*Kaguluhan 40*

Nena Zios

Ilang minuto nang walang nagsasalita sa amin pagkalabas ng principal. Parang biglang may dumaan na anghel sa pagitan naming lahat.

Nabibingi na ako sa katahimikan. Gustong-gusto ko ng magsalita pero wala akong mahanap na pwedeng masabi.

Ampucha naman oh!

"Ahh..." si Sir 'yon.

"Napaka-intense amp," pinapayan ni Klea ang sarili niya. Pati ako ay pinagpawisan rin kanina.

Tsaka...haler! Pinaghirapan namin ang pagrereview sa science tapos pagbibintangan lang kami na nandaya?

Aba.

Napaka-unfair!

Nagsunog pa nga ako ng kilay para lang masaulo lahat ng mga terms tapos... tapos..tangina!

Napailing ako ng ilang beses bago tumayo at pumunta sa unahan para kuhanin ang bag na hinalungkat ng principal.

Pero kanina habang isa-isang tinitingnan ni Ma'am principal ang bag namin, mayroon siyang  nakitang isang papel na naglalaman ng kaunting bahagi ng answer key sa subject na science at nakita 'yon sa bag ni... Eyan.

"Bakit mo 'yon ginawa Eyan?" tanong ni Sir matapos maka-get over sa nangyare.

Nanlaki ang mata ni Eyan at saka mabilis na umiling.

Ramdam kong gustong niyang ipagtanggol ang sarili pero mukhang hindi pa siya makaget-over sa nangyare.

Halata rin ang pagtataka sa mukha niya, nagtataka siguro siya kung bakit nandoon ang lecheng kakarampot na answer na key na 'yon.

At,

Alam ko rin sa sarili kong hindi niya ginawa 'yon dahil binase ko 'yun sa mga reaksyon niya kanina at ngayon.

"Hindi... ko alam," nanglalambot niyang sambit.

Naawa ako kay Eyan dahil sa parusa na matatanggap niya kahit na hindi pa naman talaga napapatunayan ang mga bintang sa kaniya, sa amin.

Kasali din kami sa mapaparusahan dahil ayon sa mahal naming principal, magkakasabwat daw kaming lahat.

Putangina?

"Eh paano napasayo ang papel na 'yon?" tanong ulit ni Sir.

Umiling si Eyan habang sapo-sapo ang mukha. Malapit na atang umiyak ang gaga.

"Hindi ko alam. Tangina, baka naglakad at pumunta sa loob ng bag ko?" sarkastiko niyang sabi kasabay ng pag-alis ng mga kamay niya.

Hindi pinansin ni Sir ang pagmumura ni Eyan.

"Kailangan nating puntahan ang principal pagkatapos ng exam na 'to. Kailangan mong magpaliwanag kung bakit nandiyan 'yan sa loob ng bag mo," saad ni Sir at halatang-halata ang stress sa boses niya.

Nakakaawa rin talaga si Sir eh, lagi na lang namin siyang binibigyan ng mga ganitong eksena. Buti na nga lang hindi siya nagsasawa sa amin.

Buset naman kasi 'tong principal, napaka-epal.

"For now, you have five minutes more to review for the next subject,"

---

"Tangina, sinong tanga ang umutot?" sigaw ni Kian habang puno ng pagkain ang bibig.

Nagkaniya-kaniya kami ng takip sa ilong dahil sa mabahong amoy.

Sino kayang bwesit na umutot?

"Ang baho, pucha!" reklamo ni Paul na mukhang kaka-gising lang.

Ngumiwi ako habang takip-takip ang ilong. Nanunuot talaga ang amoy, amputa.

Ano kayang kinain ng hinayupak na 'to?

"Pvta naman oh!" singhal ni Zenon at mukhang hindi na kinaya ang amoy kasi naglakad na siya palabas ng room.

Sumunod naman sa kaniya sina Josrael at Sean.

Tumawa bigla si Dino habang nakataas ang dalawang kamay.

"Pasensiya na, mukhang may mali akong nakain kanina, hehe—aray!" bigla siyang binatukan ni Sofia na siyang katabi niya.

"Kaya pala, sobrang baho dito," singhal nito sa kaniya dahilan para magtawanan kaming lahat.

"OA mo naman, buti sana kung maganda ka eh," pagbwelta ni Dino habang naka-ingos.

Ang hilig-hilig talaga nilang mang-asar eh sila din naman ang masasaktan kapag sinapak sila. Tulad niyang si Dino, nakangiwi na dahil sa nabatukan siya ng malakas ni Sofia.

"Aish.." na-iiyak niyang maktol saka lumayo.

"Tara na..." tiningnan ko si Jenny na nag-aayos na ng mga gamit niya.

Kakatapos lang namin sa exam at nakapaglinis na rin kami ng mga area namin.

