*Kaguluhan 38*
Gavin Hennes
Nanatili akong nakatitig sa nagsasalita niyang bibig. Ang pink ng labi niya, parang ang natural lang. Kahit walang nilalagay sa mukha, napaka...
Napakagat-labi ako habang naka-halukipkip.
"Are you listening?!" bigla niyang asik. Nagulat ako at napakurap-kurap. Tumingin ako sa mata niya at saka ngumisi.
"Ha?" maikli kong tugon.
"Ang sabi ko—" agad kong pinutol ang pagsasalita niya.
"Hanger," nanlisik ang mata niya at malakas na hinampas ang braso ko.
"Nakaka-inis. Ang tanga mo!" irita niyang sabi. Nanlaki ang mata ko at saka iminuwestra ang daliri sa mukha niya.
"Patay ka. Nagmumura ka na pala!" pananakot ko. "Isusumbong kita kay Tito,"
"Whatever!" umirap siya sa akin.
Tumawa ako. Magsasalita pa sana ako kaso agad din siyang nagsalita.
"Kulangot sa pader." ismir niyang dugtong saka ulit umirap sa akin. Ilang segundo ako nakakatitig sa kaniya hanggang sa natawa na lang ako.
"Luh? Gaya-gaya," asar ko. Umingos siya habang magka-krus ang braso sa dibdib.
"What?! Epal mo!" irita niyang tugon.
"Ang sabi ko kasi sa'yo sasabay ako sa pag-uwi," dugtong niya.
Kumunot ang noo ko saka namewang sa harap niya. Tumitig lang ako sa bilugan at itim niyang mata.
"Why are you staring like that?" na-iilang niyang usal. Ngumisi ako pero nanatiling tahimik.
"Tsk. Gandang-ganda ka na naman?" sinubukan niyang magbiro pero hindi pa rin noon napagaan ang pakiramdam niya.
Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Maya-maya lang ay tumingin na rin siya sa akin.
"Aalis na ako, sunduin mo ako mamaya kapag uuwi ka na," kukurap-kurap niyang sabi saka tumalikod sa akin.
"Teka!" pigil ko.
"Ano?" tanong niya.
"Bakit susunduin pa kita? Eh pwede namang pumunta ka na lang dito." usal ko. Nag-isip ang babae at saka tumango-tango sa akin.
"Right!" sabi niya. "Sige, ako na lang ang pupunta dito," saka siya matamis na ngumiti sa akin bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo.
Hindi ko mapigilang ngumiti sa mga inasal niya pero agad din akong napangiwi sa sarili nang ma-realize ang ginawa.
Pvta! Ngumiti ako dahil lang sa babaeng 'yun?!
---
"Pahinge!" sigaw ko habang nakiki-agaw ng biniling rebisco ni Vincent. Sa hula ko, itong rebisco ay para kay Tala, pero malas nga lang at nakita namin. HAHAHA.
"Tangina niyo! Ang papatay gutom niyong mga hangal," reklamo niya nang makitang plastic na lang ang hawak-hawak niya.
"Kesa naman kay Tala mo 'yun ibigay, kahit ilang rebisco pa ang bilhin mo para sa kaniya, hindi ka pa rin n'on sasagutin," sabat ni Nena saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha.
Naghiyawan kami dahil sa narinig. Agad na umingos si Vincent at padabog na tumayo.
"Ang epal ni Nena," bulong niya.
Pagkaalis ni Vincent, biglang lumapit si Jenny sa akin. Napatingin ako sa kaniya at saka nagtaas ng kilay.
"Anong kailangan mo?" ka-agad kong tanong.
Ngumiwi siya pero kalaunan ay nagsalita rin.
"Sasabay ako sa pag-uwi sa'yo tutal magka-barangay lang naman tayo," sabi niya.
Pero kasabay ko si Aliciang panget!
Baka mamaya, mag-inarte lang yung babaeng yun tapos sa harap pa ni Jenny na isa pang tanga.
Eh kung silang dalawa na lang kaya ang pagsabayin ko?
"Sanay ka namang mag-isa ah?" nakangiwi kong tanong.
Nalukot ang mukha niya sa sinabi ko.
"Malamang. Araw-araw ba naman kayong may basketball eh," ismir niyang sumbat.
"Oo na. Oo na. Basta walang katangahan ha!" bilin ko. Sinamaan niya ako ng tingin bago sinapak. Napa-aray ako habang hawak-hawak ang parte ng sinapak niya.
"Napaka-brutal. Isusumbong kita kay Pareng Ian eh,"
Mas lalo lang niya akong iningusan.
"Eh di magsumbong ka. Samahan pa kita eh," paghahamon niya.
"Nyenyenye..." ang tanging nasagot ko.
---
Napatigil ako sa pagsusulat nang biglang tapikin ni Sean ang likod ko. Dahil sa ginawa niya, nagkamali ako sa pagsusulat.
"Pucha!" reklamo ko.
"Kanina pa nasa labas ang bebe mo," nang-aasar niyang usal. Kumunot ang noo ko bago sumulyap sa bintana.
