*Kaguluhan 43*

Chris Pines

"Dito! Dito! Tangina, ipasa mo sa'kin gago!" sigaw ng sigaw si Adam kay Yuan.

Kanina pa siya hindi pinapasahan ng mga gago.
Halata ang pagka-irita sa mukha ni Adam nang ipasa ni Yuan kay Leo ang bola.

Ka-agad naman itong tinira ni Leo at tenenen—sablay.

Humagalpak kami ng tawa ni Dino dahil sa naging reaksyon ni Leo. Hindi pa makapaniwala ang gago na hindi niya na-shoot ang bola.

Tangina! Sasakit ang tyan ko kakatawa dito.

"Tangina! Sabi ng ipasa sa'kin eh!" angil ni Adam bago binunggo ang balikat ni Leo.

"Bakit ako? Kasalanan ng ring 'yon!" bwelta ni Leo habang magkasabay na tumatakbo papunta sa kabilang ring.

Sa ngayon, na kina Kian ang bola. Hawak ni Kian ang bola habang dini-drible. Pilit na ina-agaw ni Yuan ang bola pero agad din itong napasa ni Kian kay Sean.

Mabilis na tumakbo si Sean papalapit sa ring.

Nasa akmang ititira niya na ang bola nang biglang lumitaw si Henry sa likuran niya dahilan para maagaw ang bola.

"Sa'kin! Ipasa mo sa'kin gago!" sigaw muli  ni Adam sa kaniyang kakampi pero mukhang walang narinig si Henry dahil nagpatuloy lang ito sa pagtakbo hanggang sa mai-shoot niya ang bola.

"56-60! 2 points sa team Iguel!" sigaw ni Dino dahil siya ang taga-score. Meron siyang hawak na papel at doon niya nilalagay ang mga puntos.

"Apat pa ang lamang nila!" angil ni Adam kay Henry.

"Dapat kasi pinasa mo sa'kin! Napaka-tanga mo!" dugtong niya.

Tumawa si Henry dahil sa naging ekspresyon niya. Nabugbog lang naging pikon na?

Saka.

Hindi ba talaga napapansin ng gagong 'yun na pinagtitripan siya ng mga kapwa niya gago? Ay napaka-tanga nga...

"Teka, time out muna!" pagsingit ni Dino nang magsimulang mag-dribble si Adam. Palihim na tumawa ang mga gago habang si Adam naman ay kunot-noong nakatingin sa pwesto naming tatlo.

"Bakit ka nagtime-out?!" angil ni Adam habang naglalakad palapit sa direksyon namin.

"Wala kang pakialam! Ako ang referee dito!" sagot ni Dino habang nakahalukipkip.

Umingos si Adam at saka padabog na kinuha ang cellphone. Nagkatinginan ang mga gago saka nag-fist-bomb.

Napa-iling ako habang ngumunguya ng dalang chichirya. Kasalukuyan kamibg nandito sa court para magpalipas ng oras. Napag-isipan naming magbasketball muna habang hinhintay ang mga girls na mukhang bukas pa darating.

Hindi ako sumali sa laro dahil sobra-sobra na ang player. Nagpresinta pa si Dino na siya ang magiging referee para daw walang dayaan.

Samantalang kami ni Josrael ay nanunuod lang. Hindi pwede si Jos maglaro dahil sa hindi pa masyadong magaling ang sugar niya. Hindi nga dapat siya kasama sa lakad namin eh kaso nagpumilit ang gago. Kaya ayun, ang daming habilin ng mama niya.

Sina Adam, Henry, Yuan, Vincent, Gavin, at Leo ang magkakampi samantalang sa kabilang team naman ay sina Kian, Iguel, Sean, Zenon, Paul at Rence.

At ang hindi naglaro ay ako, si Dino at Josrael.

"Okay!" sumigaw si Dino habang parang tangang pumalakpak. "Game! Game! Magsipuntahan na kayo sa court!" pumito siya gamit ang mga daliri.

Iritang lumingon ang mga gago kay Dino.

"Kaka-upo pa lang namin!" reklamo ni Paul.

Umingos sa kaniya si Dino pagkatapos ay sinenyasan niya ang mga tukmol na pumunta sa gitna. Narinig ko ang malulutong na pagmumura ng mga gago. Hindi pa ata nakuntento si Gavin dahil talagang nilapitan niya pa si Dino para lang batukan.

"Aray! Tangina!" asik niya.

Gaganti sana siya pero agad namang nakalayo si Gavin. Sumimangot siya habang hawak-hawak ang batok.

"Ano bang team yung gagong 'yon?" pabulong niyang tanong sa sarili.
Tumatngo siya nang makita ang team ni Gavin.

"Babawasan ko 'to," nakangisi niyang bulong. Napangiwi ako habang nakatingin sa kaniya. Tangina! Nababaliw na ata ang baboy na 'to?!

Ilang segundo pa ay muling pumito si Dino gamit ang mga daliri niya.

---

Napatigil ako sa pag-akyat nang makita si Papa na bihis na bihis. Kumunot ang noo ko habang pinapanuod siyang sumuot ng sapatos.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko habang humahakbang pababa sa hagdan.

Tumunghay siya habang pilit na sinisiksik ang paa sa sapatos. Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin.

"Ah, pupuntahan ko si Zaniya sa bahay niya, dadalhan ko ng lansones dahil yun ang hiniling niya," nakangiti niyang sagot.

Tumango-tango ako ng marahan.

