*Kaguluhan 41*

Josrael Likan

"Tangina..." napahiga ako sa daan dahil sa lakas ng suntok na nakuha ko. Ramdam ko ring tumulo ang kaunting dugo mula sa bibig ko.

Natawa ako. Hindi makapaniwala na naisahan ako ng isang gorilla. Kahit kailan hindi ko matatanggap na matatalo lang ako ng isang panget na gorilla.

Ako si Josrael, na walang inaatrasan kahit sino. Kahit ikaw pa ang pinaka sa lahat ng tao, lalabanan pa rin kita.

"Ano? Ha!" sigaw ng gorilla.

"Bumangon ka! Marunong ka bang sumuntok bata?" mukhang minamaliit ng isang 'to ang kakayahan ko ah?

Tumayo ako at humarap sa kaniya bago ko pinahid ang dugo na nasa bibig ko. Ngumisi ako at saka natawa sa harap niya.

Mukha nga talaga siyang Gorilla. Tangina.

"Sa tanda mo ng 'yan, kaya mo pang sumuntok?" pagbawi ko. Nakita kong kumunot ang noo niya bago tumalim ang tingin sa akin.

"Mayabang ka ring payatot ka ah?" natatawa niyang tugon. Tumaas ang kilay ko sa kaniya.

Gago ba siya? Sa kisig kong 'to, payatot?

"Okay lang, mayabang ka rin namang gurang eh," kibit balikat kong sagot.

"Alalahanin mo bata, mag-isa ka lang dito sa teritoryo ko," mayabang niyang sabi habang nakapamewang.

Ginaya ko ang ginawa niya. Namewang ako harapan niya saka ngumuso. Nakaka-bwisit na 'tong matandang 'to!

"Nakalimutan mo rin, mag-isa ka lang," nakangisi kong sabi.

Totoo naman eh, dalawa lang kaming nandito sa abandonadong bahay.

Naglalakad lang naman ako kanina pauwi sa bahay nang marinig ko ang sigaw ng isang babae. Nanghihingi ito ng tulong kaya mabilis akong tumakbo para pumasok dito sa loob ng abandonadong bahay.

Tapos nakita ko 'tong gagong Gorilla na 'to na gustong gahasain ang kawawang babae.

Wala sana akong balak magtagal dito kaso 'tong matandang gorillang 'to, gusto pang makipag one-on-one sa akin.

"Dyan ka nagkakamali bata. Lagi 'kong kasama ang matalik kong kaibigan," usal niya bago nilabas ang matalim na kutsilyo sa likod.

Napahakbang ako paatras. Pvta! Lugi ako do'n ah! Wala akong armas. Pero di bale, isang suntok lang, knock-out na 'to.

Ngumiti ako.

"Para sa akin, duwag lang ang gumagamit ng ganiyan sa laban," nakangisi kong sabi.

Mukhang nainis ata sa'kin ang matanda kasi nakita kong pasugod na siya. Nakataas sa ere ang kamay niyang may hawak na kutsilyo, balak niya ba akong saksakin?

Malamang. Alangan namang barilin niya ako gamit ang kutsilyo.

Napaka-tanga mo Josrael.

Bago pa man tumama sa dibdib ko ang kutsilyo, mabilis akong tumagilid para maiwasan ang patalim. Saka ko siya binigyan ng isang suntok sa tagiliran.

Ngumiwi siya bago bumagsak. Sa lakas ba naman ng pwersa ko, sinong hindi mamimilipit?

"Masakit?" pang-aasar ko.

Galit na galit siyang tumayo at humarap sa akin. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kutsilyo bago ulit sumugod sa akin.

Muntik na.

Muntik na 'kong tamaan! Pvtangina!!!

Nanlalaki ang mata ko habang patuloy na umiiwas sa bawat pag-atake ng matanda. Dumaplis pa sa braso ko ang patalim niya dahilan para humapdi ang parteng 'yun.

