*Kaguluhan 45*
Gabriel Feñoso
After a month...
"Nasaan na yung iba?" nakapamewang kong tanong sa estudyante ko.
"Parating na daw sila Sir," imporma ni Hennes sa akin.
Tumango ako bago naglakad sa isang pang van na pagmamay-ari ng pamilya ko.
"Na-check niyo na po ba ang lahat Mang Kanor? Eh yung preno po?" bungad ko sa kaniya.
Si Mang Kanor ang driver ng pamilya namin. Siguro, siyam na taong gulang ako nang magtrabaho sa amin si Mang Kanor.
Sa ngayon, siya muna ang magda-drive ng isang van na dadalhin dahil hindi naman pwedeng ang estudyante ko ang mag-drive noon.
"Ayos na iho. Nasaan na ba ang mga bata mo?" tanong niya habang nakatingin sa likuran ko.
"Nako, hindi pa kumpleto Mang Kanor, maghintay muna tayo ng kaunti," natatawa siyang tumango sa akin.
"Aba! Ang yaman naman ni Sir!" napalingon ako sa sigaw ni Vincent. Hindi ko alam kung maiinis ako sa suot niyang neon green o matatawa.
Kailan ba ako hindi na-stress sa kanila?
"Tanginang jacket 'yan, nakaka-bulag!" iritableng komento ni Eyan. Pero tinawanan lang siya ni Vincent at saka dumeritso sa tabi ko.
"Sa inyo ba 'yang dalawang van, Sir?" curious niyang tanong.
"Syempre," pagmamayabang ko.
"Ang yaman niyo talaga sir eh. Parang gusto ko na lang magpa-ampon sa inyo," untag niya na ikinatawa ko.
"Hindi ka aampunin ng magulang ko. Masyadong matigas ang mga ulo niyo," sagot ko.
Pero tumawa lang siya. Maya-maya lang din ay lumapit na siya sa mga kaklase niyang nagkakagulo.
Pinagmasdan ko ang mga estudyante ko. Lahat sila ay nagsasalita, ang iba ay sumisigaw pa. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinapanuod ang pagkakagulo nila.
"Tanggalin mo nga 'yang jacket mo! Tangina ang sakit sa mata eh!" sigaw ni Jenny at halos siya na mismo ang naghubad ng jacket ni Basdien.
"Uy! Uy Teka-rape ba 'to!?" aligagang sigaw ni Vincent. Maya-maya lang ay binatukan siya ni Villa.
"Umayos nga kayo, aalis na tayo oh!" sita nito sa dalawa.
"Bakit ako lang ang binatukan mo!?" kaagad na tanong ni Basdien pero hindi na siya pinansin pa ni Villa.
Ilang beses akong bumuntong hininga bago ko inayos ang pagkakasuot ng sumbrero ko.
"Kumpleto na ba kayong lahat?" tanong na nagpatigil sa kanila.
"Teka, kumpleto na ba tayo?" tanong ni Fernandez sa mga kaklase niya.
"Wala pa si Zenon at Chris, sir!" sagot ni Damus.
"Tanga ka ba?" untag ni Manlangit na mukhang na-irita sa sinabi ng kaklase.
"Hahaha nandito na pala si Zenon. Si Chris na lang," agad niyang bawi.
"Tanga. Nandito na rin si Chris," asik ni Leo sa katabi.
"Kumpleto na po Sir!"
---
Halos isang oras ang itinagal namin sa daan bago nakarating sa airport. Nauna kami bumaba bago ang nasa ibang van.
"Sa wakas, makakasakay na rin ako ng eroplano!" bulalas ni Oson habang sakbit-sakbit sa balikat ang malaking bag-pack.
Malawak ang bawat ngisi ng estudyante ko. Naalala ko tuloy bigla ang paghihirap ko para lang maisama ang lahat.
Inisa-isa ko ang bawat bahay nila.
Pinagpaalam sa bawat magulang nila.
Halos kalahating buwan kong ginawa 'yon dahil ang gusto ko ay lahat makakasama.
Kahit na puro kalokohan lang ang alam ng estudyante ko, gusto pa rin naman na maging masaya ang huli nilang sembreak na magkakasama.
Saka, ito na rin siguro ang graduation gift ko para sa buong klase.
"Arat na!" malakas na sabi ni Dino at siya na mismo ang umuna sa paglalakad
Natawa ako bago sumunod sa kanila. Lahat sila ay masaya. Maaliwalas ang bawat ekspresyon sa mukha. Lahat ay magaan ang loob.
Pagkarating sa Palawan, agad silang nagkuhanan ng mga litrato, maging ako ay sinasama rin nila.
Matagal ko ng alam na makakapal ang pagmumukha ng estudyante ko pero ngayon ko lang ata naranasan ang kahihiyan na'to.
Simula nang tanggapin ko ang pagiging adviser nila, tinanggap ko na rin sa sarili ko ang kahihiyan. Ang kahihiyan na minsang nagpapangiti sa akin.
Katulad na lang ngayon, gusto nilang mag-class picture pero sino naman ang kukuha ng litrato sa amin?
"Ayan! Yung magandang babae, tawagin mo," mahinang utos ni Reyes kay Rence.
Maya-maya lang din ay dumaan na sa tapat namin ang babae, kaya kaagad siyang tinawag ni Leo.
"Excuse me, miss ganda," napatigil ang isang babaeng turista. May dala-dala itong malaking maleta at isang maliit na sling bag.
Mukha siyang naglayas sa itsura niya.
