan ko siya ng malagkit saka naglakad palapit sa pinto at sinara iyon.
Paglingon ko kay Vincent, nakatulala na siya habang ilang beses na lumulunok. Hindi ko tuloy napigilang hindi tumawa. Ilang segundo ay akabawi rin siya at saka ako sinamaan ng tingin.
"Eyan, masasapak kita!" pagbabanta niya. Tumawa ako ng pagkalandi-landi saka siya nilapitan. Naramdaman kong nanigas siya nang hawakan ko ang pisnge niya.
"Isa lang ang gusto ng mga babae.. Yun ay.. Dapat magaling ka," mapang-akit kong sabi saka tinapik ang pisnge niya. Tinawanan ko siya at bigla akong nakatanggap ng pagbatok mula sa kaniya. Nabulunan tuloy ako ng sarili kong laway.
Nagulat ako at yung isang babae, pagkabukas ko ng pinto. Tapos ay nanlalaki pa ang mata niya habang nakatingin sa likod ko.
"Multo ba kami para manlaki yang mata mo?!" nakataas ang kilay ko sa kaniya. Bigla siyang natauhan saka tumungo.
Binigyan ko siya ng daan at saka lumabas at naramdaman kong sumunod din si Vincent sa akin.
Pagkarating namin sa room, naabutan namin roon si Dino, Nena, Adam, Jia at si Sir. Lumiwanag ang mukha ko saka binati si Sir na nakaupo sa table niya.
"Good afternoon sir! Kamusta ang seminar?" napatunghay siya saka ako tiningnan at saka si Vincent na nasa tabihan ko.
"Hindi maayos. Ang daming tumawag sa akin na subject teacher niyo, halos lahat ay reklamo, wala man lang kahit isang papuri para sa inyo," naiinis niya sabi habang pinandidilatan kami. Nagpatay malisya ang apat na nagsusulat.
Mga tukmol kasi, parang hindi na sanay kay Sir Alfred. Yung teacher na yun puro lang pasulat tapos kapag wala siyang ma-checkan na sulat, hindi ka makakauwi. Kaya yan ang apat na yan, hindi na nadala.
"Lahat naman ng ginagawa namin Sir e, masama para sa kanila. Nakakapagod kayang umiwas sa gulo," nakakunot-noo kong sabi. Tinaasan lang ako ng kilay ni sir saka umiling-iling at hinawakan ang sintido niya.
"Hayy... Natapos din!" nag-unat ng kamay si Adam saka tumayo at inayos ang bag.
"Sa wakas, makakuwi na!" sabi naman ni Dino habang nilalagay ang notebook sa bag.
Biglang pumasok sa room si Sir Alfred at saka niya tiningnan ang sulat ng apat. Pinirmahan niya iyon at saka bumati kay Sir bago umalis.
"Sabay-sabay na tayo," sabi ni Jia habang inaayos ang buhok niya. Tumango na lang ako saka ko inayos ang relo sa kamay ko.
"Sabay lang. Iba na kapag sabay-sabay," pagsingit ni Dino habang nakasabit na sa balikat niya ang bag.
"Pauso ka, Taba," ngiwing sabi ni Jia kay Dino. Umingos lang si Dino sa kaniya saka bumulong-bulong.
"Ang macho-macho ko nga e!" bulong nito. Natawa na lang ako saka umuna sa paglabas.
"Uuwi na kami Sir. Ingat kayo sa pag-uwi, kami rin ingat sa pag-uwi!" sigaw ni Adam kay Sir.
--
Habang nasa hallway nagkakwentuhan pa kaming anim habang naglalakad. Maya-maya lang ay isiningit na naman ni Vincent ang lintik na mukhang star na yun.
"Ikaw Jia, ano sa tingin mo ang gusto ng mga babae sa isang lalaki?" tanong niya. Nag-isip si Jia saka sinulyapan si Vincent.
"Hmm.. Kung ako ang babaeng yun? Gusto ko ng matalino. Aba bobo na nga ako tapos jojowa pa ako ng bobo? Kawawa naman ang magiging anak namin!" tumawa kami sa sinabi niya. Napakamot na lang sa ulo niya si Vincent dahil walang kwenta ang sagot ni Jia.
"Wala kang kwentang pagtanungan, parehas kayo ni Eyan na'to!" nakuha niya pa akong ituro kaya pinalo ko ang kamay niya.
Si Nena naman ang binalingan niya.
"Ikaw Nena? Sana matino ang sagot mo," sinamaan siya ng tingin ni Nena bago ito sumagot.
"Simple lang. Ligawan mo siya araw-araw. Kulitin mo siya lagi. Padalhan mo ng mga simpleng regalo at panigurado hindi lang hulog ang mangyayare doon kundi baldadong-baldado ang aabutin niya!" sagot niya. Napatango-tango si Vincent sa kaniya.
"Tama ka. Kaya pala ikaw ang paborito kong kaklase sa lahat e! Matino kang kausap!" babatukan ko sana siya pero bigla na lang siyang tumakbo paalis.
Nagkatinginan kaming lima saka nagtawanan. Pagkalabas namin sa school, dumeritso kami sa tindahan ng mga streetfoods sa kabilang kanto. Tutal pare-parehas lang din naman kami ng barangay na uuwian e.
"Palamig nga po, limang piso," ngumunguyang sabi ni Adam sa tindira. Tumusok ulit ako ng isang kwek-kwek bago yun sinawsaw sa palstic cup ni Dino na may suka.
"Ako rin po!" sabi ni Nena habang ngumunguya rin.
"Dino, dahan-dahan lang sa suka, ginawa mo ng tubig yan e," sambit ko kay Dino nang bigla niya na lang inumin ang suka sa baso. Napilitan tuloy akong kumuha ulit ng panibagong suka sa lagayan.
"Hala, may nagsusuntukan!" napalingon ako sa dalawang babae na mukhang sa ibang school pa pumapasok. Napasunod ako ng tingin sa kanila nang tumakbo sila paalis at pumunta sa nagkukumpulan na tao, ilang metro lang ang layo rito.
"May away daw," kibit balikat kong sabi sa apat. Hindi nila iyon pinansin saka ipinagpatuloy ang pagkain.
"Magkano po ang kwek-kwek, manang?" tanong ko.
"Tres isa, iha," sagot ni manang tanda sa akin. Binilang ko kung ilan ang nakain ko at saka pinag-plus kung magkano lahat yun.
"Lima po yung nakain ko dibale, kinse po saka bibili ko po ako ng limang pisong palamig," inabot ko ang bente pesos sa matanda.
"Bente-singko ang lahat ng akin, Eyan. Pakibayaran nga muna, magbabasket ball pa ako mamaya, wala akong pamusta," biglang bulong sa akin ni Adam.
"Bwesit ka," sinamaan ko siya ng tingin bago dumukot ng pera sa bulsa.
Nagpa-kyut pa sa akin ang tukmol bago naki-inom ng palamig sa akin. Ang sarap talaga mangbugbog ng kaklase minsan!
Maya-maya lang ay biglang nagsalita si Nena.
"Teka.. Si Vincent yun ah?"
(End of Kaguluhan 6)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top