"Pvt—" hindi ko natapos ang pagmumura ko dahil sa tumamang suntok sa sikmura ko.

Taena, nasuntok na naman ako?!

"Masakit?" ginaya niya ang tono ng pagsasalita ko. Ngumiwi ako habang hawak-hawak ang sikmura.

"Nakatsamba ka lang," puna ko.

Ako na mismo ang unang sumugod sa kaniya. Nakadalawa na sitang suntok kaya kailangan ko na siyang patumbahin saka baka hinahanap na ako sa bahay.

Nagulat ata siya dahil sa pagsugod ko kaya hindi niya naiwasan ang kamao ko. Tumama ito sa panget niyang mukha dahilan para matumba ulit siya.

Hindi ako nakuntento at sinipa ko ang sikmura niya bago tinapakan ang dibdib niya.

Umuubo siya habang pilit na inaalis ang paa ko pero mas lalo kong diniinan ang pagkakatapak sa kaniya.

Tangina. Uwing-uwi na ako eh!

"Su...ko na a...ko," nahihirapan niyang sabi.

Yumuko ako para makalapit ng kaunti sa kaniya.

"Ano? Di kita narinig, ang hina ng signal," nakangisi kong tanong.

Mukhang mapapatay ko ang isang 'to ah? Nagbilang ako ng limang segundo bago inalis ang paa ko sa pagkakatapak sa kaniya.

"Sa susunod, kung gusto mo ng ka-level  dapat yung kasing tanda mo lang, para may pag-asa kang manalo," suhestyon ko saka tumalikod sa kaniya.

Pasipol-sipol ako habang naglalakad palabas ng abandonadong bahay.

Pero...

Bigla akong napatigil. Lumingon ako sa matandang nakangisi sa likuran ko. Bago ko nakita ang kutsilyo niyang nakatarak sa tagiliran ko.

Doon ko pa lang naramdaman ang sakit na dulot noon. Hindi ko napigilan ang pagluhod habang malakas ang pag-agos ng dugo.

Narinig ko pa ang malakas na tawa ng matanda bago ko narinig ang bulong niya.

"Minsan wag kang tatanga-tanga bata, baka ikamatay mo 'yan," Gusto ko siyang suntukin ng malakas at saksakin ng paulit-ulit pero hindi magawa.

Unti-unting naging malabo ang paningin ko. Pero bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, narinig ko ang paparating na sasakyan ng mga pulis.

Naramdaman kong nataranta ang matandang gorilla kaya napangisi ako kahit may dugo ang bibig.

"Ayon siya!" sigaw ng isang pulis nang makapasok.

Agad na lumuhod ang matanda hudyat ng kaniyang pagsuko.

Ano ka ngayon?

Tatanga-tanga ka din eh.

"May saksak siya manong pulis!" boses iyon ng isang babae. Ramdam kong hawak-hawak niya ang dalawa kong balikat mula sa likuran.

Mukhang siya ata yung niligtas ko? Buti na lang naisipan niyang tumawag ng pulis.

Hindi ko pa talaga katapusan ngayon, HAHAHA.

---

"Doc, anong oras po ba magigising 'yung anak ko?"

Napamulat ako dahil sa boses ni mama. Pero agad din akong ngumiwi nang maramdaman ang sakit sa tagiliran.

Pvta!

"Ahh..gising na po siya," tugon ng doktor habang nakatingin sa akin.

Mabilis na lumingon si Mama. Agad siyang napatakip sa kaniyang bibig habang dahan-dahan na lumalapit sa akin.

Psh. Ang OA.

"Ang anak ko! Ayos ka lang ba? Masakit pa ba ang sugat mo? Sabihin mo sa'kin. Masakit ba?" napapikit ako sa maraming sinabi ni Mama. Mas lalo atang sumakit yung sugat ko dahil sa ingay niya, pucha.

"Ma, okay lang ako. Malayo sa bituka ang sugat ko," sabi ko. Tiningnan lang ako ng matagal bago naupo sa katapat na upuan.

