*Kaguluhan 4*
Jennifer Santos
"Hoy! Mga tanga! Papasok na daw si Sir ngayon, mga bobo" sigaw ni Sean pagkapasok sa loob ng room. Bigla namang nagkagulo sa loob ng classroom.
Nagkaniya-kaniyang kuha ng mga panlinis ang mga tukmol.
"Sigurado ka?! Akala ko ba isang linggong absent si Sir? Ay pucha, scam si Sir!" parang batang maktol ni Iguel habang nagbubunot ng sahig.
"Bilisan na lang natin! Baka hindi tayo ilibre ni Sir kapag hindi makintab ang sahig ng classroom!" pagsingit ni Dianne habang nagwawalis.
Ako naman ay prenteng nakaupo lang habang sinusuklay ang buhok kong hindi ko na nagawang suklayan sa bahay.
"Hoy Jenny! Ano ka feeling prinsesa ng section Z?! Kupal ka... Maglinis ka nga! O ito ikaw mag floorwax!" muntik na akong matamaan ng binatong floorwax ni Eyan pero buti na lang at nakailag ako. Binelatan ko siya at saka siya nginisian.
Tinatamad kasi akong maglinis ngayon, saka idagdag mo pa na meron ako ngayon. Katamad kayang gumalaw! At saka tamad talaga akong maglinis.
"Ay puta!" rinig kong sigaw sa likuran ko. Pagtingin ko sa likod nakita ko si Yuan at ang floorwax na tumama sa likod ng uniform niya.
"Eyan ba't ka kasi nambabato ng floorwax?," pinandilatan ako ng mata ni Eyan sa sinabi ko. Tumawa ako habang masama ang tingin niya sa akin.
Tiningnan ko ulit si Yuan at kasalukuyang nakakunot na ang kaniyang noo habang pilit na tinatanggal ang pulang floorwax.
Habang si Eyan naman ay tumakbo at nagtago sa kumpulan ng ibang tukmol.
"Hoy, Eyan! Nagpapahabaan kami dito e!" reklamo ni Vincent nang makita si Eyan sa likod niya.
"Bwesit ka. Ang liliit naman ng inyong yan," ismir na sagot ni Eyan at napatawa na lang kaming ibang babae sa sinabi ni Eyan. Nagkaniya-kaniyang hawak sa dibdib ang mga tukmol na animo'y nasasaktan.
"So bad, Eyan!! Bad ka!!" parang batang sigaw ni Paul habang nakayakap kay Adam.
"Tsk. Halika ka nga dito Eyan. Sasampulan kita," singit ni Yuan habang nakatayo pa rin sa dati niyang pwesto at patuloy na inaalis ang floorwax sa hinubad niyang polo. Naka tshirt na lang siya ngayon.
Nagsigawan ang mga tukmol sa sinabi niya.
"Ano? Hindi naman ako ang may kasalanan ah! Bakit nakita mo bang ako ang bumato?" pagdedepensa ni Eyan.
"Ikaw yung nagfo-floorwax kanina, diba? E di ikaw nga! Labhan mo 'tong polo ko," angil niya saka ibinato ang polo sa direksyon ni Eyan. Tumama ito sa mukha ni Eyan at nagtawanan ang ibang tukmol pati na rin sina Sofia at ang iba pa.
-
Pagkalipas ng dalawang subject, recess na. Niyaya ako nina Elise sa canteen dahil manglilibre daw si Sofia, ang bangko de oro ng Section Z.
Nilapitan ni Klea si Hale na abala sa pagdutdot sa cellphone nito. Naramdaman ata ni Hale na may lumapit sa kaniya kaya siya napatunghay.
"Tara sa canteen," sambit ni Klea. Nakita kong umiling si Hale saka nagsalita.
"Tinatamad akong maglakad e," reklamo niya saka ibinalik ang tingin sa cellphone.
"Libre daw ni Sofia Villa," narinig kong sabi ni Klea. Nagulat siya nang bigla na lang tumayo si Hale at walang sabi-sabing lumapit sa aming nasa tapat na ng pintuan.
Lumapit na rin sa amin si Klea.
"Akala ko ba tinatamad kang maglakad?" agad niyang tanong kay Hale. Tinaasan siya ng kilay ni Hale saka sumagot.
"Eh anong magagawa ko, libre e," ismir niyang sabi kay Klea.