Noong una, nagagalit ako kapag mas inuuna niya pa ang babaeng yun kesa sa amin, pero sa pagtagal, unti-unti ko ng natatangap ang pagbabago sa buhay namin.

Si Mama, nasa Bulacan siya ngayon. Doon siya nagtatrabaho pero ayos lang dahil  madalas naman siyang tumawag sa aming magkapatid. Kapag naman nagpapadala siya ng pera sa akin niya mismo ibinibigay.

Matagal ng hiwalay ang mga magulang ko, pero buong akala ko talaga ay magkakabalikan sila dahil palagi na silang nagkakausap sa cellphone, minsan nga ay magka-video call pa.

Pero buong akala ko lang pala 'yon dahil biglang lumitaw sa buhay namin ang mama ni Zenon. Noong una, hindi ko matanggap ang nangyare, nagalit ako sa mama niya, kay Zenon, kay Papa at kay Mama.

Sa ngayon, nagpapadala na lanf ako sa agos ng buhay. Bahala na kung anong mangyare, bahala na sila sa buhay nila.

"Alis na ako," paalam niya na tinanguan ko lang.

Pagkaalis niya, binuhay ko ang tv bago naupo sa sofa. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone at saka nag-online sa facebook.

2 notifacation.

Iguel Adios mentioned you in a comment.

Leo Gozon tagged you in a post.

Ano kayang katangahan 'to?

Una kong binuksan ay yung kay Leo. Kumunot ang noo ko habang tintingnan ang mga stolen picture naming lahat.

Meron doon na nakanganga si Adam. Ito ata yung sumisigaw siya na ipasa ang bola.

Meron din naman si Gavin na nakapikit habang nakabuka ang bibig. Nagsasalita siguro ang gago dito.

Kay Dino naman ay yung naka-upo siya habang punong-puno ang bibig ng pagkain.

Si Paul na nakatulog habang nakaupo.

Si Rence na nakapamewan habang nakangisi pero sa ibang direksyon nakatingin.

Si Sean na nakangit habang naka-side view ang mukha, ito yung stolen na hindi eh. Amputa.

Kay Yuan naman ay noong umiinom siya ng tubig.

Habang ang kay Josrael naman ay noong tumatawa siya habang nakatingin sa cellphone.

Si Vincent naman ay nakasimangot habang magkakrus ang braso sa dibdib.

Ang kay Henry ay seryoso lang ang ekspresyon.

Ang kay Zenon ay nakangiti habang hawak-hawak ang batok.

Si Iguel naman ay noong nagtatali siya ng sintas ng sapatos.

Si Kian ay noong nasa tagiliran niya ang bola habang nagsasalita.

Ang kay Leo naman noong kumakain kami ng mga dala naming chichirya.

At ang huli ay ako, na nagkakamot ng puwet, tangina! Pvta.

Sunod kong binuksan ay yung mention ni Iguel. At tama nga ang hinala ko dahil tungkol 'yon doon sa stolen picture ko.

'Tangina, pati hanggang court makati?'
Ngumiwi ako sa nabasa. Tangina talagang gago 'to.

Nagreply ako sa comment niya.

'Tangina mo gago,'

Pagka-comment ko biglang may nagchat sa gc namin. Hindi ko sana bubuksan dahil puro lang naman katangahn ang noo kaso nakita kong si Sir ang nagchat kaya ayun, binuksan ko din.

[G.C po ito!]

TorpengAdviser: Sent a photo.

TorpengAdviser: Sinong nanalo?

WagKangMaPaulSaAkin: Sina Gavin Sir. Olats kami.

TorpengAdviser: Aba! Galing-galingan niyo na lang sa susunod, sulitin niyo na ang isang linggo niyo,

ApakaPogingAdam: Ang tanga niya kasi, sabi ng ipasa sa'kin eh!

HenryNaCute: Hahaha.

MagalingGumilingSiIguel: Panalo kami Sir. Woahhhhh

AsawaNiIan: Kami Sir di niyo kakamustahin? Ayos lang naman kami :)

MaperaSiSofia: Nasa bahay lang kami noong panahong nagbabasasketball kayo at nagsasaya.

FeelingPresidentElise: Matino tayo ngayong araw eh. HAHAHA.

SiEyanNaTypeNgLahat: Bukas manuod tayong sine. #Forghurlzonly.

Ako'toSiJia: Game. Game. #Forghurlzonly.

LateMagreplySiKian: Anong gagawin natin bukas #TheBoyz.

NaliliyoSiLeo: Magbeach tayo. Sa palawan sana.

SiGwapongVincent: Gusto ko yan @NaliliyoSiLeo. Good suggestion. #TheBoyz.

WalangPangarapSiSean: Masyadong malayo at saka magastos. #TheBoyz.

PrincessKlea: Pumunta na lang kaya tayo sa EK #ForGhurlzonly.

NenaForTheWin: Manuod ng sine at pumunta sa Ek. Okay! okay! May gagawin na tayo bukas #Forghurlsonly.

TorpengAdviser: Sinong may sabing pwede kayong manuod ng sine, pumunta sa Ek at magbeach sa palawan? Diba suspended kayo?

TorpengAdviser: Kapag napatunayan niyong hindi kayo nandaya sa exam, ako lahat ang manlilibre sa inyo!

MerryCHRIStmas: Kaya mahal na mahal kita Sir eh. #KaySirLangMatapat.

ApakaPogingAdam: yown. Walang bawian Sir ah.

FeelingPresidentElise: Magkita-kita tayo bukas mga tanga. Sa bahay nina Vincent, 10 sa umaga. Babush!



(End Of Kaguluhan 43)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top