Simple lang ang suot niyang yellow dress. Nakasuot rin siya ng sun glasses na kinailangan niya pang alisin para makita kaming lahat.
"Yes?" ngiti niyang usal.
Mabilis na lumapit si Rence sa kaniya. Ini-abot nito ang camera na dala na gada din namang tinanggap ng babae.
"Papa-picture po sana kaming buong section. Remembrance lang, po," narinig ko ang hagikgikan ng mga lalaki sa likuran ko.
"Pabebe, amp,"
"Sarap itulak sa dagat HAHAHA,"
"Bwisit!"
"Tangina, natatae ako sa itsura ng gago,"
"Sarap sapakin eh,"
Ngumiti ang babae at saka kami tiningnan. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin kay Rence.
"No problem," pagsang-ayon ng babae.
---
"Ito na ba ang Coron, Palawan!?" nanlalaki ang matang tanong ni Klea nang makababa mula sa bus.
"Ang ganda!!!" sigaw ng mga girls. At katulad kanina, muli silang kumuha ng mga litrato.
Habang ang mga boys naman ay tinitingnan lang ang paligid. Nakakakapagtaka, ang tahimik ng aking mga boys? Hmm...
"Sir, sabi niyo may bahay kayo dito? Doon ba tayo mags-stay ng tatlong araw?" tanong ni Ms. Zios.
"Yes. Sa lola kong bahay yun, pinama lang sa akin," sagot ko at sabay-sabay silang nag-'ohh'.
"Shit! Magpapa-ampon na talaga ako sa inyo sir!" sambit ni Vincent dahilan para magtawanan kami.
Hindi ko na tinugon ang sinabi niya. Inayos ko ang pagkakasakbit ng aking bag-pack sa balikat.
"Lakarin na lang natin yun, mga 10 minutes ay nandoon na tayo," saad ko at saka naglakad palayo.
Lahat naman sila ay nagasunuran. Manghang-mangha sa kapiligita. And I can't blame them, this place are so beautiful.
"Luh? Ang ganda nito!" sabi ng isa sa babaeng estudyante ko.
"Jenny! Jenny! Picturan mo ako dito! Dali!" hindi ko sila nilingon.
I'm sure, kumukuha na naman sila ng mga picture sa sarili nila kasama ang magandang tanawin. Bahala na nga sila.
After ten minutes, nakarating na kami sa dating bahay ng lola ko. Hindi na ako nagulat nang makitang malinis na malinis ang bahay. Alam ko naman kasing inaalagaan ito ng dating katulong ng lola ko.
"Pasok kayo,"
"Ang yaman niyo nga talaga Sir, eh bakit kayo nag-teacher?" tanong ni Elise.
I shrugged.
"I like teaching. Yun na talaga ang gusto ko simula nang magka-isip ako," i answered. Tumango siya at saka naglibot ng tingin sa buong bahay.
Ang natatandaan ko, meron kaming limang kwarto dito. Tatlo sa taas at dalawa sa baba.
"Nagugutom na ako," narinig ko ang mahinang sabi ni Sofia.
"Ako rin HAHAHA," sagot ni Eyan sa kaniya.
"Okay," nilingon ko ang lahat. Ang iba ay nasa hagdanan na at handa ng umakyat.
"Kumain muna tayo," at lahat sila ay sumang-ayon.
---
Pangalawang araw na namin ngayon sa Coron. And we decided to go in Banol Beach.
Lahat sila ay excited and I can it see in their eyes. I smiled while staring at them. Hindi nila alam na ang kasiyahan ng isang guro ay makita ang tagumpay nila balang araw.
At sana, makita ko 'yon.
"Magto-two piece ka!?" napatigil ako at nilingon ang mga girls. They are going to wear what?!
"Hehehe, joke lang. Mahal ko ang body ko 'no! Saka baka pagalitan ako ni Ian," nakangiwing sagot ni Santos.
I thought, they're going wear that. Wala sa sarili akong bumuntong hininga.
"Marunong ka bang lumangoy?" sa kabilang dako naman ay ang mga boys. Talking about swimming.
"Ano sa tingin mo?" sagot nung isa.
"Gago,"
"Ang gago neto!"
Pagkarating namin sa beach agad na nagsibabaan ang mga estudyante ko. Ka-agad silang lumusong sa dagat para maglangoy.
"Shit! Ang lameg!" hiyaw ni Dino.
Samantalang ako nandito sa lang sa pangpang habang pinagmamasdan silang lahat na masayang naglalangoy. Hindi na nga nila nagawang magpalit na damit eh.
"Wag kang manulak!! Lunurin kita dyan eh!" asik naman ni Jia kay Eyan. Pero hindi natakot si Perez at patuloy na tinulak ang kaklase.
"Pvta! May pumasok na tubig sa tainga ko! Gago!" napalingon ako sa gawi ng mga boys. Para silang mga bata na nagbabatuhan ng tubig.
"Ang alat! Pwe!"
Natawa ako sa kanilang lahat. Masaya sa pakiramdam na makita mo ang lahat ng estudyante mo na masaya. Nakangiti at walang problema.
"Sir?" napatingin ako kay Ms. President.
"Yes,"
"Langoy ka rin, sir!" sigaw niya, na agad namang senigundahan ng mga kaklase.
"Magpapalit lang ako," I said.
Tumalikod ako at nagsimula nang maglakad. But then, tima wag ako ng estudyante ko.
"Salamat, Sir!"
---
Epilogo is coming!!!
(End of Kaguluhan 45)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top