*Kaguluhan 44*

Eyan Perez

"Ma, alis na po ako!" malakas kong sigaw habang pilit na sinasara ang zipper ng bag.  Nakita kong sinilip ako ni mama mula sa kusina habang hawak-hawak ang isang sandok.

"Ano bang oras ka uuwi, Eyan?" tanong niya.

Tangina. Sa wakas, nasara ko din. Hayop na bag 'to, hirap sarahan ng zipper.

"Hindi ko alam ma, text ko na lang kayo pag-uuwi na ako. Sige ma, alis na ako!" hindi ko na siya hinintay na sumagot pa.

Mabilis kong nilakad ang daan papunta sa paradahan ng jeep. Marami-rami na rin ang pasahero nang makarating ako sa paradahan. Kaya naging mabilis lang paghihintay ko dahil madaling napuno ang jeep.

Habang nasa byahe, nakatanggap ako ng text mula kay Hale. Tinatanong kung nasaan na daw ako. Sinabi ko na lang na papunta na rin ako, pagkatapos ay hindi na siya nagreply.

"Adam, gigilitan kita sa leeg! Bwisit na tukmol 'to!" sigaw ni Jenny ang bumungad sa akin pagkapasok sa bahay nina Vincent.

Halos lahat sila ay nandito na. Mukhang ako na lang talaga ang kulang dito.

Tumingin ako kina Jia na prenteng nakaupo sa sofa habang busy sa pagce-cellphone. Sa kaniyang tabihan naman ay si Nena na busy sa pagkuha ng mga litrato.

Sunod ko namang tiningnan ay ang kusina kung saan ko narinig ang boses si Jenny at Klea. Nandoon din sina Adam at Dino na nangbi-bwisit sa dalawang nagluluto.

"Oh! Eyan andito ka na pala?" gulat na sabi ni Kian nang makita niya ako.

"Oh! Kian buhay ka pa pala?" ganti ko na nagpangiwi sa kaniya. Nasa sahig sila nakaupo habang naglalaro ng kung anong laro nila sa cellphone.

Tinawanan ni Iguel ang naging sagot ko. Nakatanggap tuloy siya ng sapak mula kay Kian.

"Masama ata gising ni ate Eyan eh,"

"Oo nga masama. Kasing sama mo," bwelta ko at tumawa ulit si Iguel.

Umiling-iling si Kian at saka sumimangot.
Pagkatapos ay natatawang nagsalita si Iguel.

"Wag mo kasing kausapin ang mga babae dito. Tingnan mo," tinuro niya ang direkyon nina Jenny.

"Lahat sila mainit ang ulo,"

Nilampasan ko na lang ang dalawa at saka dumeritso kina Jenny at Klea. Agad kong naamoy ang niluluto nilang spaghetti sauce.

Maraming kalat ang nasa lamesa. Mga natapong sauce, tubig, at ilang pasta ng spaghetti.

"Ano ba 'yan! Ang dumi niyo magluto," komento ko. Parehas silang napalingon sa akin at magkasabay na nagkibit-balikat.

"Lilinisin din naman yan nina Dino mamaya eh," ismir na sagot ni Jenny habang pinandidilatan ng masama ang kawawang  baboy.

"Ako?! Maglilinis niyan?! Hindi pwede. Masyado akong gwapo para maglinis." gulat at nanlalaking matang sagot niya.

OA, amputa!

Kumunot ang noo naming tatlo sa sinabi niya. Ay, matinde! Ang lakas ng apog ng gagong 'to.

"Baka masyado ka lang baboy?" bwelta ni Klea kasabay ng pagbelat niya kay Dino.

"Ano?!" OA na sigaw ni Dino. Exaggerated niyang hinawakan ang dibdib habang nakasandal sa dingding. Nalukot ang mukha ko sa katangahan ng isang 'to.

"Umayos ka nga!" inis na sambit ni Jenny habang hinahalo ang niluluto.

---

Bumuntong-hininga ako habang nakatitig sa mga tukmol na masayang nanunuod ng pelikula.  Merong nakaupo sa lapag habang ang iba naman ay nasa sofa.

Hindi ko nga lang masyadong naintindihan ang palabas dahil sa lalim ng iniisip ko.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko dapat ako ang gumawa ng paraan. Kaso, wala talaga akong maisip na pwedeng senaryo kung paano napunta ang kapirasong papel na 'yon sa bag ko. Wala naman akong natatandaan na pumunta ako sa office ni Ma'am Leynes.

Wala sa sarili akong napapikit. Nakakainis! Wala talaga akong maisip na mapapakinabangan!