Doon ko nakita si Aliciang Panget na nakatayo at kausap si Jenny. Mukhang maaliwalas ang mukha niya habang nagsasalita, nakangiti rin siya habang nakaharap kay Jenny.
Teka...Magka-close sila ni Jenny?!
"Hayaan mo na," kibit balikat kong sabi. Hindi ko alam, nasa tabihan ko pa rin pala si Sean.
"Ka-close pala ni Jenny yung bebe mo?" tanong niya. Nagmukhang chismoso ang gago.
"Malay ko," ismir ko.
Tumawa ang gago bago tinapik ang balikat ko. Muli na naman akong nagkamali sa pagsusulat. Nagkaroon tuloy na mahabang guhit sa sinusulat ko.
"Tangina mo Sean. Kanina ka pa!" asik ko.
Nginisian lang ako ng gago. Walang pakialam sa kasalanang nagawa sa kawawa kong notebook.
"Bebe mo nga, amputa hahaha!"
"Gago kang hayop ka." tanging sagot ko. Hindi ko alam pero hindi ko magawang itanggi ang sinabi niya.
"Hoy! Gavin, tawag ka dito," sigaw ni Chris mula sa pintuan.
Parehas kaming napalingon ni Sean saka nagkatinginan sa isa't isa. Hindi nawala ang ngisi sa mukha niya. Naiirita ako sa pagmumukha ng tukmol na 'to!
Hindi ko pinansin ang pag 'ayiee' niya. Tumayo ako at naglakad palabas kung saan hinihintay ako ni Aliciang Panget.
"Bakit?" bungad ko pagkalapit sa kaniya.
Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Pinasadahan niya rin ang kabuuan ko.
"Tsk,"
"You look handsome today," saka siya tumawa ng mahinhin.
"Ano?"
"I said, you look handsome today," pag-uulit niya.
Hindi mapigilang mapangisi. Napakamot ako sa ulo ko habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha.
"Tuwang-tuwa ka naman," umingos si Jenny saka ako inirapan ng matinde. Nawala tuloy bigla ang ngisi sa labi ko.
Epal.
"Tsk. Ba't ka ba nandito? Alis," angil ko saka siya tinulak palayo sa amin.
Sinamaan niya ako ng tingin bago binatukan. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Alicia dahil sa ginawa ni Jenny.
Napatingin ako sa kaniya. Tumigil siya at patanong na tumingin sa akin.
"Why?"
"Bakit ka nga pala nandito? Mamaya pa ang labas namin eh," usal ko.
Ngumuso siya at itinagilid ang ulo.
"Maaga kaming pinalabas ni Ma'am kasi ang babait daw namin,"
Natawa ako sa sinabi niya pero kalaunan ay napawi rin iyon. Hindi dapat ako ngumiti sa harap niya.
"Mamaya pa kami lalabas dahil mga pasaway kami," taas kilay kong sagot.
Nawala ang mapaglarong ngiti sa kaniyang labi dahil sa narinig.
"Sige, may tatapusin lang ako sa loob," labag sa loob kong paalam.
"Okay. Just don't flirt with your classmate,"
"Ano?" napatigil ako.
"Nothing. Fighting!" ngumiwi ako sa ginawa niya. Ganiyan ang mga ginagawa ng tanga sa amin eh.
"Tsk." saka ko siya tinalikuran. Naglakad na ako papasok sa loob.
---
"So, pano kayo nagkakilala?" sumulyap sa akin si Jenny habang nag-aabang ng taxi. Oo taxi, dahil ayaw ni Aliciang Panget sumakay sa Jeep. Napaka-arte.
"Uhmm.. Pinakilala kami sa isa't isa," maikli niyang sagot.
"Wow. Ang akala ko sa wattpad lang nangyayare ang ganiyang arrange marriage, meron din pala sa reality," manghang sabi ni Jenny.
"Sana i-arrange marriage din kami ni Ian," dugtong niya saka nag-daydream. Amputa.
"Ulol. Baka nga ilayo ka pa ng magulang sa kaniya eh," bwelta ko para magising siya sa katangahan niya.
Nawala ang malawak niyang ngiti, parang papatayin niya ako sa uri ng tingin niya.
"Epal kang tukmol ka!" asik niya. Tumawa ako saka nagbelat sa kaniya.
"Stop teasing her," saway sa akin ni Aliciang Panget. Ngumuso ako sa kaniya saka nagpara ng paparating na taxi.
"Dito ka sa unahan Jenny," sita ko kay Jenny nang akmang papasok sa backseat. Sinamaan niya ako ng tingin bago padabog na pumasok sa katabi ng driver seat.
Habang nasa biyahe, kung anu-anong bilin ang narinig ko sa babae. Pati ang epal naming kasama ay naki-epal din.
"Sus, wala namang ginawa yan kundi ang makipag-daldalan sa mga ibang kalahing tukmol," ismir na pagsabat ni Jenny.
"Epal," bulong ko.
(End Of Kaguluhan 38)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top