Ilang beses siyang huminga ng malalim bago ako sinamaan ng tingin. Napalunok ako bago tumingin sa kasalungat na pader.

"Sinabi ko naman kasi sa'yong bata ka na wag na wag kang papasok sa isang gulo. Tingnan mo naman ang itsura mo ngayon, napaka putla ng mukha mo. Alam mo ba kung gaano ako kinabahan nang tawagan ako ng ospital na nadito ka at nasaksak. Halos himatayin ako sa taxi kakaisip sa'yong hinayupak kang bata!" mariin kong ipinikit ang mata ko nang maging sigaw ang mahinahon niyang pagsasalita.

"Sinasabi ko sa'yo Josrael Villanuela Likan, kapag nabalitaan ko pang nakikipag-away ka kung kani-kanino talagang malilintikan ka sa'kin!!"  saka niya pinitik ang noo ko.

"At saka pwede ba, tigil-tigilan mo na ang kakasali sa gang-gang na 'yan!"dugtong niya.

"Ma naman, hindi ako gangster!" agad kong bwelta sa kaniya.

Nanlaki ang butas ng ilong niya habang pinandidilatan ako. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko na lang dahil baka masapok ako.

"Ah basta. Simula ngayong araw, alas-sais dapat ang uwi mo sa bahay," saka siya tumayo at iniwan ako.

Napakamot ako sa ulo ko habang nakatingin sa nilabasan niyang pinto. Maya-maya lang ay biglang nagsipasok ang mga gago kong kaklase.

Teka...sabado nga pala ngayon! Kaya pala hindi sila naka-uniform.

"Yowww nasaksak sa tagiliran," bati ni Leo habang nagra-rap palapit sa'kin.

Tsk.

"Kamusta, pre? Nga pala hindi nakasama si  Chris kasi nagpacheck up ang mama niya," pagbibgay alam ni Sean.

Napatingin ako kay Zenon na tahimik lang na nakaupo sa may sofa ng ospital. Gago naman kasi 'tong si Sean, hamak na banggitin pa ang bagay na 'yon!

"Bakit kayo nandito?" ismir kong tanong sa mga gago.

Tiningnan nila ako na para bang mali ang tinanong ko. Maya-maya lang ay bigla na lang silang tumalikod at naglakad palapit sa pinto.

Psh.

Akala ba nila pipigilan ko sila?! Mga ulol. Pabor pa nga sa'kin yun eh.

"Mamaya bumili ta— oh aalis na agad kayo?" tanong ni Dianne nang makitang palabas na ang mga gago.

Nagsibalikan ang mga tukmol sa loob at nagkaniya-kaniya ng pwesto. Bago pumasok sa loob sina Dianne, Hale, Sofia, Jenny, Elise, at Klea.

"Kamusta Jos? Masakit ba?" tanong ni Jenny habang sinusuri ang tagiliran ko.

Hindi pa ata siya nakuntento at talagang itinaas pa ang suot kong hospital gown. Ngumiwi ako dahil nasagi niya ang sugat ko.

"Pvta..."

"Ay sorry!" alarma niyang sigaw dahilan para magtawanan ang mga siraulo.

"Bakit ba kasi kayo nandito?" nakapikit kong tanong, naiirita.

"Ayaw mo nun? Sama-sama tayong mag-e-emote," saad ni Elise na katabi ni Zenon sa upuan.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Kasi suspended tayo ng isang linggo," tugon niya. Magkakrus ang braso sa dibdib habang nakasimangot.

"Bakit?"

"Kasi wala tayong proweba na hindi tayo ang kumuha no'n. Na hindi si Eyan," sagot niya ulit.

Ilang sandaling naging tahimik ang buong kwarto. Wala ni isa sa amin ang nagsalita.
Tanging tunog lang ng pagnguya ni Dino ang naging maingay.

"Kailangan nating mapatunayan na wala tayong kasalanan,"

(End Of Kaguluhan 41)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top