Bwisit na utak 'to. Ayaw man lang gumana, kahit ngayon lang!

"Tanga! Nasa likod mo!" sigaw ni Yuan. Nagulat ako kaya agad akong napamulat. Lahat sila ay tutok sa palabas.

Kasalukuyang tumatakbo ang bida para matakasan ang killer kaso ang bida biglang tumago sa likod ng malaking puno. Hindi niya namalayan na nasa likod lang niya yung killer.

"Takbo, tanga!" komento ni Dianne. Ako lang ata ang walang pakialam sa bida? Lahat kasi sila ay minumura ang babae.

Maya-maya lang din ay nagkita na ang bidang babae at ang bidang lalake. Parehas na punong-puno ng dugo ang mga suot nilang damit.

Nagpangiwi ako dahil sa biglaan nilang halikan. Parehas silang uhaw na uhaw na isa't isa. Para bang sampung taong silang nagkahiwalay.

Muntik pa akong mapatili nang biglang lumitaw ang killer sa likuran ng dalawa. Sina Hale ay muntik nang mahagis ang mga chichirya na hawak-hawak.

"Yan! Sabi ng tumakbo! Hayok sa halik amputa!" iritableng sabi ni Elise.

"Ang tanga ng mga bidang 'to! Ba't ba sila pa ang naging bida?" dugtong ni Jia at kunot-kunot ang kaniyang noo.

"Siyempre, walang thrill kung hindi tanga ang bida!" bwelta ni Nena habang nakahalukipkip.

"Tama! Tama!" segunda ni Sofia.

Sa huli, himalang nakaligtas ang dalawa sa killer. Aksidente kasing nasaksak nung babae ang killer noong binalak siyang patayin. Kaya ayon, happy ending, nagpakasal ang dalawa at nagkaroon ng anak.

"Yun na yun?" hindi makapaniwalang bulalas ni Leo.
"Boring..." dugtong niya.

Nakikinig ako sa usapan ng mga tukmol tungkol sa wakas ng palabas. Pero agad din akong napatigil dahil sa pagtunog ng cellphone kong nasa bulsa ng pantalon ko.

IdaNgSectionBengot Calling...

"Oh?" walang gana kong sagot.

[Hoy gaga! Suspended daw kayo?!] napangiwi ako sa sigaw niya. Nilayo ko muna ang cellphone sa tenga. Nakakabingi ha.

"Ay hindi mo ba alam? Papasok na nga kami bukas eh," walang kwenta kong sagot.

Narinig ko ang mahina niyang pagmumura. Tinanga pa ako ng gaga.

[Hulaan ko, hindi mo naintindihan yung favor ko noh?]

Kumunot ang noo ko. Ang totoo niyan nakalimutan ko na yung tungkol do'n.

"Hahaha. Hindi ko naintindihan yung favor mo," peke akong tumawa.

[Ako yung may kasalanan kung bakit napunta yung answer key sa bag mo! Gaga.]

Napatigil ako. Seryoso?!

"Ano? Bakit? May galit ka ba sa akin?! Tangina!?" narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga.

[Tanga. Hindi ko sinasadyang mapunta yun sa bag mo! Kung pinakinggan mo kasi ng maayos ang sinabi ko eh!] bwelta niya.

Napahilot ako sa sentido ko. Tanginang Ida 'to.

"Teka nga! Pano nga pala napunta sa'kin ang lintek na papel na 'yon?!" irita kong tanong sa kaniya.

Hindi ko napansin na nasa akin na pala lahat ng atensyon ng section Z. Masyado akong naka-focus kay Ida.

Lahat sila ay nakatingin sa akin. Hinihintay na magsalita si Ida.

[Nasan ka ba?] tanong niya.

"Wala ako sa bahay," agad kong sagot.

[Kaya nga tinatanong kita kung nasan ka eh!] irita niyang sabi sa kabilang linya.

"Ah! Nandito kami ngayon sa bahay ni Vincent. Teka— alam mo naman kung nasan 'to diba?" tanong ko. Dahil wala akong balak na sunduin pa siya mula sa kanila.

Narinig ko ang pag 'tsk' niya.
[Oo alam ko,] pagkatapos ay binabaan na ako ng gaga.

Agad akong napatingin sa mga tukmol. Lahat sila ay naghihintay na magsalita ako.

"Hahaha!"

---

Habang naghihintay sa pagdating ni Ida, nagwalis muna kami sa buong bahay nina Vincent. Nasa trabaho ngayon si ate Vanice kaya naglinis na rin kami kahit papano.

