*Kaguluhan 42*
Sofia Villa
"Nag-overnight ang boys kina Henry kagabi. Papatalo ba tayo?" tanong ni Jenny habang yakap-yakap ang stuff toy na binili ko kanina sa Mall.
Ako dapat ang yumayakap dyan eh! Epal kasi 'tong si Jenny. Kinuha ka-agad sa akin pagkakita niya. Sarap sapukin eh.
"Saan tayo mag-o-overnight?" Kapwa naka-jacket sina Sofia at Hale habang nakahilig sa sofa.
Kasalukuyan kasi kaming nandito sa bahay ni Elise. Linggo ngayon kaya bonding with girls ang bet namin. Dapat nga kina Hale kami pero ewan ko ba at dito na kami napadpad sa bahay ni Elise.
"Dito na lang kaya tutal nandito na naman tayo?" suhestyon ni Klea habang patuloy na kumakain ng binili naming Chicharon sa labas.
Lahat na lang ng binili ko, nasa kanila na! Anak namputa!!
"Saan ka tutulog, sa banyo?" singhal ni Elise nang marinig ang sinabi ni Klea. Ngumiwi ng maarte si Klea habang ngumunguya
"Bastos neto. Ikaw kaya matulog sa banyo?" segunda ni Klea kasabay ng pag-irap niya.
Palihim akong tumawa dahil nagsimula na silang matagisan ng matatalim na titig.
Lagi namang ganito ang nangyayare sa bonding namin, minsan nakakainis pero kadalasan natatawa na lang ako.
Kaya gustong-gusto ko laging sumama sa bonding eh. Hahaha.
"ACKKKK SHIT!!!" muntik ko ng maibuga 'yong orange juice na iniinom ko dahil sa biglaang pagsigaw ni Dianne.
Tangina naman oh oh!
"Anak ng!" gulat na sigaw rin ni Jia dahil mukhang nakatulog na ang gaga.
"Hehehez, sorry. Ni-chat kasi ako ni bebe boy," kinikilig niyang sabi. Mukha siyang bulate na nilagyan ng asin. Amp.
"Eh, bakit kailangang sumigaw? Tanga lang?!" angil ni Hale na mukhang nawala ang antok.
Hayop na Dianne 'to! Buti sana kung may bebe rin kami eh, kaso wala.
"Gusto niya kaming magkita sa Henyeon Park!!!" tumili ang tanga. Nakuha niya pang yugyugin ang balikat na Eyan na tamang tingin lang.
"Gaga. Mamaya kidnappin ka no'n eh?" sabi ni Jenny habang yakap-yakap pa rin ang stuff toy KO.
"Sus, kung ganun ba naman kagwapo eh, baka ako na mismo ang sumakay sa kaniya este sa van pala," saka siya humalakhak na parang kontrabida sa teleserye.
"Tangina, ang wild mo," natatawa kong sabi habang naiiling.
Naningkit ang mata niya habang nakatingin sa akin. Tinuro niya ako gamit ang daliri niya.
"I know right,"
---
"Pano nga kaya napunta yun sa bag mo?" nagtatakang tanong ni Jia habang nakahiga sa lapag ng sala.
Napag-isipan namin na dito na lang kaming sampu matutulog sa may sala. Tutal hindi naman kami kasya sa kwarto ni Elise. Naglatag na lang kami ng makapal na kumot para higaan naming lahat.
Ganito ang pwesto namin ngayon. Mula sa kanan ay si Eyan, Hale, Elise, Jia, Jenny, Ako, Klea, Dianne, Nena at si Vicca na mukhang nakatulog na.
"Baka naman may naglagay no'n sa bag mo para pagbintangan talaga tayo?" konklusyon ni Jenny habang nakatingin sa kisame.
Na-isip ko na din ang bagay na 'yon pero hindi ko matukoy kung sino ang pwedeng gumawa no'n.
Hindi kaya, kinuha talaga ni Eyan 'yon?
Umiling ako sa na-isip ko at saka pinikit ang mga mata. Naniniwala ako kay Eyan na hindi siya ang may gawa. Pero paano nga ba namin mapapatunayan na wala kaming kasalanan?
Hindi nila pinaniniwalaan ang paliwanang ni Eyan. Ayaw nilang maniwala. Wala silang tiwala sa'min.
Tinanggap namin ang parusa kahit na alam naming wala kaming kasalanan. Si Sir na mismo ang kumausap sa mga magulang namin.
Buong akala ko ay papagalitan ako ni Mama pero nakakagulat at wala siyang komento tungkol doon. Ang tangi lang niyang sinabi ay 'I believe in you'
Maging sina Hale ay hindi rin napagalitan. Pati ang mga tukmol. Nagawa pa nga nilang mag-overnight eh.
"Ewan ko. Siguro magic?" tinatamad na tugon ni Eyan.
Ilang sandali kaming tumahimik. Walang nagsasalita at lahat ay nakatingin sa kisame. Tanging paghihilik lang ni Vicca ang maingay sa buong sala.
"Teka," hinintay namin ang sasabihin ni Jia. Ilang segundo pa siyang nag-isip bago nagsalita.
Nag-isip pa ang tanga.
"Saan tayo bukas mamasyal? Sa mall o manunuod na lang ng sine?" nakakunot ang noo niya.