"Uy libre daw!" napatingin kami sa likod at tumambad sa amin ang mukha ni Kian na kanina pa pala sa likuran namin.
Naghiyawan ang mga tukmol at nauna pa sa aming lumabas. Napa-irap na lang si Sofia dahil mukhang mababawasan siya ngayon ng marami.
Pagdating namin sa canteen, maraming estudyante ang naroon. Sa isang table na nakalaan, pwede lamang ang lima hanggang anim na tao dito. Kaya't naghiwa-hiwalay na lang kaming magkaklase.
Tapos pinagtitinginan pa kami ng ibang section. Lalo na yun seksyong M. Galit na galit, gustong manakit.
"Ano bang problema sa'tin ng section M na yan? Pinapatay na ata tayo sa isip niyan e?" ngiwing bulong sa akin ni Nena.
"Pansin ko din. Baka naman, inggit lang sila sa kagandahan natin?" pabiro kong bulong pabalik sa kaniya.
Kasama ko sa table sina Nena, Hale, Rence, Gavin, Paul at ako. Sa kaliwang bahagi naman namin ay sina Klea, Dianne, Kian, Iguel, Yuan, at Eyan. Nagbabangayan pa hanggang ngayon ang dalawa. Tapos sa kanang bahagi naman namin ay sina Dino, Vincent, Adam, Henry, Elise, at Sean. At ang nahiwalay sa amin ay sina Sofia, Zenon, Chris, Josrael, Vicca, Jia at Leo kumuha pa sila ng extra na upuan para kay Jia.
Si Sofia na ang nag-order ng kakainin namin dahil siya naman daw ang magbabayad. Sinamahan na lang siya nina Leo, Josrael, at Sean para sa pagbitbit ng mga pagkain.
Ilang minuto kaming naghintay, at ilang minuto na rin kaming tinitingnan ng mga estudyante dito. Ngayon lang ata sila nakakita ng buong section na nagre-recess?
"Order niyo po Sir?" nagulat ako nang sumulpot sa kanan ko si Josrael, dala-dala ang anim na burger at anim na sofdrinks.
"Tang ina! Yaman talaga ni Sofia, buti na lang kaklase natin ang babaeng yun," tuwang-tuwa na sabi ni Paul habang ang iba naman ay sinunggaban na agad ang pagkain. Syempre isa na rin ako sa naki-sunggab.
Biglang lumapit sa amin si Sofia kaya nagkaniya-kaniyang puri ang mga tukmol.
"Da best ka talaga Sofia, kung hindi lang kita kaklase, liligawan na kita e!" ngumunguyang sabi ni Gavin kay Sofia na nasa likuran niya.
"Ackkk— puta!" nabulunan si Gavin dahil binatukan siya bigla ni Sofia.
"Bakit ka nambabatok?" namumulang tanong ni Gavin habang binubuksan ang softdrinks niya.
"Bayad sa burger at softdrinks na kinakain mo," mataray na sabi ni Sofia.
"Bakit ako lang?" reklamo ni Gavin.
"Bakit hindi?" pabaling na sagot ni Sofia. Hindi na lang sumagot si Gavin at bumulong-bulong na lang.
"May sinasabi ka?" matapang na sabi ni Sofia at agad namang ngumiti ng pilit si Gavin sa kaniya.
"Ang sabi ko po, ang sarap niyong mambatok, isa pa nga?" hindi ko napigilang hindi mapatawa sa sinabi ni Gavin, kaya hindi ko rin napigilang hindi mailuwa ang softdrinks na iniinom ko.
"Pucha, kadiri ka naman, Jenny e!" napatayo tuloy si Paul dahil tinamaan siya ng ibinuga kong softdrinks.
"Sorry! Tangina kasi si Gavin, hindi ko tuloy napigilang hindi tumawa," agad na sabi ko saka ko inabot ang panyo ko para punasan ang nabasa niyang pants.
"Teka, bibili lang ako ng chichirya sa canteen," paalam ni Hale saka tumayo habang hawak-hawak ang burger niya.
Pero nagulat na lang kami dahil saktong pag-ikot niya, tumama ang burger sa dibdib ng isa sa mga estudyante.
"Oh my god!" tili nito. Bigla tuloy nagsilapitan ang mga kasama niyang kaklase sa pwesto namin.
"Puta Jenny, Section A yan e,"
(End of Kaguluhan 4)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top