Saka, kanina pa naiirita si Vincent sa mga kapwa niya tukmol. Ang kalat kasi ng buong sala pero wala man lang isang nagkusang naglinis.

Eh alangan namang kami pa ang pumulot no'n? Kami na nga ang nagwalis sa buong bahay eh!

"H...hello," sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan. Doon ay nakita kong nakatayo si Ida. Hindi ko alam kung nakangiti ba siya o nakangiwi.

Gusto ko sana siyang pagtawanan sa itsura niya pero agad ko ring pinigilan. Mabilis akong tumayo para lapitan siya.

Tiningnan niya ako at saka ngumiwi. Ngayon niya lang siguro na-realize na lahat kami ay nandito.

"Ida, halika!" yaya ko sa kaniya pagkalapit. Hinawakan ko ang braso niya saka siya iginiya sa loob.

Pinaupo ko siya sa tabi ni Jenny na agad namang bumati sa kaniya. Maging sina Dianne at iba pa ay bumati rin.

Napansin ko rin ang titig ng mga tukmol kay Ida. Nakaka-bwisit, akala niyo naman ngayon lang nakakita ng tao?

"Ah, Eyan..." pagtawag niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano? Magkwento ka na," untag ko.

"Wait—gusto ko sana sa'yo lang magkwento," mahina niyang sambit pero sapat na para marinig ko.

"Ano ka ba? Dapat lahat kami, dahil kaming lahat yung na-suspended," sabi ko. Ngumuso siya habang tumatango.

"Sorry," bumuntong hininga siya habang nakatingin sa buong section Z.

"Hindi namin kailangan ng sorry mo. Ang kailangan lang namin ay 'yung totoo," kalmado ngunit mataray na saad ni Elise.

"Okay...Ganito kasi 'yon..."

"Habang nasa loob ako ng classroom,  inutusan ako ni ma'am Leynes na kuhanin yung kulay pink na envelope na nasa table niya at sinabi niyang dalhin ko daw 'yon kay Sir Alfred.

'Uy! Ida!' tumigil ako at nilingon si Gio. May hawak-hawak siyang limang libro. Halata din ang pagmamadali sa mukha niya.

'Bakit'

'May gagawin ka pa ba? May ipapabigay sana ako sa'yo,' nag-aalinlangan siyang ngumiti sa akin.

'Ano ba 'yon?' wala naman akong gagawin bukod sa ibigay itong pink na envelope kay sir Alfred.

'Pwedeng bang pakikuha ng mga dating test paper sa dating room ng section K. Kailangan ko lang umattend sa meeting ngayon. Pakibigay na lang kay ma'am. Please, salamat Ida,' ngumiti siya sa akin.

Tumango ako bago naglakad papunta sa 5th floor kung nasaan ang dating classroom ng section K.

Ginawa na kasi itong tambakan ng mga papel na hindi na gagamitin, pero ang pagkaka-alam ko ay araw-araw naman itong nililinis.

Sana nga lang walang multo dito. Huhuhu!

'Teka ano bang subject yung pinapakuha niya?' tanong ko sa sarili ko.

Kung si ma'am Dimagiba ang nagpapakuha ng dating testpaper hindi kaya yung sa subject niya?

Dahil wala akong choice. Yun na lang ang hinanap ko. Sobrang dami ng kinuha kong test paper. Naisip ko na ring  kuhanin ang lahat ng subject, tulad ng Math, Science, English, Mapeh,  T.L.E at iba pa.

Sobrang bigat ng dala-dala ko. Minsan pa nga ay nalalaglag yung iba. Pero buti na lang nakasalubong ko si Eyan. Nagpatulong ako sa kaniya na agad din naman niyang tinugon.

Kaso nga lang, noong nasa hagdan na kami, bigla akong natipalok. Sobrang sakit ng paa ko no'n na para bang nabali ang paa ko. Natapon ang lahat ng dala ko, pati yung pink na envelope na dala ko ay nabuksan at humalo sa ibang dating test paper.

'Tangina! Ayos ka lang?' tanong niya. Tumango-tango ako at pilit tumayo.

Pinulot namin ang lahat ng nagkalat na papel. Hindi ko alam kung alin ba dito yung nasa loob ng pink na envelope.

'Hoy tanga, humalo yung reviewer ko dito. Nasa'n na 'yon!?" aligaga niyang tanong.

Nakita ko yung hinahanap niya at agad na kong binigay sa kaniya. Nagtaka nga ako dahil medyo madami yung nirereview niya.

Dinampot namin ang lahat ng nagkalat. Saka ko inisa-isang tingnan ang papel para sana tingnan kung alin ba dito ang nakalagay sa pink envelope.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang ibang papel. Yung answer key sa science! Bigla ko iyong binaba para hindi makita ang buong laman.