Tangina! Ang buong akala ko ay may sasabihin siyang importante o maganda. Walangya, yun lang pala ang nasa isip ng gaga.
"Bahala na. Basta agahan na lang natin gumising dahil baka maaga ang punta nina Gavin dito," sabi ni Hale habang hawak-hawak ang cellphone.
"Kasama sila sa gala natin?" tanong Dianne. Nakayakap siya kay Nena na walang pakialam sa kaniya.
"Sasama daw sila eh," kibit balikat na sagot ni Hale.
"Alam niyo imbis na gumala tayo bukas, mag-isip na lang tayo kung paano mapapatunayan na wala tayong kasalanan," sambit ko. Nilingon ko sila at lahat sila ay nakatingin sa'kin, naniningkit ang mga mata habang nakangisi.
Pucha! Seryoso ako sa sinabi ko!
"Uyy! Nagbabagong buhay na si Sofia, gusto ng tumino!" kantyaw ni Dianne.
Ngumiwi ako at umirap sa kaniya.
"Epal mo,"
"HAHAHA pero tama ka nga, dapat mag-isip tayo. Lagi na lang kasing si Sir ang gumagawa ng paraan eh," bawi niya saka nagpeace sign sa akin.
---
"Wala ka ba talagang naiisip kung bakit nasayo yung papel na 'yon?" tanong ni Vincent kay Eyan.
Umiling si Eyan.
"Hindi ko nga alam. Tangina, dapat pala binuklat ko ang bag ko bago pumasok sa school," naiirita niyang sabi saka pinunasan ang buong mukha gamit ang mga kamay.
"Kapag napatunayan natin na hindi tayo ang nandaya, si principal ang isu-suspend natin," bulalas bigla ni Dino at agad siyang binatukan ni Josrael na siyang katabi niya.
"Gago,"
"Alalahanin mo kasi Eyan, tatanga-tanga ka pa man din minsan," sabi ni Paul kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni Eyan.
"Tangina mo. Eh sa hindi ko maalala!" pasigaw na sagot ni Eyan.
Nakakarindi ang sigaw mga bwisit na'to.
"Huwag niyo kasing pilitin si Eyan eh," iritang sabat ni Nena.
"Malalaman din natin kung paano napunta 'yon sa bag niya," dugtong niya.
"Tama! Kaya sa ngayon, kumain muna kayo," napatingin kaming lahat sa mama ni Elise.
May dala-dala itong kaldero na naglalaman ng adobong manok.
Kamukhang-kamukha ni Elise ang mama niya at saka ang bata pa niyang tingnan. Para ngang si Elise ang mukhang nanay eh.
"Yown...kainan na!" sigaw ni Dino at nauna ng kumuha ng plato.
Walang hiya talaga!
"Teka, akin yung pakpak!" iritang sigaw ni Elise nang makitang ito ang kinuha ni Dino.
Bumilat sa kaniya si Dino at saka ito kinagatan. Pagkatapos ay mapang-asar itong ngumiti kay Elise.
"May laway ko na, bleh!"
"Bwisit na baboy 'to," bulong Elise habang nagsasandok ng adobong manok.
Nang lahat ay nakakuha na ng pagkain, dumeritso kami sa sala at doon nagkaniya-kaniya ng pwesto.
"Hephep—" napatigil ako sa pagsubo dahil kay Vicca.
Sinenyasan niya kaming ibaba ang mga kutsara. Sinunod naman namin ito habang nagtataka.
Ano kayang katangahan 'to?
"Magdasal muna tayo bago kumain," ngumiti siya ng matamis habang nakatingin sa amin.
"Sino ang lead prayer natin?" segundo ni Kian.
"Si Chris!" hiyaw ni Sean habang nakaturo kay Chris na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Bakit ako?!" agad niyang tanong.
"Bakit hindi ikaw?" balik na tanong ni Sean habang nakangisi.
"Teka, si Zenon din magle-lead ng prayer!" sigaw ni Adam mula sa likuran.
Napatunghay si Zenon na nakakunot noo. Parang lutang naman ang isang 'to.
"Ano 'yon?" tanong niya.
Napahawak sa noo ko si Kian.
"Magle-lead ka ng prayer kasama si Chris. Ayieeee~" lahat sila ay inasar ang dalawa.
Ilang minuto pa ang tinagal namin sa pagpilit sa dalawa. Gusto ko nga silang batukan kanina nang maglakad at pumunta sa tapat ng tv. Papayag din naman pala pinatagal pa!
"Wow! Bakit may social distancing kayo? Closer ...." saad ni Dino habang ang dalawang kamay ay sinesenyas na maglapit ang dalawa.
"Tsk!"
"Psh!"
"Hahaha ang cute niyo. Mukha kayong malungkot na unggoy!" tumatawang sabi ni Dino. Binatukan siya ni Jenny dahilan para mabulunan siya ng sariling laway.
Masama ang tingin ng dalawa kay Dino. Mukhang konting-konti na lang talaga ay makakatanggap na ng sapak ang baboy na 'to.
Pagkatapos magdasal ng dalawa, agad kaming kumain. Saka namin napagdesisyunang manuod na lang ng pelikula.
'Ang probinsyano' ni FPJ ang napili naming pelikula. Hindi ako masyadong nanunuod ng mga action movie pero except ang kay FPJ.
"Sana ganito na lang lagi, suspended,"
(End Of Kaguluhan 42)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top