Hindi ko alam kung hihintayin ko pa ba si Eyan o uuna na ako. Hindi naman kasi kami magka-barangay eh, kaya uuna na lang pala ako. Hahahaha.

"Saglit,teka... wait lang." saka ako tumayo at inayos ang mga gamit.

Tulad ng sinabi ni Sir kanina, pumunta sila sa office ng principal para ipaliwanag ang side ni Eyan/naming mga section Z.

Saka kung totoo mang nagdaya kami, bakit wala akong alam?

Wait a minute kapeng mainit...

Hindi naman siguro sila nagdamot sa akin 'no?

Umiling-iling ako.

Hindi. Hindi kami nagdaya. Hindi kami ganun. Peksman. Mamatay man ang principal.

Pagkalabas namin sa classroom, saktong kakaakyat lang nina Eyan at Sir. Hindi ko nga lang maintindihan ang ekspresyon ni Eyan, malungkot na dissapointed at tge same time ay naiinis.

Gago, anong mukha 'yan? Natawa ako sa itsura niya. Ang panget na nga niya mas pumanget pa lalo.

Hahaha. Tangina! Ako lang maganda dito eh, pero pasalamat na lang talaga ako dahil hindi sila mga ingetera dahil kung oo, baka matagal na akong nasa ilalim ng lupa, nakalibing. Wews.

"Mukha kang tanga, Nena," puna ni Eyan nang makasalubong ako.

Nawala ang ngisi sa labi saka kumunot ang noo.

"Magandang tanga dapat Eyan," pagtatama ko sa kaniya sabay kindat. Ngumiwi sa akin si Eyan saka napailing.

"Tanga nga," magsasalita pa sana ako pero tuluyan na siyang pumasok sa loob ng classroom.

Tsk. Naglakad na lang ako pababa para maabutan sina Jenny na mukhang nakalimutang kasabay ako. Anak ng pvta naman oh!

Ganun ba ako kadaling kalimutan?

"H...hi," napatigil ako sa paghakbang pababa nang may biglang nagsalita sa likod ko.

Juskoo,

Pati ba naman multo dito, nagka-interes na sa akin?!

Susko, wag naman po...

Lintik na kagandahan 'to!

Mariin kong pinikit ang mata ko saka huminga ng malalim. Tama, kailangan kong ikalma ang sarili ko para makapag-isip ako ng maayos.

Sayang ang kagandahan ko kung padalos-dalos ako sa gagawin ko, hindi ba?

Nang maramdam kong kalmado na ako, dahan-dahan akong lumingon sa likod habang paulit-ulit na nags-sign of the cross sa isip.

"Hi," nakangiti nitong sabi nang magtagpo ang tingin namin.

Pero agad akong napatigil habang nakanganga. Napatigil rin ako sa pags-sign of the cross dahil sa nakita.

Anak ng putsss!

Ampogi naman na multo 'to.

"H..hehehe hello," pinakyut ko ang boses ko saka inalis ang ilang hibla ng buhok na nakatakas sa pagpuyod ko.

Para akong nasilaw nang ngumiti siya. Nakalimutan ko pa atang huminga amputa.

"You're Nena right? I'm Amon from section D," napatingin ako sa nakalahad niyang kamay.

O em ge. Anong gagawin ko? Dapat ba akong makipagkamay sa kaniya?

Natataranta na ako guys... help.

"Nena Zios nga pala from se...section Z," tangina, nautal pa ako.

"Ahm,  gusto ko lang malaman kung nabasa mo ba yung sulat ko?" kumunot ang noo ko sa narinig.

Sulat? Anong sulat?

Anak ng putakte!

"Wala akong natatanggap na sulat," pag-amin ko.

Ang totoo niyan, marami talaga akong natatanggap na sulat galing sa mga gustong manligaw sa akin pero kahit isa wala akong binabasa.

Pero.

Mukhang kailangan kong isa-isahin ang mga 'yon mamaya tutal tapos na naman ang exam eh.  HAHAHAHA.

"Is that so?" nalungkot ang boses niya kaya agad akong nataranta.

Hala! Baka maturn-off siya.

"Hahanapin ko na lang, tas babasahin ko. Hehehe!" agad kong bawi.

Ngumiti siya sa sinabi ko kaya agad akong nakahinga ng maluwag.
Wews.

"Oo nga pala anong apelyido mo?" tanong ko ng maalala.

"Francisco," hmm...

Nena Zios Francisco? Tumango-tango ako, bagay naman hahaha.

"Una na ako," paalam ko dahil iwan na iwan na talaga ng mga kaklase ko.

"Okay. Ingat ka,"

Ikaw rin.

Tangina, may lovelife na ako!!!

(End Of Kaguluhan 40)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top