Juskoo... Hindi ako mandaraya! Hala....

Dahil sa gulat, basta ko na lang iyon nilagay sa pink na envelope. Pagkatapos ay saka namin ito dinala kina Ma'am Dimagiba at Ma'am Leynes.

Kinabukasan, hindi na ako nakapasok sa school dahil sobrang nanakit ang paa ko, at dahil siguro 'yon sa pagkatapilok ko noong nahulog sa hagdan. Idagdag mo pa na pakiramdam ko ay lalagnatin ako.

'Wag ka ng pumasok ulit bukas bunso ah. Kakausapin ko na lang si Ma'am para iparating na absent ka ulit,' sabi ni Mama habang nagda-dial sa cellphone niyang keypad.

Maya-maya lang din ay biglang inabot sa'kin ni Mama ang cellphone. Pero kinuha ko na lang 'yon at hindi na nagtanong.

'Hello po?'

'Iha, gusto ko lang sanang tanungin kung nasayo ba yung isang page ng answer key? Hindi naman sa pinagbibintangan kita anak, dahil alam kong hindi mo magagawa 'yon. Ang sa akin lang ay kung nasayo ba?'

'Ay ma'am wala po sa akin. Baka po napunta kay Ma'am Dimagiba dahil naghalo po yung mga papel at yung answer key noong nahulog kami sa hagdan,'

'Kami? Sinong kasama mo,iha?'

'Si Eyan po...'

'Eyan? Ng section Z?'

'Opo...'

'Sige. Sige, iha.. Pasensiya sa istorbo. Pagaling ka dyan,' saka niya binaba ang tawag.

Ilang segundo pa akong natulala pagkatapos noon. Hanggang sa mag-sink in sa utak ko ang nangyare.

Nagmadali kong dinial ang number ni Eyan.

'Oh?'

'May favor sana akong hihilingin?'

Naririnig ko ang sigaw ng isang kaklase niya. Mukhang ngayon pa lang sila uuwi?

'Wala ng libre sa panahon ngayon kapatid ni Shawn Mendez,' napangiwi ako sa sinabi niya.

'Eh?... Dali na, parang hindi kita niligtas noon ah?' ganti ko.

Kahit para sa kaniya naman ang favor ko.

'Tsk. Oo na. Oo na. Ano ba 'yong favor-favor mo?'

'Kasi absent ako ngayon, gusto ko sana malaman kung may nakita ka bang answer key dyan sa loob ng bag mo? O di kaya naman ay nakasama sa reviewer mo?' 

Kung sakali mang nakita nga ni Eyan ang answer key na 'yon, siguro naman ay sasabihin niya sa akin 'yon diba? O di kaya ay, ibibigay kay Sir Gab.

'Ano?!' irita niyang sabi. Kumunot ang noo ko.

'Naintindihan mo ba?' irita kong tanong pabalik.

Bakit ba ang ingay ng paligid niya!?

'Hindi eh, ano ba 'yon?'  Hays, ang sarap magmura!

'Hayst... Ang sabi ko absent ako ngayong araw at bukas din baka lang hanapin ni Ma'am ang answer key sa'yo. Gusto ko lang masigurado kong nandyan ba talaga 'yong answer dahil baka pagbintagan kayo, at kung sakali mang nandyan ang answer key, iwanan mo na lang sa bahay niyo para hindi makita sa bag mo pero paki-usap huwag na huwag mong titingnan yung answer. Huwag kang magdaya, gaga.. Para iwas gulo'

Pero sa kalagitnaan ng pagsasalita ko ay may biglang sumigaw. Anak ng!?

'Eyan?! Nankikinig ka ba?'  naiinis kong tanong.

Ako na nga 'tong nagmamagandang loob?!

'Nakikinig ako, teka bakit ka nga ba absent?'

Hay, akala ko hindi niya narinig eh.

'Lagnat lang, sige ibababa ko na...' saka ko pinatay ang tawag dahil sobrang sakit ng ulo ko."

"At yun, na balitaan ko na lang na suspended kayo dahil sa pandadaya,"

Lahat kami ay nakatunganga sa kaniya. Tangina. Detalyadong-detalyado ang pagke-kwento niya.

Pero tangina din, may patunay na akong aksidente lang na nasama ang kapirasong answer key na 'yon sa reviewer ko.

Pero...

Bakit ko nga ba hindi nakita 'yon? Parang hindi ko ata nireview 'yon eh.

(End Of Kaguluhan 44)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top